Kabanata 35
Kabanata 35
Wala namutawing ingay mula sa akin. The fact that Gio has a girlfriend didn't age well in my head. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon sa narinig kay Adren.
"He used to have your picture on his wallet. Pero no'ng huling kita ko sa kan'ya ay iba na ang wallet n'ya, Gio's really successful now. Baka nga siya pa ang manglibre sa reunion natin." ani Adren at binigyan ako ng isang ngiti.
Nangangatal man ang labi ay sinuklian ko rin 'yon ng isang ngiti. Etienne only took a quick glimpse at me and simpered. Nagawa pa n'yang takpan ang kinukubling ngiti kahit alam n'yang maiirita lang ako.
Nakaalis na si Adren ngunit binabagabag pa rin ako ng sinabi n'ya. At kahit sa pag-uwi ay dala-dala ko ang bawat letrang kan'yang binitawan. I feel hollow and almost weightless when I was preparing my dinner.
I decided to reactivate my account. Matagal na rin akong hindi nagbubukas ng mga social media accounts ko. I even created new ones just in case I'll need it for my work.
Sumandal ako sa countertop at sumubo ng isang kutsara mula sa ginawa kong omelette. I scrolled through my feed to check Gio's account while eating. Kabado pa ako na baka mapindot ko ang pag-react sa mga post n'ya.
Giorgion San Pedro
Giorgion San Pedro, CPA. Grateful for everyone who believed in me!
Napangiti naman ako. Wala na pala siyang masyadong picture maliban sa mga celebrations at tag sa kan'ya. Sa sobrang inactive rin n'ya ay naabutan ko pa itong picture n'ya no'ng nakapasa siya sa CPALE.
Napawi ang ngiti ko nang makita ang pinakabago n'yang post. My heartstrings were immediately cut. Para akong tinanggalan ng karapatan huminga.
Giorgion San Pedro
Finally. Happy 1st Anniversary. Thank you for letting me know that I could love again. That after dusk, there is dawn.
It was a picture of a sunset and a silhouette of a woman looking back at the him or the camera.
That's not me.
It will never be me.
I shed a single tear. Nalaglag pa nga ito sa mismong screen ng aking cellphone.
Wala kaming picture ni Gio sa mga social media accounts namin dahil hindi ko siya pinayagan. Hindi ko siya hinayaan. At kailan man ay walang litratong lumabas na magkasama kami. Dahil doon, malimit kaming may litrato na magkasama.
I checked the comments because a part of me is still indenial. Pakiramdam ko ay baka bumubuo lang ako ng isang ilusyon.
Zafirah Sidney Aracosa
Miss you, Gio! Is that her?
Melanie Bautista
Can't wait to meet her, finally! 'Yong kinababaliwan mo ba 'yan
Prinxien Shemerlyn
Love you! 💕
My eyes immediately casted on an unfamiliar name. Medyo nanginginig pa ang kamay ko nang pindutin ko ang pangalan nito. Her profile picture made her look like a bubbly person, mestiza siya at medyo maliit ang mga mata. She resembles a korean singer but I can't pinpoint who it is.
In a relationship with Giorgion San Pedro
My mouth went agape. Paulit-ulit ko 'yon binasa. Ilang beses pinasadahan ng mata ko ang relationship status na 'yon at hindi ko napigilan ang mga butil ng luha galing sa aking mga mata.
I felt betrayed.
Kahit wala naman akong karapatan masaktan. Hindi ko mapigilan ang humagulgol nang makita 'yon.
Of course, it's been years since I left him without any closure. I ghosted him. I pushed him away with the thought that we might not reconcile anymore.
Dapat ay inaasahan ko na ito. Pero hindi naman ibig sabihin hindi na ako pwedeng masaktan.
Hindi ko siya masisisi kung nakahanap na siya ng iba sa loob ng mga taon na inaayos ko ang sarili ko. I wanted to build myself for myself. No one else. That's the truth. Hindi ko binuo ang sarili ko para kay Gio. I don't want to rely my validation to anyone anymore.
You can't orbit on someone else's universe. You have your own sun and your own moon. You cannot take their sun, the source of their happiness. You cannot take their moon, the source of their light in the vast darkness. You have your own universe. You have your own stars.
You can't take that away from them. If you do that, then what's going to be left for them? Mauubos din sila. Pareho kayong mauubos. Pareho kayong mawawala sa mapa.
I stopped stalking the girl on her profile because I felt guilty, in order to divert my attention I called Etienne.
"Yeah?" Etienne asked, groggily. Halatang puyat na naman ang isang ito.
"T-totoo nga, may girlfriend na si Gio," namamalat kong sabi.
Hindi agad nakasagot si Etienne. Akala ko ay nakikisimpatya siya sa akin. Mariin akong pumikit habang pinapakiramdaman ang pintig ng aking puso.
Etienne laughed.
"Buti nga sa 'yo. Kailan daw kasal?" nangaasar nitong saad.
"Bwisit ka talaga! Kita m-mong umiiyak na ako rito," hagulgol ko. Bakit ba kasi no'ng binigyan ako ng kaibigan, si Etienne ang binigay? Sobrang walang puso!
"Ay hala, 'wag ka na umiyak." Etienne cajoled, sweetly. "Tumigil ba luha mo? Hindi naman 'di ba? Umiyak ka lang, di naman magbabago 'yong katotohanan na may iba na siya. Invited kaya ako sa kasal?"
I cried harder, hindi ko na kinaya pang kainin ang pagkain ko. Pinakinggan lang ako ni Etienne. He didn't drop the call and listened to me until my eyes were already too tired to produce tears.
"Okay ka na? Sa tingin mo, invited ako kung ikakasal sila? I mean, I did play a part for him to meet her. Kung hindi kita tinulungan ay hindi n'ya makikilala 'yong bago n'ya. . ." Etienne mused. Lalong sumama ang loob ko.
"Tang ina mo! Sana buntis na si Lavender at taguan ka ng anak! Bwisit ka talaga kahit kailan!" hiyaw ko sa kan'ya, he only wickedly laughed at me.
I dropped the call and took a quick bath to helped calm myself down. I submerged into the water to drain all of my thoughts. Matapos 'yon ay agad kong tinawagan ang event organizer ng reunion naming ABM-1. Tinanong ko kung anong oras at saan gaganapin ang event.
If he's really happy, then I should at least be happy for him too. 'Yon na lang naman ang kaya kong gawin. Ang maging masaya na ngayon ay nagagawa na n'yang maging masaya na wala ako.
I prepared myself for that dreading day. Sinuot ko ang pinakamagandang damit na mayroon ako. A purple long sleeves v neck mini dress and black stilettos. I decorated myself with some jewelry, maliliit lang naman ang bato. I also curled the ends of hair. I didn't put on heavy make up, just incase I'll cry. Mas madaling punasan kung hindi sobrang kapal.
I drove my way to the event place. Isa itong kilalang eat-all-you-can na restaurant, it was newly established but it became the most visited hangout place in this country. I think Gio sponsored this event because the organizer told me that it's a reunion and also a welcome back party.
Siya lang naman 'yong babalik. Napahawak ako sa kwintas na suot ko. I played with it to ease my raging heart. Kumalma naman ako nang makita ang mga naninilaw na ilaw. The lanterns made the venue more vibrant but also calming. Ipinarada ko ang kotse ko sa parking at ilang beses pang humugot ng hininga bago pumunta sa reception.
I nervously pulled down my dress and fixed myself. May mga napapatingin sa akin na kakilala ko. All of them gaped at me.
"Paulene!" Melay approached me. Agad n'ya akong niyakap at binalik ko naman ito.
"Ang ganda mo!" Melay squealed.
"Ikaw rin!" I nodded my head. May kasama siya na natigalgal nang makita ako.
"Hala! Ang ganda ng kutis mo! Morena ka talaga? Ilang beses na akong nagpapa-tan pero hindi ko makuha ang kutis na gan'yan," aniya. I can only smile at her.
The latest beauty trend nowadays is being a morena. Nakakatawa nga na 'yong pinaka-insecurity ko noon ay hinahangaan na ngayon. They don't know how much hate I got for not reaching their standards before. Kaya naman ngayon ay naiintindihan ko na.
It made me realized that beauty is covered only in a timeframe. That beauty differs in places. That being beautiful isn't the basis of having a beautiful life.
Sinamahan ako ni Melay papunta sa venue. We were laughing about something that happened in grade twelve when I notice someone that made everything stopped even time. Para bang tumigil ang lahat nang makita ko siya.
Gio was wearing a white button down shirt with its collar opened. Naka-slacks siyang itim at ang linis n'yang tingnan kahit magulo ang buhok n'ya. His body and height also improved. Mas tumangkad siya at naging matipuno. He probably had a a work out routine when we drifted from each other.
Napalunok ako. He looked nice. Too nice. He was laughing with Adren while holding a beer on his hand. Napangiti naman ako. He really looked happy. His eyes were gleaming with joy.
In a happenstance, tumama ang tingin n'ya sa akin. My lips gradually formed a quick smile for him. His eyes grew stoic and cold in an instance.
Napawi ang ngiti n'ya at agad n'yang nilagok ang beer na nasa kamay n'ya. Binalik n'ya ang tingin kay Adren at kinausap itong muli. My body stiffened and my whole system froze.
"Paulene, tara kain ka muna!" anyaya ni Melanie at hinila ako papunta sa buffet station. I nodded and tried to drown down what happened earlier.
Habang nasa pila ako ng mga Filipino cuisine ay napangiti ako nang makakita ang shanghai. I took a few rolls and immediately smiled to myself. Hindi ko mapigilan ang maisip na baka magustuhan ito ni Gio.
"Ano ba kasi kinakain no'n. . ." nauurat na banggit ng nasa harapan ko. I took a quick glance at her. Namilog ang mga mata ko.
It was the girl in the picture. Mas maganda siya sa personal. Kinakamot n'ya ang batok n'ya na para bang hindi n'ya alam ang gagawin.
"Uh, hello. . ." I greeted her warmly. Agad n'ya akong nilingon. She bowed apologetically.
"Sorry! Hindi kasi ako makapili ng kakainin ng kasama ko. . ." she bit her lower lip, halatang nahihiya.
"Uh, try mo itong shanghai. Baka magustuhan n'ya." I suggested, knowing that it's Gio who's with her.
Tumango naman siya at nginitian ako. "Thank you! Hindi ko alam kung kumakain siya nito pero susubukan ko."
Naglagay siya ng shanghai sa kan'yang plato. I tried to act calm but I can't help but think how lucky she is to be with Gio. I hope she makes him happy and whole. Something that I didn't do.
Umupo na ako sa isang table at kumain. Kaunti lang ang kinuha ko. I lost my appetite and I'm just here for formalities. Hindi ko sinasadyang tingnan ang lamesa nina Gio. Kasama n'ya si Adren, Zafirah at 'yong babae. The two of them were laughing, nakita ko na tinuturo no'ng babae 'yong shanghai. I can't help but eavesdrop to their conversation since they're not too far from me.
"Baka magustuhan mo?"
"Hindi ako kumakain ng shanghai, Xien." malambing na sabi ni Gio. He usually use that tone to assure me whenever I feel like something bad might happen.
Mahinang tinabi ni Gio 'yong plato na may shanghai papalayo sa kanila. My heart broke when I saw that. It was such a small gesture, but like a small pebble thrown in a river, it created a huge disturbance in my heart.
Hindi ka pwede umiyak ngayon, Paulene. You did this to yourself. I gulped the lump on my throat. Uminom pa ako ng ice tea para lang hindi mahalata ng iba ito.
I watched them the entire night. Ipinakilala ni Gio si Xien kay Mr. Castro na mukhang tuwang-tuwa sa kanilang dalawa. That could have been me. Zafirah and Xien were also talking happily, I wonder if Zafirah would reacted the same way if she knew about me and Gio. I decided to take a quick bathroom break. Hindi ko na kinaya at doon na umiyak nang umiyak.
It was a wrong move. Akala ko ay kaya kong tanggapin na masaya na siya sa iba. Pero iba pala kapag nagmamahal ka, you cannot see them happy with someone else— without experiencing utmost affliction.
Pinupunasan ko ang mga luha ko nang makita ko si Xien na kausap ang mga kaklase kong babae. They were Interrogating her.
"Bale, ikaw pala 'yong kinababaliwan ni Gio? Ang swerte mo!"
"Last year lang naman kami —" Xien was cut off by the squeals of my blockmates.
"Patay na patay 'yon sa 'yo! Grabe ka! Iba naman pala ang ganda mo!"
Samu't saring puri ang binabato sa kan'ya. Namula ang kan'yang pisngi at agad s'yang humagikhik dahil sa panunukso sa kan'ya. She contained her laughter by pressing her cheeks.
She's really cute. Napangiti naman ako. Swerte si Gio sa kan'ya. Pareho silang swerte sa isa't isa.
"Paulene! Kilala mo na si Xien?" tanong ni Bea sa akin. Agad naman akong tumango.
"Nakita ko siya kanina sa pila. . ." I forced a smile.
"Hindi kumakain si Gio ng shanghai," Xien pouted and apologetically looked at me. "Pero salamat kanina! Ako na lang ang kumain, sayang kasi e. Medyo pihikan kasi 'yong si Gio."
Ngumiti lang ako sa kan'ya. Nakinig ako sa mga kwento n'ya tungkol kay Gio. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nang makita ang mga larawan nilang dalawa. My heart shattered but I tried to contain it and suppressed my pain for a while.
All the things that I didn't do when we're together, she did it for him. She really was the better lover.
Kitang-kita ko kung paano n'ya pinagmamalaki si Gio. May larawan siya nito no'ng graduation ni Gio sa law school. May larawan siya nito habang nasa bakasyon sila. At ang tuluyang nagwasak ng puso ko ay may larawan siya kasama si Tita Glory na may malawak na ngiti sa labi nito.
Tang ina. Talaga.
"Paulene, bakit ka umiiyak?" tanong ni Chaile sa akin habang kagat-kagat ko ang hinlalaki ko. I can only smile at her.
"W-wala, nakakainggit lang. W-wala kasi akong jowa." biro ko habang patuloy na tumutulo ang luha.
"Paulene, tawag ka 'yata ni Sir Castro. Halika, samahan kita." Bea calmly pulled me on my sleeves. Napalingon ako sa kan'ya, she knowingly nodded her head.
I can only smiled at Xien who looked shock upon seeing me crying. Agad naman siyang tumango nang magpaalam ako na aalis.
Hinagod ni Bea ang likod ko nang makalayo na kami sa kumpol ng tao.
"Hindi lahat ay manhid, Paulene." Bea said, hinting that she knows. Wala akong masabi kundi humagulgol. Kasalanan ko naman. I deserve this.
Kahit parang pinipiraso ang puso ko sa sakit, okay lang. Kasalanan ko naman e. I was the one who let him go. I was the one who left him without closure. I deserve this pain.
Inaaliw-aliw ko ang sarili bago napagpasyahan na kailangan ko na talagang umuwi. Nagpaalam ako sa mga naging kaibigan ko at kay Sir Castro na agad naman akong naintindihan. I was walking towards the parking when I saw Gio walking towards me.
Natigilan ako dahil hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin o ano ang dapat kong maging reaksyon.
"Gio," I uttered slowly. His steps didn't falter as his eyes reached mine. Hope blooms in my heart when he noticed me. Pero agad din itong napawi.
I can only see indifference. Wala akong maramdaman kundi ang malamig n'yang titig sa akin. His eyes sent wintry response in return. I felt cold as I can feel him getting near my vicinity.
Nilampasan n'ya ako.
He didn't acknowledge my presence.
Tuloy-tuloy lang siya papasok muli sa venue.
Mariin akong napapikit habang dinadama ang bawat hakbang ni Gio papalayo sa akin. I let out a hasty breath. Para akong kakapusin ng hininga sa sobrang bigat ng dibdib ko ngayon.
I went towards my car and cried inside. Hinintay ko pa na kumalma ako dahil ayokong mag-drive habang umiiyak at nanlalabo ang mga mata.
I dialled Etienne's number.
"Kamusta? Namamaga na mata mo?" Etienne yawned. "Bilis naman."
"P-pwede mo ba akong sunduin?" nanginginig kong pakiusap. Etienne took a few seconds before he replied.
"Okay," Etienne softly said. Alam n'ya sigurong seryoso na ako. Binaba ko ang tawag at umiyak nang umiyak sa steering wheel ng kotse ko.
Umangat ang tingin ko at nakitang magkasama si Xien at Gio. Ngayon ay nakakatawa na siyang muli. Nasa balkonahe silang dalawa kaya natatanaw ko. I was trembling when Gio leaned towards Xien and in this angle, it was evident that. . .
He kissed her.
All of the hope that I had for us vanished. Mapait akong napangiti. Binuo ko ang sarili ko para lang wasakin muli ng tadhana at pag-ibig. So much for self love, Paulene. Mag-isa ka na nga lang talaga.
❛ ━━━━━━・❪보라해❫ ・━━━━━━ ❜
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro