Kabanata 31
They Don't Know About Us — One Direction
TW: Cyberbullying. Please don't proceed if you cannot handle hate and mistreatment.
Kabanata 31
I didn't dare to move. Namamaga pa ang mga mata ko nang makita ko ang post n'ya na 'yon. Hindi ako nag-atubiling buksan ito. I even heaved a breath before watching the vlog completely.
Pamilyar sa akin kung nasaan siya. She was in her room, she looked devastated. She didn't changed her clothes, kung paano ko siya naabutan kanina ay gano'n din ang damit n'ya. She didn't even fix her entire look, her eyes were bloodshot and her entire face were crestfallen. Halata na kagagaling n'ya lang sa pag-iyak.
Para akong hinihigupan ng hininga nang unti-unti na siyang nagsalita.
"H-hi, This is Mila. I'll film this raw and unedited. Kamusta kayo? I want to share an experience of m-mine today."
Bahagyang ngumiti si Mila, it was fake and almost forceful. Agad niyang pinalis ang mga luha sa kan'yang mata.
"Halos lahat ng vlogs ko tungkol sa school ay mayroon akong binabanggit na G, which is my crush. Everyone knows our relationship. Alam n'yo naman n-na, G and I are friends. Malapit lang ang building nila sa building namin. We formed quite a bond together already. I was about to confess, tulad ng nabanggit ko sa vlog ko bago ito. . ."
My grip on my phone tightened. Alam ko na maaaring totoo 'yon, Gio is friendly and approachable. Hindi naman n'ya ugaling tumaboy ng isang tao. Pero hindi ko alam kung ano'ng nakita ng mga nanonood ni Mila sa mga huli n'yang vlogs.
"T-Today I learned that my cousin is dating him. Wow. I'm sorry, I just d-didn't expect. . .I w-was vlogging for four years about h-him. Tapos malalaman ko n-na. . .Sila na pala. . ." she sobbed. Tinakpan n'ya pa ang buong mukha n'ya. Ramdam ko ang bigat ng bawat patak ng kan'yang luha.
She felt betrayed. I felt that too.
I bit my lower lip. Ang totoo ay iniwasan ko na siya no'ng senior highschool pa lang, I took my own distance from her when we're graduating from senior high. Alam kong nagka-tampuhan na kami no'n. Nagkaroon na kami ng hidwaan dahil sa paglayo ko. Sino nga naman ang matutuwa kung bigla ka na lang iiwasan ng isang tao? But what can I do?
Doon lang naman ako magaling. I'm only good at trying to run away from the people that haunts me. Camila was that person for me. Kahit ayoko siyang isipin, she's there. Her remnants are everywhere.
"She knows that I like him. . . Alam n'yang gustong ko si G. . . Still, s-she didn't say anything. Pinagmukha n'ya akong tanga. Pinsan ko siya, of all people, dapat mas naiintindihan n'ya ako. Pero h-hindi. . ." hagulgol n'ya.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na sumabay sa agos ng damdamin n'ya. Hindi ko mapigilan na sisihin din ang sarili dahil sa sinapit namin ngayon. I should have been more honest. More raw. More open about it. Pero paano? Kung alam ko naman na iisipin nilang hindi ko deserve si Gio.
Naninikip ang dibdib ko habang pinapakinggan si Mila sa mga hinanakit n'ya. She even opened up about her family issues. Our issues. Napasandal ako sa pader nang wala sa oras.
"Iniisip n'ya pa na mangaagaw ako! As if I'll do that! As if I'm capable of that! H-hindi ko nga alam kung nauna ko bang nagustuhan si G o inagaw n'ya lang sa akin, I don't know! Pero hindi ko siya tinawag na mangaagaw! Unlike her, s-she thinks I'll take everything from her!"
Para akong pinaulanan ng mga punyal. Her words made my heart palpitate in an excruciating way. Sunud-sunod ang bawat bira n'ya ng mga salita na hindi ko kayang lunukin. This was too much. She was clearly talking impulsively, ni hindi na nga n'ya nasunod ang format ng vlog n'ya. Pero wala akong magawa. This was pre-recorded, I couldn't stop her.
"G-grabe, all I ever did was cherish her and root for her. Pero iba pala ako sa paningin n'ya. Gano'n ba talaga ang nagagawa ng inggit? Sa sarili mong kaibigan? Sa sariling mong kadugo? I'm her cousin! Pinsan n'ya ako!" she hurled on the screen.
Ipinikit ko ang mga mata ko. I can't help but think that her pain is valid but it doesn't mean my pain is less than hers. Pareho kaming nasasaktan dito. Sana kaming dalawa na lang ang nag-usap. Hindi naman alam ng iba ang konteksto kung ano ang pinagmulan nito.
Ang mga mata ko ay napako sa mga comments. Na sana ay hindi ko na lamang ginawa. If only I could rewind the moment to stop myself from my own destruction.
MilaIsTheBest: sinong pinsan? Wala namang pinsan si Mila na maganda?
TrueBeautti: Okay lang 'yan, daig talaga ng malandi ang maganda Mila. 😆
Carmiluh: FOUND HER!!!! 😫😫😫 ANG PANGET NYA OMG HAHAHAHAHA THE AUDACITY OF THAT BITCH
MilaIsTheBest: @Carmiluh drop name beshy.
Carmiluh: Pauletta Jayne Angeles. Search n'yo. Kadiri. Mukhang kulang sa pansin. Mila pa rin talaga mas angat. 🤢🤢🤢
Nagtahip-tahip ang puso ko sa aking nabasa. I hurriedly went to my social media profiles but they have already found me. Nanginginig ako nang tumambad sa akin ang mga mensahe mula sa mga tagahanga ni Mila. May mga kaklase rin akong agad akong dinayo at nagtanong. Pero mas dumadagsa ang mga mensahe tungkol kay Mila.
I deactivated my accounts.
Pero sinusundan pa rin ako ng mga komento mula sa ibang tao. All of them were against me. All of them hated me for. . . Being with Gio. That mere fact made me the center of their hatred.
Trends for you
# Mila
# Paulene
# WeLoveYouMila
# PangetmoPaulene
MILA @mila_asawa_ni_milo
Minsan talaga mapapaisip ka na lang bakit pa nag-exist ang isang Pauletta Jayne Angeles? 😂🤣
For Mila @similarity_
@mila_asawa_ni_milo PARA MANGAGAW HAHAHAHA
Mira @milagrow
Sobrang bait ni Mila para lang ma-trato nang gano'n. Worst, pinsan n'ya pa. Mas worst, ang panget pa ng pinalit.
WELOVEYOUMILA
MimaMila @mhiela
Walmart vs Chanel. Bobo mo naman pumili, G.
Mila 💕@camilahomes
QUEEN BEHAVIOR MILA 💕 She didn't hurt Paulene kahit sobrang nasaktan na siya. She handled it with class. We love you, Mila! Mila doesn't deserve any of this! 😔
Camila @mila_everyday
Kung kamukha ko si Pauletta Jayne Angeles, siguro mas pipiliin ko na lang magpakamatay 💀
Habang binabasa ko ang mga komento na 'yon ay unti-unting bumagsak ang mga luhang pinipigilan kong pumatak kanina. I let out a deep breath as I slowly try to rationalized things. Pero hindi ko magawa. Hindi ako kasing tapang ng iba. I'm not meant for this.
My heart was being sliced by a dull knife. Unti-unti. Pinupuro. At hindi ako hinahayaan na masaktan nang isang iglap lang. It was making me feel the weight of their words.
Hindi ba nila naisip na sa likod ng screen nila, totoong tao 'yong sinasabihan nila ng gano'n?
Bakit ang dali lang magbitaw sa kanila ng mga salita na ikasisira ng isang tao?
I remember my adviser in MIL who kept on reminding us that we should think before we click, because behind those screens are real people with real feelings.
Napapikit ako nang mariin. Parang gusto ko na lang din gawin 'yon. Parang wala namang mawawala sa akin kung pagbibigyan ko sila. Baka nga tama sila na hindi ako kailangan ng mundo. Only Mila matters.
Wala naman talaga akong ambag sa mundo. My existence feels like a speck of dust in this vast universe. Hindi naman manghihinayang si Mama sa akin. Papa would finally be relieved that he has no burdens anymore. Philomena has Iscalade. Gio. . .
Mapait akong napangiti habang unti-unting bumuga ng isang malalim na hininga.
Gio can finally be freed from me. Hindi na n'ya kailangan ng relasyon na tinatago siya. He can finally love freely and without restrictions.
He deserves that.
I can't give that kind of love to him.
Tama.
People will be relieved that I'm gone. Ang daming taong mas gugustuhin si Gio at Mila na lang.
I called Gio. Nanginginig pa ako habang hinihintay na sagutin n'ya ang tawag. Hindi pa lumipas ang ilang segundo nang sagutin n'ya ito.
"Paulene. . ." he answered the call, panting. Para siyang tumatakbo.
"Hello rin. Nasa dorm ako ngayon, Gio." I chuckled, masking what I really feel. "N-nasaan ka?"
"Papunta na rin sa dorm mo. M-may napanood ka ba o nabasa? Paulene?"
"N-nawalan ng WiFi rito sa dorm k-kaya wala akong alam sa ganap e. Ano bang mayroon?"
"Wala, Paulene. Comeback lang ng ano. . ." He trailed off, sounding relieved.
"Hm, gano'n ba? Gusto mo ba magluto ako ng shanghai, Gio?" saad ko habang pinapalis ang mga luha. "Tagal na 'yata kitang hindi napagluto. . ."
"Paulene, okay ka lang ba?"
"Oo naman. Bakit? Miss lang kita. At saka, sorry ha. . ."
"Hm? Bakit? Wala ka namang ginawa masama. . ." malamyos n'yang sabi. I could hear his footfalls gradually stopping.
"Mahal kita, Gio. Sorry kung hindi ko nagagawang ipakita sa tamang paraan. Sorry kung parang parati akong kulang. Sorry dahil alam ko naman na mas nagbibigay ka sa relasyon na ito. Pero malay mo, nasa maling tao ka lang." I laughed bitterly. "Gio. . . Sorry."
"Paulene, b-bakit ba gan'yan 'yong iniisip mo? Mahal kita. Mahal na mahal kita e. Mas nasasaktan ako na kailangan mong humingi ng tawad dahil lang sa mahal kita."
I didn't answer. I prepared the shanghai. Mabagal ang bawat paghanda ko ng rekado. Ni hindi ko nga naramdaman ang talsik ng mantika habang nagpiprito. I was too numb. Hinintay ko na lang s'yang dumating sa dorm at agad na sinalubong ng isang halik. Dampi lang ito pero agad na umiwas si Gio. He looked hurt. He looked like he didn't want that. As if he knows that my kiss isn't for welcoming him.
"Naluto ko na!" I cheerfully yanked him on the table. Pinaupo ko siya at hinanda na ang niluto ko. Gio was silent, he didn't utter any word.
Nilapag ko sa harap n'ya 'yong shanghai. Nginitian naman ako ni Gio, pero hindi ito ang ngiti na ginagawad n'ya sa lahat. It was fake, I know him too well.
Pinanood ko lang siya kumain. Dahan-dahan ito. Para bang nilalasap n'ya ang bawat kagat.
"Bakit ang bagal mo kumain, Gio? Ayaw mo ba 'yong luto ko ngayon?" biro ko.
"Hindi naman. Ayoko lang 'yong mangyayari sakaling maubos ko ito, Paulene. . ." Gio confessed. "Para kasing alam ko na kung ano ang sasabihin mo. . ."
My heart broke for him. He doesn't deserve this. Bakit kailangan n'yang mahirap pagdating sa akin? He could love someone freely but he stays with me.
It makes me feel like I'm needed. All of the thoughts that I had earlier vanished because of him. Of one person. Hindi ko alam kung bakit naisip ko 'yong mga 'yon kanina. I was being consumed by their hatred and I was clouded with the thought that maybe no one really loves me.
"Gio, nakikita mo ba 'yong future natin?"
"Accountancy kinuha ko, Paulene. Pero para sa 'yo, sige susubukan ko na rin maging manghuhula." He laughed, nervously. Inu-unti pa rin ang bawat kagat sa shanghai.
"Seryoso. . . Do you see your future with me?"
"Oo. I'll pass the CPALE. We'll go overseas together if I want to pursue law school. Pwede rin hindi kung gusto mo. Mananatili tayo rito sa Pilipinas. Papakasalan kita. Kung gusto mo magka-anak, gagalingan ko! Pero kung ayaw mo, okay lang din sa akin! Marami naman akong aasahan na inaanak kay Iscalade, Zafirah at Adren." maligayang kwento n'ya sa akin.
I smiled. That's good. As expected of him. Pero iba ang sa akin.
"I can't see my future with you, Gio."
He stiffened. Hindi na n'ya napagpatuloy ang kan'yang kinakain. Agad na umangat ang tingin n'ya sa akin. He look betrayed. I can only smile at him.
That's true. I can't see my future with him.
Because I can't even see any future at all.
Naiiyak ako habang naiisip 'yon. I was crying so hard. My chest felt heavy, it contained all of my insecurities in life.
I don't know if it's because I'm not futuristic or maybe because I'm really just mediocre compare to other people.
Pero wala talaga akong makitang hinaharap. Dumadaloy lang ako sa kung saan ako tangayin ng agos ng buhay. Hindi ako tulad ng iba na para bang alam na alam na nila gagawin nila sa buhay nila. Planado na lang lahat.
I only took marketing because it's aligned with ABM. Pangarap? Wala ako no'n. Ni hindi nga ako lumilipad nang mataas dahil takot akong bumagsak. I'm not as adventurous as Gio. Ni hindi ko nga naisip na balang araw ay magkakaroon ako ng pamilya.
"Gio," I gently moved my way to him and cupped his face. His beautiful face."Mahal kita pero. . .I'm not sure of my future. Our future. Pero mahal kita ngayon. "
"Okay lang din sa akin, Pau. Basta mahal mo ako." Gio smiled at me. His eyes were bloodshot, parang isang sundot na lang ay lalabas na ang mga luha. I kiss his tears away. He kissed my hand. We were kissing. Trying to masked our pain for tonight.
His kisses were like medicine to my wounds. The sharp words that I received earlier slowly healed. I could still feel them but the way Gio gently caressed my skin made me feel safe and secure. No one can hurt me when I'm with him. He's my sanctuary. Agad na napawi ang nararamdaman ko.
Sorry.
Sorry talaga, Gio.
I woke up with him facing me. Tulog pa siya. We never slept together. Magkatabi lang matulog ang pinakanagawa na namin. It is because he can't wait for us to get married. Ayaw n'ya raw talaga. He only wants to make love with his wife.
"Isa sa mga pinanghahawakan ko, Paulene. Hindi man alam ng mga tao na mahal mo ako. Alam naman N'ya na mahal mo ako. At hindi ako makapaghintay na i-harap ka sa Kaniya sa altar. Ipapakilala kita sa Kan'ya sa gano'ng paraan." Gio stated once when we were having a journey with his family.
Pinanghahawakan ko rin 'yon. Na balang araw ay maihaharap ko rin ang sarili ko bilang girlfriend mo, Gio. At kung papalarin nga ay maging asawa mo.
The bashing continued. Everyday I eat threats for breakfast. Hindi rin ako lumalabas dahil kalat pa rin ang issue. Hindi ito natigil hanggang sa naisipan ko na dapat kong kausapin si Mila. If this goes further, I don't think people would even try to stop. Graduating na rin ako. At kung maghahanap man ako ng trabaho, this could probably be a cause for them to reject me. And the effect is taking a toll on me.
I'm glad that no one is attacking Gio that much. Hindi pa rin kasi nila nakukumpirma kung si G at Gio ay iisa. We never had a picture together, maliban sa mga senior highschool na pictures namin na puro naman groufie.
Napabuga ako ng hangin.
Ang hirap gumising araw-araw na may taong humihiling na sana ay mamatay ka na lang. As if that's something you can wish on people.
Paulene Angeles:
Mila,
I'm sorry. Binuksan ko lang ang account na ito para humingi ng sorry sa 'yo. I know you got hurt but please lets fix this. Hindi ko alam kung bakit kailangan humantong sa ganito. I'm really really sorry. I tried contacting you through your email but you're not responding. I even tried to call you, pero hindi mo sinasagot. Nagba-baka sakali lang naman ako.
Mila, miss na kita. We can still fix this. If you really treated me like a sister, I can still be a sister to you. Mahal din naman kita, Mila. I was just consume by my jealousy, I won't deny that. Pero hindi naman ibig sabihin no'n ay hindi na kita minahal.
Mila, please reply to me. Nagmamakaawa na ako dahil hindi ko na rin kinakaya 'yong mga sinasabi ng ibang tao. Kahit dito lang. Kahit ano lang. I'm really sorry.
Umiiyak ako habang nagtitipa. I was hoping in my heart that she would respond and we could reconcile. Alam ko naman na mabait si Mila. She was just moved by her emotions. She didn't mean any of that.
Mila Angeles:
seen
The fire of hope in my heart ignites. Sa tagal na n'yang hindi pagsagot sa akin. Ngayon lang n'ya nakita ang mga mensahe ko. Hinihintay ko lang siyang sumagot pero hindi ko napigilan ang magtipa pang muli.
Paulene Angeles:
Mila, I'm sorry. Lets fix this, please?
I was hoping. Wishing. Praying. And even begging to the stars that it could be granted.
Agad itong naglaho.
Agad akong pinatigil sa sarili kong ilusyon.
You can't reply to this conversation. Learn More
❛ ━━━━━━・❪보라해❫ ・━━━━━━ ❜
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro