Kabanata 28
Kabanata 28
That sentence alone immediately loop me back in a trail of flashbacks that I didn't want to remember anymore. Ayoko na nga balikan e. Pero paulit-ulit lang naman ako nitong binabalik sa nakaraan.
I have memories that I want to bury six feet under, pilit kong pinapatay ito sa aking utak. Yet, it just won't rest in peace.
It's ironic how we can't always remember the simple things such as where we put our room keys, where did we hide our wallets or even where we laid down an object. Yet, memories or events that happened a long time ago remains vivid and the pain that we felt remains pristine as if it just happened yesterday.
Just like this one, wherein Mila shows interest in a boy that I like. I decided not to lingered on what Mila just said. Maraming 'G' sa buong mundo at alam ko naman na sasabihin n'ya sa akin kung sakali na may gusto siyang tao.
"Malapit na ang periodical namin pero hindi pa rin kami nagu-usap ni Gio."
"Ako na ba kakausap?" Etienne rose an eyebrow.
"Busy siya ngayon kaya di rin ako makahanap ng tiyempo para magka-ayos kaming dalawa."
I gasped upon seeing a familiar figure walking with someone else.
Nakasandal ako ngayon sa railings ng pangalawang palapag habang nakatanaw kay Gio na hanggang ngayon ay hindi ako pinapansin. Well, we do actually talk through texts and he remained civil but I know deep down that he's hurt. Kaya ako na mismo ang umiiwas na kausapin siya sa pamamagitan lang ng tawag o text.
I want to talk to him personally but I can't. Sobrang busy n'ya ngayon habang inaasikaso ang campaign nila para sa gaganaping SSG elections. Isa kasi siya sa mga campaign managers kaya naman kahit sa klase ay lumiliban siya para asikasuhin ito. Although, wala naman itong problema dahil nag-co-comply naman siya sa mga gawain.
Hindi nakatakas sa paningin ko ang babae sa tabi n'ya. The girl was taller than me and my mouth formed in an awestruck expression because of how pretty she looks like. She's petite, fair, and her charcoal colored hair makes her look more intimidating. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang labi n'yang natural na mapula. Her hair is a bit wavy.
My lips quivered in dismay. Bakit ba parati na lang napapalibutan ng magaganda si Gio? My self esteem can't help but plummet down.
Nagu-usap silang dalawa habang pinagmamasdan namin sila ni Etienne. I took a quick glimpse at Etienne and he was scowling, almost like he have seen an eyesore. Nagu-usap lang kami kanina pero pareho kaming natigilan nang makita ang dalawang ito.
Tumigil sa paglalakad 'yong dalawa at umiling-iling 'yong babae. Almost like she was referring to her hair that's currently look like it was a nest of birds, ang gulo nito pero maganda pa rin siya.
She was carrying a stack of papers. Hindi n'ya siguro matali ang buhok n'ya.
I saw how Gio sighed and helped the girl fixed her hair by gathering her hair using a scrunchie. Tinulungan ni Gio mag-ponytail 'yong babae at hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.
Bakit kasi sobrang bait ni Gio?
I froze when the girl looked at our way. Abala si Gio sa pag-tali ng buhok n'ya kaya naman hindi nito napansin na umangat ang tingin ng babae sa direksyon namin ni Etienne.
Mukha siyang nagulat pero agad itong napalitan ng ekspresyon na hindi ko inakalang gagawin n'ya. It is as if she recognized us, para bang kilala n'ya kaming dalawa ni Etienne.
A ghost of smile appeared on her lips. Nginitian n'ya kami ni Etienne na para bang nangaasar. Agad akong napakurap dahil doon.
Did she just?
"I wonder if she thinks I'm jealous, should I pretend that I am or should I just kiss you here so she'll regret doing that?" inosenteng tanong ni Etienne. Agad naman na umawang ang labi ko sa sinabi n'ya. He looked at me, genuinely confused.
Ano bang trip nila sa buhay?!
Siniko ko siya agad at binantaan.
"Subukan mo talaga! Ilalaglag kita rito!"
Halikan ba naman ako?! Kung hindi lang talaga sa nagkakaintindihan kaming dalawa pagdating sa mga bagay-bagay, matagal ko na 'tong nabugbog sa inis.
"Lavy's treating him really nice," Etienne pursed his lips. "Gusto ko rin 'yon. That's unfair. Lavy is unfair. . ."
Ah, so that girl's name is Lavy.
"Mabait si Gio, okay?"
"Sinasabi mo ba na hindi ako mabait?" Etienne looked at me, even sounding like he was treacherously deserted on his own.
"Hindi sa akin nanggaling 'yan. Ikaw nagsabi n'yan. Wala akong sinasabi."
Sumipol ako at iniwas ang tingin. Tinatago ang tawa mula sa kan'ya. I mean, mabait naman siguro si Etienne kung tulog siya.
"Ang pangit ng ugali mo," he uttered, may bahid ng pagtatampo.
"Nahiya ako sa 'yo, 'no!" I snorted. Umirap lang si Etienne sa akin. Nawala na ang dalawa sa paningin namin. They're probably already on their SSG duties.
I promised myself that I'll fix our relationship that day. Kaya naman hinintay ko talaga si Gio sa labas ng SSG office para kausapin siya. He looked worn out and in lack of sleep when he talked to me.
Napalunok pa ako nang tapunan n'ya ako ng isang tingin. Lumapit siya sa akin at ngumiti.
"Hi, Paulene." He called in a hoarse voice. He smiled too but it looked like it was force.
Tumango naman ako. Pagod nga siya. Pagod lang siya, Paulene. He's not mad at you. Right. Pangungumbinsi ko sa aking sarili.
"Uh, dinalhan kita ng pagkain at saka tubig." Ngumiti ako sa kan'ya. Agad akong yumuko nang may mga lumabas na estudyante mula sa SSG office. Someone stopped from his track when he saw us.
"Sino 'yan, Gio?"
Lumapit sa amin ang isang lalaki. He was tall, fair and had glasses on. Mukha siyang masungit at seryoso dahil sa malalim n'yang mga mata. Clean cut at plantsadong-plansado ang damit.
"Kaklase ko lang, Icarus."
Napalunok ako. Right. Ako rin naman ang nagsabi na kaklase lang n'ya ako sa iba.
I can't help but accept that. Ang kirot sa puso ko ay nagmula rin naman sa aking sariling bibig. I was the one who requested that. I shouldn't be hurt.
Icarus pushed his glasses to the upper part of his nose. Nagtaka ako dahil sa sobrang tangos ng ilong n'ya, buti hindi nahiwa ang sarili niyang kamay.
I know him because he's the batch representative of the HUMSS strand. Gwapo, matalino at responsable. Nagpapa-iyak nga lang daw tuwing debate. Ilang estudyante na ang napa-iyak n'ya dahil lang sa hindi ito makasagot sa kan'ya tuwing may debate. He had the most damning mouth according to his fellow HUMSS students, kahit sila ay iwas kay Icarus kapag debate ang pinagu-usapan.
That's also why the HUMSS strand bagged most trophies from the debate or public speaking competitions. Bukod sa marami talaga ang magagaling sa kanila sa mga salita at pakikipag-talastasan ay nasa kanila rin si Icarus.
I'm sure, no doubt, si Icarus ang mananalo sa eleksyon namin ngayong taon. Unless, corrupt din ang mga nasa senior highschool department.
"Hinahanap ka ni Mila, sabay na raw kayo ng lunch." Icarus stated, calmly. "Babalik din ako mamaya, kakamustahin ko lang mga kagrupo ko sa research."
"Sige lang, 'tol. Susunod na lang ako." sagot ni Gio at agad naman akong napatda sa aking kinatatayuan.
Susunod? Kay Mila?
Icarus glance at me before he ambled away from our direction. My hands were trembling from what I've heard.
Magsasabay silang kumain?
"Sasabay ka kay Mila?" tanong ko sa mahinang boses.
Umiling naman si Gio. "Hindi, Paulene. Hindi ko naman gawain na bigyan ka ng dahilan para mag-selos."
Ang pahayag na 'yon ay nagbigay ng rason upang umiwas ako ng tingin. Alam ko kasi sa sarili ko na hindi ko man sinasadya pero nabibigyan ko siya ng rason para mag-selos kay Etienne. Kahit pa na hanggang kaibigan lang naman talaga kaming dalawa no'n.
"Gio!"
I heard the door being slammed down. Agad kong sinipat kung sino ang lumabas mula roon. Mila, on her natural look, widened her eyes when she saw us both.
"Ah, hello. . ." bati n'ya sa aming dalawa. "Yayayain ko lang sana si Gio na kumain."
I cleared my throat and looked at Gio. Nakatingin din sa akin si Gio na para bang hinihintay n'ya na may sabihin ako. Hinihintay n'ya ang magiging reaksyon ko.
I forced a smile as I looked towards Camila who looked hopeful.
"Okay lang, Mila —"
I was cut off by Gio's disappointed sigh. Nasaktan ako sa lalim ng pinakawalan n'yang buntonghininga. He sounds tired of it already. Para bang urat na urat na siya. Natutop ang aking bibig dahil doon.
"Mila, magre-review kasi kami ni Paulene para sa darating na periodical namin. Okay lang ba kung kami na lang muna ang sabay?" pakiusap ni Gio kay Mila.
Mila shook her head profusely. "Hala, okay lang! Sorry sa abala, akala ko kasi wala kang kasabay. P-pero, ano pwede rin naman ako sumabay. Kung magre-review kayong dalawa. May reviewers ako!"
"Sa accounting kasi kami magre-review, Mila." Gio smiled apologetically.
Mila's shoulders slumped after hearing that. Galing siya sa HUMSS kaya naman wala silang subject na FABM. Hindi siya makaka-relate sa aming dalawa. Pinaubaya n'ya na ang oras para sa aming dalawa ni Gio.
"Thank you," I told Gio after seeing Mila walking away from us.
He repeated his statement before.
"I told you, hindi naman kita bibigyan ng rason para mag-selos."
I lowered my head in guilt. On the other hand, I kept on seeing Etienne as if Gio's not bothered with him. Pero hindi ko rin naman maiwasan dahil sa totoo lang, kay Etienne ako nakahanap ng kaibigan ngayong taon.
Philomena is busy with her life and she has a new set of friends. Hindi naman ako nagta-tampo sa kan'ya at naiintindihan ko na mahirap talagang magtagpo ang oras naming dalawa.
I was just expecting that she'll need me more than I need her. Akala ko noon kapag humantong kami ng senior highschool, mas mahihirapan si Philomena dahil likas siyang mahiyain.
The thing that made me feel more insecure is. . . She adapted well. Kahit na mahiyain siya ay natanggap naman siya agad ng environment n'ya. Samantalang ako ay hanggang ngayon ay nangangapa.
Gio and I decided to review in the main library after having a quick lunch. Nagpaalam siya sa mga kasama n'ya sa SSG na aalis muna siya sandali.
Tumikhim ako nang umusog siya para tabihan ko siya.
"Wala namang magtataka na magkasama tayo, Paulene. May hawak tayong reviewer. Hindi mo naman kailangan mangamba," aniya na para bang nabasa n'ya ang nasa isip ko.
I cleared my throat to hide my doubts. "Hindi naman sa gano'n."
Gio flipped the pages of our reviewer. Hindi na pinansin ang sinabi ko. I missed his noise. His goofy energy. Hindi talaga ako sanay na tahimik siya sa akin o hindi siya umimik masyado.
Sinimulan na n'ya ako turuan ng mga basics para mamaya ay hindi na ako malito. Assets = Liabities + Equity is the basic accounting equation, Gio told me to take down notes. Ginawa ko naman ito.
"Purchase of machine by cash," tanong ni Gio sa akin.
"Debit Machine, Credit Cash." I said as I wrote it down on the yellow pad paper.
"Dahil?"
"Increase in asset 'yong machine tapos decrease in asset naman 'yong cash." I answered.
"Of course. Next, payment of utility bills."
"Debit Utility Expense, Credit Cash."
Gio wrote the rest down for me, para mas makabisado ko ang chart of accounts. Hiniram n'ya 'yong ballpen ko kaya naman naramdaman ko ang palad n'ya. It was warm like him. Hindi talaga bagay sa kan'ya ang maging malamig. Kahit ngayon na tahimik siya ay hindi n'ya pinaparamdam sa akin ang kalamigan.
"What are the phases of accounting?" tanong n'ya sa akin.
"Uh. Recording, classifying, summarizing and interpreting. . ." I gulped, hindi ko na alam ang kasunod.
Gio warmly smiled and continued my sentence. "To evaluate the liquidity, profitability, and solvency of the business organization."
Ngumiti rin ako pabalik. Matapos ang review na iyon. We become okay again. Hindi na n'ya tinanong si Etienne. He even told me to take care of myself before going back to the SSG office.
Iniwasan ko si Etienne habang papalapit ang periodical namin. I focused on reviewing and making it up to Gio. Hindi rin talaga nagtanim ng pagtatampo sa akin si Gio dahil unti-unting bumalik ang sigla n'ya no'ng iniwasan ko si Etienne.
He didn't tell me to avoid Etienne. Ayaw n'ya talaga mag-mukhang possessive. Pero bilang respeto sa kan'ya na mangliligaw ko, I explained to Etienne to tone down his jokes and we should not always see each other since we're just friends.
Pumayag naman si Etienne. He even smiled at me. For some reason, kinabahan ako roon.
Sa araw ng periodical exam, hindi ako gaano nahirapan dahil lahat ng tinuro sa akin ni Gio ay lumabas sa test.
I was sure that the items that we answered were balance. Lumabas pa nga 'yong tinuro ni Gio sa akin no'ng araw na nag-review kami.
Interest received on bank deposit account.
I wrote down my answer. Debit Cash because it's increase in asset. Credit Bank Loan because it increase in liabilities.
Receipt of bank loan principal.
Napangiti naman ako. Debit Cash, credit Bank Loan.
I can't help but thank Gio in my head! Sobrang thankful ako sa kan'ya dahil nasasagutan ko ang mga ito.
I remember Gio saying that the following effects of credit entries are decrease in asset, decrease in expense, increase in liability, increase in equity and increase in income. Natandaan ko 'yon kaya naman alam ko kung alin ang mga ilalagay sa credit side.
"Pst," someone hissed at my direction. I froze because it was a familiar voice. I gradually look at her direction.
"Paulene, pakopya ako." Brittany pleaded. I bit my lower lip.
Napapikit ako. Paano kung ayaw ko? Pero kaibigan ko siya o naging kaibigan ko siya. May pinagsamahan kami. . .
"Dali na, Pau. Kahit 'yong number one to fifty lang." aniya.
"Hanggang one to fifty lang naman 'yong test," I stared at her, almost in disbelief.
Tumawa lang siya nang mahina.
"Edi pakopya ako ng lahat! Sige na, Paulene. Kaibigan mo naman ako e."
I was stupefied. Hindi ko talaga alam kung ano ang dapat kong reaksyon. Umiikot din ang tingin sa amin ni Sir Castro na binabantayan kami na parang agila. Natatakot akong mahuli.
I closed my eyes in frustration.
This will be the last time. Tiisin mo na lang, Paulene.
I slowly moved my paper so Brittany can copy my answers. She happily copied every alphabet and every number in my paper. Nanginginig kong binawi ang papel ko matapos n'yang makopya lahat.
"Thank you, Paulene! Galing mo talaga!"
Brittany laughed.
"Miss Brittany," saway ni Sir Castro at binatuhan siya ng isang masamang tingin.
Tumikom naman agad ang bibig ni Brittany. Pero kitang-kita sa mga mata n'ya ang tuwa.
Para akong nilagyan ng sangkatutak na karayom sa puso.
Pinaghirapan ko 'yon e.
Tapos hihingiin lang n'ya nang gano'n?
Pero ayoko naman na dahil lang doon ay magkakaroon ako ng kaaway. It is just answers, anyway. Hindi ko naman ikauunlad kung magdadamot ako.
I was wrong.
Totally, absolutely, incredibly wrong.
Maraming umiyak nang ilabas ang scores namin sa accounting. Halos kalahati sa top section ng ABM ay bumagsak. Ang ilan ay hindi ko inaasahan dahil matatalino ang mga ito, I could see the devastation in their eyes. May mga tuwang-tuwa naman dahil isa sila sa mga masususwerteng nakakuha ng matataas na marka.
I got 42 over 50. Walang-wala ito sa perfect score ni Gio pero hindi naman kami magtataka roon. He was naturally gifted in accounting.
Pero laking gulat ko nang makita si Brittany na umiiyak din. Ina-alo siya ni Amber, hinihimas ang kan'yang likod habang patuloy ang kan'yang hikbi.
"B-Brit, naka-forty two ako. T-tama ba ang pagkopya mo?" tanong ko sa kan'ya nang lapitan ko siya. Hindi ko kasi alam bakit siya umiiyak. Dapat pareho lang kami ng score.
"Tanga ka ba, Paulene? Two sets 'yong test natin! Set A ka at Set B si Brittany! Hindi mo man lang sinabi!" angil ni Amber sa akin. Patuloy n'yang pinapatahan si Brittany.
"H-hindi ko alam," saad ko. Kinakabahan dahil unti-unti akong tinitingnan ng mga kaklase ko.
"Ano nangyayari?"
"Bakit umiiyak si Brittany?"
"Mali kasi tinuro ni Paulene e," anunsyo ni Amber sa buong klase.
"Ang selfish selfish mo, Paulene." Brittany said in the middle of her crying. "Selfish ka! Sarili mo lang iniisip mo!"
"Hindi, w-wala talaga akong a-alam."
Nangingilid na ang mga luha ko. At parang may bumabara sa aking lalamunan at ayaw akong pagsalitaan.
Hindi ko talaga alam.
"Hindi ka na maganda, gan'yan pa ugali mo. Kaya hanggang ngayon walang nagkakagusto sa 'yo e. Pangit mo na tapos ang pangit pa ng ugali mo. Hindi ka naman kagandahan pero kung umasta ka akala mo kasing-level mo na si Mila? Pinsan ka lang 'te. Hindi mo naman namana 'yong katangian n'ya!" sabat ni Amber na pinagtatanggol ang kaibigan.
I gulped the lump in my throat. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko maipagtanggol ang sarili ko.
That's unfair.
Kaibigan din naman nila ako.
Bakit sila gan'yan magsalita sa akin?
Hindi ko naman alam na ibang sets kaming dalawa.
Bakit naging kasalanan ko 'yon?
Tuluyan nang lumandas ang mga luha na kanina ko pa tinitiis. Hindi na rin napigilan ang mga kaklase namin na mag-kumpol malapit sa amin.
"Sino ba nagsabing walang nagkakagusto kay Paulene?"
❛ ━━━━━━・❪보라해❫ ・━━━━━━ ❜
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro