Kabanata 22
Answer: Love Myself — BTS
Kabanata 22
I was an only child.
That being said, to be compared to someone else who's not even their daughter is diabolical and it almost felt like a crime committed against me.
Mas masakit pala kapag sa ibang tao ka pa ikukumpara ng mga magulang mo. Mas malalim pala ang sugat kapag sa kanila mismo nanggaling na hindi ka naman kawalan. Mas nakakapanghina na mas gugustuhin nilang puriin ang iba kesa sa 'yo.
I was indeed replaceable. Not worth it. Easily trampled on.
"Paulita naman, anak mo pa 'rin 'yon e. Hindi mo man lang naisip 'yong mararamdaman ni Paulene." Papa scolded Mama while we were having our breakfast. Ngayon na lang ulit ito nakasabay sa amin dahil sa parati siyang overtime sa kan'yang trabaho.
Patuloy lang ako sa paglagay ng sinangag sa aking bibig. Hindi ko na nga malasahan ang ulam ko na itlog at tapa dahil sa nararamdaman ko. Mugto ang mga mata at halos kinakapos sa paghinga dahil sa walang sawang paghikbi kagabi.
"Parang 'yon lang? Iiyakan na n'ya? Ni hindi man lang n'ya naisip na si Mila nga estudyante na nga tapos nagtatrabaho pa pero hindi nagrereklamo. Ni isang beses ay hindi ko naman nakitang umiyak 'yon!" ani Mama at nagsalin ng tubig galing sa pitsel. Nilagok n'ya ito para matanggal ang kan'yang init ng ulo.
"Bakit mo naman kasi kailangan ipahiya ang anak mo?"
"E nakakahiya naman kasi talaga? Ni hindi marunong magayos ng sarili! Dalaga na nga siya pero kahit 'yata magsuklay nang maayos ay hindi magawa. Ang gaganda ng mga anak ng mga kaibigan ko tapos ihaharap ko lang si Paulene?" sabat ni Mama.
Muntik ko na mabitawan ang tinidor ko. Patuloy lang ako sa pagkuha ng sinangag at tapa pero hindi na kumakalam ang sikmura ko. I don't feel like eating anymore. I lost my appetite.
"Kahit naman mag-ayos ako, hindi pa rin naman ako maganda. . ." bulong ko.
Hindi ko mapigilan na magsalita laban sa kan'ya. Mama furiously shoved the table, making the tablewares moved in a harsh way. I almost yelp but decided to suppress it. Kahit ako ay natigilan dahil sa ginawa n'ya. I trembled in fear because of it.
"Sige! Sumagot ka pa! Bastos kang bata ka! Wala ka na ngang silbi rito sa bahay tapos kung makaasta ka akala mo naman ay ang laki ng ambag mo rito!" she roared, dinuduro n'ya pa ako.
Hindi ko na naman napigilan ang mga luhang unti-unting tumulo dahil sa hapdi ng mga salita n'ya.
Ano bang ginawa ko sa kan'ya?
Why is she so harsh towards me?
Nanatili ang mga mata ko sa kan'ya. I want her to feel remorse for her words even for a bit. Pero nanatili rin na masama ang tingin n'ya sa akin.
"Paulita," umangal si Papa at hinawakan si Mama sa kan'yang mga braso upang pigilan ito na mapagbuhatan ako ng kamay.
Agad na winaksi ni Mama ang hawak ni Papa. Umirap pa siya bago pumunta sa kusina upang magpalamig ng ulo.
"Paulene, umakyat ka na muna." ani Papa at nagpakawala ng isang malalim na hininga.
I didn't hesitate to follow his order. Mabigat ang bawat yapak ko patungo sa aking kwarto. Hindi ko mapigilan ang umiyak na naman. Paulit-ulit na lang kasi, hindi ko naman alam kung ano ang ginawa ko.
Is it really because I'm ugly? Kasalanan ko ba na hindi ko namana ang pagiging maganda n'ya? I may not be a bread winner for now, pero ginagawa ko naman ang makakaya ko upang di maging pabigat sa kanila.
I found it hard to breath while hearing my muffled cries. Sobra naman kasi talaga ang mga salita n'ya sa akin. Hindi rin ito ang unang beses na ganito ang naging trato n'ya. Hindi naman ako ampon o ano.
I never thought that the days would swiftly move along with the wind. It was fast paced that I finished grade eleven with honors in a just a few blinks.
Napilitan si Mama na pumunta sa recognition ko dahil halos sabay lang naman ang sa amin ni Mila. Ang pangit nga naman tingnan kung sisiputin n'ya sa recognition si Mila at hindi n'ya ako pupuntahan.
"Congrats, Pau." bati ni Mila sa akin at binigyan ako ng isang tipid na ngiti. I smiled back.
"Congrats din sa 'yo," I replied as I watch her sauntered her way to the venue of their recognition.
Habang lumalayo siya ay hindi ko mapigilan isipin na kahit ang likod n'ya ay halos perpekto ang kurba. My lips twitched at that thought.
She's pretty, probably one of the prettiest girls in our batch. Ilang tao ang nagpa-picture kay Mila dahil nga sikat siya. She entertained them as I watched from afar.
It's unfair. Tang ina, ang daya talaga.
A girl with a pretty face doesn't have to do anything to gain the respect of others. Hindi n'ya kailangan maging mabait, hindi n'ya kailangan maging matalino, hindi n'ya kailangan ng kahit anong talento. Her beauty is already enough for her to be validated in the society.
Samantalang ako ay kailangan kong maging mabait o maging matalino para lang bigyan ng pansin ng tao. Kailangan ko ng talento para maging kakaiba. Kung wala ako ng mga ito, I could never be noticed. . .
I sighed.
I wished I could have her beauty even for a day. Gusto kong maranasan na hindi inaanod sa alon ng mga kahinaan ko. Gusto ko rin naman maging maganda. Hindi ko lang alam kung paano.
The thing is, people would often say you're pretty and beautiful just to appease your insecurities. Pero kapag niyaya mo siguro itong makipagpalitan ng mukha, hindi naman sila papayag — kasi hindi naman totoong maganda ka. They just want you to feel better somehow.
Pumunta ako sa photographer upang kuhanin na ang mga na-develop na picture. I went to bonanza area to check the pictures. Hindi pa kasi tapos ang recognition ni Mila kaya hihintayin ko pa sila. I sat on the bench and laid the pictures on the table.
Kahit papaano ay masaya na ako dahil umakyat si Mama ng stage para sa akin. We also had a picture together and that's already a lot for me. Kahit tipid ang ngiti n'ya sa larawan, sobra-sobra na ito para sa akin.
I decided to take a picture of it so I can post it on my private account on Instagram. Hindi ako gumagamit ng Instagram kadalasan dahil lalo lamang akong kinakain ng insecurities.
The girls there are just. . .unreal. Sobrang perpekto na halos ang mga babae roon. They have beautiful faces, beautiful bodies, and even their lifestyle are just too good to be true. Kaya umiiwas talaga ako sa Instagram. I prefer to be in Twitter for anonymity.
I added a caption in my post.
2 likes
angelespau thank you, Mama! 💕
I posted the picture while smiling. I'll be successful someday and I won't have to hide my feed anymore.
Hindi ko napigilan ang sarili ko silipin ang feed ni Mila. Pinindot ko ang profile n'ya at kumakalabog ang puso ko dahil sa nakita ko.
Ang pinakahuling upload n'ya ay kasama n'ya si Mama. It was recently uploaded and coincidentally it was also in our recognition.
25,774 likes
MilaAngeles With Honors! Yay! Thank you for my ever supportive Tita! 💓
Nakita ko na dinadagsa ito ng mga puri. Beauty and brain. Maganda na nga, matalino pa. Sana all. Ikaw na talaga.
What wreck me the most was my own mother's comment.
PaulitaAngels ikw ang pnkamagandang nangyri sa buhay namin! Keep it up, anak!
Wow.
Ang sakit.
Pinahid ko ang mga luhang ayaw magpaawat sa pagtulo. Naguunahan pa silang bumaba sa aking pisngi. I took a deep breath to calm myself. My grip on my phone tightened. I feel like breaking down but I shouldn't feel that way. Wala naman ito e.
I shouldn't feel this way.
This is nothing compare to the pain that other people have to go through in their every day life. May mga may sakit sa hospital, may mga walang pamilya, o mayroon namang halos nagugutom araw-araw at walang makain. My pain is nothing compare to their pain.
I'm also no one. If I'm not here, hindi naman mawawala ang balanse ng mundo at iikot pa rin ito.
I'm just a nobody. I'm not that special.
Tiningnan ko ang feed ni Mama at tulad ni Mila ay may post siya para rito. Isang litrato nila ni Mila habang yakap nila ang isa't isa. I can't help but cry louder. Ang mga pinipigilan na hikbi ay hindi na kaya pang tiisin. My throat felt constricted as I proceeded to cry more. Namumuo ang sakit sa aking dibdib habang binabasa ang caption n'ya.
1,754 likes
PaulitaAngels sbrang proud kame sa 'yo! @MilaAngeles mganda na mtlino pa! slamat sa pagpupursigi m! mahal k namin! swerte kmi sayo!
Pumapatak ang luha ko sa aking palda.
Sana ako rin naman.
Nagkaroon din naman ako ng honors e.
I didn't contact anyone during the day. Kahit si Gio ay hindi ko pinapansin dahil ayoko madamay s'ya. He's the over all top two of the entire ABM strand, he deserves to celebrate without feeling my burden. Alam naman ni Gio kung kailan ako bibigyan ng distansya, isa ito sa mga araw na kailangan ko 'yon.
I want to be alone.
Ilang araw lang ang lumipas bago na naman n'ya ako guluhin. Hindi ko rin kasi siya makausap nitong mga nakaraang araw dahil busy sa bahay. We were planning for Mila's debut. Engrande ito dahil may mga artista siyang bisita at mayroon pa nga 'yatang scripted na prank na gagawin. Tumulong na lamang ako dahil hindi ko naman ito mararanasan.
"Paulene, asikasuhin mo ang invitations ha! 'Wag ka tatanga-tanga! Kapag nagkamali ka, kawawa naman si Mila." Mama hissed aggressively, inaayos ang mga pinamiling bagong damit para sa birthday ni Mila.
Hindi ko ito pinansin at pinagpatuloy ang inaayos na mga invitations para sa debut. I started counting the invitations if everything is complete.
Hindi ko napigilan ang mamangha sa disenyo nito. It was exquisite, halatang ginastusan at pinagplanuhan. Kahit sino 'yata ay iisipin na galing si Mila sa marangyang pamilya dahil sa debut n'ya. When in fact, we're barely average.
I smiled bitterly.
I didn't have my debut.
Pero okay lang naman 'yon. Marami pa namang taon ang dadaan para magkaroon ako ng isang engrandeng birthday rin. Maybe in my 23rd birthday, kapag may trabaho na ako ay ako mismo ang gagawa ng sarili kong debut.
Pero sa ngayon ay kuntento na ako sa pera na binigay sa akin, nakapag-celebrate naman ako kahit papaano at kumain kami sa labas ng mga kaibigan ko. I treated Philomena, Gio and some of my classmates to a restaurant. Gio even insisted that we should celebrate but. . .
I don't want Gio and Mila to meet again.
Selfish, I know.
Pero ayoko na magkita pa sila. I know I sound possessive and maybe a little too obsessed but I can't help it.
Si Gio na lang ang mayroon ako na hindi pa nakukuha ni Mila. I know I sounded so insecure and maybe I am. . .
Sobrang insecure ako kay Mila.
Hindi ko magawang itanggi 'yon.
Gio:
Paupau 😕 Perya tayo?
Paulene:
Ngayon?
Gio:
Sana.
Sunduin kita?
Paulene:
No.
Ako na lang pupunta riyan.
Nagpaalam ako kay Papa na baka gabihin ako. I took a quick shower to freshen up, nagpalit din ako sa mas komportableng damit. A simple statement shirt and white pleated skirt would do. Kinuha ko ang sneakers ko sa shoe rack nang dumaan si Mila sa harap ko.
"Saan ang punta mo?"
"Sa kaibigan ko lang. . ."
"Sa ganitong oras?"
"Oo?"
Lumingon ako kay Mila na kunot ang noo habang tinititigan ako. I tried to divert my attention but her stare is piercing through me.
Hindi ko na ito inalintana pa. Niyaya ko na lamang si Gio na magkita sa isang fast food bago kami dumiretso sa perya. May kabubukas lang kasi ng perya malapit sa amin. Gio's into amusement parks, as I've observed. Madalas siyang yayain sa mga ganito at hindi siya tumatanggi.
"Pau," Gio greeted merrily. Ang mga kamay ay nasa loob ng kan'yang bulsa.
He was sporting a beige shirt and black cargo pants. Mas naging mukha siyang makulit dahil sa pananamit.
"Kumain ka na ba?"
"Oo," I laughed awkwardly. "Kamusta ka?"
Gio filled some details for me. Wala naman din masyadong naging ganap sa kan'ya bukod daw sa sobra n'ya akong na-miss dahil puro accounting books na lang ang kaharap n'ya.
"Baka sumama ako kay Gabrijel sa retreat kaya niyaya kita ngayon. Pero huwag ka magalala! Parati akong tatawag ako sa 'yo. " Napalunok siya. Para siyang kinabahan habang nagpapaalam sa akin.
Natawa naman ako.
"I trust you. At saka, konsensya mo na lang 'yon kung sakaling may gagawin kang mali habang nasa retreat ka."
Ngumiti naman siya sa akin. He blew off some air before laughing.
"Yes, Ma'am!"
Gio was the one who bought us tickets for the rides. I could hear the subtle thrum of carnival music coming through an old speaker. May mga bata rin na bumili-bili ng mga lobo at may mga nagtitinda naman sa gilid ng mga softdrinks at mga panawid gutom na pagkain.
Papalubog pa lang ang araw kaya naman nagikot-ikot kami ni Gio. Kakaunti lang naman ang palaruan dito pero hindi kami nagsawa. Lalo na dahil ang mga may ari ay mababait. Tawang-tawa ako dahil kahit sa laro na lang na is-shoot 'yong bola ay hindi pa rin maka-shoot si Gio.
"Hijo, sige lang. Yayaman 'yata ako sa 'yo." Halakhak ni Manong na nagbabantay sa shooting ring. Wala pa kasing nas-shoot si Gio kaya kanina pa kami rito.
"Tabingi kasi 'yong ring n'yo, Kuya e. Di tuloy ako maka-shoot." reklamo ni Gio at ngumuso pa.
I snickered. Sinisi pa talaga ang ring ah?
Malamig na naman ang simoy ng hangin, ang iilang tikwas ng buhok ko ay napunta sa aking mukha. Agad ko itong hinawi at hinanap si Gio dahil nawala siya sa aking paningin.
I roamed around my sight. Namataan ko siya na nakatitig sa isang ferris wheel na luma na. Isa na nga lang ang kulay nito, tanging isanv mapaklang lila na lang at mabagal na ang pagpapatakbo. I went towards him.
"Pwede ba tayong sumakay?" he asked, like a kid.
"Oo?" I laughed. Hinila ko siya papunta sa pila. It was funny how scared he was whenever he's with me. Tapos kung paano n'ya asarin 'yong mga kaibigan n'ya ay parang wala lang sa kan'ya.
Ilang minuto lang ay pinasakay na kami sa ferris wheel. Hindi naman ito sobrang taas at halos ang makikita mo lang din ang kabuuan ng perya.
Parehong nasa labas ang tingin namin ni Gio. Pinanood namin ang mga taong nasa perya, ang ilan ay nasa color game, may mga nakatambay sa kainan at may mga nasa karaoke rin. It was a sight to see despite it being simple.
"Kahit gabi na at madilim na, hindi nawala ang ganda mo." Gio uttered which made me tilt my head to his direction.
"S-sabi ko sa perya, ang ganda ng perya." Gio chuckled nervously. Napatitig pa siya sa ibang bahagi ng ferris wheel.
Napangiti naman ako.
Gio reminded me of a certain song from my favorite album. Hindi ito 'yong pinakasikat na track at hindi rin ito ang pinakilala.
Pero ito 'yong pinakamahalaga sa akin.
Habang nasa tuktok kami ng ferris wheel. I did what I had to do. I leaned towards him when he was busy looking below.
I kissed him on his cheek.
Namilog ang mga mata n'ya. Agad siyang napalingon sa akin. Namula ang kan'yang mga pisngi at natigalgal siya.
Kumakalabog ang puso ko kaya naman agad akong nag-iwas ng tingin.
Why did you have to do that, Paulene?!
Nakababa na kami ng ferris wheel na tulala kaming pareho. This time, Gio broke the silence by holding me on my arm.
"P-pau, anong requirement para gawin mo ulit yon?" tanong n'ya.
"W-wala! Sayang lang kasi 'yong sakay natin sa ferris wheel kung walang mangyayari na ano! At saka isang beses lang naman tayo sasakay ng ferris wheel!" pagdadahilan ko, almost panicking.
He blinked a few times before chuckling.
"Hala? Unli rides tayo 'te. Sayang naman kung hindi natin sasagarin! Halika, sakay pa tayo!" He held my hand as he slowly dragged me to approach the ferris wheel again.
"Gio!" awat ko habang tumatawa. He looked too serious as he pouted.
"Sayang 'yong unli rides, Paulene!"
"Gagio ka!" I laughed.
I realized that there are moments that life is rough, it just makes you want to give up — but you have to stay. You have stay in this life because after the bitter hardships, the sweetest moments will follow. And you have to be there to experience it.
It isn't always rainbows, that's true. Yet it is also true that it isn't always the storms either. Life isn't the calamity of the storm; it's the prism of colors that happens in the wake of the storm. It's the hope that reminds you that you survived this and you will continue to survive the next storms that will come.
❛ ━━━━━━・❪보라해❫ ・━━━━━━ ❜
01001101 01101001 01110011 01110011 00100000 01101101 01100101 00111111
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro