Kabanata 21
Daunted - Ysabelle Cuevas
Kabanata 21
Natalo kami sa labanan sa Foundation week. Umuwi ang mga dancers na mukhang lugi at halos i-basura ang mga props dahil sa lugmok. Tilian at hiyaw naman ang naririnig namin mula sa mga ibang strands na tinanghal bilang panalo.
I applauded for the winners but felt bad because it could have been us. We were anticipating the trophy and recognition because everyone knew we had the chance to bag it. Ang kaso ay sadyang may nangyari lang sa music namin kaya nabawasan ang over all score.
We could blame someone but for what? Tapos naman na. Hindi kami nanalo. At mukhang kahit papaano naman ay natanggap ito ni Zafirah, Gio at ng iba pang nag-lead para sa Foundation week. Ang ilang linggo matapos no'n ay bumalik din naman kami sa normal namin na gawain. We only stopped our daily routine of classes when Valentine's day happened.
Wala naman sanang kakaiba sa araw na 'yon. Pero dahil kay Gio ay nagkaroon ito ng kahulugan para sa akin. It isn't just a day where hearts, the hues of red and pink are scattered, and different kind of chocolates are abundant.
It was the day where I allowed Gio to court me.
Secretly.
"Hindi ko alam kung bakit?" Gio pouted, ang makapal n'yang kilay ay bumalantok.
"I just don't want others to know. . ." I gulped. Inayos ko pa ang hairclip ko para bumaling ang aking atensyon.
If they'll know that Gio is courting someone like me - he'll be a laughing stock. Baka isipin nila na isa akong charity case na pinatulan ni Gio. Ayoko na maging gano'n ang tingin sa kan'ya. We'll date for now secretly. Hanggang sa alam ko na hindi na n'ya ako ikahihiya.
I want to be better for Gio. I might not be the prettiest but I could try to enhanced my looks. Ayoko na parati na lamang s'yang kukutyain dahil pangit ang nililigawan n'ya. At ayoko rin sana maging awkward sa loob ng classroom kung sakaling hindi talaga kami tugma.
The less people who knows about our relationship, the better.
I promised Gio a date. Halos yakapin n'ya ako sa sobrang tuwa n'ya. At labag man sa kan'yang loob, pumayag siya na patago lang ito. Hindi siya pupwede na kumuha ng mga litrato at makikita ko sa social media. Gusto ko talaga na maging sikreto lang ito sa lahat maliban sa aming dalawa.
"May date ka po?" Philomena asked in her normal soft tone while I was on my classroom. Para bang nakikipagusap ang mga mata n'ya sa likod ng kan'yang salamin.
She was in her usual hairstyle, nakatirintas ito habang pinaglalaruan n'ya dahil siguro'y nahihiya. Mas nahihiya ako dahil nakalimutan ko nga pala na madalas ay kaming dalawa ang magka-date!
I have been neglectful!
Napalunok ako. How could I forget that? Pero sa totoo lang, Philomena has someone with her. Hindi ko inakala na ako pa rin ang inaasahan n'yang ka-date. I thought she was already dating Iscalade! Madalas silang magkasama kaya naman panatag ako na hindi siya parating mag-isa.
Mabait naman si Iscalade. Ilang beses na n'ya kaming nahuhuli ni Gio pero kahit kailan ay wala akong narinig mula sa kan'ya. He never makes it a big deal, at kung inaasar man n'ya si Gio - he never lets me hear it. Para siguro ay hindi ako mailang sa kan'ya.
I awkwardly cackled. "Meron kasi, Philo. . ."
Unti-unting naglaho ang kan'yang ngiti.
Wala akong nagawa kung hindi lalo lamang makaramdam ng guilt. Gusto ko sana na siya na lang ang makasama ngayong ayaw ngunit naalala ko si Gio.
"Pero, pwede ka naman sumama -"
Umiling siya bilang pagputol sa aking sasabihin.
"No, it's okay. I also have a date po. I was about to tell you about it. . ." bawi n'ya.
"Are you sure?" tanong kong muli. "Pwede ka naman sumama. . ."
At sa pangalawang pagkakataon ay muli siyang umiling. Mas marahan at mas nangungumbinsi. Nagawa pa nga n'ya akong ngitian.
"Goodluck on your date!"
She left after that. Hindi ko na rin siya sinundan dahil alam kong itatanggi naman n'ya ito. She has always been too kind for her own good. Kaya nga naging kaibigan ko siya dahil isa siya sa mga nagtitiis sa isang tulad ko.
Sa tingin ko ay baka maglaan na lamang ako ng isang araw para sa aming dalawa para makabawi ako sa kan'ya. I don't want her to feel that I'm not her friend anymore.
Lumapit naman sa akin si Gio nang mapansin na wala na si Philomena. May mga dala siyang chocolate boxes, mga bulaklak at mga regalo.
"Pwede ko ba ito tanggapin?" Gio asked me, his voice almost inaudible. Nakaduro siya sa mga regalo mula sa ibang section at sa ibang strand.
He looked nervous, para pang naiihi sa kaba. Bahagya akong natawa sa itsura n'ya.
Of course.
I don't mind. Not really.
"Oo naman."
I don't want him to change his lifestyle for me. Hindi naman ako sobrang selosa pero madalas lang ako kainin ng insecurities ko. Alam ko naman na hindi maiiwasan na makatanggap siya ng mga ganito dahil sa kilala siya sa buong campus namin.
Even college girls are into him just because he's nice and attractive. Hindi rin naman siya mukhang bubwit para hindi patulan!
I tweeted a line from a song in my playlist to release my frustration.
♡ @rippedseokjins
Have you looked at you?
You're perfect, I'm daunted
Madalas akong matakot na baka isang araw ay magising si Gio na pakiramdam n'ya ay hindi na n'ya ako gusto kung kailan naman hulog na hulog na ako sa kan'ya.
Bumuntonghininga ako.
All I want is constant love, but even the world can't give that - because the world is not even invariable. Wala namang hindi nagbabago. Sometimes things changed for the better or for the worst. Pero magbabago pa rin ito.
"Paano kung balang araw ay magising ka na iba na ang pakiramdam mo sa akin?" I asked Gio while we were waiting for our order.
Nasa isang milktea shop kami ngayon, this shop had Kpop merchandise as part of their marketing. Pwede itong mahiram at hawakan pero hindi 'yata pwedeng bilhin. It made my heart fluttered because Gio thought of this. Maganda nga naman ang ambiance kung napapalibutan ka ng mga bagay na di mo pa kayang bilhin sa ngayon.
I crossed my legs to hide my nervousness. I was wearing a white square neck waist A-line dress with lantern sleeves. Mas casual naman ang suot ni Gio dahil pinatungan n'ya lamang ng isang long sleeves ang puting polo n'ya. He looked at me with curiosity. Hindi makapaniwala sa tanong ko.
"Parang nagbago, gano'n?" ulit ko sa aking tanong, mas binigyan diin ito.
The staff delivered our milktea to us. Wintermelon ang in-order namin pareho. I know why he ordered the same drink, he doesn't drink milktea. Pansin ko na mas mahilig sa tubig si Gio. He doesn't like any flavored drink. Pero sinamahan n'ya ako ngayon sa isang milktea shop.
Hindi ko mapigilan na mapangiti.
I know it is inevitable. Pero gusto kong malaman kung magiging magkaibigan pa rin ba kami kung sakaling magbago nga ang nararamdaman n'ya para sa akin.
"Magbabago naman talaga 'yong nararamdaman ko sa 'yo." Halakhak n'ya at binuksan ang balot ng straw. Tinusok n'ya ang straw sa lid ng kan'yang inumin.
That earned him a frown from me. Well, at least he was honest. Hindi n'ya tinago na baka nga balang araw ay mawalan din siya ng gana sa akin.
Natatakot nga ako na hindi tulad ng mga magagandang babae - hindi siya manghihinayang sa akin. Hindi siya masasabihan na sinayang n'ya ako dahil hindi naman ako maganda.
It was more applicable to me. Sinayang ko siya kung sakaling hindi nga talaga kami magkatuluyan.
"Magbabago kasi talaga, Paulene. Baka lalong lumalim nang lumalim. Mas mamahalin pa kita habang dumadaan ang araw, lumilipas ang oras at gumagapang ang gabi. Magbabago talaga pagmamahal ko sa 'yo kasi mas lalo pa kitang mamahalin."
I glanced at him, matagal ko siyang tinitigan para makakita ng kahit anong pagaalinlangan sa kan'yang mukha. Yet, there was none. It was sheer innocence and purity coming off from his words. Ni hindi man lang siya kumurap nang sabihin n'ya ito.
Nagtatahip ang dibdib ko dahil sa kan'ya. I took a quick breath and laughed awkwardly. Bumaling ako sa mga memo notes na nakadikit sa isang pader ng milktea shop na ito. Napapalibutan ito ng mga papel na iba-iba ang kulay, some were blue, yellow, light green, and orange.
Binasa ko ang iilang nakalagay dito. It was words of appreciation for some people. Nakapukaw lamang ng atensyon ko ang isang purple na sticky note.
보라해
Napangiti naman ako. Agad kong hinila si Gio para puntahan namin ang sticky note na 'yon.
"Gio," I called his attention. Nagawa ko pang ngumuso. Agad naman siyang nagkunot ng noo.
"Bakit?"
"Kita mo ito?" I pointed towards the note. Tumango naman siya sa akin. Ngumiti ako sa kan'ya.
Kinuha ko ang isang sharpie na nakalagay sa isang pen holder. I immediately added a name on the phrase.
I simply added Gio next to the phrase of borahae.
"Kapag nahulaan mo 'yong meaning, sasagutin na kita." I cheekily said. Agad namang mukhang nalugi si Gio.
"H-huh? Ang daya naman no'n! Hindi ako prepared! Ni hindi ko pa nga kabisado mga kanta no'ng mga idol mo," he whined.
I shrugged off. In return, he also wrote a sticky note. Mayabang n'ya ako binalingan at pinakita pa sa akin.
ᜋᜑᜎ᜔ ᜃᜒᜆ, Paulene.
"Alibata?" tanong ko na agad na nagpabusangot sa kan'ya.
What?
"Baybayin, Paulene. Baybayin! Susumbong kita kay Ma'am. Alam mo namang iba ang alibata sa baybayin. Baybayin ang tawag diyan." He corrected.
Agad naman akong tumango. Right. Naaalala ko tuloy na nagpa-test ang teacher namin noon tapos lahat ng choices namin ay nasa baybayin ultimo ang pangalan namin ay dapat baybayin! Even the questions themselves were written in baybayin! Naku, palakol is waving talaga no'ng mga oras na 'yon.
Madali lang naman ang baybayin kung kabisado mo ang alphabet nito. Although, tinuturo naman ito sa isang subject namin ngayong grade eleven - I can't help but think that they're trying their best to preserve our culture which is actually great.
We had fun during the day. Masaya si Gio kasama at hindi ako naging hindi kumportable dahil sa kan'ya. I always thought the first date is supposed to be awkward - but never with him.
Hinatid ako ni Gio sa bahay namin. Agad akong nagpasalamat sa kan'ya at sinabihan siya na sa susunod sana ay hanggang sa isang kanto na lang. Mahirap kapag nakita siya ni Mama at. . . Mila.
I heaved a breath before opening the door. Nakarinig ako ng mga halakhakan mula sa sala kaya naman agad akong umatras. Isasarado ko na sana ang pinto nang mabanggit ang anak ni Mama.
"Naku! Malapit na ang birthday ng anak mo 'di ba? Isang buwan na lang, Paulita!"
"Ha? Oo nga, pero. . . Baka sa susunod na buwan pa kami maghanda." Mama chuckled lowly.
Hindi naman sila maghahanda sa birthday ko. Galing na sa kan'ya mismo na baka bigyan na lang n'ya ako ng pera para sa debut ko. Kaya naman ano pa ang silbi na handaan para sa susunod na buwan?
Agad na nagkasalubong ang mga kilay ko sa narinig ko.
"Ang ganda mo noon, Paulita. Sana napamana mo 'yan sa anak mo. Nasaan na ba siya? Malaki na ba ang anak mo? Gusto ko sanang makita!"
The cheerful voice had a hint of sarcasm and mockery. Agad akong napalunok. Kapag pinakita ako ni Mama sa mga bisita n'ya, baka mapahiya lang siya. Walang namutawing salita mula kay Mama, puno lamang ng agam-agam ang bawat kilos n'ya.
Should I go in now?
Pero baka mapahiya siya. . .
Mama was indeed beautiful when she was young. She was a fair version of me, mas matangkad at balingkinitan lang. I think I only inherited her flaws.
Kumakalabog ang puso ko dahil sa kaba. Hindi ko alam ang gagawin. Kapag nakita ako ng mga bisita ni Mama, malamang ay kukutyain siya ng mga ito.
I heard footsteps coming down. Agad na sinipat ng mga mata ko ang isang bulto ng tao. She was walking down gracefully even if she was in her nightgown.
Pupungas-pungas pa si Mila nang maabutan ang mga bisita ni Mama. She looked shock to see a number of people in our living room. Natigilan siya sa gitna ng kaniyang pagbaba sa hagdanan.
Ako naman ay agad na nagtago sa gilid. I bit my lower lip because she will surely question why I was still not entering the house.
"Ayan na pala ang anak ko!" Mama cheerfully yelled.
Shit! Nakita 'yata ako ni Mama.
Muntik pa ako matalisod dahil naghahanap ako ng tataguan nang mapansin ko na iba ang nilapitan ni Mama.
She was not going to my direction.
I felt numb as I saw her slowly, painfully, wreckingly traipsing to Mila's way. Agad niya itong niyakap kahit na mukhang gulat si Mila.
Sa haplos niyang 'yon ay para bang napaso ako at sa kung paano niya hinawi ang buhok ni Mila. She softly touched her hair, like she was really her child.
Mapakla akong napangiti habang unti-unting lumalabo ang paningin dahil sa mga luhang pilit na lumalabas sa aking mga mata.
She never even touched my hair. . . Not even once.
My heart slowly crumbled down as I find it hard to breath. It shattered and the pieces pierced through my entire being.
Agad na lumipad ang mga kamay ko sa aking bibig. Pinipigilan ang mga hikbi.
It's okay, Paulene. Pagkatapos ng gabing ito ay may bukas pa. Bukas ulit na hindi ka mamahalin ng Mama mo dahil pangit ka. May panibagong bukas na gigising ka na hindi ka mahal ng Mama mo dahil mas maganda sa 'yo si Mila. Bukas na sirang-sira na naman ang sarili mo dahil kahit anong gawin mo, Si Mila pa rin ang pipiliin n'ya.
"Si Pauletta nga pala," Mama uttered, trying to convince everyone. Her eyes glued to Camila. "Anak ko."
"May bisita ka pa 'yata," puna ng isang bisita n'ya. Agad akong natuod sa aking pwesto.
I slowly stood. Napalingon sa akin si Mila at Mama. Mila looked remorseful while Mama had an annoyed expression plastered on her face.
"Katiwala lang namin 'yan, kagagaling lang sa day off." Mama immediately formed an excuse. "Dalian mo na nga, hija! Ipaghanda mo na ng juice ang mga kaibigan ko rito."
Katiwala? Ako?
My tears heartrendingly fell as I gulped down the lump in my throat. Mila looked like she wanted to say something but she kept her mum. Agad siyang umiwas ng tingin. Mama only glared at me, making sure that I got her message.
"S-sige po, Ma'am. . ." I painfully smiled as I went towards the kitchen. Hindi pinapansin ang mga luhang tumutulo.
Sabi ko na nga ba, mas gusto ko na hindi na lang sumaya para hindi masaktan. Dahil sa mundong ito, sa bawat ngiti, may kapalit na dalamhati.
❛ ━━━━━━・❪보라해❫ ・━━━━━━ ❜
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro