Kabanata 20
The Eve — EXO
Kabanata 20
Our classes resumed and I finally admitted to myself that I might have feelings for Gio too. It took a long litany to convince myself that I could like him —that I could return his supposed to be feelings for me. Hindi dahil tanggap ko na maaari talaga akong magustuhan kundi dahil sa hindi siya mahirap magustuhan.
He was too good to be true. He was a genuine person and it was hard not to trust him because he never showed any malice in his gestures or words. Sobrang puro n'ya pa kausap at ang gaan sa pakiramdam kapag siya 'yong kasama.
"Tubig," I handed the water bottle to Gio. Lumingon siya sa akin at agad naman n'ya ako binigyan ng ngiti bago ito kinuha at uminom para maibsan ang uhaw matapos ang practice nila.
It was for the preparation for our Foundation week. Isang linggo lang ang pinalipas upang bigyan kami ng mga araw kung saan pwede namin hiramin ang oras para makapag-practice. We were only given a week so we had to adjust, nagkakaroon kami ng practice matapos ang klase namin at kung minsan ay nagkakaroon pa ng drama dahil sa hindi pagkakaintindihan ng mga kaklase ko.
Ilang segundo lang ang naging pahinga ni Gio at bumalik na ulit siya sa practice place nila. Kami naman na props at babalik na sana sa classroom nang may napuna ang kaklase ko.
"Mas malaki 'yong binigay na practice place para sa mga STEM, ang daya talaga."
Umismid si Mary habang nakatingin sa direksyon ng mga estudyante sa STEM strand na nasa gymnasium ngayon. Humalukipkip naman si Chaile sa naging pahayag nito. Ako naman ay umiling na lamang.
It's not even unfair, matalino lang talaga 'yong mga STEM dahil inunahan nilang hiramin lahat ng mga malalaking lugar para maging practice place. May mga natitira pa namang lugar para mapag-praktisan pero kumpara sa gym, coliseum at iba pang nakuha ng STEM, it was relatively small.
Lalo lamang umalab ang galit ni Mary nang i-sarado ng isang STEM student ang gate ng gymnasium matapos kaming makitang nakatitig sa kanila. Kahit naman ako na naiiintindihan na walang kasalanan ang mga STEM students ay bahagyang nagngitngit dahil dito.
"Ang kapal naman! Akala naman nila kokopyahin natin mga sayaw nila! Mga di naman sabay-sabay!" pasaring ni Mary.
Agad naman namilog ang mga mata ko at pinigilan ang kan'yang paghihimutok dahil baka magkaroon pa ng away. Hindi lamang sections ang pinaguusapan dito kung hindi buong strand. The rivalry between STEM and ABM is already too established, hindi na dapat maging malala pa.
Strand rivalry is very common in senior highschool. Minsan dahil sa iilang estudyante na masyadong tinitingala ang strand nila at nangaalipusta na lamang ng ibang strand, particular the GAS strand and the TVL track. Kamusta pa kaya sa Arts and Design at sa Sports track?
"May tiwala naman tayo kay Gio 'di ba?" panga-alo ko sa kan'ya. "Kayang-kaya nila 'yon, hindi rin naman nagpapatalo sina Zafirah at Gio kaya 'wag ka na masyadong kabahan sa kanila."
I guess, they really wanted to win. Iba nga naman talaga ang pakiramdam kapag nanalo ka laban sa lahat ng strands. It is something to be proud of.
I'm jealous of those who are competitive when it comes to events like this. Alam ko kasi na alam nilang kaya nilang lumaban kaya naman laban na laban sila.
For someone who's not sure where she's good at, this was just a normal event for me. Kung manalo, papalakpak para sa mga maraming naging ambag sa pagka-panalo. Kung matalo, papalakpak pa rin ako para sa mga nanalo. There's really no difference.
Bumalik na kami sa classroom namin para tapusin ang mga props. I even had my earphones with me since it's allowed to use our phones during this week. I shuffled the songs in my playlist.
Nagpatuloy ako sa paggupit ng mga papel para sa background namin. Ilang beses din akong napaso sa glue gun sa pagdikit nito pero hindi naman ito naging malala, pakiramdam ko lang naging makapal ang kalyo ko sa kamay dahil sa ilang beses akong napaso rito.
"Tapos na kayo?" tanong ko nang bumalik kami sa practice place para manood. Binigyan kami ni Zafirah ng break dahil muntik na naman silang mag-away no'ng mga ayaw tumulong.
Tumango si Maye na isa rin sa mga dancers.
"Oo, nagpapahinga lang tapos last practice na bago mag-uwian."
Pinilig ko ang ulo ko sa direksyon ni Gio na may kausap na kaklase namin. Seryoso silang dalawa habang may pinapanood sa cellphone n'ya. Gio would even frown and he looked utterly confused while positioning his hand in a back and forth motion.
"Pina-practice 'yata nila 'yong The Eve?"
Bahagyang namilog ang aking mga mata.
"T-the Eve? EXO?" natigalgal ako.
"Oo, gets na kasi agad ni Gio 'yong sayaw. Nagpapaturo kasi itong si Francis kasi may nililigawan na EXO-L 'yata."
Napalunok naman ako at agad na namula. Lalo na no'ng nakita ko na seryoso si Gio habang tinuturo kay Francis 'yong isang step. Agad akong napailing.
"A-aalis muna ako." paalam ko sa kanila.
"Huh? Sabay-sabay na tayo!"
"Ano, nauuhaw kasi ako. At saka kailangan ko pang i-check kung napatay ba 'yong ilaw sa room." pagdadahilan ko.
Kumunot ang noo ni Maye sa akin. "Sandali lang naman 'to saka magaling kaya sumayaw si Gio. Sa lahat nga raw ng choreo, si Gio 'yong pinapanood talaga kapag nasa practice."
I bit my lower lip. I have no doubts about that! Gio's a natural dancer. Hindi na nga rin ako nagulat nang malaman na mabilis siyang makakuha ng steps. His movements are somewhat smooth but also sharp. Hindi rin biro ang facial expressions n'ya. Hindi ko nga naiisip na iisang tao lang ang Gio na mapaglaro sa Gio na sumasayaw. He's in the same caliber as the main dancers in a Kpop group.
Nang pinatugtog ang The Eve ay agad akong kumaripas ng takbo dahil nahihiya ako. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay pulang-pula na ngayon ang aking pisngi. Ramdam na ramdam ko ang pagiinit nito kaya naman agad ko itong hinawakan at pinisil-pisil.
Tumigil ako sa isang pasilyo na medyo malapit pa rin naman sa practice place nila. I could tell because I can still hear the song from afar.
Nakarinig ako ng mga tili mula sa lugar kung saan sila nagp-practice. At alam ko na agad ang dahilan kung bakit ang lakas-lakas nito. My heart was thumping against my chest.
Paano pa kaya kung napanood ko?!
Agad akong bumalik sa classroom at kunyari'y tiningnan talaga kung napatay ang mga ilaw. Bumalik ako makalipas ang ilang minuto pero pakiramdam ko ay ilang oras ang tinagal ko.
Pagbalik ko ay nagulat ako dahil hindi pa rin humuhupa ang mga kinikilig kong kaklase. They became wilder as a crowd. Napalingon ako sa dako ni Gio at Francis na ngayon ay nagpapahinga na rin.
Mapapansin lang ang busangot sa mukha ni Gio habang binubuksan ang isang bottled water.
"Si Gio! Kinikilig!" hiyaw ng isa kong kaklase.
"A-ano'ng meron?" mahinang tanong ko kay Maye na ngayon ay natatawa rin.
"Kilala mo si Mila? Camila Angeles?" ani Maye na agad na nagpakunot ng noo ko.
Of course, they're not aware that I'm connected to her. Ang layo ng itsura namin. She's pretty while I'm also pretty — pretty average.
"Bakit? Ano'ng meron?"
"Natigilan dahil kay Gio. Nanonood kasi 'yata siya no'ng sayaw tapos biglang nakita siya ni Gio kaya agad din siyang umalis na namumula at halatang may crush kay Gio! Muntik pa ngang mabangga sa poste e." Halakhak ni Maye.
Ilang beses akong kumurap-kurap.
That's impossible.
Titigil si Mila para mapanood ang isang sayaw? Para sa isang lalaki? Para kay Gio?
The proud Mila would never do that — unless, she's also interested. Para akong tinaga sa dibdib.
That's not that. . .
"Gio! Kilala namin 'yon, baka gusto mo ligawan?"
Nagpantig ang mga tenga ko nang makita na nilapitan ni Brittany si Gio. Agad na lumipad ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"Huh? Sino?" pagod na bumaling si Gio kay Brit. Beads of sweat was forming in his forehead but it only made him more attractive. Hindi mukhang dugyot.
"Mila! Camila Angeles." Ngisi ni Brittany.
"Ah? Ano, studies first ako." Gio laughed dryly before throwing the plastic bottle in the recycling bin.
Parang nilagyan ng semento ang aking mga paa. The fact that Mila seems to be interested in Gio made me feel hollow. Para akong binalik sa panahon kung saan lahat ng nagustuhan ko ay si Mila ang gusto.
So, I tried to put some distance between us once again.
Hindi naman siguro magtataka si Gio dahil pareho kaming busy. Pareho kaming walang oras para makipagusap sa isa't-isa. I even deactivated my stan account just so I can't interact with him.
Maybe this was my defense mechanism against pain. I would go back to the time where I feel safer and when I don't have to face a potential conflict.
Hindi baleng hindi masaya basta ba't hindi rin masasaktan.
My whole existence is a mixture of both happiness and sadness. It is dreadfully balance that I don't see myself too happy neither too sad. Sakto lang talaga. At ayoko sanang mabago pa 'yon.
"Alam mo ba kahapon? Balita raw na nagpapapansin si Mila sa mga ABM."
"Ang ganda n'ya talaga? Hindi ako magtataka kung papasok 'yon sa showbiz! Kilalang influencer na nga siya e."
"Panay daw kasi ang tingin sa mga ABM. Alam naman natin kung sino ang tinitingnan n'ya roon. Deserve naman ni Gio ng isang magandang jowa!"
Napuno ng hagikgikan ang buong room, naputol lang ito dahil sa talas ng paggupit ko sa isang japanese paper. The yellow colored japanese paper turned into crimson as blood flow down from my thumb.
"Hoy Paulene! Dumudugo 'yong kamay mo!" sita sa akin ni Mary nang mapansin ang sugatan kong daliri. Agad ko naman itong nilingon.
"S-sorry," I muttered.
"Punta ka muna ng clinic!" Mary advised as she slowly helped me stand. Pinagpag n'ya pa ang palda ko. Sa lapag kasi kami gumagawa ng props dahil nakakangalay sa mga arm chair namin.
I gradually nodded. Tulala pa rin at balisa dahil sa narinig. Bumuntonghininga ako sabay labas upang humingi ng first aid treatment sa clinic. Sa totoo lang, mas masakit ngayon ang puso ko pero wala naman itong lunas.
Wala naman talagang lunas sa inggit.
That's right.
Inggit. Naiinggit ako dahil ganito ang reaksyon nila kay Mila. Samantalang kung ako siguro 'yon, siguro ay magtataka sila o kaya'y iisipin nilang ginayuma ko si Gio. Baka nga tanungin pa nila kung saan ako bumili ng gayuma!
The world is less cruel to those who are beautiful. It might not be the truth but it's evident that people treat you better when you're beautiful. You don't have to be talented or smart to be considered as special — you just have to be beautiful.
My eyes broadened when I saw Gio laughing. Agad naman akong napangiti nang makita siyang muli. Even if I'm avoiding him, I can't deny the fact that he brings hope to me. Nawawala ang pangamba ko sa kan'ya.
Agad itong napawi nang makita ang kausap n'ya.
It was Mila. . .
My heart sank at her sight. Kahit gilid lang ang kita ko sa kan'ya, I can't deny her features. Matangos na ilong kumikintab na buhok, malambing na mga mata at labi na mapula. She has always been too pretty. Kahit sa malayo, lalo na sa malapit. She's talented too, she can dance and sing. At hindi rin naman siya kinulang sa talino, she's even into politics too.
Pakiramdam ko kahit saang anggulo ang tingnan, she's better.
She will always be better.
Nanikip lalo ang aking dibdib habang pilit na kinukubli ang isang ngiti na galing sa mapait na katotohanan.
I can never be like her. In any aspect, she's way better than me.
Mahirap lumaban kapag alam mong sa una pa lang ay talo ka na. You can lay all of your cards, you can give all of your pieces, you can destroy yourself for the sake of winning — but for what? Kung sa simula't sapul ay ni hindi nga n'ya kailangan gumalaw upang siya ang piliin.
Pumihit ako pabalik. Iniwasan ko na lang na dumaan sa pagitan nila.
If they'll end up together, they'll create cute babies. Napangiti ako habang pinapahid ang mga luhang gumugulong sa aking pisngi. That's something positive to think of, mas dadami ang lahi ng magaganda.
I returned to our classroom. Agad namang nagtaka sina Mary at Melay nang makita ako na dumudugo pa rin ang kamay.
"Bakit di ka pumunta ng clinic?"
"S-sarado," sagot ko kahit pakiramdam ko na may bumabara sa aking lalamunan.
Tiniis ko na lamang ang sakit at binalutan ito ng panyo. Sinisilip ako ni Melay at ng iba ko pang kaklase pero nakikiramdam sila sa akin. They know that I'll refuse their help.
"Pau," Gio went towards me with a serious expression. Agad na bumaba ang tingin n'ya sa kamay ko.
"Ayaw mo raw pumunta ng clinic? Bukas naman 'yong clinic."
"Pwede naman 'to sa bahay." tipid na sagot ko.
"Baka magkaroon pa 'yan ng infection kung di mo ipapagamot ngayon." giit n'ya.
He was about to grab my hand when I immediately avoided his touch. Bahagya siyang napabalikwas nang gawin ko 'yon. He was surprised with my sudden movement.
"Sorry."
Lumabas ako ng classroom namin kaso sinundan n'ya ako. Iritado akong naglalakad at lalong binilisan ang mga hakbang ngunit nahahabol n'ya ako dahil mahaba ang mga biyas n'ya.
"Ano ba?!" lingon ko sa kan'ya.
"Bakit ba tayo naga-away? Hindi pa nga tayo? Paano 'to matatawag na lover's quarrel kung di pa tayo lovers?!" sunod-sunond n'yang tanong habang kunot ang noo. Seryoso ang tingin sa akin.
I mentally face palmed.
"Ang gagio mo talaga!"
"Bakit ka ba galit?" mahinahong tanong n'ya.
"Di ko rin alam!"
"Huh?" his eyebrows conjoined in confusion. "May pinag-awayan ba tayo? Ikaw nga 'tong hindi namamansin?"
I heaved a breath.
"Wala lang ito, okay? Just leave me alone. . ."
"Okay, aalis ako." he mumbled, almost inaudible. "Pero gamutin muna natin 'yang kamay mo."
"Pwede ba, okay nga lang ako —"
"Gagamutin lang naman natin 'yong sugat mo—"
"Can you stop it already?" saad ko sa isang ngarag na boses. "Can you stop treating me so special. . ."
When I'm not?
"A-ayokong masanay sa 'yo. Alam mo bakit? Because I'll cling on you and I'll always think your feelings won't change. I like you already, Gio. Kapag lumala pa ito, I don't k-know what to do anymore." nanghihinang saad ko.
People are so good at making you feel that you're special, that you're needed and you mean a lot to them — yet it doesn't mean they won't leave you when they found someone better. You can be special, you can be needed and you can be treated with utmost care but it doesn't that you're not replaceable.
At paano kapag nasanay ka roon? What if you are accustomed to the feeling that they gave you? Sino ang uuwing luhaan? Ikaw.
Because you thought you were special, you thought you were needed, you thought that they will forever treat you the same way.
Until they found someone better.
They will disregard you. They will throw you out like a piece of candy wrapper that they no longer need because the sweetness of the candy is already gone.
Tulala lang si Gio. He can't even utter a single word. Tumingala ako at hiniling na sana ay nababalik na lamang ang kamay ng orasan upang ibalik ang oras.
"Sandali lang," Gio mumbled. He got his phone on his pocket and dialled a number.
"Iscalade, pwede ka ba pumunta sa ABM building? Ha? Hindi! Anong espiya espiya! Hindi 'yan! Puntahan mo lang ako sandali, umaamin kasi 'yong crush ko sa akin. Kailangan ko lang ng witness."
My jaw plunged at his statement because of disbelief. Binaba n'ya ang tawag at tumingin sa akin. He even looked shy as he scratched his nape.
"M-mahirap na kasi baka bawiin mo." kinakabahang saad ni Gio. "Pwede ka rin naman gumawa ng promisory note na ngayon mo binalik 'yong feelings ko para sa 'yo. Para lang walang bawian. . ."
Napapikit na lamang ako at bumuntonghininga sa kawalan.
When will this guy be serious?
❛ ━━━━━━・❪보라해❫ ・━━━━━━ ❜
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro