Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 16

Kabanata 16

Ilang beses ko pang binalikan ang twitter account na 'yon. I refreshed the page just to make sure it wasn't fake. Napakagat pa ako sa ibabang labi ko dahil kinakabahan ako baka isa pala itong troll account.

Sa kalooban ko ay may hula na agad ako. Isa lang naman ang taong nakaalam na may stan account ako at si Gio 'yon. Even my closest friend, Philomena Gracia, doesn't know about it. Ang alam lang n'ya ay kpop fan ako pero wala siyang alam sa mga stan accounts.

I decided to send a direct message to that account, indirectly asking if he was Gio or is this a prank pulled by trolls. Natatakot ako na baka may nakatunton ng account ko kaya pinagtitripan ako.

ILYSM @allforpaulene
Noticed by Pauletta Jayne Angeles 🥺💓

I groaned in frustration. Tinadtad ko ng messages 'yong account para malaman kung sino ba talaga siya.

@allforpaulene: Secret po sana pero first letter ko po ay G tapos ang huling letter ay O. 🥺💕

@rippedseokjins: GIO! Bakit may stan account ka? Tapos ako pa talaga ang napagtripan mo?

@allforpaulene: Akala ko ba kapag mahal mo, ginagawan mo ng stan account?

Natigilan ako, my fingers stopped moving mid air as I kept on reading that reply repeatedly. Pinapakiramdaman ang naghuhumerantadong dibdib.

@allforpaulene: Kaya ginawan kita, Paulene. I stan you. 💓

@allforpaulene: I stan you, Paulene! I stan you.

I thought he was just kidding. Baka magsawa rin siya sa stan account n'ya dahil ano naman ang ganap sa akin 'di ba? I was an average school girl. Ano naman ang magiging content ng kan'yang account kung wala naman ako sa industriya talaga ng kpop o kung ano man. Hindi nga ako artista! Mas mukha pa ngang artista si Gio sa akin!

"Alam mo ba? Kung hindi ko lang naging kaklase si Gio ay baka naging crush ko siya." ani Melay nang magkaroon kami ng PE sa field. We're currently having outdoor activities. Tinitingnan kung ilang bola ang kaya naming i-shoot sa ring.

Napanguso naman ako. Alam ko naman na baka nga isa lang o wala pa ang ma-shoot ko sa ring. Maliit lang ako kumpara sa mga kaklase ko. Pangalawa 'yata ako sa pinakamaliit aa buong klase. It isn't helping that the smallest member of our class is also the youngest.

"Gwapo naman si Gio. . ." I admitted without hesitation.

The first time I saw Gio, I remember trying to vividly remember his features. Siya 'yong tipo ng gwapo na ayaw mong makalimutan 'yong mukha. His eyes were vibrant, the way his lips curved for a smile makes you feel butterflies, his perfect shaped jaw and his high bridge nose is just a bonus if you're going to examine him thoroughly.

"Crush mo?"

"Hindi 'no!" mariin kong tanggi. Melay only laughed.

"Bakit? Gwapo, sabi mo?"

"Blockcest," pagrarason ko.

Pinanood namin ang mga kalalakihan ng aming seksyon na makipaglaro sa ibang seksyon. Sa ibang strand 'yata dahil may nakita akong pamilyar na mukha. It was the boy that's always following Philo like a puppy. Mukhang naman siyang mabait. The one who looked dashing but playful. Gwapo ito dahil napapansin ko na siya rin ang tinitingnan ng mga kaklase ko. He's probably popular.

Kausap n'ya ngayon si Gio at nagtatawanan sila. Both of them looked comfortable with each other. Napansin 'yata ni Gio na nakatingin ako sa dako nila at agad na kumunot ang noo n'ya. Bahagya akong nagulat nang takpan n'ya ang mukha ng kausap n'ya.

"Iscalade, magtago ka muna!" Gio hissed. Pumipiglas naman si Iscalade sa hawak ni Gio sa kan'ya.

"Hoy! Ano ba!" Iscalade whined as he kept on moving around to be released by Gio. Para silang nagyayakapan sa daan.

"Mahirap na! Wala pa siyang crush sa STEM! Magtago ka muna! Hindi pa nga siya tapos sa HUMSS e! Ako muna, pwede? ABM naman?"

I gawked at them in shock. Namula agad ako dahil alam ko naman na ako ang pinariringgan ni Gio. Hindi naman lahat ng strand ay may magiging crush ako 'no! Wala pa nga sa STEM pero wala naman akong balak!

Iscalade pushed him in a joking manner. "Bitaw na! Sino ba kasi 'yan?"

I gulped and decided to hide myself from their sight. Ayoko kasi talaga na nalalaman ng iba 'yong sinasabi ni Gio na crush n'ya ako. It was far fetched and almost impossible to happen for someone like Gio to like me.

I know I'll be judged and condemned immediately. It was the norm anyway. Kapag may pangit na girlfriend o boyfriend ang isang taong nabiyayaan ng magandang mukha — the backhanded compliments and the insults will follow. As if liking someone not because of their physical appearance is a bolt of the blue.

Nataranta ako kaya nagpaalam ako sa PE teacher namin na gusto ko sana pumunta ng comfort room. I want to avoid pulling more attention.

"Bilisan mo lang, malapit na ang sunod n'yong period."

I nodded and replied. "Yes, Sir."

Agad akong nagmadali papunta sa malapit na comfort room. Ilang lakad lang naman ito mula sa mismong field ng school.

Nadaanan ko ang registrar at naalala ko kung paano ko nakilala si Gio. It was a funny memory but it makes me wonder what made him like me. Hindi ako naniniwala na gusto n'ya lang ako. Tatanggalin ko na sa mga posibleng rason ang maganda. So, what made him like me? Kung totoo nga na gusto n'ya ako?

Hindi naman kasi matanggal ang agam-agam sa akin. A part of me will always wonder what makes me different from others? Hindi ko kasi makita. Sa dami ng tao sa mundo, sino ba talaga ang natatangi?

Natigilan ako nang may mapansin akong mga bodyguards na mukhang may hinahanap. Halos halukayin nila ang bawat sulok ng pasilyo dahil sa mga mata nilang mapagmatyag.

I walked faster so I won't be interrogated. Nakarating naman ako sa comfort room at agad din namang natapos ang ginawa ko. Pabalik na sana ako ng field nang may mapansin akong lalaki na may hinahawakang bulaklak sa gilid ng cafeteria. May mga halaman kasi roon.

He wasn't wearing our uniform which was odd. Tahimik lang siya habang hawak ang talulot ng bulaklak. He looked fragile and almost all of his gestures made him looked regal.

"Hindi 'yata pwedeng pumitas d'yan." saway ko sa kan'ya. Ayoko naman na baka habulin pa siya ng hardinero namin sa school.

His fingers stopped pressing the petals of the flower. Agad niya akong sinipat ng isang tingin. I froze when I saw his eyes.

It was in the color of ash. Dark grey. His moon grey eyes made my lips pulled apart from each other. Hindi pa nakatulong na mukha siyang. . .

Wow.

I never knew someone can be both pretty and handsome at the same time. Akala ko noon mga kpop idols lang ang mga gano'n. Never have I thought that this guy exists.

"Pardon?" he smiled at me. Medyo kumalma naman ako at naghanap agad ng maisasagot.

"B-bawal pumitas ng bulaklak diyan."

"There's no signage." He shrugged off, lacking of care.

"Pero bilin kasi sa amin 'yon. Kaya bawal talaga pumitas."

Muli niya akong tiningnan at halos manginig ang binti ko dahil pakiramdam ko may nasabi akong mali. Pero baka dahil lang 'yon sa kan'yang mukha. He looked unreal. Para siyang anime. Masyadong perpekto. Wala akong makitang kahit anong flaw!

"Sorry," tumulis ang nguso n'ya. "I'll remember that, Ate."

His voice sounded cold, almost even wintry. Kaya naman hindi na ako sumagot pa.

Umalis na siya nang matapos sabihin 'yon habang sinusundan ko siya ng tingin. His hands were on his pockets. Nakapamulsa siyang umalis habang tulala naman ako.

He's not from our school, huh? Pero mabuti na rin 'yon. I don't want to distract myself any further.

I thought it was just a coincidence, pero kinabukasan ay may nag-donate ng isang buong hardin sa school namin. It was an anonymous donation but everyone is talking about it since it's out of the blue. Malaki ito at maganda kaya halatang galing sa isang mayaman o sa isang organisasyon.

I knew in my heart that the anonymous person might be that grey eyed guy. Napalunok ako dahil bigla akong kinabahan. Isang buong hardin para lang sa isang bulaklak?!

"Paulene!"

Napalingon ako kay Gio. Agad na nawala ang mga iniisip ko tungkol doon sa lalaking may kulay abo na mga mata. Gio once again helped me from overthinking. Napangiti naman ako sa kan'ya.

"Bakit?"

"Halika," he gently pulled me closer. Inayos n'ya ang buhok ko at seryosong-seryoso siya sa pagkabit ng isang hairclip.

"Teka, ano 'to?"

"Hairclip?" he tilted his head on the side.

"No! Ang ibig ko sabihin ay bakit mo ako binilhan."

"Ah," Gio slowly nodded. "I really like seeing your face without the bangs, Paulene. Hindi dahil sa hindi bagay sa 'yo. It is just you look more like yourself without it."

Natigilan naman ako sa sinabi n'ya. I remember having bangs because Camila used to have bangs. Uso ito noon at halos lahat ng magagandang kilala ko ay mayroon nito. I just thought that maybe having bangs will also make me look good even for a bit. Pero isa itong pagkakamali, hindi pala bagay sa akin.

Pero nasanay na sila sa bangs ko kaya naman nahirapan na akong alisin ito. I feel like my bangs became a part of me somehow.

"Thank you."

"See? I even choose the designs!" maligayang saad n'ya.

Pinakita ni Gio ang mga binili n'yang hairclip para sa akin. All of it are in the shade of purple, some had pearls and cute designs in it. Hindi ko maiwasan ang mapangiti. Gio is always thoughtful and kind. Hindi ko 'yata kakayanin kung masasaktan siya at sana hindi siya makaramdam nang gano'n kahit kailan.

The world is cruel to most but sometimes I wished it would not be for one person. Kahit si Gio na lang sana. He doesn't deserve it.

My heart raced as soon as I realized that I kept on thinking about Gio. Hindi na si Jeremy o kahit sino. Pakiramdam ko ay kaunti na lang ay matatanggap ko na rin ang sinasabi n'ya. Halos kalahati na rin ng taon kaya naman sobrang tagal na 'yata kung pawang biro lang ito sa kan'ya.

"Can I take a picture of you?" tanong n'ya sa akin. Agad akong umiling dahil nahihiya ako.

"Sige na, kahit 'yong hairclip lang na side!" pagmamakaawa n'ya. I bit my lip because of his cuteness.

Fine.

I tried to pose in the most demure position that I know. Isang picture lang naman ang kinuhanan n'ya.

Hindi na ako nagtaka nang makitang ginamit n'ya ito sa stan account n'ya. I even laughed at his contents.

ILYSM @allforpaulene
Paano ba 'to??? Gagayahin ko muna mga finafollow ni Paulene.

ILYSM @allforpaulene
Wow hahaha kamukha ko sila. /hj < ----- (tama ba 'to? Half Joking?)

ILYSM @allforpaulene
Pre-debut pictures? Stream fancams? Photocards? 😭 SANDALI PAANO 'YON.

ILYSM @allforpaulene
Ang dami pala ng idol ni Paulene akala ko pito lang. 🤧

ILYSM @allforpaulene
HOY SINO SI ANO??!!! Ang dami naman nila. TATAMBAY NA BA AKO SA KPOP PROFILE 😭😭😭

I was rolling on my bed as I let out continous laughters. Naluluha pa nga ako dahil mukhang litong-lito talaga siya sa mga kpop idols na ini-stan ko. Natigilan lang ako nang mabasa ang pinned tweet n'ya.

ILYSM @allforpaulene
unpinning this tweet once Pauletta Jayne Angeles becomes my girlfriend. Pray for me. In the right time with the right grace. I believe. 🤲🙏

❛ ━━━━━━・❪보라해❫ ・━━━━━━ ❜

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro