kabanata 14
Kabanata 14
"Maganda ka naman kapag nag-ayos ka, Paulene." puri ni Mila habang sinusuklay ang buhok ko. Halos mabali nga ang suklay dahil sa tigas ng iilang tikas ng aking buhok. "Huwag mo nga hawakan 'yang pimple mo, kakalat 'yan."
May kinuha siya sa kan'yang pouch. Napansin ko kung gaano siya nagbibigay ng puwang sa mga gamit para sa sarili. May mga storage compartment siya na may mga laman ng kung anu-ano. Hindi rin siya madalas nagpapagamit ng gamit n'ya. She scolded me that it was basic human hygiene. Pero para sa iba ay malamang matatawag siyang maarte.
Mila and I weren't always like this. Ang ibig kong sabihin ay hindi naman ganito ang tingin ko sa kan'ya noon. Sure, she was pretty and she's talented plus she's also kind. No'ng bata pa ako ay laking pasasalamat ko na naging pinsan ko siya.
Hindi naman ganito noon. Hindi ako nakakaramdam ng inggit sa kan'ya. I was never colored in green whenever I see her. Pero naglaon ang panahon ay ginising ako sa katotohanan na hindi pwedeng hindi ako makaramdam ng inggit sa kan'ya. Minulat ng lipunan ang aking mga mata - ang tanging pinupuri ay ang mga tulad n'ya samantalang patuloy na binababa ang mga tulad ko.
I never knew I was ugly until the society became my mirror.
It reflected my insecurities. It pointed out my flaws. It opened my eyes that no matter what I do - I was never the better option. I was just there to exist not to stand out.
Wala naman talagang pangit. Pero sa mata ng lipunan? Marami.
I watched her as she peeled some pimple patch and gently lay it over on my face particularly on the pimples that I have. Hindi naman ito marami at nagkaroon lamang ako dahil malapit na ang dalaw ko. Tinitigyawat kasi ako tuwing malapit na ang aking dalaw.
"Wash your face every night. Hindi ka pa rin ba nakakahanap ng skin care na hiyang ka?" tanong n'ya habang hinahawakan ang baba ko. She was examining my face.
Umiling ako.
"Hindi pa."
She sighed and went over to the side table to get her phone. Transparent ang kan'yang phone case pero sa loob nito ay may mga Instax na nakaipit. Her pretty face still outshined the other people on the photo. Partida ay mga artista ang kasama n'ya sa picture na 'yon.
"Bumili ako ng isang skin care pack! Try mo ito kasi baka sa skin type mo kaya may mga di gumagana," aniya sa determinadong boses. I laughed because clearly this was her passion. Mahilig talaga siya mag-ayos ng iba at ng kan'yang sarili.
There's nothing wrong with trying to improve your looks but in my case, I simply gave up. It was ironic, pwedeng-pwede naman ako mag-ayos kung gugustuhin ko pero napagtantuan ko na kahit naman mag-ayos ako - I wasn't pretty enough. It would look like I was trying too hard.
The days went on, our sembreak is almost fast approaching. Kaya kumakayod kami ngayon sa mga requirements bago kami makalasap ng pahinga. I sighed as I massaged my back. Sumasakit na ito dahil sa hindi na ako tumatayo sa aking pwesto. I only have a few hours before the deadline. Kulang pa ako sa ilang subjects! This is why I hate procrastinating but I can't also stop myself from doing it.
"Bakit ka kasi nagpa-bangs? Kung alam mong di pala babagay sa 'yo?" tanong ni Gio habang hinahawi ang bangs ko. Humahaba na kasi ito. Tinabig ko ang kan'yang kamay dahil nahihiya ako sa mga binabatong tingin sa aming dalawa.
Gio is also friendly with other girls. Hindi na ito bago sa mata ng lahat pero pakiramdam ko ay isang kasalanan kapag naging crush ka ni Gio. I feel like he belongs to everyone and I shouldn't feel special.
Nandito kami ngayon sa bonanza area. Tahimik ang paligid pero naririnig ko ang ilang kuliglig galing sa mga inaalagaang halaman sa university namin. The unaltered air was better compare to the air conditioned rooms of the library. Kaya naman mas pinili ko rito tapusin ang mga requirements namin.
"Uso kasi 'yan! Saka puputulan ko ulit 'yan sa bakasyon," atungal ko. I continued writing my solution in physical science. Bakit ba kasi kailangan pa alamin ang velocity, speed at acceleration e.
Nag-drawing pa ako ng triangle pero hindi ko alam kung paano ulit ang computation gamit no'n. I was puzzled so I decided to get my notebook in physci while Gio was looking after me. Hindi inaalis ang tingin sa akin.
"Mas bagay sa 'yo, walang bangs! Mas nakikita ko mukha mo," patuloy n'yang hinahawi ang bangs ko kaya naman lalo akong kinakabahan sa ginagawa n'ya.
Napalingon pa ako sa iba kung may nagmamatyag ba sa aming dalawa. Yet, no one was looking at me. May mga sumusulyap kay Gio pero sa akin ay wala. Some would even whisper even if they saw me already looking at them.
He was resting his chin on his palm while doing it. Ang mga daliri n'ya ay dumadaplis sa aking noo at nakakaramdam ako ng kiliti dahil doon. I moved away and decided to fix my bangs.
"A-ano ba kasi," I hissed but he only answered with a brief chuckle.
"Gio, anong tingin mo kay Jeremy?" I asked, because I was curious.
Kung totoo na may gusto siya sa akin, nakakaramdam ba siya ng inggit o ano? Not that I want him to be jealous! I'm genuinely curious.
"Okay lang." He shrugged off, even tousling his hair in the process. "Hindi man lang ako pinagpawisan."
"Pinagpawisan?" my forehead knotted.
"Hindi man lang ako kinabahan! Ayon na 'yon, Paulene? Sana man lang nagka-crush ka roon sa kakabahan ako. Hindi talaga e."
"Ang yabang mo!" biro ko. He only laughed. I honestly appreciate the sound of his laughter. It was contagious and it didn't had any driplet of feigned meaning.
"Paulene, sana kasi ginalingan mo sa pagpili. Tingnan mo ako, ginalingan ko sa pagpili. Pinili kita."
"Hindi naman pangit si Jeremy, ah?"
"Hindi naman kasi kami talo no'n. Saka mas maganda crush ko kaya."
"Tigilan mo na nga ako!"
Parati kaming ganito ngayon. We would always hang out secretly. Madalas kapag wala ang mga kaklase ko sa paligid. I'm not comfortable with others seeing us together. Napansin 'yata 'yon ni Gio kaya naman hindi rin n'ya ako nilalapitan sa classroom dahil nilalayuan ko siya.
Gio:
Kagrupo kita sa EAPP. I already sent the powerpoint and also the reading materials. Pahinga ka na, Paulene.
Paulene:
hala???!!
ano na lang gagawin ko???
Tinapos mo na?
Gio:
Yes po. Opo. Tama. Correct. Wala naman na kaming ginagawa kanina sa PR kaya ginawa ko na. Pahinga ka na.
Paulene:
baka tanggalin mo pangalan ko sa groupmates mo, ha? T - T 'wag naman sana! kahit ako na lang 'yong mag-report.
Gio:
Hindi ah. Pwede ba 'yon? Tanggalin kita? Gusto nga kita makasama sa buhay ko?
T - T mas kabado pa nga ako na baka Pauletta Jayne Angeles San Pedro malagay ko sa groupmates ko e.
Paulene:
vseat ka talaga. haha! ang pangit kaya ng pangalan ko.
Gio:
Huh? Pangit daw? Ang ganda kaya parang bagay sa apilyedo ko.😠😕
Napangiti naman ako at hindi na nagtipa pa ng isasagot. I feel shy with the sudden attention that he's showering me with. Minabuti ko na lamang na bisitahin ang stan account ko.
♡ @rippedseokjins
not stan related but i feel really appreciated. hope you guys also had a great day today! Ily all 💜
After tweeting that I decided to scroll down and retweet some tweets posted by my main group. Napapangiti ako tuwing nakikita ko na marami ang sumusuporta sa kanila. They deserved that so much.
I can't defend myself but I'll go through hell if someone decides to mock my main group. Ayoko talaga sa fanwars pero para sa akin ay hindi ibig sabihin no'n pwede na nila kaladkarin ang mga faves ko. I'll seriously create a lot of accounts just to block or report the antis. Bahala sila 'no!
I decided to thank Gio once again. Kaya naman pumunta ako sa account n'ya at agad na finollow siya. I decided to send him a direct message.
rippedseokjins: hi! thank you for creating our ppt and ilysm for all of your efforts. 💜🥺
After I hit the send button. Bigla kong napagtantuan na hindi nga pala sa stan account si Gio. My heart fell as my fingers froze on the screen. Natigalgal ako habang patuloy na prinoproseso ng utak ko ang nagawa ko. The two lines indicating that he have seen the message made me feel agitated.
Crap.
Crap! Hindi ko alam ang gagawin ko. There was a reason I had a stan account in the first place! Walang nakakaalam nito bukod sa akin. I like to separate my personal life. At ngayon na si Gio pa ang nakakita nito ay hindi ko maiwasan sisihin ang sarili ko.
Bakit ba kasi ang lutang-lutang ko?!
Giorgiyo: Luh HAHAHAHA hindi po ako korean pop. Wrong account po 'yata kayo. 🤣
Giorgiyo: Kaklase ba kita? kagrupo? EAPP?
Lalo akong kinabahan dahil sa sagot n'ya. Pero mas kumabog lalo ang puso ko nang mabasa ang kasunod n'yang sagot sa aking mensahe sa kan'ya.
Giorgiyo: CRUSH BA KITA? 🤣
❛ ━━━━━━・❪보라해❫ ・━━━━━━ ❜
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro