Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 12

Kabanata 12

Walang namutawing mga salita sa aming bibig. Pero dahil makapal ang mukha ni Gio, he sat down next to me comfortably. Nagawa pa nga n'yang ngitian ang dalawang nasa harap ko. Tumikhim si Jeremy at minabuting ngumiti pabalik pero hindi naman pinansin ni Mila si Gio.

Parang tinanggalan ako ng pabigat sa dibdib. Medyo nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Hindi ko rin alam kung bakit ang big deal ng magiging reaksyon ni Mila kay Gio. She's always nonchalant about boys anyway. Gano'n naman talaga kapag maganda ka, hindi mo kailangan mag-habol dahil ikaw ang hahabulin.

"Gio, kilala kita." panimula ni Jeremy. Agad naman na umawang ang labi ni Gio, for a moment he looked confused.

"Ako?"

"Uh, yeah. Madalas kang ma-kwento ng mga nasa council dahil gusto ka 'yata ligawan para sa partido nila." Jeremy offered a kind smile. Parati talaga s'yang nakangiti. It makes him look more approachable.

Gio only shrugged off.

It makes sense. Sa laki ng sakop ni Gio sa buong university namin, baka nga landslide voting ang mangyari sa kan'ya kung sakali. He could win effortlessly. Hindi n'ya kailangan magsayang ng oras para lang makuha ang loob ng masa dahil nasa kan'ya na ito. No wonder the supreme student council is interested in him.

"Ah? Hindi naman ako tatakbo," agap na sagot ni Gio. He lifted a fry but immediately turned his attention to me. "Nagawa mo na ba 'yong assignment natin?"

My brows furrowed.

"Assignment saan?"

Gio leaned forward and whispered to my ear.

"Gusto mo na ba umalis?" he asked, his voice tickling my earlobe. Para akong pinasadahan ng maliliit na kuryente sa aking kamay.

I glanced at him and saw his sincere concern sight on me. Parati na lamang ganito ang mga mata n'ya, parating nangungusap.

"Ah, oo nga!" I agreed. "Tama ka."

Gio only smiled, alam na agad ang gagawin n'ya dahil sa munting sagot ko.

"Una na muna kami, Jeremy. May gagawin pa kasi kami sa E-Tech. Pero sana kumain lang kayo nang marami." paalam ni Gio at tinulungan akong maglinis ng pinagkainan.

"Sige lang, sana maulit ito." dugtong ni Jeremy. Pinanood n'ya lang kami magligpit ng pinagkainan.

Si Mila ay nanatiling tahimik at pinagmamasdan si Gio. Para bang may hinihintay siya rito. Hindi ko alam kung magkakilala na sila pero base sa pagkakaalam ko, ito ang unang beses na nagkatagpo ang landas nila.

"Gio, si Mila. . ." palihim kong siniko si Gio at agad naman siyang nakaramdamn ng gusto kong iparating. Napalingon siya sa dako ni Mila na mukhang naiinis.

"Ah, una na kami, Myla." Gio chuckled. Nanglaki ang mga mata ko at agad na kumunot ang noo ni Mila. She looked offended. Ngumiwi naman si Gio at nahihiyang napakamot sa kan'yang noo.

"Mila," I emphasized. Natauhan si Gio at agad na humingi ng paumanhin gamit ng titig. "Una na kami ni Gio. T-thank you, Jeremy."

Jeremy gave us his nod of approval and smiled. Si Mila ay tanging tingin lang ang binigay sa amin. Hindi ko pa nga alam kung ano'ng meron sa kan'yang tingin sa amin dahil parang blangko ito, her eyes never shows her emotion — kaya nga mas maraming nagagandahan sa kan'ya dahil hindi siya madaling mabasa. Her pretty face and her aloof personality in real life makes her more admirable for most people.

I don't know if it's the mis​pro​nounc​ing of her name or the lack of reaction from Gio but Mila looked like she wanted to vent out. Halata ang pagpipigil n'ya dahil sa pagkuyom ng kan'yang kamao. She looked like she wanted to say something but she also refused to. Hinila ko na agad si Gio papalayo dahil baka kung ano pa ang mangyari.

Binagtas na namin ni Gio ang pabalik sa classroom. Hindi ko mapigilan ang pagalitan siya. I even pinched him on his arm. He yelped in pain and frowned at me.

"Badshot ka na kay Mila! Alam mo ba ang ayaw n'ya sa lahat ay mali ang pagbanggit sa pangalan n'ya? Mila na nga lang, mi plus la! Bakit di mo pa nasabi nang maayos?" I huffed.

Sayang! Edi sana ay hindi na ako nagiisip ngayon. Hindi ako parating kinakabahan na baka bigla na lang akong tigilan ni Gio dahil si Mila na ang gusto n'ya. Matatanggal ang agam-agam sa akin dahil alam kong type nga talaga ni Gio si Mila!

Ngayon ay mukhang malabo na ito. Kahit magustuhan ni Gio si Mila ay hindi ito papalampasin ni Mila. She's obviously pissed off! Vlogger pa naman siya at halos tinitingala ng lahat tapos hindi lang makikilala ni Gio? Para sa isang sikat ay malaking sampal ito.

"Galit ka ba? Mags-sorry na lang ako sa kan'ya kung galit ka. Close ba kayo no'n?" tanong ni Gio.

"Pinsan ko 'yon! Camila Angeles? The vlogger? Does it ring any bell?"

"Hindi kasi talaga ako nanonood ng mga vlogs pero manonood na lang ako ng vlogs n'ya kung nanonood ka no'n!" Gio beamed, oblivious of the fact that I'm actually quite scared of the situation.

Dapat ay matuwa ako. If Gio finds Camila as his type, iiwasan na n'ya ako. Hindi ko na iisipin na pwede talaga kami. Ang hukay na pilit kong iniiwasan ay matatabunan na. Pero para akong binagsakan ng bato sa aking mga balikat. It only made me feel more weary.

Bagay naman talaga si Gio at Camila.

I should root for them.

Kumurap-kurap ako dahil parang nilagyan ng kung anong emosyon ang puso ko. Ang bawat hakbang ko ay bumagal dahil sa bigat ng dibdib. Gio also halted his steps. Napalingon s'ya sa akin.

"Okay ka lang ba?"

"Nagagandahan ka ba kay Camila?" I asked, voice slowly turning low.

Without hesitation, he nodded.

"Oo."

My heart thumped against my chest. My throat suddenly felt dry. Ngumiti ako at unti-unting tumango rin. Of course, he'll say that. Camila has never been ugly in the viewpoint of other people. Siya nga halos ngayon ang mukha ng iba't ibang brand.

"Maganda nga siya. . ." bulong ko. Pero mukhang narinig ni Gio dahil agad na rumihistro sa kan'yang mukha ang pagaalala.

"Wala namang ginawang pangit?" Gio laughed dryly. "At ano naman kung maganda siya? Ikaw naman ang gusto ko?"

"Pero maganda siya," I started to feel guilty. Masama itong nararamdaman ko. Hindi ko maiwasan ang i-kumpara ang sarili ko kay Mila.

"Well, that's true. Maganda siya pero ano naman?"

"Maganda siya para sa 'yo." I bit my lip and continued walking faster.

He wouldn't understand. Pero ang totoo ay para bang isang karangalan ang masabihan ni Gio na gusto n'ya ako kahit para bang malayo ang agwat namin. Pero ngayon na halos pinapalunok sa akin ang katotohanan na pati siya ay kay Mila pa rin ang bagsak — it only de​te​ri​o​rat​es the remaining confidence that I have.

Wala pala talaga akong binatbat.

Sa huli, lahat ng sinasabi nila sa akin ay hindi totoo. Ang katotohanan na mas binibigyan pansin ang kagandahan, katalinuhan at talento sa mundong ito ang nangingibabaw. Ang mga tulad ko na hindi naman nagiging mataas sa mga aspekto na 'yon ay pawang extra lamang. I will never be the main character. I only fill in the gaps when the main character is not around.

"Paulene," Gio held me on my arm. Agad akong napalingon sa kan'ya.

"Are you okay? Tulala ka."

"Gio, is it selfish to say that I hope you didn't find her pretty?" malungkot akong ngumiti. Hindi siya sumagot at lalo lamang kumunot ang noo n'ya.

Alam kong parati ko siyang pinipigilan at pinapatigil. Takot kasi ako na baka maniwala ako na iba siya sa kanila — sa mga taong mas pipiliin ang maganda, matalino at may talento. Takot ako sa sarili kong inaasahan. It scares me that my expectations will only plummet me to abyss.

"I find her pretty, Paulene. I find Zafirah pretty too. Kahit si Melay, si Bea ay maganda rin sa paningin ko," umamin si Gio at nagawa pa n'yang magkibit ng kan'yang balikat.

"But you don't have to be pretty like them. You are already beautiful on your own. And that what makes me like you so much. Maganda sila pero hindi ibig sabihin no'n hindi ka na maganda."

"Bakit mo ba ako nagustuhan? Kung pare-pareho naman pala kaming maganda sa paningin mo?"

"Paulene," Gio laughed and I can't help but pout and cross my arms across my chest.

Hindi ako nakikipagbiruan sa kan'ya! Bakit siya natatawa? Seryoso naman ako. Kung lahat naman pala kami ay maganda sa kan'yang paningin, ano'ng pinagkaiba ko sa ibang hindi n'ya gusto? Hindi ko maintindihan si Gio!

"You remind me of a certain verse in the bible." maikling sagot ni Gio.

"Ano?" My brows knitted because of what he said towards me.

Gio held my hand and smiled gently. Nagulat ako ng may sinulat siya gamit ng kan'yang daliri sa aking kamay. His gentle fingers made my heart raced as he trace something on my skin.

"1 Corinthians 13:4-8, Paulene." Gio stated as the words that he trace on my palm makes sense. Sinusulat n'ya pala ang verse na 'yon.

"The reason that I like you is because you remind me of that bible verse." Ngumiti lang siya bago bitawan ang kamay ko.

Natigalgal ako sa kan'yang sinabi. I'm not that religious and I don't know what bible verse that is. Umangat ang tingin ko kay Gio. He had a gentle look on his face, the same serenity that he brings me whenever I feel distress.

"I hope that you'll see how lovely you are without comparing yourself to others, Paulene. Hindi mo kailangan maging sila para lang maranasan mo ang pagmamahal na nararanasan nila."

And for the first time in my life, I didn't feel insecure about Mila. Sa ilang segundo ay naramdaman ko na mahalaga rin pala ako. I smiled because of that. I smiled because of Gio.

❛ ━━━━━━・❪보라해❫ ・━━━━━━ ❜

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro