Kabanata 9
Kabanata 9.
Flare
Nakipagtagisan ako ng tingin sa kanilang apat. Lihim akong napangisi, hindi ko lubos akalain na mga prinsipe pala sila. Si Frost lang kasi ang nakilala kong prinsipe, kaya nagulat ako nang matuklasan kong prinsipe rin pala mula sa iba't-ibang kontinente ang tatlong 'to.
Habang inaalala ko kung paano ko sila nakilala at kung paano ko sila tinrato ay natatawa na lang ako. Kaya pala tanong sila nang tanong kung talaga bang hindi ko sila kilala. Natural, hindi ko sila kilala. Hindi naman ako pinanganak para kilalanin sila, at mas lalong wala akong pakialam sa mga dugong bughaw na gaya nila.
"I saw you earlier, Flare. You have the Fire Medallion." wika ni Grachelle. Wala akong naging reaksyon sa sinabi niya. Totoo man na nasa akin 'yon kanina pero wala na ito sa mga kamay ko ngayon.
"Are you still going to deny it?" Tinaasan ko ng kilay si Aerus. Kanina ko pa napapansin na titig na titig siya sa akin at kulang na lang ay matunaw ako sa paraan ng pigtingin niya sa akin. Bukod doon ay nakangisi pa ito't parang napapantastikuhan siya sa bawat salita at reaksyon ko.
"Why don't you just strip me naked to see if I really have that medallion or not." Narinig ko ang paghalakhak niya. Animo'y may sinabi akong panibago sa kaniya't natutuwa siya rito.
"Oh, I would love to do that. But you see, we can't ruin our reputation as a prince. We can't just strip a woman naked in the public. How brave and brute." Napangisi ako. Hindi ko naman sila hahamunin nang gano'n-gano'n na lang nang hindi tinitingnan ang sitwasyon ko.
You can't outsmart a woman like me.
"Well, if you're that desperate to get it from me, then go ahead and strip me." Inangat ko ang magkabilang kamay ko na para bang inaanyayahan silang isa-isang tanggalin ang suot ko.
"Malakas ang loob mong sabihin 'yan dahil alam mong hinding-hindi namin 'yon gagawin, hindi ba?" Binaba ko ang mga braso ko't matamis na nginitian si Lee.
"Ah, what a calculative woman." He said smirking while shaking his head. I can be calculative, manipulative if needed.
"As the Fire Continent's prince, I order you to hand over the medallion to prevent yourself from getting hurt." Lumamlam ang mga mata ko kay Apoy. Oo nga pala, siya ang sinasabing prinsipe ng kontinenteng kinatatayuan ko-prinsipe ng lahi ko.
"An order, hmm?" Hindi ko maintindihan kung bakit pinipilit nilang ibigay ko na lang ito sa kanila ng kusa upang hindi ako masaktan. Dalawang rason lang naman ang nakikita ko kung bakit nila ito ginagawa.
It's either they want me to get away lightly because I'm a woman, or they're underestimating me because they think I'm weak.
"Naalala kong sinabi niyong ang mga medalyon ay hawak-hawak ng mga Top Student ng bawat Akademia, at sinasabi niyong nararapat itong mapasakamay niyo upang makuha ang ninanais niyong premyo, hindi ba?" Kinamot ko ang leeg ko habang nakatingin pa rin sa kanila.
"I'm guessing, the price is just a pure bullshit. You know what I mean by that?" Hindi sila sumagot kaya pinagpatuloy ko ang gusto kong sabihin.
"Getting the medallion from the Top Student of each Academy for a price is just a cover up. The truth is, you want to test the Top Students if they are worthy to be admitted to your Institute or not," Napansin ko kaagad ang pagbago ng ekspresyon sa mukha nila.
"Ako naman talaga ang sadya niyo rito. Nais niyo akong subukan kung malakas ba ako't karapat-dapat na maging Top Student, kaya kayo narito upang kunin ang medalyon bilang dahilan. Kung karapat-dapat ako o hindi, nakasalalay sa inyong apat 'yon," Tinignan ko sila isa-isa, at nang dumako ang mata ko kay Frost ay saglit na napakunot ang noo ko dahil taimtim lang itong nakatitig sa akin.
"So don't give me that order saying I should back down to prevent from getting hurt. Yes, I am the Top Student of Blaze Academy for 5 consecutive years, it's long been hidden but now everyone knows it. You want to test me? Bring it on. The woman right before your eyes won't back down and kneel for you." Taas noo kong atugal.
"We took the first step, and you see four steps ahead." malamig na wika ni Forst. Sa wakas ay nagsalita na rin ang isang 'to. Akala ko napipi na siya dahil kanina pa siya tahimik at walang kibo.
"Kung tagisan ng talino ang pag-uusapan, pasado ka na." ani ni Lee. Tinapik nito si Aerus kaya napalinga ito sa kaniya.
"What?"
"She's persistent, so maybe we should give her a shot. Hindi na natin kasalanan kung masasaktan ba siya o hindi, she asked for it." Lee sure is sensible. Mabuti pa siya naiintindihan ang gusto kong iparating.
"Flame should do the honour." Nakangising baling ni Aerus kay Apoy. Humakbang naman ito papalapit sa akin kaya sinalubong ko ang tingin niya.
"I won't do you any favour just because you're a woman. I won't be easy on you either just because I once met you." Nagkibit-balikat na lang ako. I don't care. Sa loob ng limang taon tinago ko nang matagumpay ang totoong estado ko rito, pero sino ba namang mag-aakala na dahil sa apat na ito mabubuyag na lang ito ng basta-basta.
Tutal ay alam na naman nilang lahat, hindi na ako magtatago pa. Lahat naman kasi ng sekreto ay nabubunyag at nakalkula ko na ito noon pa. Sa ngayon, kailangan ko lang ipaalala sa kanila na hindi nila dapat pagdudahan ang isang tao sa kanilang kakayahan dahil lang babae sila't mahina sa kanilang paningin.
"Action is better than words, Apoy." Nahuli ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya. Tumunghay siya upang pagmasdan ang kumpulan ng mga estudyante, kaya automatikong napayuko ang mga ito't umatras. Pinagsabihan na rin sila ni Grachelle na lumayo kung ayaw nilang madamay at masaktan sa ano mang maaaring mangyari.
Paglinga ko'y nakita ko si Head Master Dan sa kalayuan. Malayo man ay kitang-kita ko ang bakas ng isang matagumpay na ngisi sa labi niya. Wala sa sarili akong napasinghal. I raise my middle finger for him because he really did a great job for pulling this shit out just to reveal my secret. Napansin kong nagulat ang mga prinsipeng kaharap ko kaya binaba ko kaagad ang kamay ko.
"Where were we?" Patay malisya kong tanong.
"Did you just give my uncle a middle finger? Unbelievable." rinig kong bulalas ni Apoy. Napangisi naman ako.
"Tell him he's such a dick by the way." Hindi makapaniwala itong umatras upang magkalayo kaming dalawa. Umatras din ako upang magkaroon ng maluwag na distansya sa pagitan naming dalawa.
"Calm your hormones, Aerus." Napakunot ang noo ko nang marinig ang naging bulong ni Aerus sa sarili niya. Medyo malayo siya sa akin pero narinig ko pa rin 'yon. I can hear long range voices, remember? But what does he exactly mean by that?
Pagharap ko'y medyo nagulat ako nang sumalubong sa akin ang isang dambuhalang bola ng apoy na animo'y galit na galit na patungo sa gawi ko. Pinikit ko ang mga mata ko't sa pagmulat ko'y nasa ibang direksyon na ako't nakaiwas na ako sa bola ng apoy.
"Teleporting, huh?" Well, it's not really teleporting. It's fireporting. It's just that, I made my flames invisible that's why he can't see my body being swallowed by the fire as I teleport.
Sunod-sunod na bola ng apoy ang pinakawalan niya. Hindi ito gaano kalaki, katamtaman lang ito subalit sunod-sunod niya itong itinitira sa akin kaya hindi ko na rin mabilang kung ilang beses ako nag fireport para lang maiwasan ang mga ito. Sa panghuling direksyon na sinulputan ko'y muntik na ako matamaan ng itinira niya, mabuti na lang kaagad akong lumiyad upang maiwasan ito.
"If you'll just keep on avoiding my attacks, then we better stop." Tumigil ito kaya napataas ang kilay ko.
"Why?"
"You are trying to calculate the intensity of my energy, that's why you keep on jumping from one place to another. You are calculating the speed and magnitude of my attacks. Apart from that, you're trying to figure out my weakness." Tumango-tango ako. Lahat ng sinabi niya ay tama, kaya napangiti na lang ako.
"So why do you want to stop? Isn't it exciting?" Palihim akong napatingin sa mga dereksyon na pinag-fireport ko kanina. Konti na lang, I just need to buy him some time.
"Because you're making a fool out of yourself. Kahit ano ang gawin mo, wala kang mahahanap na kahinaan sa akin. Even if I have, I won't let you see it." Humakbang ako papalapit sa kaniya.
"I know. Your attacks' intensity change from time to time, but the magnitude of your attacks depends on your speed. The closer I teleport from you, the slower you are, the farther I am from you, the faster you are. That's what I've observed." Natigilan siya sa sinabi ko't natahimik pa siya ng ilang segundo.
Luminga-linga ako sa paligid, at napangisi na lang ako nang makitang handa na ang lahat. Hinakbang ko paatras ang kaliwang paa ko't inangat ang kanang kamay ko. I snapped my fingers in the air, and as if on cue, the blazing fire arrows coming from different directions attacked him.
Sa rami ng mga ito'y hindi siya magkanda-umayaw kakaiwas sa mga ito. Those were invisible fire arrows I planted every time I fireport from one place to another. I dispelled its invisibility that's why it's visible in the naked eye right now. Marahas itong bumalugsok sa gawi niya, at nang magsawa na siya kakaiwas ay gumawa na lang siya ng panangga upang hindi siya matamaan ng mga ito.
I motioned my hands, creating a massive fire ball, but just as I was about to let it go, I heard a long ranged roar coming from somewhere. Nawala ang malaking apoy na binuo ko't napalinga-linga ako sa paligid. Pinasawalan ko na rin ng bisa ang mga palaso na umaatake kay Apoy.
That roar. It's from the Infinite Forest. I'm sure of it.
"Why did you-" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang bigla kong ipikit ang mga mata ko. Huminga ako nang malalim bago pakalmahin ang sarili ko. Infinite Forest is five kilometres away from here, I need to focus.
Nakarinig ako ng iba't-ibang ingay. Mula sa mga maiingay na tawanan at iyakan ng mga bata, tunog ng kaluskos ng insekto, daloy ng tubig, at ihip ng hangin, hanggang sa makarinig ako ng ingay mula sa isang hayop na kilalang-kilala ko.
"Mukhang mamahalin ang medalyon sa leeg niya, kailangan nating makuha 'yan upang maibenta ng malaking halaga sa bayan."
"Pero paano natin makukuha kung sa tuwing sinusubukan nating lumapit sa kaniya'y magwawala siya't parang mananakmal!"
"Kung kinakailangan nating tanggalan ng ulo ang hayop na 'yan, gawin natin upang makuha ang medalyon na 'yan. Kunin niyo ang pinakamatalim na sandata!"
Mariin kong pinikit ang mga mata ko nang marinig ko ang marahas na pag-ungol ng isang tigre sa aking pandinig. Para bang pinapahirapan ito't may kung anong ginawa sa kaniya na labis na nagdulot sa kaniya ng sakit.
"Tang'na mong gago ka!" sigaw ko bago idilat ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang mukha ni Apoy. Nakatingin lang siya sa akin at may bahid ng pagkagulat at pag-aalala sa mukha niya.
"Are you okay? What happened? Your ears are bleeding." Kaagad kong hinawakan ang kaliwang tainga ko't naramdaman kong may basa roon. Pagtingin ko sa kamay ko'y hindi nga siya nagkamali pagkat may pulang likido mula roon.
Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko't pinunas ito sa magkabilang tainga ko. Pagkatapos ng ilang sandali ay nasa harap ko na ang tatlo pang prinsipe, at nakatingin lang sila sa akin.
"I'm sorry, but I need to go." Aalis na sana ako nang mahawakan ni Lee ang kaliwang pulsuhan ko.
"Where are you going? Bakit nagdurugo ang tainga mo?" Hinawakan ko ang braso niya't inalis ang pagkakahawak niya sa pulsuhan ko. I appreciate his concern, but I don't really have much time to pay attention to it.
"Kailangan ko ng umalis, may nangangailangan ng tulong ko." Nagkatingin silang apat, kapagkuwan ay bigla namang nagsalita si Aerus.
"You admit defeat?"
"If that's what it takes for all of you to let me go, then I will. I am not planning to enter the Institute anyway." Pagkatapos ko iyong sabihin ay mabilis akong tumakbo palayo sa Training Grounds hanggang sa makabanggan ko na ang mga estudyanteng palabas sa Akademia.
Mabilis akong nagtungo sa daan papuntang Infinite Forest. Hindi ko man lang napansin na kusa palang bumagsak ang mahaba kong buhok dahil na rin siguro sa pagtakbo ko. Nasa kalagitnan na ako ng kagubatan nang tumigil ako sa pagtakbo, pinakinggan ko nang mabuti ang paligid habang pinapakiusapan na sana marinig ko muli ang ingay mula kay Wei-wei.
Sumakit ang tainga ko kaya napadaing ako, pinatuloy ko pa rin ang pakikinig ko sa paligid hanggang sa makarinig ako ng ingay ng mga kalalakihan na sa tingin ko'y ilang metro lang ang layo sa akin. Lumihis ako ng daan at tinungo ang dereksyon na 'yon. Kung hindi ako nagkakamali, maaring mga bandido ang nagtangkang humuli sa kaniya dahil sila lang naman ang madaling masilaw sa mga mamahaling bagay.
Pagdating ko roon ay saktong nakatapat sa leeg ni Wei-wei ang isang mahabang espada. Nakapaloob siya sa isang bakal na kulungan at nakalabas ang ulo niya mula roon. Akmang ihahampas na ito ng lalaki nang mabilis akong pumulot ng bato't itinapon ito sa gawi niya. Saktong tumama ito sa kamay niyang nakahawak sa espada kaya nabitawan niya ito't nanlilisik matang napalingon sa akin.
"Sino ka?" I comb my messy hair as I tie it into messy bun.
"Hindi ako sinuka, inire ako ng ina ko." pabalang kong sagot na mas lalong ikinaasar niya. As soon as the white tiger set his eyes on me he roared, it was as if my presence made him stronger than usual.
"Sa oras na may makita akong sugat sa katawan ang hayop na 'yan, sisiguraduhin kong makakatamo rin kayo ng kaparehong sugat na mayroon siya." Tumalim ang mga mata ko't napansin kong nasindak ito, ngunit itinago niya ang ekspresyon na 'yon sa pamamagitan ng pagngisi ng nakakaloko.
"Sino ka ba sa inaakala mo? Tingin mo ba matatakot kami sa isang babaeng 'gaya mo? Pakatandaan mo, pito kaming narito't mag-isa ka lang." Tumawa ako. Isang tawa na kung sinong makakarinig ay aakalaing nahihibang na ako. Tumigil ako sa pagtawa't seryoso siyang tinitigan.
"Bagong myembro ka ba ng isang bandido? Sino ang pinuno niyo? Mukhang hindi yata kayo napagsabihan kung sino ang dapat at hindi niyo nararapat banggain sa loob ng kagubatang 'to." Tinaasan niya ako ng kilay saka taas noong nagpakilala.
"Bagong myembro kami ng bandido na pinamumunuan ni Herona. Ikaw, sino ka ba?" May bakas ng pagmamayabang ang tono ng pananalita nito kaya tinapatan ko rin siya.
"Ako? Ako ang babaeng naging dahilan kung bakit may malaking pilat sa kanang pisngi si Herona. Kailangan ko pa bang sabihin kung sino ako?" Napansin ko kaagad ang paglukob ng takot at kaba sa mukha nila matapos ko itong sabihin. Napaatras ang mga ito't hindi mawari kung kakaripas ba ng takbo o hindi.
"I-ikaw ang babaeng sumunog sa kanang pisngi niya dahil muntik na niya pagsamantalahan ang isang dalaga sa bayan! Ikaw ang babaeng sinasabi nilang..."
Hindi na nila naituloy ang sasabihin niya nang biglang bumukas ang lock ng bakal na kulungan ni Wei-wei. Mabangis itong lumabas ng kulungan habang nakalabas ang mahahaba nitong pangil na handang-handa nang sakmalin ang mga mapangahas na nagkulong sa kaniya sa bakal na 'yon.
He growled, eyes darted on them as his sharp set of fangs snarled at those men. Kumaripas ng takbo ang mga ito kaya mabilis silang hinabol ni Wei-wei. Lumapit ako sa pinakamalapit na puno at umupo sa ilalim nito habang nakasandal ang likod ko rito. Tinaas ko ang kaliwang tuhod ko't pinatong ang kaliwang siko ko roon habang nakapikit ang mga mata ko.
Pagkatapos ng ilang minuto, naidilat ko ang mga mata ko nang may malambot na bagay na nakadampi sa kanang pisngi ko. Napangiti ako nang makitang nakaupo sa tabi ko si Wei-wei habang nakalapat ang ilong niya malapit sa pisngi ko. Tinaas ko ang kanang kamay ko't hinimas-himas ang ulo niya't napapapikit naman siya.
"I'm sorry if I let you get caged again. Alam kong ayaw na ayaw mong kinukulong ka." I whispered. He purred and lick the side of my cheek. Napahalakhak na lang ako't pinisil ang ilong niya.
Nasa leeg niya pa rin nakasabit ang medalyon kaya hinawakan ko ito. Talagang nakakaagaw pansin ito sapagkat mukhang mula ito sa isang mamahaling hiyas at ginto.
"Did you kill them?" Umiling naman siya.
"Good, but it'll be better if you left them with scars. Sa ganoong paraan maalala nila ang dahilan kung bakit sila nagkasugat, at hindi na nila kailan man gagawin 'yon." I said as I let go of the medallion and continued to pat his head.
Nakarinig ako ng tunog ng tangkay na naapakan kaya mabilis kong dinampot ang patalim na naiwan ng mga bandido kanina't tinapon ito patungo sa direksyon na pinagmulan ng munting ingay na 'yon.
"Show yourselves." Hindi pa man ako nakakabilang ng tatlong segundo ay lumabas na kaagad ang mga ito mula sa puno na kanilang pinagtataguan. Sa sobrang pag-aalala ko kay Wei-wei, hindi ko na napansin na nasundan pala nila ako-or should I say, sinundan talaga nila ako.
Marahas na napalingon si Wei-wei sa kanila't automatiko itong naalarma sa apat na estrangherong lalaki na kaharap niya. Alarma ang buong pagkatao nito't matalim ang tingin niya sa mga ito na animo'y isang masamang nilalang na nagtatangkang saktan ako.
Sa pagharap niya'y nakita kong napadako ang tingin ng apat sa bagay na nakasabit sa leeg niya. Tumayo ako't tumabi kay Wei-wei habang hinihimas-himas ang ulo niya upang pakalmahin siya't ipaalam sa kaniya na kilala ko kung sino ang mga 'yon.
Tumikhim ako kaya napatingin sila sa akin. Ang medalyon na hinahanap nila'y wala naman talaga sa akin dahil na'kay Wei-wei 'yon. Isa na rin 'yon sa mga dahilan kung bakit malakas ang loob kong kalabanin sila kanina dahil alam kong hindi rin nila ito makukuha sa akin.
However, the turn of events are unexpected. Wala naman akong pakialam sa medalyon, gusto ko lang naman silang paglaruan kanina. Saka gusto ko lang patunayan na hindi dapat minamaliit ang mga babae. Since everything turned out to be like this, might as well give them what they came for.
Tinanggal ko ang medalyon sa leeg ni Wei-wei at hinagis ito patungo sa direksyon nila. Nasalo ito ni Flame, at nang tumingin siya sa akin ay may namumuong katanungan sa mga mata niya.
"It's done. You have what you want. So, leave me alone." walang emosyong kong wika.
"You are so complicated for a woman," hindi makapaniwalang anas ni Aerus.
"Whatever, air head." Dahil sa sinabi ko'y natawa si Lee. Si Apoy naman ay malawak ang ngisi habang nangaasar na nakatingin kay Aerus.
"Her existence is a proof that not all women in the empire would fall on your knees, Aer." gatong ni Lee.
"Let's see." nakangisi nitong bulong.
"Just like that? I thought you wanted to prove how strong you are." nagtataka pa ring wika ni Apoy.
"I was just provoking you. How can I possibly compete with a prince?" parang wala ko lang sagot, kahit ang totoo'y sa tingin ko'y kaya kong makipagsabayan sa kanila.
"You just did. Kung hindi mo pinasawalan ng bisa ang mga palaso, at kung naitira mo ang malaking bola ng apoy kanina, paniguradong uuwi ako nang may pasa sa katawan." Lihim akong napangisi. Maaaring hindi lang pasa ang makuha niya sa katawan, maaaring may mapaso pa.
"You calculated everything from the very beggining. You made me believe that your focus is knowing my speed and weakness. Little did I know as you teleport from one place to another, you are secretly planting an invisible fire bow." Napatigil ako sa paghimas sa ulo ni Wei-wei. Nagkibit-balikat na lang ako bilang tugon.
"Too bad, you realized it a little too late." naboboryo kong wika, kapagkuwan ay nginitian ko sila nang matamis.
"As the Fire Prince, in terms of physical and mental capabilities, you passed the challenge." deklara niya na siyang ikinakunot ng noo ko.
"No, I didn't. I didn't win over you." matigas kong pagtutol. Kung nakapasa ako, paniguradong magpapadala sila kaagad ng memorial kay Head Master Dan na maaari na akong pumasok sa Elysian Institute of Magic.
"Bakit ba ayaw na ayaw mong pumasok doon?" Napataas ang kilay ko sa naging tanong ni Lee.
"Bakit ayaw na ayaw ko? Saan nanggagaling ang tanong na 'yan? Bakit kung makapagtanong ka'y parang siguradong-sigurado ka?" Sa pagkakatanda ko, pangalawang beses ko pa lamang sila nakatagpo, at sa unang beses na pagtagpo ko sa kanila'y wala akong binanggit na ayaw ko pumasok sa Elysian Institute of Magic.
"Is that a trick question?" Naigulong ko na lang ang mga mata ko. Hindi ko alam kung nakikisakay lang ba si Lee, o wala talaga siyang alam.
"You passed, sexy. Sooner or later you'll receive something, and you can't do anything about it." nakangising wika ni Aerus.
"Even if it's an Emperial Decree, I rather die than entering the Institute." Nagkatinginan silang apat. Parang nag-uusap ang mga mata nila't sila lang ang nagkakaintindihan sa mga tinginang 'yon.
"Suit yourself. We'll take our leave for now." pagsuko ni Apoy. Tumango na lang ako. Isa-isa nila akong nilampasan at ang bawat isa sa kanila'y titnititigan ako nang matagal bago tuluyang mawala sa paningin ko.
Napairap na lang ako nang lampasan ako ni Frost. Hindi ko alam kung bakit sa kanilang apat ay sa kaniya ako inis na inis. Nakakainis na sa haba ng oras na magkasama kami'y paminsan-minsan lang siya nagsasalita. Bukod doon, dinaig niya pa ang estatwa sa kawalan ng emosyon ng mukha niya.
Naipitik ko ang daliri ko sa noo ni Wei-wei kaya ngumawa ito bilang reklamo. Natatawa akong tumalon, hinawakan ko ang sangang abot kamay ko't dahan-dahang umupo roon habang nakatiway-way ang paa ko sa baba. Sinusubukan itong abutin ni Wei-wei pero hindi niya magawang maabot.
Napatingala na lang ako. Kasabay ng pag-ihip ng sariwang hangin ay pinikit ko ang mga mata ko. Ang dami ng nangyari ngayong araw. Nasanay akong pagkatapos ng klase ay tatambay lang ako sa gubat at makipaglaro kay Wei-wei.
Ngayon ay binigyan ako ng medalyon, at may apat na ungas na gusto itong kunin sa akin. Bukod doon, nabunyag ang katotohanan na ako ang nangungunang estudyante sa Akademia. Kung makukuha nila ito, sasabihin nilang mahina ang Top Student ng Blaze Academy, kung hindi naman nila ito makuha, o nahirapan sila, papapasukin naman nila ako sa Institute. Both options won't do me any good.
Habang inaalala ko ang mga nangyari kanina'y may narinig akong boses. Tinalasan ko kaagad ang pandinig ko. Hindi ito malapit sa akin, hindi rin ito malayo, ngunit rinig na rinig ko ito't malinaw na malinaw ito sa pandinig ko.
"Ilang taon ka ng namamalagi roon ngunit hindi mo pa rin matukoy ang kahinaan nila?" ani ng baritonong boses ng lalaki.
"Patawad, ngunit sadyang mailap ang mga ito't wala akong makitang kahinaan sa kanila." Wala sa sarili akong napangisi. Sino naman kaya ang tinutukoy ng mga 'to?
"Huwag mong kalimutan na dahil sa kanila namatay ang iyong mga magulang sa sunog na naganap isang dekada na ang nakakalipas." Napantig ang tainga ko sa narinig ko. Kinuyom ko ang kamao ko nang maalala ko ang sunog na naganap isang dekada na ang nakakalipas.
Ang inang nagpalaki sa akin ay namatay sa sunog na 'yon.
"Alam ko, at hindi ko nakakalimutan 'yon. Kasalanan nila kung bakit namatay ang ama't ina ko." saad nito habang may galit at panggigigil sa boses.
"Hindi man tayo nagtagumpay upang buwagin ang alyansa ng apat na kontinente, naniniwala akong magagawa na natin ito ngayon. Lalo na't umaayon na sa lahat ang plano." Napakunot ang noo ko. Ibig bang sabihin, ang naganap na sunog dati'y sinadya upang buwagin ang alyansa ng apat na kontinente?
"Pakisabi sa mahal na haring Camaro na hindi ko siya bibiguin, at makakaasa siyang ako ang magiging mata at tainga niya sa loob ng Elysian Institute." Nagdaan ang ilang segundo'y wala na akong boses na narinig. Dinilat ko ang mga mata ko habang nakatingin sa kawalan.
Rumagasa sa aking isipan ang naganap na sunog isang dekada na ang nakakalipas. Ang buong Emperio ng Elysiano ay nilamon ng nagbabagang apoy, at sa hindi malamang dahilan ay hindi magawang pahupain ng Fire Elemental Mages ang apoy na 'yon kaya sinisi ng buong Emperio ang Fire Tribe sa nangyari.
Mabuti na lang ay nagtulong-tulong ang Air Elemental Mages ng buong Air Tribe at Water Elemental Mages ng Water Tribe. Halos maubos na ang lakas nila upang mapahupa lang ang apoy. Nagawa man nila itong pahupain, maraming buhay na ang nasawi, at sinisi nila ang lahat ng 'yon sa amin.
Nawala lang ang lahat ng paninisi nila nang malamang may rebelyon na nagaganap mula sa Fire Tribe. Mayroong iilang kasapi ng tribu na gustong tumaliwalag at gustong pamunuan ang buong Emperio. Lahat ng mga myembro ng rebelyon na 'yon ay tinugis at pinugutan ng ulo sa harap ng mga pamilya ng namatayan dahil sa kapangahasan nila.
Bumaba ako ng sanga. Nanlilisik ang mga mata ko't bakas ang galit sa mukha ko. Isa man ako sa nakasaksi sa pagpupugot na naganap, hindi pa rin ako nakuntento. Hindi lang ang kinalakihan kong ina ang namatay sa sunog na 'yon kun'di pati na rin ang pamilya ng ibang tao. Bata pa man ako'y alam kong may mali, alam kong hindi lang 'yon basta-basta rebelyon lang.
Ngayon na pinaalala ito sa akin, lalong-lalo na't nalaman kong buhay pa ang mga taong may kagagawan ng lahat ng 'yon, hahanapin ko sila't sisiguraduhin kong makakamit ko ang hustisya sa pagkamatay ng kinilala kong ina. May sarili na akong isip, at may kaya na akong patunayan, kaya naniniwala akong malalaman ko ito.
If I need to enter the Institute, then I will, even if it's the last thing I would do.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro