Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 6

Kabanata 6.

Flare

Pinilig ko ang ulo ko nang may maramdaman akong kakaiba. Ginalaw ko ang braso ko't nagtaka na lang ako nang wala akong maramdaman na kahit ano mang kirot o hapdi mula sa mga malalalim na sugat sa likuran ko. Isa pa, bakit parang ang lambot ng hinihigaan ko?

Minulat ko ang mga mata ko, pero nanlabo ang paningin ko kaya pinikit ko rin ito kaagad. Dahan-dahan kong minulat muli sa pangalawang pagkakataon ang mga mata ko't nangunot ang noo ko nang tumambad sa akin ang mala-yelong pinaghalong kulay asul at puti na kisame. Inikot ko ang paningin ko't napakunot na lang ang noo ko.

Paanong rito ako nakahiga sa isang magarang silid?

Napatingin ako sa suot kong damit at nagulat na lang ako na iba na ang suot ko. Napakurap-kurap ako habang tinitingnan kung anong klaseng disenyo at mwebles ang tela ito. Kulay asul ito't gawa ito sa isang mamahaling tela, makintab ang mwebles nito't kumikinang-kinang sa tuwing tumatama ito sa sinag ng araw.

Bukod doon, hapit na hapit ito sa bewang ko't panigurado'y mabukadkad ito sa dulo. Pag-angat ko ng braso ko'y saka ko lang napansin na kitang-kita ang maputi kong balat. Iyon ay dahil hindi sakop ng kasuotan ko ang bandang braso ko. Napangiwi ako.

Ayaw na ayaw kong nagsusuot ng ganito.

Natigilan na lang ako nang muli kong matitigan ang braso ko. Sa pagkakatanda ko, puno ito ng galos at sugat dahil sa mga hampas ng latigong natanggap ko. Pinaglandas ko ang daliri ko sa braso ko.

Paanong naghilom na ang sugat ko?

Lumiyad ako't inabot ang likuran ko. Hinimas-himas ko ang likod ko't gaya ng braso ko'y wala rin akong maramdaman na sakit doon. Kahit ang bakas ng pamamaga ng mga sugat ko'y tila ba nawala. Tuluyang nagkasalubong ang kilay ko.

Ano ba ang nangyari?

Naramdaman kong may paparating kaya mabilis akong humiga sabay pikit ng mga mata ko. Nagdaan ang ilang segundo, narinig ko ang pagtunog ng pagbukas ng pinto. Pinakiramdaman ko ang mga yabag nitong papalapit sa akin hanggang sa matantya kong nasa tabi na ito ng hinihigaan ko, at kung tama ako ng pakiramdam tinititigan niya ako ngayon.

Nakarinig ako ng isang malalim na buntong hininga, at kusonod no'n ay nakarinig ako ng hikbi. Muntik ko ng maimulat ang mga mata ko, mabuti na lang ay napigilan ko ang sarili ko. Habang pinapakinggan ko siya, alam ko na kaagad na isa itong batang lalaki. Nabahiran ng pagtataka ang pag-iisip ko, bakit niya ako iniiyakan?

"It's my fault! I shouldn't have pretended to be asleep for three days! Then maybe, just maybe you wouldn't get hurt like this," Kaagad kumuyom ang kamao ko sa ilalim ng kumot na kinahihigaan ko. Hindi niya man sabihin kung sino siya, hindi ko man siya nakikita ay nakakasigurado ako kung sino siya.

"I'm sorry, I'm really sorry. I shouldn't have hurt the one who saved me." humihikbi ito, pero hindi man lang ito nauutal o naabala sa pagsasalita.

"Patay ka na ba?" Minulat ko ang mga mata ko. Mabilis akong bumangon, at nakita ko kaagad kung paano manlaki ang maliliit niyang mga mata.

Bago pa siya makapagsalita ay hinila ko ang kwelyo ng ala-prinsipe niyang kasuotan. Kurap mata siyang napausog papalapit sa akin habang may kabadong ekspresyon sa mukha.

"Ikaw patayin ko, gusto mo?" Nakita ko ang paglunok niya kaya wala sa sarili akong napangisi. Alam ko na prinsipe siya, pero wala akong pakialam. Sasabihin ko kung ano ang gusto kong sabihin, at gagawin ko ang gusto kong gawin. Ang sino mang pipigil ay disgrasya ang aabutin.

"P-pataw--" Hindi pa man siya nakakabigkas ng isang buong salita'y inunahan ko na siya.

"Ang isang simpleng mamamayan na gaya ko, binuwis ang buhay para tulungan ang batang paslit na gaya mo. Subalit, imbis na pasasalamat ang makuha, napagbintangan ako't kinulong at pinarusahan. Tingin mo, mapapatawad kita?" Lumamlam ang mga mata niya. Nakita kong nanunubig na ito't nagbabadyang kumawala ang mga luha mula roon.

"I . . . I was just . . ." Pinilig ko ang ulo ko. Bumuka ang bibig niya upang magsalita, ngunit agad niya rin itong tinikom. Parang may gusto itong sabihin ngunit nag-aalinlangan siya.

"Just what?" agad kong tanong.

"My father will scold me, and he will punish me for what I did. Gusto ko lang naman maging malaya at makisalamuha sa ibang tao. My father will be mad and he'll lock me up. So, I pretended to be asleep to get away. I-I'm sorry for being selfish. . . "

Tuluyang pumatak ang isang butil ng luha mula sa kaliwang mata niya kaya napaawang ang bibig ko. Nasaksihan ko kung paano umiyak ang isang prinsipe sa harapan ko, dapat ko bang ikatuwa 'yon?

Yumuko siya't tumingin sa mga paa niya. Hindi niya magawang i-angat ang tingin niya't tingnan ako ng deretso sa mata. Binitawan ko ang kwelyo niya't inangat ang kamay ko.

"A prince should held his head high," Dumapo ang kaliwang kamay ko sa ulo niya kaya napatingin siya sa akin. Kumurap-kurap siya't pumatak ang panghuling luha mula roon.

"Stop being a gayshit." I messed up with his greyish white hair, causing him to smile and hug me. Nakaangat lang ang kamay ko dahil nagulat din ako sa ginawa niya. Kapagkuwan ay umiling-iling na lang ako't tinapik-tapik ang likod niya.

"Thank you for saving my life. I promise I will make it up to you, ate Flare." Kumalas siya sa pagyakap sa akin kaya kaagad nangunot ang noo ko.

"How did you know my name?" Ngumiti naman siya. His set of white teeth greeted me, and I swear he's too cute for his own good.

"I'm a prince afterall. I heard General Phairro mentioned your name after talking to my mother and father." I nod. May hinala na ako kung bakit ako narito ngayon pero kailangan ko pa rin kumpirmahin kung tama nga ba ito o hindi.

"Let me guess, you told your mother queen and father king about the truth?" Umupo siya sa tabi ko. Napansin kong kanina pa siya titig nang titig sa akin sa hindi ko malamang dahilan.

"Oo nga pala, 'yon dapat ang una kong sasabihin sa pagpunta ko rito," kamot noo siyang umiwas ng tingin at nahihiyang bumungisngis.

"My concience bothers me after I heard what happened to you. So right after that, I talked to father and told him everything. That's why you're here inside the palace." I see, I was right. Maybe that's why my wounds and bruises are gone too, the Palace Healers must've tend it.

"Nasaan nga pala si Icca?" Biglang sumimangot ang mukha niya. Naiirita niyang hinaplos ang buhok niya't sinuklay-suklay ito kaya nagtaka ako.

"Seriously, that woman have a very big mouth! She's so noisy!" Muntik na ako matawa dahil sa paghihimutok niya, pinagpapadyak niya pa ang paa niya dahil sa inis.

For an eight year old kid like him, he's pretty smart.

"Kung hindi lang siguro ako prinsipe malamang ay ilang beses na niya akong minura. Galit na galit siya dahil sa ginawa ko. Nasaktan ka at naparusahan," Ngumiwi siya bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"Tinanggap ko naman lahat 'yon dahil may punto naman siya. Naparusahan ka dahil sa akin, at kasalanan ko 'yon. Kung hindi ako nagpanggap na tulog, at kung sinabi ko kaagad ang totoo hindi ka sana nasaktan." Nagkibit-balikat na lang ako. It's all been done, we can't turn back the time as we want.

"Hindi mo naman alam na nabihag kami dahil nawalan ka ng malay. Hindi ka naman siguro ganoon kasamang bata para hayaan kami kahit na alam mo na mabihag kami?" Mabilis siyang umiling-iling. Kulang na lang yata maputol ang leeg niya dahil paulit-ulit niya itong ginagawa.

"Hindi mo pa ako sinasagot. Nasaan si Icca?" Ngumuso ito.

"Nasa kabilang silid siya, at malamang ay tulog pa rin." Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa higaan. Paglapag ko ng paa ko sa sahig ay kaagad kong nakita ang kahabaan ng ala-prinsesang kasuotan na kasalukuyang suot ko.

Kunot noo akong nagtungo sa isang salamin na kasing tangkad ko. Simple ngunit napaka-elegante ng suot ko. Kung lalabas siguro ako ng palasyo na ganito ang suot ko'y mapagkamalan pa akong nawawalang prinsesa ng palasyo.

Kamot leeg kong tinitigan ang buong hitsura ko sa salamin. Ang mahaba kong buhok ay nakalugay, subalit ang ulo ko'y napuno ng mga kolerete. Mayroong mala-pilak na kwintas na may disenyong snowflake ang nakapalibot sa noo ko. Sakop nito ang palibot ng ulo ko kaya nagmukha talaga akong isang kagalang-galang na babae sa suot ko.

"You look like a very respected princess. You are beyond beautiful." Napasinghal ako sa isip ko. Ang bata niya pa mabulaklak na magsalita, paano na lang kung magbinata na 'to? Paniguradong babaha ng luha sa bayang 'to.

Inangat ko ang mahaba kong buhok bago alisin ang mga kolorete sa buhok at noo ko. I tied it into messy bun before looking in the mirror once again. Ngayon ay ang damit ko na lang ang kailangan kong palitan. Naalibadbaran ako sa sinusuot ko, siguro ay dahil hindi ako sanay.

"Hey, bring me some of the Water Tribe's Male Continental clothes. I want it right away, Yves." Saglit siyang natigilan sa sinabi ko. Napakunot naman ang noo ko dahil parang may narinig siyang bagay na sa tanang buhay niya ay ngayon niya lang narinig.

"Yves?" Kumurap siya't biglang nabalik sa katinuan. Nginitian niya ako nang malapad kaya medyo nagtaka ako.

"Brave," Magsasalita pa sana ako nang maunahan na niya ako.

"As a common folk, you should never mention a royalty just by their names. Not unless if they gave you permission." Napangisi ako. This little kid is a royalty, I didn't forget that. Kanina ko pa nga napapansin na kahit mas matanda ako sa kaniya'y ni hindi man lang siya gumagamit ng 'po' bilang paggalang habang nakikipag-usap sa akin.

"What? You owe me your life, kid. Think about it, without me, no one would call out that name ever again." Tumawa naman siya.

"I know, I was going to give you permission to call me by my name anyway. Naunahan mo lang ako." Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa higaan at tatalon-talon na lumapit sa akin. I rolled my eyes at instant.

A moment he's crying, and then serious, and now acting like a child of his age.

"Right away!" Umiling na lang ako't humarap sa salamin. Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto kaya malamang ay nakalabas na ang batang 'yon.

Sa pagtingin ko sa salamin ay biglang kumislap ang pulang kulay sa mga mata ko. Seconds after, red highlights of my hair were visible. Funny, my hair and eyes don't compliment what I'm wearing. The reason why I can go around pretending to be someone else from each tribe, is because I can change my hair and eye color.

Omnilock as my sixth sense helped me a lot.

To enlighten you, everyone had their own element to control. Aside from that fact, everyone had their own special ability within them, and that's what they call sixth sense. The problem is, my sixth sense is a very rare one.

Omnilock as the rarest ability, no one really knows what they are capable of. Naghanap na ako ng mga impormasyon sa aklatan ng Blaze Academy, pero wala akong mahanap na konkreto at detalyadong impormasyon mula roon. Ang alam ko lang, Omnilock means having an unlimited power.

I can make things move in just a snap, I can teleport to the places I want, I can command animals, I can hear long range noises, I can change my hair and eye color, and that's all for now. Hindi ko pa alam kung ano pa ang kaya kong gawin.

Bumukas ang pinto kaya napalingon ako. Pumasok ang isang babaeng may katandaan na. Sa tingin ko'y isa siya sa mga tagapagsilbi ng palasyo. Nginitian niya ako kaya yumuko na lang ako bilang paggalang. Tiningnan ko ang hawak niya't saka ko lang napansin na siya pala ang nagdala ng mga damit na inutos ko mula sa prinsipe kanina.

Yeah, how can I possibly command a prince?

"Salamat." Pinatong niya ito sa higaan. Nginitian niya lang ako't yumuko bago lumabas ng silid.

Paglabas niya'y kaagad akong nagtungo sa higaan ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagbibihis nang biglang bumukas ang pintuan. Mabilis kong hinablot ang kumot at hinagis ito sa gawi ng tampalasang nilalang na hindi man lang nag-abalang kumatok.

Bakit ko ba hindi naramdaman ang presensya niya?

Ang kumot na hinagis ko'y sumaklob sa ulo niya kaya natakpan nito ang buong katawan niya. Mabilis kong sinuot ang pang-itaas kong damit bago itagpi ang telang nagsisilbing belt. Natataranta kong inangat ang tingin ko't napakurap ako nang makitang nakatanggal na ang kumot sa ulo niya.

Napatigagal ako nang mamukhaan ko kung sino siya. Sumalubong sa akin ang blanko niyang mga mata't ang walang ekspresyon niyang mukha. I gazed on his icy and emotionless dark blue eyes. How can an expressionless man like him exist?

Frost, his names suits him.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa kaya napatingin din ako sa suot ko. Inaamin ko, hindi ito isang kasuotan ng isang simpleng mamamayan lang. Sa katanuyan nga niyan ay magara ito't gawa sa silk ang mwebles ng tela nito.

"Anong . . ." Humakbang ako paatras nang humakbang siya papalapit sa akin. Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla akong kinabahan. Ang lakas ng kabog ng puso ko't pakiramdam ko lalabas na ito sa dib-dib ko.

Napaupo na lang ako sa higaan dahil wala na pala akong aatrasan pa. Kasabay ng pag-angat ko ng tingin ko sa kaniya, yumuko siya upang makapantay ang ulo ko kaya nahigit ko ang hininga ko sa gulat. Walang emosyon siyang tumitig sa mga mata ko't hindi ko mabilang kung ilang beses na akong kumurap-kurap.

"Follow me." Napabuga ako ng malakas na hangin matapos niyang ilayo ang mukha niya sa harap ko't tumalikod na papuntang pintuan. Sira ulo 'yon, pwede namang sabihin niya lang sa akin deretso, may palapit-lapit pa siya ng mukha na nalalaman.

Bakit ba ang apektado ko yata masyado?

Kinaltukan ko na lang ang sarili ko. Tumayo ako't mabilis na sumunod sa kaniya. Paglabas ko ng silid ay mahigit tatlong metro na ang layo niya sa akin kaya patakbo ko siyang hinabol. Muntik pa ako madapa kaya napasinghal ako.

"Teka nasaan na-" Napaatras ako nang makasalubong ko si Phairro. Napansin kong nasa likod niya si Icca, at nang makita niya ako'y mabilis niya akong dinamba ng yakap na halos hindi na ako makahinga.

"Flare! Ayos ka na ba? Ang mga sugat mo? Masakit pa ba? Nahilom na ba silang lahat? Wala na namang masakit sa'yo 'di ba?" sunod-sunod niyang tanong habang hawak-hawang ang magkabilang balikat ko't sinusuri kung ayos lang ba ako o hindi. Bahagya niya pa akong inalog-alog kaya napangiwi na lang ako.

"May nakasalubong ba kayong lalaki?" Kumunot naman ang noo niya.

"Sinong lalaki?" Sa pagkakataong ito ay si Phairro naman ang siyang napakunot ang noo.

"Ah, wala. Huwag niyo na pansinin ang sinabi ko." Taliwas doon ang nararamdaman ko. Ang lalaking 'yon, ang sabi niya susundan ko siya pero nakasunod na ako sa kaniya't nalingat lang ako saglit nawala na siya sa paningin ko.

"Mabuti na rin at nakasalubong ka namin. Iniimbitahan kayo ng mahal na hari at reyna." Napatingin ako kay Phairro. Ito ang unang pagkakataon na makakaharap ako sa isang hari at reyna. Sa pagtingin ko sa kaniya'y may napansin akong kakaiba.

"Himala at hindi ka nakasuot ng pang-heneral na kasuotan ngayon, Phairro?" Napalinga siya sa akin. Kapagkuwan ay nagpatuloy sa paglalakad habang kami'y nakasunod lang sa kaniya.

"Hindi na ako ang heneral." Napakunot ang noo ko. Ibig sabihin ba, bumaba na siya sa puwesto niya't tinotoo niya talaga ang kasunduan naming dalawa?

"Tumupad ka talaga sa usapan?" Nakangisi siyang lumingon sa amin kaya napataas ang kilay ko.

"Ang ama ko naman talaga ang totoong heneral. Ako lang ang pumalit sa kaniya nitong nagdaang araw dahil may sakit siya. Magaling na siya kaya pinaubaya ko na sa kaniya ang titulong talagang para naman sa kaniya." Automatikong hinablot ng mga kamay ko ang kwelyo ng damit niya. Hinila ko siya't isinandal sa pinakamalapit na pader kaya nanlalaki mata niyang itinaas ang magkabilang kamay niya habang gulat na nakatingin sa akin.

"Sira ulo ka. Hindi naman pala ikaw ang totoong heneral, tapos kung makapagpataw ka ng parusa sa akin wala kang patawad," Hinila ko ang kwelyo niya kaya napayuko siya. Tumapat ang mukha niya sa bandang leeg ko kaya inabot ko ang distansya sa tainga niya upang bumulong.

"Sinasabi ko na nga ba kaedad lang kita. Ito ang tatandaan mo, kahit anak ka pa ng heneral wala akong pakialam. Huwag na huwag mo lang akong hahamakin dahil kahit lalaki ka, papatulan kita." Narinig ko ang pagtawa niya kaya patulak ko siyang binitawan. Umiling-iling muna siya bago ayusin ang kwelyo ng suot niya.

"Alam kong malakas ka, napatunayan ko na 'yan. Tara na, hindi puweding paghintayin ang mahal na hari at reyna." Iginulong ko na lang ang mga mata ko't padabog na siyang sinundan.

"Flare, ito ang unang pagkakataon na makakaharap ako ng isang hari at reyna, kinakabahan ako ng sobra. Pakiramdam ko nanlalambot ang tuhod ko sa kaba!" Kinawi ni Icca ang magkabilang kamay niya sa braso ko, at ramdam na ramdam kong nanlalamig nga sa kaba ang mga kamay niya.

"Tao lang din sila. Ang pinagkaiba lang, mga tao silang may malalaking tae sa-" Nanlaki naman ang mga mata niya't mabilis na tinakpan ang bibig ko.

"Ano ka ba! Baka may makarinig sa'yo! Anong malalaking tae pinagsasabi mo riyan? You can't just compare them into-"

"Yeah, yeah enough of your nags. I'm not listening." Napalabi na lang siya. Alam niya mismo na hindi ako magpapaawat sa sasabihin ko.

"Mahal na hari at reyna, narito na po ang mga panauhin." Sa sinabi ni Phairro ay kaagad akong nag-angat ng tingin. Nakaluhod na si Phairro at Icca sa harap ng hari at reyna na nakaupo sa kanilang trono.

Inikot ko muna ang paningin ko sa loob ng Majestic Hall. Ang paligid ay hindi ko mawari kung gawa ba sa kristal o yelo, basta't kulay asul lang ito't nakakaaya ito s paningin. Bukod doon puno ito ng mga kawal na nakahilera sa tabi, at apat na babaeng tagapagsilbi sa ibaba ng trono kung saan naroroon ang hari at reyna.

Naiyuko ko ang ulo ko nang may humila sa dulo ng damit ko. Kunot noo akong napatingin kay Icca na pinagdidilatan ako ng mata. Parang may gusto siyang ipagawa sa akin at pinagmamadli niya itong gawin ko. Binalik ko ang tingin ko sa hari at reyna't saka ko lang napansin na nakatingin na pala sila sa akin.

"Hi." Nakarinig ako na parang may natumba, si Icca pala 'yon. Kahit si Phairro ay nakatingala na sa akin at tila ba hindi makapaniwala ang mga mata.

May sinabi ba akong mali?

"Humayo na kayong dalawa." Tumayo si Icca at Phairro habang may kakaiba pa ring tingin sa akin. Hindi ko na lang pinansin pa 'yon dahil nagsalita ang hari.

"Well, hi Flare Fyche Henessy," bati niya.

"I am King Blizzard Alcastrair of the Water Continent." pagpapakilala nito.

"Nice to meet you, my king. Pardon me, but I don't like to be called in my whole name." Narinig ko ang pagsinghap ni Icca sa tabi ko samantalang mariin namang napapikit si Phairro.

"Honest, yes?" Tumango ako. Tiningnan ko siya nang mabuti. Sa tingin ko'y nababagay nga siya maging isang hari. Bukod sa makapangyarihan ito, napapansin kong hindi basta-basta ang presensya niya. Mukhang mahirap siya basahin at masyadong mautak.

Tinitigan niya naman ako na para bang sinusuri niya ako nang mabuti. Hindi ako nagpaawat at tinitigan din siya nang diretso sa mata.

"You are indeed a very brave woman of the Fire Tribe." Hindi ko man alam kung paano niya 'yon nasabi, niyuko ko na lang ang ulo ko bilang pasasalamat at bilang paggalang na din sa kaniya.

"I'll take that as a compliment." Ayos na rin. Hindi na masama na mapuri ng isang hari.

"You are brave for saving my son, and too brave for looking directly in a king's very own eyes." Binaba ko ang pagkakakrus ng braso ko dahil sa sinabi niya. Ang ibig niya bang sabihin, hindi nararapat tingnan ng diretso sa mata ang mayroong bughaw na dugo 'gaya niya?

"Is that a bad thing?" Hindi siya sumagot kaya naghanap kaagad ako ng maidadahilan.

"Looking at each other's eyes is like taking a good look of them inside. It does not mean any harm or insult, it does not hurt nor discriminate." Tumayo siya mula sa pagkakaup kaya napaatras si Icca at Phairro. Ramdam kong mas kabado silang dalawa kesa sa akin.

"Looking straight into my eyes, you mean you are looking inside me? So what do you see? How am I as a king?" Ipinilig ko ang ulo ko. Sa hindi ko malamang dahilan ay hindi ako nakakaramdam ng kahit ano mang kaba habang kinakausap siya.

Tumingin ako muli sa mga mata niya't taimtim siyang tinitigan. Mula sa aking mga mata'y may mga imahe ako biglang nakita kaya napakurap ako. Ito ang pangalawang pagkakataon na may nakikita akong mga imahe sa tuwing tumititig ako sa mata ng ibang tao.

Another discovered ability of my sixth sense.

"You are. . ." Kung sasabihin ko sa kaniya ang mga sitwasyon na nakikita ko mula sa mga emaheng nasasaksihan ko, magtataka siya't maaari pa siyang maghinala kung paano ko nalaman ang lahat ng 'yon. Kaya mas mabuti ng maingat ako sa bawat kataga na sasabihin ko.

"You are a great king. You rule the continent not for yourself, but for the goodness of everyone else. You tend to be cold and uptight outside, but you are very passionate inside," I paused for a moment to seek for his reaction. Matapos kong makitang tumaas ng pahapyaw ang sulok ng labi niya'y nagpatuloy ako.

"However, with your gazes, I can tell. You are a badass king once you are pushed into your limit. It seems that you don't give second chances to the people who don't deserve it," Titig lang ang iginanti niya sa akin kaya may pumasok sa isip ko.

"Kill me if I'm wrong." Wala man siyang naging reaksyon sa kaniyang mukha, hindi nakatakas sa paningin ko ang mga mata niyang tila ba napapantastikuhan sa sinabi ko.

I am confident because I know I'm right.

"I can't kill the woman who saved my youngest son." Nagkibit-balikat na lang ako. He can say that, he can't deny the fact that I was right about him.

"Marunong ka kumilatis ng pagkatao, binibini." Nilihis ko ang tingin ko sa nagsalita. Malamyos ang boses nito't tila ba nanlalambing na musika.

"Salamat, mahal na reyna." wika ko sabay yuko na rin ng ulo ko. Sa totoo lang, nakakangalay pala ang paulit-ulit na pagyuko.

"I am Winter Snow Alcastrair, the Queen of Water Continent," Bumalik sa pagkakaupo ang hari sa trono nito't may tinawag na kawal. May ibinulong siya rito't mabilis din na umalis ang kawal.

"Bilang reyna at ina, ako'y labis na nagpapasalamat sa ginawa mong pagligtas sa aking anak. Tatanawin namin itong isa malaking utang na loob." Tumango na lang ako. They should be, their loving prince could've been dead by now.

Pero kung iisipin, sa kabila ng parusa na natanggap ko sa kanila dulot ng kanilang maling paratang, dapat lang na niligtas ko pa rin ang prinsipe. Kung sakaling namatay ang prinsipe sa kamay at lugar ng Fire Tribe, maaaring magkagulo.

Water Tribe would wage war against Fire Tribe.

"Take this as a token of our gratitude." wika ng hari. Lumapit sa akin ang isang kawal.  Sa pagkakatanda ko, siya ang kawal na inutusan ng hari kanina. He handed us a scroll.

Tiningnan ko muna ito bago sumulyap sa hari na wari'y nagtatanong kung para saan ito. Imbis na sagutin ako, tinitigan niya lang ako na para bang sinasabi na buksan ko na lang upang malaman ko kung ano ito. Tumingin ako kay Icca, at napansin kong hinihintay na lang din niya na buksan ko ito bago buksan ang kaniya.

Tinanggal ko ang kulay pulang laso na nakatali dito bago dahan-dahan itong buksan. Pagbasa ko sa unang pangungusap na nakapaloob dito'y kaagad napataas ang kilay ko.

Greetings to Flare Fyche Henessy of the North,

Napalinga ako kay Icca at napansin kong binabasa na niya ito. Patagal nang patagal ay nanlalaki ang mga mata niya't napapasinghap siya sa gulat. Binalik ko na lang ang pansin ko rito't pinatuloy ang pagbabasa.

With all due respect from the King and Queen of the Water Tribe, as a token of gratitude for saving Prince Ice Yves Alcastrair, you are given a chance to enhance your skills and capability as a mage.

Conratulations! You are highly requested and approved to enter Elysian Institute of Magic.

Yours Truly,
Lha Eva Thereeze Armero
Head Mistress


Binalik ko sa pagkakarolyo ang polyeto't mabilis na humarap sa hari at reyna. Tumikhim muna ako bago magsalita.

"Isang karangalan ang makapasok doon upang mahasa ako sa aking kakayahan at karunungan. Ngunit kung inyong mamarapatin, hindi ko nanaisin na makapasok roon." Bakas ang pagtataka sa mukha ng hari at reyna. Ang mga tingin ng mga ito'y animo'y naghahanap ng sagot sa katanungang bakit.

"Hindi mo man lang ba ito pag-iisipan? Ang iba'y labis na nagkakandarapa makapasok lamang doon, ngunit ikaw na mayroong pagkakataon ay tinanggihan mo lamang ito nang walang kahirap-hirap." komento ng reyna.

"Inaasahan kong tatanggapin mo ito kaagad." bulalas ng hari.

Pinilig ko ang ulo ko. Ayaw ko ngang ipaalam na  ako ang Top Student ng Blaze Academy, tapos papapasukin pa ako sa Elysian Institute of Magic?

Sa kabila ng katahimikan sa paligid matapos kong hindi magsalita, umihip ang malamig na hangin na siyang naging dahilan upang sumara ang magkabilang pinto ng Majestic Hall. Napalingon kami mula roon pero wala namang tao, subalit sa pagharap namin ay nahigit ko ang hininga ko nang may makaharap akong isang lalaki.

Dalawang metro lang ang layo niya mula sa akin, at ang lalaking 'to ay ang lalaking pumunta sa silid ko kanina't naglaho na lang na parang bula. Nagtagpo ang tingin naming dalawa.

"Accept it. That must be your intention for saving my brother." Dahil sa sinabi niya ay napabuga ako ng marahas na hangin. My brother? Ang ibig sabihin ay isa rin siyang prinsipe, at maaaring siya ang nakakatandang kapatid ng bubwit na 'yon.

"Frost," kalmadong tawag ng hari rito. Hindi man lang ito lumingon, bagkus ay malamig lang siyang nakatingin sa akin. Tinapatan ko ang mga titig niya, at hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang sinabi niya kanina.

He thinks it's my intention to save his annoying brother to enter that school?

"Dapat ba hinayaan ko na lang mamatay ang kapatid mo? Iyon ba ang gusto mo?" diretso kong tanong sa kaniya. Hindi ako umiiwas ng tingin, at ni kurap ay hindi ko ginawa upang patunayan na hindi ako magpapatinag sa kaniya.

"You could've planned it." Tinirik ko ang mata ko. Kung makapang-akusa siya, parang may katibayan siya sa mga pinagsasabi niya.

"Instead of thanking me for saving your annoying brother, you're accusing me?" hindi makapaniwala kong atugal. Sinabayan ko pa ito ng isang halakhak kaya natuon sa akin ang buong pansin nila.

"Flare . . . " Akmang pipigilan ako ni Icca nang ilayo ko ang braso ko sa kaniya. Hinakbang ko ang paa ko papalapit sa kaniya habang hindi pa rin pinuputol ang titigan namin sa isa't-isa.

"Is that how you say thank you?" Napahigpit ang paghawak ko sa polyeto. Ang lahat ng pagtitimpi ko'y parang nabuwag mula sa pagkakatali dahil sa mga pinagsasabi niya.

"If a prince could be this rude and arrogant towards the savior of his younger brother, then forgive me for what I'm about to do." Inangat ko ang scroll na hawak ko.

Binuklat ko ang palad ko't kaagad nagpalabas ng apoy roon. Narinig ko ang pagsinghap ni Phairro at Icca habang pinapanood na lamunin ng apoy ang polyeto hanggang sa magsiliparan na lang ang abo nito sa paligid.

"Hindi ako humihingi ng kahit ano mang kapalit sa ginawa kong pagligtas sa kapatid mo kaya kahit prinsipe ka pa, wala kang karapatan husgahan ako," Isang metro na lang ang layo ko sa kaniya pero naglakas loob pa rin akong humakbang pa papalapit sa kinalalagyan niya.

" Nagkataon lang ang lahat at wala sa mga pangyayaring 'yon ang pinlano namin, pero kung ayaw mo maniwala, nasa'yo na 'yon. Basta ako malinis ang konsensya ko dahil alam kong wala akong ginawang masama't inaagrabyado,"  Tumigil ako nang dalawang dangkal na lang ang layo namin sa isa't-isa.

"At kung magagalit ka dahil sinagot-sagot ko ang isang prinsipe na kagaya mo, wala akong pakialam. Hangga't alam kong nasa tama ako hindi kita uurungan," Nanatiling walang ekspresyon ang mukha niya kaya mas lalong nadagdagan ang inis ko sa kaniya.

"Alam mo kung bakit?" Hindi siya sumagot. Sumulyap ako sa mahal na hari at reyna bago magsalita

"Because I am Flare Fyche Henessy, a daredevil and untamed woman of the Fire Tribe."

And no one messes with me without getting burned.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro