Kabanata 5
Kabanata 5.
Ikatlong Persona
“Kamusta na ang kalagayan ng anak ko?” Anang ng mahal na reyna. Tumunghay ang manggagamot at yumuko upang magbigay galang dito.
“Maayos na naman ang kaniyang kalagayan, mahal na reyna. Ang ikinakataka ko lang ho ay kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ang mahal na prinsipe.” magalang na wika ng manggagamot.
“Kung magising ang anak ko’y nais kong ipaalam mo kaagad ito sa akin, sapagkat maraming nararapat ipaliwanag sa akin ang batang ‘yan.” seryosong wika ng mahal na hari. Tumango na lamang ang mga ito bilang sagot.
“Mahal na hari, gusto ho kayong makausap ni Heneral Phairro ayon sa karampat na parusa ng mga bihag na mapangahas na nanakit sa mahal na prinsipe.” Walang salitang lumabas ang hari, kaya naman yumuko na naman ang mga manggagamot at mga tagapagsilbi nito upang magbigay galang sa pag-alis nito.
Maingat na umupo ang reyna sa tabi ng munting prinsipe. Nakahiga lang ito’t medyo namumutla pa ang labi, mahimbing lang itong natutulog at tila ba wala itong balak gumising pa. Masuyong hinaplos ng reyna ang buhok nito habang pinagdarasal na sana’y magising na ang minamahal niyang anak. Hinalikan niya ito sa noo bago napagpasyahang lumabas ng silid. Kasunod na lumabas ay ang mga manggagamot at mga tagapagsilbi nito.
Pagkatapos ng ilang sandaling pananahimik, at nang masigurado na wala ng ni isang tagapagbantay ang umaaligid sa silid, tumikhim ang binata na kanina pa walang imik na nakaupo sa isang tabi.
“You can wake up now.” Mabilis na nagmulat ng mata ang munting prinsipe. Bumangon ito’t luminga-linga sa paligid.
“Ang hirap pala magpanggap na walang malay,” Nakasimangot nitong anas. Magkasalubong ang kilay nito habang kamot-kamot ang noo niya.
“Kapag kasi magising ako, alam kong papagalitan kaagad ako ni ama. Panigurado’y hindi na naman niya ako palalabasin sa aking silid. Tumakas na nga ako para makalabas dito sa kulungang ‘to, pero sino ba naman kasi ang mag-aakala na makakatagpo ko ang mga bandido mula sa angkan ng mga matatapang na taga hilaga.” Ani nito na para bang kinakausap ang sarili. Walang emosyon na humarap sa kaniya ang kaniyang nakakatandang kapatid.
“Mga bandido?” Tumango ang munting prinsipe. Maingat itong dumapa sa higaan upang harapin ang nakakatanda niyang kapatid na prenteng nakaupo sa isang magarang silya. Nakadekwatro ang mga binti nito habang nakaharap sa nakababata niyang kapatid.
“Yep. They are the ones who took me away from the Water Continent to the Fire Continent. I was so scared that they might harm me, but someone saved me!” Pinalakpak nito ang kaniyang mga kamay na para bang tuwang-tuwa sa naaalala niya.
Matapos niyang mapansin na halos maisigaw siya ‘yon ay kaagad niyang tinakpan ang bibig niya. Baka may makarinig at mabuko ang pagpapanggap na ginagawa niya. Tumikhim siya bago magsimulang magkuwento sa nakakatanda niyang kapatid.
“Dalawang babae ang nagligtas sa akin. Ang unang babae, maingay siya’t sinubukan niya akong iligtas, ngunit nautakan siya ng mga bandido kaya nahuli rin siya gaya ko. Ewan ko ba doon, liligtas-ligtas tapos wala naman palang matinong plano,” Nakangiwing kuwento nito. Wala namang naging reaksyon ang binata sa naging kuwento ng kapatid.
“Tapos may isa pang babae na dumating. Kaibigan no’ng babae na unang nagligtas sa akin. Titig pa lang ng babaeng ‘yon maangas na, at presensya niya pa lang natatakot na ang mga bandido. Mag-isa niyang napatumba ang lahat ng mga bandido, bukod doon ay mautak din siya. Akala ko nga pababayaan niya akong mamatay, pero nagkamali ako,” Kumislap ang mata ng prinsipe kaya saglit na nangunot ang noo ng nakakantandang kapatid nito.
Kulang na lang siguro ay maghugis puso ang mga mata ng nakababata nitong kapatid habang kinukuwento ang katangian ng babaeng nagligtas sa kaniya.
“Isa pa, ang ganda niya. Mahaba ang buhok, maputi ang balat, matangos ang ilong, maalon ang pilik, natural na mapula ang labi, singhugis ng kandila ang mga daliri, at bukod doon, maumbok ang—“ Napatigil ito sa pagsasalita nang dumapo ang kamay ng nakakatanda niyang kapatid sa batok niya.
“Aray naman kuya!” ingos nito habang hawak-hawak ang batok niya. Napangiwi siya dahil medyo masakit ito. Paminsan-minsan talaga’y hindi niya naiintindihan ang kapatid niyang ‘to. Paminsan-minsan na nga lang nagsasalita, bigla-bigla pang nambabatok sa hindi niya malamang dahilan.
“Oh? Saan ka pupunta? Iiwan mo na ako rito?” talima nito nang makitang tumayo na ang kaniyang kapatid. Walang Sali-salita itong naglakad na para bang walang narinig.
“Kuya naman! Wala na nga akong kausap dito e! Tapos aalis ka pa!” busangot nitong atugal. Napatigil sa paglalakad ang binata. Naboboryo nitong hinarap ang nakababatang kapatid.
“I will tell father king about your doings.” Kaagad nanlaki ang maliliit nitong mata.
“No! Sige na! Umalis ka na! Iwan mo na ako! Ayos lang sa akin! Ingat! Sana madapa ka! Este—baka madapa ka!” sunod-sunod nitong wika na tila ba natataranta. Nagkibit-balikat na lang ito’t pailing-iling na lumabas ng silid.
Hawak-hawak niya ang leeg niya habang inaantok na naglalakad sa espasyo ng palasyo. Sa tuwing may nakakasalubong siyang mga tagapaglingkod ay mabilis na pumapagilid ang mga ito upang padaanin ang binata’t kapagkuwan ay yuyuko ang mga ito upang magbigay ng galang.
Inayos niya ang magulo niyang buhok habang naglalakad, at hindi niya man lang nginitian o binalingan man lang ng tingin ang mga ito. Wala naman siyang pakialam sa tagapagsilbi ng mga palasyo, dahil ilang segundo rin ang masasayang niya sa pagngiti at pagbaling ng tingin sa mga ito. Isa pa, siya ang tipo na kailan man ay hindi mo makikitang ngumiti, kaya ano pa ang aasahan mo mula sa kaniya?
“Magandang umaga ho, mahal na prinsipe.” bati ng isa sa tagahain ng pagkain ng palasyo. Nilagpasan niya lang ito’t hindi binati pabalik, kaya naman nakaramdam ng pagkapahiya ang dilag.
Ganoon na talaga ang ugali nito noon pa man, kaya hindi na ito nakakagulat pa sa ilang tagapagsilbi ng palasyo. Subalit ang ibang mga baguhan ay naninibago pa rin dito at hindi sanay na ganoon ang pakikitungo ng isang prinsipe. Ito ay marahil ibang-iba ang ugali nito kumapara sa ibang prinsipe ng kontinente.
Taliwas sa ibang prinsipe, ito ay hindi mahilig makipagsalamuha sa ibang tao. Madalang lang ito magsalita’t higit sa lahat, walang bakas ng kahit ano mang emosyon ang mga mata nito. Para itong isang bloke ng yelo na magpakailan ma’y hindi natitibag o natutunaw man lang.
Pumasok ang binata sa sarili nitong silid. Alas-kwatro na ng madaling-araw pero hindi pa siya nakakatulog. Iyon ay dahil buong gabi siyang nakabantay sa nakababata niyang kapatid habang nakikinig sa mga kuwento nito tungkol sa mga karanasan nito noong tumakas ito sa palasyo.
Sa katunayan nga niyan ay dalawang araw ng nagpapanggap na walang malay ang kaniyang nakababatang kapatid. Nakiusap itong ‘wag ipaalam sa kanilang ama’t ina sapagkat panigurado’y sermon kaagad at sunod-sunod na parusa ang makukuha niya mula sa mga ito. Pumayag naman siya kaya heto ngayon at puyat siya’t walang maayos na tulog. Ito ay sa kadahilang binabantayan niya ito mula umaga hanggang gabi, at tila ba walang kapaguran sa pagsasalita ang kapatid niyang ‘yon.
Pabagsak itong humiga sa kaniyang higaan. Pinatong niya ang kanang braso sa noo niya’t pinikit ang kaniyang mga mata upang sa wakas ay makatulog na. Paggising na paggising niya’y ibubunyag niya ang kapilyuhan ng nakababata niyang kapatid upang wala na siyang aabalahin pa.
Sa kabilang dako, mahimbing na natutulog ang isang dalaga. Ang ulo nito’y nakahilig sa mga dayami na nakaumbok na tila ba mga unan. Ang kasuotan nito’y puno ng dugo’t kitang-kita ang mahahabang sugat sa braso at bandang likod niya. Sariwang-sariwa pa ang mga sugat na ito mula sa mga latigong natanggap niya dalawang araw na ang nakakalipas. Sa pagsikat na naman ng araw ay makakatanggap na naman siya ng labing-apat na hagupit mula rito.
Sa kaniyang tabi’y naroon ang kaniyang kaibigan na nakapikit din ang mata’t natutulog. Ang mukha pa nito’y puno ng natuyong luha mula sa kakaiyak nito dahil sa sinapit ng kaibigan. Wala siyang ibang ginawa kun’di ang umiyak nang umiyak magdamag dahil ang hagupit ng latigo na imbis tatama sa likuran niya’y ang kaibigan niya ang umako at sumalo sa mga ito.
Kahit na ano’ng gawin niyang pakiusap kay Phairro upang patigilin ang paglatigo sa kaibigan ay sadyang ayaw ito makinig sa kaniya. Ito ang nagrepresinta upang sumalo ng bawat hugupit ng latigo, kaya walang naging angal si Phairro at sinunod na lamang ang gusto nito. Kaya naman hindi niya maiwasang sisihin ang sarili sa sinapit ng kaibigan. Kasalanan niya naman talaga lahat ng ito.
Naalimpungatan si Flare nang tumama sa mukha niya ang sinag ng araw mula sa maliit na bintana na nakakubli sa selda na kanilang kinakukulungan. Kagat-kagat nito ang ibabang bahagi ng labi habang sinusubukang umupo ng maayos kahit pa sobrang hapdi ng likod nito. Nagtagis ang bagang niya habang paulit-ulit na pinapatay si Phairro sa isipan niya.
Ang gagong ‘yon, talagang ayaw maniwala na wala silang kasalanan.
Pinagmasdan ni Flare si Icca na natutulog sa tabi niya. Ang babaeng ‘to ay sakit sa ulo niya. Hindi niya nga maintindihan kung bakit nililigtas niya ito mula sa sakit na maari nitong maramdaman.
Dapat mga magalit siya dahil wala sana siya sa sitwasyong ‘to, kun’di dahil sa kaniya, ngunit sa hindi malamang dahilan ay hindi niya magawang magalit rito. Kaya naman naiinis siya, naiinis siya dahil ayaw niyang madikit sa kahit na sino man. Ayaw niyang magkaroon ng pakialam sa iba.
Napasinghal siya, kung wala lang talagang kadena na nakatali sa mga kamay at paa niya, talagang gagawin niya ang lahat upang makatakas rito. Hindi niya lang magawa sapagkat ang mala-yelong kadenang ‘yon ay pinipigilan ang sarili niya ipang kuntrolin ang element ng apoy na taglay niya.
“Mga bihag! Gising na!” sigaw ng isa sa mga kawal, ngunit ang sigaw nito’y hindi sapat upang gisingin si Icca na mahimbing na natutulog.
“Hoy! Gisingin mo ang katabi mo! Kung bakit ba kasi nagpupuyat kakaiyak ‘yan kagabi!” Iginulong ni Flare ang mga mata niya.
“Kaya ka narito upang gisingin kami ‘di ba? Kaya ikaw ang gumising sa kaniya. Isa pa, anong ikinakaputok ng butsi mo? Sino ba namang gago ang magpupuyat sa umaga?” pabalang nitong sagot.
“Aba’t—“ Tumalim ang tingin ng kawal sa kaniya pero wala siyang pakialam. Si Flare pa ba? Kahit mapuno pa ng sugat ang katawan niya, sasagot at sasagot pa rin siya ayon sa gusto niya. Wala siyang pakialam, sino ba sila sa inaakala nila.
“Matalim talaga ang dila mong talupindas ka!” singhal nito habang magkasalubong ang kilay at dinuduro ang dalaga.
“Matalim? Nasugatan ba kita?” Walang pakialam nitong sagot. Mas lalong nagunot ang noo ng kawal dahil sa inis, ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay kanina pa nakikinig si Phairro sa usapan nila.
“Talaga bang sa bawat sasabihin ko ay may isasagot ka talaga? Hindi ba tatahimik ang bibig mo ha!?” maanghang nitong wika. Buwesit na lumingon ang dalaga sa gawi niya.
“Subukan mo kayang tumahimik? Ikaw nga ‘tong letseng sat-sat nang sat-sat diyan tapos ako sisisihin mo? Ano, suntukan na lang oh!” Lihim na napangisi si Phairro habang pinapakinggan ang pagsagot-sagot ni Flare sa isang kawal.
Ibang klase talaga ang babaeng ‘to. Nasaktan na at lahat-lahat may lakas pa rin ng loob sumagot ng pabalang.
“Talagang sinusubukan mo ang pase—“ Tumikhim si Phairro kaya mabilis na napalingon ang kawal. Yumuko ito upang magbigay ng galang sa Heneral bago ibaling muli ang tingin sa babaeng kanina pa sinusubok ang pasensya niya.
“You may go, I’ll take it from here.” Bago sumunod ang kawal sa utos ng heneral ay sinamaan niya muna ng tingin ang dalaga. Umismid na lang si Flare bago ibaling ang tingin kay Phairro.
“What? Is it time for another fourteen whips for this day?” deretsong tanong nito. Imbis sumagot ay tinitigan lang siya ni Phairro.
Hanggang ngayon ay napapantastikuhan pa rin ito sa dalaga kung paanong nakakaya nitong tiisin ang labing-apat na hugipit ng latigo sa loob ng isang araw. Kung bibilangin ay dalampu’t walong hampas na ng latigo ang natatanggap nito, at kung makatanggap na naman siya ng panibagong hampas ngayong araw, apatnapu’t dalawang beses na ito.
“Oh? Ganiyan na ba ako kaganda upang matulala ka ng sampung segundo, Phairro?” Nabalik sa katinuan ang heneral matapos marinig ang iwinika ng dalaga.
“Heneral Phairro ang itawag mo sa akin. Hindi kita kaano-ano upang tawagin ako sa pangalan ko lang,” mahinahon nitong anas.
“Isa pa, hindi ka maganda. Tinitingnan ko lang kung gaano kapangit ang mukha mo matapos mong makatanggap ng parusa.” Dag-dag nito. Nagkibit-balikat na lang ang dalaga.
“Tatawagin kita sa kahit na ano mang pangalan na gusto ko. Sa ganoong paraan, makaganti naman ako sa bawat hagupit ng latigong hinahampas mo sa likod ko.” Napaisip naman si Phairro. Iyon na nga ang ikinakataka niya, sa sakit ng bawat hampas ng latigo sa katawan nito, paanong kung makipag-usap ang dalaga sa kaniya’y parang wala lang nangyari.
Kaharap niya ang lalaking nanakit sa kaniya, ngunit paanong hindi man lang ito nagagalit sa kaniya? Ni isang mura ay wala siyang narinig mula rito. Hindi niya nga inaasahang makikipag-usap ito sa kaniya.
“Hindi ka ba nagagalit sa akin?” Hindi niya man lang napansin na kusa lamang iyong lumabas sa bibig niya. Tumunghay ang dalaga, kapagkuwan ay napahalakhak ito.
“Bakit naman ako magagalit sa’yo? Hindi ba’t ginagawa mo lang naman ang tungkulin mo?” Mas lalong nilamon ng kursyudad si Phairro. Hindi niya talaga malaman ang takbo ng utak ng babaeng ‘to, sadyang iba siya mag-isip.
“Kung sinaktan mo ako dahil sa walang kwentang dahilan, baka magalit ako sa’yo.” Sinandal ni Phairro ang balikat niya sa bakal na harang ng kulungan bago tumingin muli sa dalaga.
“Ibig mo bang sabihin, inaamin mo na may kasalanan ka?” Saglit na napaisip si Flare. Mukhang may dahilan kung bakit ito nakikipag-usap sa kaniya, kaya naman hindi siya magpapadala rito. Isa pa, isang heneral ng hukbong sandatahan ang kaharap niya, kaya panigurado’y matalino ito’t magaling magpa-ikot.
“Ako ang dumukot sa prinsipe niyo upang dalhin sa hilagang kontinente, ako rin ang nanakit at sumaksak sa kaniya,” Tumigil sa pagsasalita ang dalaga upang sulyapan si Phairro.
“Inaasahan mo bang iyon ang sasabihin ko?” Sa idinugtong nito’y biglang napangisi si Phairro. Mukhang natuklasan yata ng dalaga kung ano ang gusto niyang gawin. Hindi lang pala ito matapang, mautak din ito.
“Isa kang heneral, hindi ba?”
“Oo.”
“Likas kang mautak at matapang?”
“Oo.”
“Malakas at makisig?”
“Oo.”
“Sinusunod mo ang bawat utos sa’yo ng hari at reyna?”
“Oo.”
“Ibig sabihin mapagkakatiwalaan ka at may isang salita?”
“Oo.”
“Kung hindi kami totoong nagkasala, kusa kang bibitaw sa posisyon mo. Tama?”
“Oo—What the…”
Isang ngisi ang kumawala sa mapupulang labi ng dalaga, samantalang ang heneral ay napakurap-kurap na lamang dahil hindi niya iyon inaasahan.
“Ang isang heneral na likas na mautak at matapang, malakas at makisig, na sinusunod ang bawat utos ng hari at reyna ay mapagkakatiwalaan at may isang salita. Kaya kung hindi kami totoong nagkasala, kusa kang bibitaw sa posisyon mo. Tama?” Bumuka ang bibig ni Phairro upang magsalita, ngunit wala siyang masabi dahil aminin niya man o hindi nagulat siya. Hindi siya makapaniwalang nautakan siya ng isang bihag.
“Wala ng bawian, Heneral Phairro,” Mapaglaro nitong anas habang binabasa ang nanunuyo nitong labi. Nagawa niya ang gusto niyang gawin, napaikot niya si Phairro gamit ang mga salitang binitawan niya.
“May isang salita ang heneral na gaya mo, kaya gagawin mo ‘yon, hindi ba? Kusa kang bibitaw sa posisyon mo sa oras na mapatunayan na hindi kami nagkasala,” Walang naging reaksyon si Phairro, pero sa kaloob-looban niya’y ilang beses na siyang napamura dahil ang heneral tulad niya’y naisahan ng babaeng kaharap niya.
“Silence means yes.”
“Huwag mo akong pangunahan, bihag. Lumabas ka na upang tanggapin ang labing-apat na hagupit ng latigo ngayong araw. Pagkatapos ay sasabihin ko sa’yo ang sagot ko, ‘yon ay kung mabubuhay ka pa pagkatapos no’n.” Imbis mahintatakutan ang dalaga’y nginisihan niya pa ito.
“Huwag kang mag-alala, buhay pa ako sa mga sandaling ‘yon.” Binuksan ni Phairro ang kulungan. Nagtawag siya ng dalawa pang kawal upang alalayang tumayo at makalabas ng silid kulungang ang dalaga.
Bago tuluyang makalabas ay napabaling si Flare sa kaibigan na mahimbing pa rin na natutulog. Napakatulog-mantika talaga ito, kahit siguro pasabugan pa ito bomba’y hindi pa rin ito magigising. Umiling na lang siya’t hinakbang ang mga paa niya palabas. Mabuti na rin na tulog pa ito, sapagkat nakakarindi ng marinig ang walang humpay nitong pag-iyak at paghagulgol sa tuwing nakikitang nasasaktan siya.
Nang tuluyan na siyang makalabas ay kaagad siyang napakislot nang maapakan ang malamig na sahig na nababalutan ng yelo. Kaagad nanuot sa buong katawan niya ang kakaibang lamig na dulot nito. Siya ay nagmula sa hilagang bahagi ng kontinente, isang angkan na nagtataglay ng kapangyarihan ng apoy, kaya naman hindi ito sanay sa lamig at hindi komportable ang katawan nito.
Tulad ng nangyari noong nagdaang araw ay pumagitna na naman siya sa dalawang haligi’t nakatayong tinali ang magkabilang kamay at paa niya roon. Bumuga siya ng malalim na hininga bago pinilig-pilig ang ulo niya na para bang hinahanda ang sarili. Naririnig na niya ang paghampas-hampas ni Phairro ng latigo sa ere.
Naigulong niya ang mga mata niya. Aminado siyang masakit ang pagtama no’n sa balat niya, subalit sa dami ng hampas na natanggap niya, tila ba namanhid na ang buong katawan niya’t kahit papaano’y nababawasan ang nararamdaman niyang sakit. Inis niyang nilingon si Phairro dahil naiinip na siya.
“Ano ba! Ihahampas mo ba ‘yan sa likod ko, o hihintayin mong makatakas ako rito’t ako ang humampas niyan sa pagmumukha mo?” Natauhan si Phairro. Napa-iling na lang siya dahil sa kawalan ng pasensya ng bihag na ‘to. Ang totoo niyan ay iniisip niya kung paano makalusot sa kasunduang pinataw ng dalaga kanina. Iniisip niya kung paano niya ito matatakasan.
“Ihahampas mo ba ‘yan o hindi?” Minuwestra ni Phairro ang kanang kamay niyang may hawak ng latigo. Ginalaw niya ang braso niya’t marahas na binalya ang hawak nitong latigo. Tumama kaagad ito sa likod ng dalaga.
“Ang sarap…” Nangunot ang noo niya. Nagkamali lang ba siya ng rinig, o talagang narinig niyang sinabi ng dalaga na masarap ang natamo niyang hampas ng latigo? May saltik ba ito sa utak?
Ipinasawalang-bahala na lang niya ito’t sinundan ng kasunod na hampas ang likod ng dalaga. Umiling-iling siya, nakakasigurado siyang malakas ang bawat hampas niya. Malakas ito’t hindi niya ito pinagbibigyan kahit na babae pa ito, subalit nakakamangha at sadyang nakakapagtaka kung paanong hindi man lang ito sumisigaw sa bawat hampas na natatanggap nito. Ni butil ng luha’y natatakot kumawala sa mga mata niya kahit pa nag-uunahan sa pagdaloy ang dugo sa likod nito.
Mariin na pinikit ni Flare ang kaniyang mga mata habang tinatanggap ang sunod-sunod na hampas ng latigo sa likod niya. Hindi na rin mabilang kung ilang mura ang pinakawalan niya sa isip niya dahil aminin niya man o hindi, nakakaramdam pa rin siya ng sakit lalo na’t parang mas dumoble ang lakas ng paghampas ni Phairro sa kaniya ngayon. Panigurado’y bumabawi ito dahil nautakan niya ito kanina.
Sa pang-walong hampas ng latigo ay naimulat niya ang mga mata niya, at mula sa malayo ay may natanaw siyang isang bulto ng lalaki. Pinikit niya muli ang mga mata niya’t minulat din ito upang siguraduhin kung namamalikmata lang ba siya o hindi. Hindi ito nawala, at sa katunayan nga’y papalapit nang papalapit ang bulto ng lalaking ‘yon.
Inaayos nito ang magulo niyang kulay itim na buhok, napansin niya rin na ilan sa mga hibla ng buhok ng binata ay kulay puti. Matangkad ito’t hindi maitatangging magara ang kasuotan nito. Taas noo nitong naglalakad patungo sa gawi niya’t wala siyang ibang masabi sa pagkaperpekto ng mukha nito. Sa katunayan nga niyan ay parang sumilaw ang paligid niya habang pinapanood itong maglakad papalapit sa kaniya.
Nang mapadako ang tingin niya sa mga mata nito’y para siyang hinihigop patungong ibang dimension. Alin sunod sa mga mata niya’y napansin niya ang mapipilantik nitong mga pilik na siyang bumagay sa kaputian at katangusan ng ilong niya. Hindi rin nakatakas sa paningin niya ang labi nitong parang iniimbita siyang tikman ‘yon.
“TANGINA!” I-aamba na sana ni Phairro ang pangsiyam na hampas nang mapatigil siya dahil narinig niya ang malutong na pagmura ng dalaga. Nagtataka ito kung bakit ngayon pa ito nagmura kung kailan hindi pa niya naihahampas ang latigo.
Lingid sa kaalaman ni Phairro, napamura ang dalaga hindi dahil sa sakit na nararamdaman nito. Napamura ito dahil sa kung ano-anong bagay na naglalaro sa isip niya habang nakatingin sa binatang papalapit sa gawi nila. Hindi niya lubos akalain darating ang panahon na mag-iisip siyang halikan ang isang lalaking hindi niya naman kilala dahil lang nakita niya ang labi nito.
Napapitlag ang katawan nito nang tumama ang ika-siyam na hampas ng latigo sa likod niya. Nawala ang pansin niya sa binatang papalapit dahil naisipan niyang asarin si Phairro. Napapansin niya kasi na habang patagal nang patagal ay palakas nang palakas ang paghampas nito.
“Phairro, ganiyan mo ba kamahal ang posisyon mo bilang heneral? Gusto mong matuluyan na ako para hindi matupad ang kasunduan?” Napatigil si Phairro. Sa totoo lang ay wala ‘yon sa isip niya, hindi niya lang namamalayan na palakas na pala nang palakas ang paghampas nito.
“Huwag ka mag-alala hindi pa ako matutuluyan sa napakahina mong paghampas. Sabihin mo nga, batang paslit ka ba?” Napabuga na lang ng marahas na hininga si Phairro. Alam niyang sinasadya siyang insultuhin ng dalaga upang lakasan lalo ang paghampas niya, pero sadyang hindi talaga siya makapaniwala sa inaakto nito.
Gusto ba talaga nitong masaktan ng lubusan?
“Phairro,” Akmang yuyuko na ito nang itaas ng binata ang kamay niya. Kunot noo namang napalingon si Flare upang lingunin ang binata.
“P—Frost, ano ang ginagawa mo rito?” Imbis sumagot, lumingon ang binata sa duguang likuran ng dalaga, lumingon din si Flare kaya kaagad nagtagpo ang tingin nilang dalawa. Ilang segundo silang nagkatitigan, subalit si Flare ang unang pumugto ng tinginan na ‘yon sapagkat hindi niya magawang titigan ito ng matagal sa mata.
“Siya ba?” Tumango si Phairro bilang sagot. Walang ano-ano’y inagaw nito ang latigo mula sa kamay ni Phairro’t iniwasiwas ito sa hangin. Humarap ito sa duguang likod ng dalaga habang walang emosyon sa mga mata.
Napatitig si Phairro sa prinsipe. Alam niya ang gagawin nito, mukhang balak ng prinsipe na ipaghiganti ang nakababata nitong kapatid. Nakagat niya ang ibabang bahagi ng labi niya, paniguradong mas masakit na hampas ang matatamo ng babaeng ‘to mula sa kamay ng prinsipe.
Sa pagkakakilala niya rito, ayaw na ayaw nitong nasasaktan ang nakababata nitong kapatid, kaya naman inaasahan niyang magiging marahas ito. Lalong-lalo na’t walang bakas na kahit ano mang emosyon ang mga mata nito, kaya kahit si Phairro’y hindi niya alam kung ano ang nasa isip ng prinsipe na kaibigan niya rin mismo.
“How much left?” maikli nitong tanong habang nilalaro pa rin ang latigo sa kawalan.
“Five more whips to go.” Agad na sagot ni Phairro. Walang ano-ano’y humagupit ang ika-sampung hampas ng latigo sa likod ng dalaga.
Napangiwi naman si Flare nang matanggap ito. Hindi siya napangiwi dahil sa sakit, kun’di dahil hindi niya inaasahang ang binatang nakita niya kanina’y maaaring kaliwang kamay lang ni Phairro. Kung hindi, bakit siya nito hahampasin ng latigo imbis na si Phairro ang gumawa?
Umabante ang katawan niya dahil sa lakas ng paghampas nito sa likod niya. Nagtataka itong napa-isip nang may mapansin siya. Sa ika-labing dalawang hampas nito’y pinakiramdaman ng dalaga ang katawan niya. Napakunot na lang ang noo niya nang mapansing malakas ang bawat hampas ng latigo sa likod niya, subalit hindi siya nakakaramdam ng kahit ano mang sakit.
Nasundan pa ito ng malalakas na hampas kaya ilang ulit umabante ang katawan niya. Ang hindi niya lang talaga maintindihan ay kung bakit hindi niya nararamdaman ang sakit. Kumpara kanina noong si Phairro ang humahampas sa kaniya, nakararamdam pa rin siya ng konting kirot at hapdi. Ngunit, noong ang lalaking nagngangalang Frost ang humampas sa kaniya, wala talaga siyang kahit anong naramdaman.
Binalibag ni Frost ang latigong hawak niya nang matapos na niyang hampasin ang dalaga. Walang sabi-sabi itong umalis na nang hindi man lang namamaalam. Napakurap na lang si Phairro habang tinititigan ang likod ng papalayo niyang kaibigan. Bumaling ang tingin niya sa dalaga na lupaypay na nakaupo sa sahig habang nakataas ang magkabilang kamay nito. Mabilis niya itong nilapitan at kinalagan.
“Ayos ka lang ba?” agad na tanong nito sa dalaga. Nakita niya kung paano humampas si Frost, at sa lakas nito nakakasigurado siyang masakit pa ito kesa sa hampas niya kanina.
Nagtataka namang napatingala si Flare kay Phairro. Sira ba utak nito? O ‘di kaya’y maluwang ang turnilyo? Sa ilang beses na hinampas siya nito ng latigo ay talagang ngayon pa ito nagtanong kung ayos lang ba siya o hindi?
Sa isip ni Phairro ay napaupo ang dalaga dahil hindi nito nakayanan ang ginawa ng kaibigan. Napansin niya kasi na sa ilang beses niya itong naparusahan ay hindi man lang ito napapaupo dahil malakas ito’t magaling uminda ng sakit na nararamdaman, pero ngayon ay mukhang sumuko na ito sapagkat napaupo na talaga ito.
Si Flare naman ay mariin na pinikit ang mga mata niya. Hindi na niya nakayanan ang pangangalay kaya umupo na siya. Ilang minuto kasi siyang tumayo at mas matagal ito kesa noong nakaraang araw. Ang dami kasing arte ni Phairro kaya ang tagal matapos, nangangalay na tuloy siya. Isa pa, inaantok din siya dahil kulang siya sa tulog.
“He hurt you badly, didn’t he?” Nagmulat ng mata si Flare at napatitig kay Phairro na sa unang pagkakataon ay parang nag-aalala sa kaniya. Saka saglit, nasaktan siya nito ng sobra?
“The way he stroke his hands to whip you exerts so much force, and I bet that hurt you even more than I’ve hurt you.” Napakunot ang noo ng dalaga. Mabilis siyang lumingon upang hagilapin ang lalaki, pero hindi na niya ito nakita pa.
If it supposed to hurt her, why does her body seems so fine and unhurt at all?
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro