Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 3

Kabanata 3.

Flare

"Ginoo, maaari ba akong umupo sa iyong tabi upang salinan ka ng alak?" Nangunot ang noo ko. Inangat ko ang tingin ko't nasilip ko ang mukha ng isang magandang babae.

Hugis bigas ang mukha niya't bukod tangi ang kagandahang mayroon siya. Mapupula ang labi't mapipilantik ang pilik. Ang mga mata niya'y sapat na upang mahumaling ang sino mang lalaki na mkakatagpo niya.

Hinawakan ko ang salakot sa ulo ko't binaba ito ng konti upang matakpan ng telang nakapalibot dito ang mukha ko. Wala sa sarili akong napangisi, hindi naman ito ang unang beses na napagkamalan akong lalaki. Sa katunayan nga'y hindi ko na mabilang pa.

Hindi pa man ako nakakasagot, bigla siyang umupo sa harap ko. Mapilantik niyang tinaas ang mga kamay niya't sopistikadang nagsalin ng inumin sa basong hawak ko habang pilit na hinahagilap ang mga mata ko upang masilayan.

"Ano't mag-isa sa napakalamig na gabi ang isang binatang gaya mo?" nakangiti nitong tanong. Inangat ko ang kamay ko't tinapat ang basong hawak ko sa ilong ko. Matapos kong maamoy ang halimuyak ng alak ay kaagad ko itong ininom.

Hindi ko siya sinagot, at sa ginawa kong 'yon ay mukhang mas lalo siyang naging interesado sa akin. Nilapag ko ang hawak kong baso sa mesa't kaagad niya naman itong sinalinan muli. Matapos itong mapuno ay tinitigan ko lang ito.

"Nasa loob ka naman, ngunit bakit hindi mo pa rin tinatanggal ang salakot sa iyong ulo? Ayaw mo bang masilayan ko ang guwapo mong mukha?" Kamuntik-muntikan na akong matawa dahil sa sinabi niya. Mabuti na lang ay napigilan ko ang sarili ko sa pamamagitan ng pagkagat ng ibabang bahagi ng labi ko.

"Mas lalo tuloy akong nahuhumaling sa'yo." Nilapat niya ang magkabila niyang siko sa mesa at pinatong ang mukha niya sa magkabila niyang kamay habang tumitingin sa akin na para bang isa akong bagay na kinamamanghaan niya.

Sinandal ko ang ulo ko sa upuan habang nakatingin lang din sa kaniya. Wala siyang makikita sa akin bukod sa leeg at baba ko. Iyon ay dahil may nakasuot na salakot sa ulo ko't may isang dangkal na kulay puting tela ang nakapalibot rito.

"Ikaw ang unang lalaking hindi ako tinuunan ng pansin. Nakakasakit damdamin naman 'yon," Pinatong ko ang kanang braso ko sa mesa't lihim na lang na napangisi.

Iyon ay dahil hindi naman talaga ako lalaki, gaga.

"Hindi mo pa ako kinakausap." Tumikhim ako kaya kaagad siyang napatingin sa akin na wari'y nananabik na marinig ang sasabihin ko.

"Ang isang magandang binibining kagaya mo, na sing liwanag ng mga butuin sa kalangitan ay hindi nararapat kumausap sa isang ordinaryong binata na tulad ko." Napansin kong napatigagal kaagad siya sa mga salitang lumabas sa bibig ko.

"B-bakit naman?" utal niyang tanong. Natawa ako sa kaloob-looban ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na naloloko sila sa boses at paraan ng pananalita ko.

Dahil nasanay na akong pagkamalan na lalaki sa paraan ng pananamit ko, inaral ko na rin kung paano magsalita na para talagang isang tunay na lalaki. Kaya naman hindi mahirap sa akin na magpanggap bilang lalaki. Huwag lang nila makita ang mukha ko ay sapat na 'yon upang maloko sila sa tunay kong kasarian.

"Paumahin, ngunit hindi ako narito upang magpainit sa sinasabi mong napakalamig na gabi." Natigilan na naman siya. Mukhang hindi niya inaasahan na 'yon ang isasagot ko sa naging tanong niya.

"K-kung gayon, ano ang ginagawa mo rito sa H-hermosa?" Ininom ko muna ang baso na may laman na alak bago siya sagutin.

"Umiinom ng alak." deretso kong sagot. Napansin kong namula ang mukha niya. Mukhang nakaramdam siya ng kahihiyan dahil halata naman niya kung ano ang ginagawa ko rito.

Ito ang huling araw ng parusa ko. Ibig sabihin, bukas kailangan ko ng pumasok sa Akademia. Sa ngayon ay narito ako sa Air Continent. Nasa Sky City ako't kasalukuyang umiinom sa lugar na kung tawagin nila rito'y Casa Hermosa. Ito ang natatanging lugar sa buong Emperio ng Elysiano kung saan maraming magagandang dilag ang narito upang humalili sa mga taong pupunta rito upang magsaya't mag-inuman.

Isa sa mga dilag na 'yon ay itong kaharap ko. Sa pag-aakala niyang lalaki ako, kusa siyang lumapit upang aliwin ako, at maaaring higit pa roon. Hindi man ako lalaki, alam kong nanunudyo siya't nagpapapansin dahil sa mga galaw at titig niya.

"Tinashe!" Kaagad napalingon ang babaeng kaharap ko. Marahil ay narinig niyang tinawag ang pangalan niya. Mabilis siyang tumayo, yumuko pa siya sa harap ko bago umalis at nagtungo sa pinanggalingan ng boses na 'yon.

"Magbabayad ako ng utang ko, ngunit hindi pa sa ngayon. Wala akong kahit ano mang pilak na dala." Sa talas ng pandinig ko'y kahit pitong metro ang layo nila sa akin ay naririnig ko pa rin ang pinag-uusapan nila.

"Ilang beses mo na sinabi 'yan ha? Kami ba'y pinagloloko mo ha, babae?" maangas na tanong sa kaniya ng isang lalaking may kalakihan ang katawan. Marahas siya nitong hinawakan sa braso't nanlilisk mata itong tinitigan.

"Sampung pilak ang utang mo sa amin. Ginamit mo iyon upang ipagamot ang kapatid mo, at ngayon na sinisingil na namin, ayaw mo ibigay? Gusto mo ba masaktan?" Nagsimula siyang palibutan ng limang lalaking may bruskong katawan. Halatang-halata na sanay makipagbasag-ulo ang mga ito.

"P-pakiusap bigyan niyo pa ako ng sapat na panahon. Ibibigay ko rin ito kaagad." pakikiusap nito. Imbis pumayag ang mga ito, tinulak siya ng lalaking may hawak sa braso niya, dahilan upang masubsob siya sa mesa kung saan nag-iinuman ang grupo ng mga kalalakihan na nakikipaglampungan sa mga babaeng naroon.

"Mapangahas!" Hinila ng bruskong lalaki ang buhok niya 't pumulot ng bubog. Sapilitan niya itong itinayo bago itutok  ang matulis na bagay na 'yon sa leeg ni Tinashe habang may tingin na tila ba nambabanta.

"Kung hindi ka makakabayad ng pilak, siguro'y sapat na bilang kabayaran ang katawan mo?" Hinaplos niya ang pisngi ni Tinashe. Nanunubig mata naman nitong iniwas ang mukha niya upang hindi siya mahawakan nito.

Kaagad nagbago ang timpla ng mukha ko. Imbis na plano kong 'wag makialam, mukhang mababago ng nakikita ko ang desisyon ko. Marahas kong sinipa ang upuan sa harap ko. Sa lakas nito'y tumalsik ito papunta sa gawi ng limang bruskong lalaki kanina. Tumama ito sa isa sa kanila't narinig ko pa ang pagmura nito.

Kaagad natuon ang atensyon nilang lahat sa akin. Tahimik ang paligid at parang hindi na humihinga ang lahat ng tao sa loob ng Casa Hermosa. Inayos ko ang salakot sa ulo ko bago tumayo't naglakad papalapit sa kanila.

"At sino ka namang pakialamero ka?" maanghang nitong saad habang mahigpit pa rin ang hawak sa buhok ni Tinashe.

"Wala siyang kinalaman dito. Huwag niyo siyang idamay!" talima niya. Ang mga mata niya't tila ba inuutusan akong umalis na rito't hayaan na lamang siya sa mga kamay ng mga gagong 'to.

"Tumahimik ka! Damay na siya rito dahil nangialam siya!" Naigulong ko ang mga mata ko.

"Ang dami mong sinasabi, akala mo naman may kwenta." bulong ko, ngunit sapat na upang marinig niya. Nakita kong naningkit ang mga mata niya't umigting ang panga niya.

"Ako ba'y iniinsulto mo?" Pinilig ko ang ulo ko't napataas naman ang kilay ko.

"Tingin mo ba pinupuri kita?" Mas lalong bumalata ang galit sa mukha niya matapos ko siyang sagutin ng pabalang.

Wala sa sarili akong napangisi. Talento ko na ang sumagot ng pabalang, at maniwala kayo sa sasabihin kong hindi pa ako nagsisimula. Wala akong pakialam kung mapaaway man ako ngayon o hindi, talagang hindi ko lang kaya makita ang kapwa ko babae na inaalipusta.

"Aba gago ka ah!" Akmang susuntukin na niya ako nang masalo ko ang kamao niya gamit ang palad ko.

"Kung gago ako, ano ka pa kaya? Isang bastardo na malaki ang katawan, ngunit maliit at makitid naman ang utak at pag-iisip." Binitawan niya si Tinashe. He use his free hand to punch me again, but I didn't let him. Bago pa tumama sa pisngi ko ang kamao niya, inangat ko ang kaliwang paa ko't sinipa siya sa pagitan ng hita niya.

Sa pagdaing niya'y bigla akong napahalakhak. Wala ng mas masarap pang pakinggan bukod sa daing ng isang lalaking nawalan ng kaligayahan. Sapat na siguro 'yon upang mabawasan ang salot na lalaking tulad niya.

"ANO ANG TINATANG-TANGA NIYO MGA TARANTADO! HULIHIN SIYA!" Dumagungdog ang malakas at galit nitong sigaw. Tumalima ang apat niya pang kasamahan kaya kaagad kong hinawakan at hinala ang braso ni Tinashe.

May ngisi ako sa labi habang tumatakbo't nakikipaghabulan sa kanila. Nagsihiyawan kaagad ang mga kalalakihan at kababaihan sa loob ng Casa Hermosa habang nakasunod ang tingin sa amin. Binilisan ko pa ang takbo ko't paminsan-minsan ay hinaharang ko ang mga mesa at upuan sa daan upang mahirapan sila sa paghabol sa amin.

Ang Casa Hermosa ay may tatlong palapag, at ang disenyo ng kabuuan nito'y paparisukat kaya naman kung dudungaw ka sa gitnang bahagi nito'y makikita mo ang ibang tao sa baba. Bukod doon, ang mga ding-ding ay puno ng mga sulo't ang mga mesa naman ay mayroong mga kandila upang magsilbing liwanag sa gabi.

"Bumalik kayo rito!" Lumingon ako. Saktong paglingon ko'y nakita ko ang matulis na punyal na patungo sa gawi ko. Binitawan ko ang braso ni Tinashe. Tumalon ako upang sipain ito. Tumalsik ito palayo't tumama sa isang bote ng alak, dahilan upang mabasag ito't magkalat sa sahig ang inumin.

Napadako ang tingim ko sa lalaking nagmamay-ari ng alak na 'yon. Halos gumuho ang mundo niya nang makitang nabasag ang bote nito. Tumingin siya sa akin kaya hindi ko kaagad naiiwas ang tingin ko sa kaniya.

"Lintek!" Nabalik ako sa wisyo nang marinig ang daing na 'yon mula sa lalaking naghagis ng punyal sa akin kanina. Mabuti na lang ay kinumpas ni Tinashe ang kamay niya upang paliparin ang kandila papalapit sa lalaki, dahilan upang magkaroon ng munting apoy sa dulo ng damit niya.

Pinitik ko ang daliri ko, kaya mas lalong lumagablab ang apoy sa damit ng lalaki. Nagsisigaw na ito sa taranta't hindi na maipinta ang hitsura nito sa takot at pagkahibang sa maaaring mangyari sa kaniya.

Nangunot ang noo ko nang salubungin kami ng iba pang grupo ng kalalakihan. Napangiwi ako, mukhang nagtawag ng iba pang kakampi ang bastardong hinayupak na 'yon.

"A-ano na ang gagawin natin?" Inikot ko ang mga mata ko. Sa gitnang bahagi ng Casa Hermosa, may espasyo roon na hugis parisukat. Kung tatayo ka mula roon, at dudungaw, makikita mo ang iba pang tao sa ikalawa at unang palapag.

Nahagip ng mga mata ko ang mahahabang tela na nakasabit doon bilang desenyo, kaya naman may ideyang pumasok sa isip ko. Walang sali-salita kong hinila si Tinashe at dinala roon. Kaagad nila kaming hinabol kaya mas nilakihan ko pa ang hakbang ko.

"Teka! Anong-" Nilingon ko si Tinashe. Bago pa siya makapagsalita'y mahigpit ko ng nahawakan ang tela. Nanlalaki mata siyang dumungaw pababa. Ang mga mata niya'y naninigurado kung seryoso ba ako sa gagawin ko o ano. Hinila ko ang isang tela at binigay sa kanya.

"Hindi kayo makakatakas!" sigaw ng isa sa kanila.

Talaga ba?

Bumwelo ako't kaagad na naglambitin sa tela na hawak ko. Sa pag bayo ng tela patungo sa kaliwang dereksyon ay kaagad kong inabot pa ang isang tela. Paglinga ko'y nakita long nakasunod lang sa akin si Tinashe't nakalambitin din ito sa tela na hawak niya.

Pagtingala ko'y nakita ko ang mga kalalakihan at kababaihan sa ikatlong palapag ng Casa Hermosa. Ang mga ito'y nagsisigawan at ang iba pa'y nasisiyahan sa habulan na kanilang nasasaksihan. Sa pagyuko ko naman ay nakita kong nakatingala sa amin ang mga tao mula sa una at ikalawang palapag.

Binalanse ko ang katawan ko sa telang hawak ko't pinadulas ang kamay ko pababa upang mas mapadali ang paglabas namin rito. Napapansin ko kasi na desidido pa rin silang habulin kami dahil ang ilan sa kanila'y nagmamadali na bumaba ng hagdan upang maabutan kami sa baba.

"Tinashe! Bilisan mo!" utas ko. Paglapag ko sa unang palapag ng Casa Hermosa ay kaagad nsgpalakpakan ang mga tao. Kasunod no'n ay ang paglapag din ni Tinashe.

"Tumigil kayo! Hindi namin kayo hahayaang makatakas!" I snapped my fingers. Sa isang pitik lang ng daliri ko, lahat ng apoy mula sa sulo at mga kandila ay biglang naglaho. Dumilim ang buong Casa Hermosa kaya napangisi ako.

Paglabas namin ng pinto ay kaagad kaming nagtago sa isang abandonadong bahay. Hinihingal kaming dalawa't puro na lang malalalim na hininga ang maririnig sa apat na sulok ng lugar na 'yon.

"Wala na yata sila." panatag kong wika. Sinandal ko ang ulo ko sa pader habang may ngiti sa labi. Isa naman ito sa mga gabing hindi ko makakalimutan. Nakisawsaw ako sa gulo't nakipaghabulan.

Ang saya naman. Sana maulit pa.

"S-salamat nga pala," Naibaling ko ang tingin ko kay Tinashe nang marinig na nauutal-utal na naman siya.

"H-hindi ko alam kung ano na ang m-mangyayari sa akin kung w-wala ka." Nakagat ko ang labi ko. Is she acting like this 'cause he thinks I'm a man?

Dapat ko bang sabihin sa kaniya na babae ako?

"Sa totoo lang..." Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit. Umawang ang labi ko, kapagkuwan ay tinikom ko rin ito.

"M-maraming salamat! Tatanawin ko itong i-isang malaking utang na loob!" Nagkibit-balikat na lang ako. Ginantihan ko na lang din siya ng yakap upang hindi naman sumama ang loob niya. Iisipin ko na lang na niyayakap ako ni Wei-wei.

"Walang ano man," Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya't kinalas siya mula sa pagkakayakap sa akin.

"Kailangan ko ng umalis, mag-ingat ka." Tumango-tango naman siya. Tumalikod na ako't hindi pa man ako nakakatatlong hakbang nang tawagin niya ang pansin ko.

"Ano nga pala ang pangalan mo?"

"Sasabihin ko sa'yo kung itinadhana tayong magkita muli." Walang ano-ano'y umalis na ako't hindi na siya nilingon pa.

Napa-iling na lang ako habang inaayos ang salakot sa ulo ko. Siguro kung totoong lalaki ako, malamang maraming babae ang mahuhumaling sa akin. Hambog ba? Isang hampas at bugbog baka gusto mo?

Sa gitna ng paglalakad ko sa madilim na bahagi ng Sky City, nagulat na lang ako nang may humila sa kaliwang braso ko. Ang isang kamay nito'y humapit sa bewang ko't hinapit ako papalapit sa kaniya. Nahulog ang salakot sa ulo ko't automatikong bumagsak ang mahaba kong buhok sa likuran ko.

Inis kong inangat ang tingin ko, at nagulat ako nang makita kung sino ito. Siya ang lalaking nagmamay-ari ng alak na nabasag dahil natamaan ko ng punyal kanina. Hindi ako maaaring magkamali sapagkat naaninag ko ng mabuti ang mukha niya kanina.

Paano niya ako nasundan nang hindi ko napapansin?

"I knew it, you're a woman." Nabalik na lang ako realidad nang mapansing kanina pa pala siya nakatitig sa mukha ko. Winaksi ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko bago siya itulak upang mabitawan niya ang bewang ko.

Pinulot ko ang salakot at pinagpag ito. Walang pakialam ko siyang tinalikuran. Wala akong panahon para makipag-usap sa kaniya, at kailangan ko na rin umuwi dahil gabi na.

"You're not going anywhere." Nagulat ako nang may dumaang marahas na hangin sa tabi ko. Sa isang kisap mata'y nakasandal na ang likod ko sa isang puno ng kahoy habang pinapagitnaan ng magkabilang braso ng lalaking 'to.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" seryoso kong tanong habang hindi nagpapatinag sa mga titig na binibigay niya sa akin.

Ang titig ng lalaking 'to, masyadong mapanlandi.

"Ano rin sa tingin mo ang ginagawa mo? Hindi ba't dapat niluluhuran mo na ako ngayon pa lang?" Napahalakhak ako. Hindi dahil nayayabangan ako sa kaniya, kun'di dahil nadudumihan ang utak ko sa sinabi niya.

"Mga prinsipe at prinsesa nga hindi ko kilala't hindi niluluhuran, ikaw pa kaya?" Taas kilay kong tanong. Napansin ko ang panandaliang pakunot ng noo niya't pagbalata ng pagtataka sa buong mukha niya.

"Isa pa, bilang babae, bakit naman kita luluhuran? Hindi ba dapat kayong mga lalaki ang luluhod sa amin?" Kumislap ang mga mata niya. Tila ba'y napapantastikuhan siya sa mga sinabi ko.

"Kahit kailan hindi ako luluhod para lang sa isang babae. Lahat naman sila'y nakukuha ko sa isang titig lang." pagmamayabang niya. Naigulong ko ang mga mata ko.

Walang duda, isa ngang Air kind ang kaharap ko. Saksakan ng yabang.

"Tumitig ka sa mga mata ko." Tumitig naman ako sa mga mata niya gaya ng utos niya. Sa ilang segundo ng pagtitigan ay masasabi ko nga na kayang-kaya niyang paibigin ang lahat ng babae sa mukha niyang 'yan.

"Alam mo, habang nakatingin ako sa'yo wala akong nararamdaman na kahit na ano." Napakurap siya.

"Hinahamon mo ba ako?" Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya upang asarin siya.

"Mukha na ba 'yong hamon sa'yo? Nasasaktan ba ang pagkalalaki mo?" Akala ko'y aatras siya, pero nagkamali pala ako. Nilapit niya rin ang mukha niya hanggang isang dangkal na lang ang layo ng mukha namin sa isa't-isa.

"Mali ka. Naninigas ang pagkalalaki ko dahil sa'yo." Napangisi naman ako. Inaasahan ko ng iyon ang isasagot niya sa akin.

"Talaga ba? Gusto mo putulin ko para hindi na manigas?" Natigilan naman siya. Nakita ko ang paglunok niya, kaya lihim akong natawa.

"Hindi mo ba ako kilala para pagsalitaan mo ako ng ganiyan?" Napabuga ako ng marahas na hangin. Nakakairita na 'yan na lang palagi ang tinatanong ng bawat taong nakakatagpo ko.

"Bakit naman kita kikilalanin? Ikakaganda ko ba 'yan? Ikakaunlad ng pamumuhay ko?" pambabara ko. Nangunot na lang ang noo ko nang bigla siyang tumawa.

Inalis niya ang magkabilang kamay niya sa gilid ko't biglang napahawak sa puno habang tumatawa pa rin. Napangiwi ako, ang babaw naman ng kaligayahan niya.

"This is so facinating. An Air kind, doesn't know me." Nagkibit-balikat na lang ako. Isa na naman siya sa mga taong naloko ko dahil lang sa suot ko. I'm wearing the Air Tribe's continental dress code. So he must think I'm one of their kinds.

"Hindi naman lahat ng tao umiikot ang buhay sa'yo kaya bakit kita dapat makilala? Sino ka ba sa inaakala mo?" Tumigil siya sa pagtawa. Lumapit na naman siya sa akin at sinandal ang kaliwang kamay niya malapit sa kanang bahagi ng ulo ko.

"I'm Aerus. A very handsome and sexy male of Air Continent. Remember my name," Napasinghal na lang ako sa pagmamayabang niya. Wala talagang kupas.

"It's Aerus Zaito," Nilapit niya ang mukha niya sa akin habang may ngisi sa labi.

"And you are?" Tinulak ko siya sa balikat kaya kaagad siyang napaatras.

"None of your concern."

"Nice to meet you, none of your concern." pinagkrus ko ang braso ko.

"Very funny." iritado kong anas. Tinali ko ang buhok ko hanggang sa wala ng matirang nakalugay sa likod ko. Sinuot ko ang salakot, ngunit hindi pa man ako nakakaalis ay nagsalita na naman siya.

"Hindi kita pipilitin na sabihin ang pangalan mo, dahil naniniwala akong makikilala rin kita. Lalo na't dito ka pala naninirahan." Tumalikod muna ako sa kaniya bago magpakawala ng ngisi sa labi.

Iyon ay kung hahayaan kong magtagpo ang landas naming dalawa.

"Keep safe, a woman should not recklessly walk on her own." Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya't naglakad na palayo.

"By the way," Napatigil kaagad ako sa paglalakad.

"You have a very delectable lips, sexy." Napasinghal naman ako, at mukhang narinig niya 'yon dahil narinig ko ang paghalakhak niya.

Kinumpas ko ang kamay ko, at nang makalayo na ako sa kaniya'y pinitik ko ang daliri ko. Hindi kalayuan ay narinig ko ang isang malakas at malutong na mura mula sa lalaking 'yon. Sa pagkakataong 'to, ako naman ang napahalakhak.

Now burn baby, burn.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro