Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 27

Kabanata 27.

Feleri

"Kaganda mo naman, binibini." Napangiti ako. He don't need to tell me, I know very well how beautiful I am.

"Ako nga pala si Tongkokong." Umasim kaagad ang mukha ko. His name sounds so ridiculous. Paglingon ko sa kaniya'y napangiwi ako. Sing-asim din pala ang pagmumukha niya.

"Ano ang iyong ngalan, binibini?" magalang nitong tanong.

"Ako si Sprikangkang." Muntik na ako matawa nang makita ko ang pangungunot ng noo niya.

"Saka may kasama nga pala ako rito." Nginuso ko ang isang guwapong lalaki na papalapit sa gawi ko kaya napatingin naman siya doon.

"Sigurado ka?" Tumango ako. Mukhang hindi siya naniniwala kaya bago pa man makalagpas sa akin ang lalaking sinabi kong kasama ko'y hinila ko ang braso niya't siniil siya ng halik.

Napansin kong natigilan ito't ang lalaking nagngangalang Tongkokong ay kaagad din umalis. Inalis ko ang pagkakadampi ng labi ko sa labi ng estranghero't napangisi. Aalis na sana ako nang may humawak sa bewang ko.

"Where do you think you're going?" Natulos ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang malamin na boses na 'yon.

Bedroom voice, damn it.

I faced him and gave him my sweetest smile. Mataman lang siyang nakatingin sa akin na para bang sinusuri ang buong pagkatao ko. This man right in front of me is like the epitome of sex god. Napakaperpekto ng pagkakahugis ng mukha niya, at nang mapadako ang tingin ko sa labi niya'y saka ko naalala kung gaano kalambot 'yon.

"Why the heck did you kissed me?" he hissed. This is the first time someone made me feel kissing is a huge crime.

I clung my arms around his neck and look at him as if I'm trying to piss him off. He just look down at me, not braking the eye contact. I was trying to lock him within my gaze, but it was another way around. I was hypnotized by his pair of tantalizing grey eyes.

"I kissed you because I want to?" I managed to whisper.

Medyo napaatras ako nang yumuko siya upang ilapit ang mukha niya sa mukha ko. Halos hindi na ako huminga nang dumako sa bandang kaliwang tainga ko ang bibig niya't ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga roon. My arms are still around his neck.

Napasinghap ako nang kagatin niya ang punuan ng tainga ko. Sa gulat ko'y napahawak pa ako nang mahigpit sa batok niya't parang may naramdaman akong peklat doon.

"Does that mean I can devour your flesh if I want too?" Napalunok ako. Kusa ko siyang nabitawan at hindi ko man lang namalayan na nakaalis na pala siya sa harap ko.

Napapadyak ako dahil hindi ako makapaniwala sa nangyari. Inikot ko ang paningin ko upang hanapin ang lalaking 'yon pero hindi ko na siya mahagilap. Hindi ako makapaniwalang nanigas lang ako sa harap niya. That's not me!

"Sa ilalim ng puting ilaw. Sa dilaw na buwan. May nakita akong bakulaw. Tangina 'yon pala'y ikaw!" Sa lakas ng boses ng babaeng 'yon ay mabilis akong napalingon sa gawi niya.

"Umuwi na kaya tayo? Lasing ka na." Tinuro niya ako habang may hawak-hawak pang pot ng alak. Naduduling-duling na ang mata niya't parang inaantok na rin.

"Umuwi ka mag-isa mo," Napasinghal na lang ako. Binilang ko ang pot ng alak na naubos niya't lampas na ito sa mga daliri ko. Kapag talaga mawalan siya ng malay dahil sa kalasingan niya, ilalampaso ko siya sa sahig.

"Saka hindi pa ako lasing! Tingnan mo oh. Tatlong daliri 'to 'di ba?" Napasentido na lang ako nang itaas niya ang dalawang daliri niya. Mukhang lasing na nga siya.

"Sabihin mo sa nanay mo break na kami.  Nakita ko ang bahag nya ganun kalaki!" Bigla niyang tinaas ang magkabilang kamay niya't humigis ng bilog sa ere. " May butas sa gitna pinasukan ng daga. Ang sabi ng daga ambaho tangina!" Sa asik ng boses niya'y napatingin lahat ng tao sa ikalawang palapag ng Brothels Eve. Dapat ay sa Casa Hermosa kami pero atat kasi uminom ang isang 'to. Kung makalaklak ng alak mo wala ng bukas.

"Tinitingin-tingin niyo?" parang wala lang nitong wika bago umirap.

"Bambambini Flare Fyche Henessy!  Sexy body, sexy Henessy!  Like you and me awashawsha boo-" Tinakpan ko ang bibig niya kaya natahimik siya, pero napadaing naman ako nang kagatin niya ang palad ko.

"Hoy, tara na. Umuwi na tayo't nagkakalat ka na." Ingos lang ang isinagot niya sa akin. Lalasing-lasing itong tumayo habang iritang-iritang hinahawakan ang muwebles ng kasuotan niya.

"Ang init." Nanlaki na lang ang mga mata ko nang aktong huhubarin na niya ang pang-itaas niya kasuotan. Pinigilan ko siya kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Sino ka ba?!" singhal niya. Napairap ako. Malamang ay hindi niya ako nakikilala dahil ibang mukha ang gamit ko. My Sixth Sense is cloning someone in ways of touching them.

"This is Leri, you idiot. Let's go back to the Institute!" Imbis magpahatak sa akin ay tumakbo siya palayo. Napaawang pa ang bibig ko nang makita ko kung paano siya katuwid tumakbo.

Lasing ba talaga 'to?

"Flare!" Akmang hahabulin ko na sana siya nang may humila sa braso ko. I immediately look back, only to see a random guy. He gritted his teeth while looking at me angrily. Binaklas ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya kaya pareho kaming napaatras.

"Who the hell are you?" Umigting ang panga niya. Now he became furious.

"You bitch!" Nagulat ako nang hilahin niya ang buhok ko't tinulak ako sa isang mesa. Bago pa bumangga ang likod ko'y mabilis kong tinukod ang paa ko upang tumalon, dahilan upang ngayon ay nakatayo na ako sa mesa.

Nagtauban ang mga alak sa mesa't nagsigawan ang maaarteng babae. Tumunghay ako't tinaliman ko ng tingin ang lalaking tampalasang nagawang hilahin ang maganda kong buhok. How dare he.

"Ikaw! Matapos mo akong kinalantari, ninakawan mo na pala ako ng ginto sa bulsa!  Magnanakaw!" Napataas ang kilay ko. Marahil ay akala niya ako ang babaeng sinasabi niya. Hindi ko naman alam na may masamang gawain pala ang babaeng pinanggayahan ko ng mukha kanina.

"Kasalanan ko pa? Sino ba ang tatanga-tangang konting hagod at himas lang bumigay na? Gago." I blurted out sharply. Nakita ko ang pagguhit ng galit sa mga mata niya't sa higpit ng pagkuyom ng kamay niya'y parang kahit metal ay kaya niyang yupiin.

"I was drunk. You took advantage!" I gave him my sweetest sly smile. Saglit naman siyang natulala, pero kaagad din siyang nakabawi.

"Men are men. You can't live without women." He scoffed.

"Sino ka ba sa inaakala mo? You are nothing but a prostitute who offers sex for gold." I smirk. Although he was not actually really talking about me, I am a woman, and I feel insulted by that.

"If having sex for gold makes you a prostitute, Does having sex for free makes you a non-profit organization?" Tumalon ako pababa ng mesa't unti-unti naglakad papalapit sa kaniya.

"Women don't live just to pleasure men. If I became a prostitute I must have a reason. A reason that is much deeper and longer than your dick!" Inangat ko ang paa ko't walang pasabing sinipa siya sa panga. Tumalsik siya't tumama ang likod niya sa halagi.

"Damn it, that woman is freaking hot!" rinig kong wika ng isang lalaki habang nakadungaw sa baba. Saglit akong napasulyap sa unang palapag ng Brothel's Eve at nakita kong napakaraming kalalakihan na nagtutumpukan sa maliit na entablado.

Napasinghap na lang ako nang may makita akong babae na may suot na kulay pulang kasuotan ng high class prostitute ng Brothel's Eve.  May hawak-hawak pa itong kulay pulang manipis na tela. Nakapalibot ito sa balikat niya habang makurba niyang ginagalaw ang mga balikat niya't winawagayway ang mapipilantik niyang mga daliri.

Sa bawat angat ng mabukadkad niyang saya ay halos lumuhod na ang mga kalalakihan upang masilipan lang ito. Sa tuwing lumiliyad siya'y napapamura ang mga ito't halos mabali na rin ang leeg masilayan lang ang maputi niyang balat. Sa bawat tambol ng mga instrumento, bawat masuyo ngunit mapang-akit na tugtog ng zither at plawta ay mapangahas niya itong sinasabayan.

Kahit ako'y saglit na natulala't nawala sa isip ko na may lalaki pala akong kaaway rito.  May naramdaman akong kamao na papalapit sa gawi ko kaya iniwas ko ang tingin ko sa entablado upang iiwas ang mukha ko sa sira-ulong lalaking 'to.

"Hindi pa tayo tapos, Star!" Kung gayon, Star pala ang pangalan ng babae. What a coincidence. I will make him see more stars.

"Hindi pa talaga." matamis ko siyang nginitian na ikinainis niya lang lalo.

Hinila niya ang upuan sa isang tabi't inangat ito sa ere habang patakbong sumugod sa akin. Hinintay ko siyang makalapit sa akin at bago pa niya maihampas ang upuan ay inangat ko ang kanang kamay ko't hinataw ang leeg niya, dahilan upang pumikit ang mga mata niya't mawalan ng malay.

I brush my hair as I plaster a smile on my lips. Who does he think he's picking a fight with? I'm the Fire Tribe's one and only princess! No one messes with me!

Binalik ko ang tingin ko sa kinaroroonan ng lasinggerang 'yon at mas dumami lalo ang nanonood sa kaniya't dinumog na ang may-ari ng Brothel's Eve para lang maglapagan ng ginto upang isa sa kanila ang maka-uwi sa kaniya.

Napasentido na lang ako. Kung makasayaw siya'y akala niya walang mga lalaking nanonood sa kaniya na akala mo asong ulol na naglalaway sa kapirasong buto. Mabilis akong kumilos at bumaba ng hagdan upang puntahan siya't patigilin sa gjnagawa niya bago pa may lalaking sumunggab sa kaniya.

Hindi pa nga ako tuluyang nakakababa ng hagdan ay may humila na naman sa braso ko. Sa paglingon ko'y isa naman itong magandang babae. Nakasuot ito ng isa sa mga kasuotan ng myembro ng tagatugtog dito ng mga instrumento.

"Star, akala ko ba umuwi ka na dahil masakit ang balakang mo?" Natigilan ako. Mukhang kilalang-kilala ng babaeng 'to si Star dahil sa nakikita kong pag-aalala sa mukha niya.

"May nakalimutan kasi ako kaya binalikan ko. Pauwi na rin naman ako kaya sige aali-"

"Mamaya ka na umuwi. Hali ka, ipapakilala kita sa sinasabi kong lalaki. Hindi ka makakalaya rito kung hindi mo pa nababayaran ang utang mo sa isang grupo ng bandido, hindi ba? Kung papakasalan mo ang lalaking ipapakilala ko sa'yo maaaring makalaya ka." Nanlaki ang mata ko. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay hinila na niya ako paakyat sa ikalawang palapag ng Brothel's Eve.

"Isang daang piraso ng ginto at Limampung piraso ng pilak! Sa'yo na ang dilag na 'yan!" Rinig kong natutuwang sigaw ng may-ari ng Brothel's Eve.

What the hell...

Napatingin ako muli sa babaeng hila-hila ako. Dapat ko bang sabihin na hindi ako si Star? Pero kapag malaman niya kung sino talaga ako paniguradong kakalat ito sa buong bayan at makakarating na naman ito sa ama't ina ko. Hindi na naman ako makakalabas ng palasyo kung nagkataon.

"Isa pang hawak mo sa akin, mapuputulan kang gago ka!" Napangisi ako nang marinig ko ang mapambantang boses na 'yon.

She's Flare, for sure she can handle that. She's not Flare if she'll not lit fire.

Flare

I danced and danced until my heart contents. Pikit mata kong sinundan ang tunog ng musika. I step my right foot forward and extend my arms on the air. I hear people talking, and gasping, but I don't care.

Pinaglandas ko ang kanang kamay ko sa leeg ko patunong dib-dib pababa ng puson ko't ginalaw ko ang balakang ko upang mapaliyad ako. Tumayo rin ako ulit nang tuwid tapos ay dahan-dahang umikot habang nakaangat nang konti ang dulo ng kasuotan ko.

After all, no one would recognize me. Ang suot ko kasi ngayon ay 'yon din ang suot ko noong napagawi ako rito. Manipis ang tela't hapit sa katawan ko't may maliit na telang nakatakip sa ilong ko't nakatali ito sa punuan ng tainga ko upang matakpan ang kalahati ng mukha ko.

Malaya kong inilabas ang nararamdaman ko kahit alam ko sa sarili kong nalalasing na ako. Kahit naman lasing ako, alam ko pa rin ang ginagawa ko. Naaalala ko lahat at matino pa rin naman ang pag-iisip ko.

Tinanggal ko ang may kahabaang tela na nakatali sa belt ko't inilagay ito sa balikat ko habang patuloy na sumasayaw upang sabayan ang malumanay ngunit mapang-akit na tunog ng musika.

"Isang daang piraso ng ginto at Limampung piraso ng pilak! Sa'yo na ang dilag na 'yan!" rinig kong wika ng isang babae.

Minulat ko ang mata ko't parang nasilaw ako sa rami ng kalalakihan sa ibaba ng entablado. Nakatingin ang mga ito sa akin na para bang isa akong napakasarap na pagkain na gusto nilang kainin ngayong gabi. Napangisi ako nang hindi ko namamalayan.

Sa rami ng lalaking maaaring magkagusto sa akin, talagang nagkagusto pa ako sa taong sintigas ng bato't sinlamig ng yelo?

"Who wants me?" Halos lahat sila'y nagsitaasan ng kamay kaya natawa ako. Lalo lang nadagdagan ang tawa ko dahil natahimik silanv lahat at tanging boses ko lang ang namumutawi sa unang palapag ng Brothel's Eve.

"Who loves me?" Kung gaano karami ang kamay na nagsitaasan kanina ay ganoon pa rin ito karami sa naging pangalawa kong tanong.

"Why?"

"You are freaking hot and sexy!" sigaw ng isa matapos ay sumipol ito.

People these days are obsessed with physicality that y'all forget mentality creates the bond and forms  longevity.

"You are gorgeous!" I chuckled, but then, I rolled my eyes.

If our eyes saw souls instead of bodies, our ideals of beauty would be different.

"Stop that! She's mine now!" Napakunot ang noo ko. Paglingon ko'y sumalubong sa akin ang isang matangkad na lalaki. Nakangiti siya nang malawak, pero hindi ang masayahin niyang mukha ang nakaagaw sa pansin ko kun'di ang ulo niyang kalbo.

Masayahin siyang kalbo, para siyang masayahing betlog.

Nasapak ko ang sarili kong ulo. Mukhang tinatamaan na ang pag-iisip ko. Binabawi ko ang sinabi kong matino pa ako sa lagay na 'to. Medyo may sayad na yata ako.

"Let's go!" Akmang hihilahin na niya ako nang umatras ako. Sa sobrang excited niya'y nauna siyang makababa ng entablado't gumulong pa siya pababa.

Gumulong ang betlog, taena.

"Sumama ka na sa aming pinuno, isang daang ginto ang sinayang niya para lang makuha ka." May dalawang matipunong lalaki na humawak sa magkabilang braso ko. Hinila nila ako pero nagmatigas ako kaya napalingon sila sa akin.

Buong lakas kong binaklas ang kamay ng lalaking nasa kaliwa ko't sinipa ko naman ang nasa kanan kaya nabitawan nila akong dalawa. Binalanse ko muna ang katawan ko dahil dumodoble na ang paningin ko. Tumayo ako nang maayos saka dinuro ang lalaking kalbo.

"Sinong may sabi sa'yong binibenta ko ang sarili ko?" Pagalit siyang umakyat ng entablado.

"Hindi ba't isa kang bayarang babae rito? Sa pag-akyat mo sa entablado dapat ay alam mo na 'yon!" Awtomatikong humalik ang mukha niya sa sahig dahil sa pagsuntok ko sa panga niya.

Tinanggal ko ang telang tumatakip sa ibabang bahagi ng mukha ko kaya nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya. Kitang-kita ko ang paggalaw ng panga niya't ang panginginig ng daliri niya.

"Alam mo na rin siguro ang mangyayari sa'yo kung mananatili ka pa rito kasama ang mga alagad mo?" Mabilis itong tumango-tango. Pagkatapos ay sinenyasan niya ang mga kasama niyang sumibat na't bawiin ang ginto niyang kinuha niya lang naman sa pagiging tulisan.

"Tanginang gago ka, huwag ka nang babalik ditong hayop ka! Baka sa susunod hindi lang buhok mo ang sunugin ko kun'di buong pagkatao mo na!"pahabol kong sigaw.

Yeah, he's one of those bandits who tried to steal from me when I was young.

Kaya noong lumaki na ako'y hinanap ko pa talaga siya't ginantihan. Kaya naging kalbo siya dahil sinunog ko ang buhok niya. Akala niya siguro ay makakalimutan ko ang pagmumukha niya.

"Isang daang ginto-" Hinila ko ang buhok ng babaeng may edad na. Kanina pa ito talak nang talak at sa palagay ko'y siya ang bumubugaw sa akin habang sumasayaw ako kanina.

"Gusto mo bang maging kalbo rin? O baka naman gusto mong sunugin ko ang Brothel's Eve? Pumili ka sa dalawa." Kinakabahan siyang umiling-iling.

"I-ikaw! N-naaalala kita!" Nalintikan na. Paniguradong magsusumbong ito't malalaman na naman ma tumakas ako. Likas pa naman sa mga kababaihan dito ang tsismosa't sumbungera kaya hindi malabo na isumbong niya nga ako.

Binitawan ko na lang siya't walang pasabi siyang tinalikuran. Umakyat ako ng hagdan papuntang ikalawang palapag upang hanapin si Leri. Nagsisihawian naman ang mga kalalakihang nadadaanan ko't kulang na lang ay mabali ang leeg nila kakasunod ng tingin sa akin.

Halos suyurin ko na ang ikalawang palapag kaya nang makita ko siya kaagad ko siyang nilapitan. Kasalukuyan siyang may kausap na lalaking hindi ko naman kilala kung sinong bakulaw dahil medyo madilim sa gawi nila.

"Hoy, umuwi na tayo." sita ko rito. Sabay silang napalingon sa akin. Nagulat si Leri samantalang ang lalaki naman ay nakatingin lang sa akin na para bang sinusuri ako kaya sinuri ko rin siya.

Masasabi kong bukod tangi rin ang hitsura ng lalaking 'to. Bukod sa makinis at guwapo nitong mukha'y hindi maitatanggi ang kakisigan nito.

"Who is she?" rinig kong tanong nito. Napatitig din ako sa kaniya't medyo napataas ang kilay ko nang may maramdaman akong kakaiba sa kaniya.

"I'm Flare Fyche Henessy." pakilala ko.

"Caiz Perfecto, m'lady." inilahad niya ang kamay niya't kaagad ko naman 'yong tinanggap dahil 'yon ang hinihintay kong gawin niya.

Akmang babawiin na niya ang kamay niya nang higpitan ko ang pagkakahawak dito. Imbis na puwersahin ay hinayaan niya ako sa ginawa ko.

Napakurap ako. Binitawan ko ang kamay niya't hinila si Leri saka siya itinago sa likod ko. Parang lumipad sa kawalan ang kalasingan ko't tumalas ang pakiramdam ko sa paligid. Right, it's ny body reacting when I feel something unusual.

"Who are you?" Painosente niya akong tiningnan at nagtatakang tumingin sa akin.

"Hey princess, what's your friend saying?" tanong nito kay Leri. Nilingon ko naman siya't sinamaan ng tingin.

"You let him know you are the princess? How can you be so reckless? How can you reveal your identity towards a stranger?" she pouted.

"I told him the truth because he saved me from getting dragged into an instant fuck knows what wedding and bullshits!" malulutong nitong mura.

"What wedding?" She tsked.

"Ang mukha ng babaeng ginaya ko ay nakatakdang ipakasal! Mabuti sana kung guwapo e matanda naman!" angil nito. Napangiwi na lang ako't napansin ko ang pananahimik ng lalaki sa harap namin kaya napatingin ako sa kaniya. He smiled at me.

"Anyway, why are you acting as if I'm a very dangerous man?" Pinakititigan ko lang siya.

Because I can't figure out what's your Elemental Mage and Sixth Sense.

Gusto ko sanang isatinig 'yon subalit kasama ko si Leri. I can't give her any suspicion that would lead them to know I have multiple sub types of Sixth Sense, that my Sixth Sense is Omnilock.

"I'm sorry if I judged you." sabi ko na lang. He just nod.

"Teka Caiz, hindi ba narito ka upang makita ang babaeng sinasabi mong itinakda mong papakasalan?" sabi ni Leri saka umalis mula sa likod ko.

"Yeah."

"So why don't you go and find her?" dag-dag pa nito.

"Well," he trailed. He laughed softly and stared at me for a while before clearing his throat to talk, "I actually found her." nakangiti na naman nitong sagot.

"Why not talk to her?" parang wala lang tanong ni Leri.

"It's not time just yet." he answered shortly.

"And when is the right time?" I asked.

"When she's already back in our homeland." I nod. Oh, maybe she's far away.

"Naroon! Naroon sa ikalawang palapag ang babaeng tumakas na naman sa Institute!" Sabay na nanlaki ang mata namin ni Leri. Bukod doon ay napamura pa kaming dalawa.

"What do you say if I burn the Brothel's Eve?" suhestyon ko habang pinapanood ang mga kawal na paakyat na.

"Nah, damage will cause us to get grounded.  Let's just escape." Matapos niya 'yong sabihin ay hinila na niya ako upang tumalon mula sa ikalawang palapag papunta sa entablado kung nasaan ako kanina.

"Bye, Caiz! Pakilala mo sa akin 'yang mapapangasawa mo!" huling sigaw ni Leri. Paglapag na paglapag ng paa namin sa sahig ay kaagad may hinampas na bola ng apoy si Leri sa sahig, dahilan upang lamunin ng apoy ang entablado.

"Akala ko ba hindi tayo puweding manira ng mga bagay rito!" sita ko.

"Nagbago isip ko e." Kinindatan niya pa ako kaya napailing na lang ako.

Dahil sa pag-aapoy ng entablado ay umusok ang paligid at nagkagulo na ang mga tao. Hindi na rin kami maaninag ng mga kawal kaya tumakbo na kami palabas. Sa hindi nga lang inaasahang pagkakataon ay may nakabantay palang kawal sa labas.

"Saan tayo lulusot nito ngayon?" bulong niya sa akin.

"Medyo malapit lang dito ay bahay na tinitirhan ko noon. Diretso lang at mula rito ay ika-dalawangput limang bahay 'yon kaya kung makakanahap ka ng pagkakataon tumakbo ka nang matulin at doon tayo magkita." Pinagkunutan niya ako ng noo.

"At paano ka naman?" Tinaboy ko na lang siya.

"I can handle them. Hindi ka nila puweding makilala. Malapit na mawalan ng bisa ang panggagaya mo ng mukha." Tumango-tango na lang siya.

Nagtago kami sa likod ng isang puno. Gamit ang kanang kamay ko, inangat ko ito upang palutangin ang batong kasing laki ng kamao ko. Buong lakas ko itong binato sa kawal na nasa kaliwa kaya napamura ito't kaagad na sinisi ang katabi niya. Hinagisan ko rin ng bato ang kawal sa hindi kalayuan kaya napalingon ito sa gawi ng kawal na una kong hinagisan.

"Ano ba ang problema mo ha?!" sigaw nito.

"Ikaw ba ang naghagis ng bato sa ulo ko?!"

"Tangina mo gago ka, ang laki ng problema mo ah!"

"Paano mo nasabi?!"

Nakarinig ako ng tawa sa tabi ko kaya napalingon ako. "Tumakbo ka na!" Tatawa-tawa itong tumakbo samantalang ako'y pinagpatuloy ko ang kalokohan ko.

Nagkagulo na rin sila kaya hindi ko maiwasang matawa na lang din. Pagkatapos ng ilang minuto ay nag teleport ako sa labas ng maliit na kubo kung saan ako naninirahan dati. Pagpasok ko sa loob ay naabutan kong nakatayo si Leri. Napansin kong nakabukas na ang lagayan ko ng damit kaya malamang ay kumuha na rin siya ng damit na maisusuot.

"Nakapili ka na ba-" Bigla siyang humarap sa akin at napatingin ako sa hawak niya. Natigilan din ako nang makita ko ang bagay na 'yon. Matagal akong napatitig doon bago ko iiwas ang tingin ko.

"I-is this yours?" Tumango na lang ako.

"W-why do you have it?"

"I have it since I was young," Napatingin ako sa kaniya't nakatitig lang siya rito. "I think that necklace came from my biological parents," Nagsimula na akong magpalit ng damit pero nakatitig pa rin siya roon.

"Do you like it? If you want it, you can keep it," alok ko. "That necklace reminded me I'm an unwanted child so I want it out of my sight. Kaya nga hindi ko 'yan sinusuot." paliwanag ko.

"I can't have this." seryoso niyang wika.

"Why?" I mean, mukha namang mamahalin ang malaking bato na nasa pinakagitna nito. It's plain necklace with a huge gem. Kulay asul ang pinakatuktok nito't kulay pula naman ang baba. Kung nasisinagan ito ng buwan ay para itong nagbabagang apoy.

"Because I already have it." Nagtataka akong napatingin sa kaniya. Asking her to tell me why she already have it.

"This is a Fire Opal, Flare. The gem that symbolizes you are a member of a royal family." Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya. Nagkatitigan lang kami't animo'y pareho kaming nawalan ng kakayahan upang makapagsalita. Nahigit ko ang hininga ko.

No. It can't be possible.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro