Kabanata 24
Kabanata 24.
Ikatlong Persona
"Nalalapit na ang ika-labing walong kaarawan ng panganay nating anak, mahal ko." usal ng hari sa reyna habang yakap-yakap ito sa likuran.
Papasikat pa lang ang araw at gustong-gusto ng reyna na masilayan ito tuwing umaga. Kaya naman palagi itong sinasamahan ng hari upang masilayan ito ng sabay.
"Sasabihin mo na ba sa kanila ang totoo?" Natigilan ang reyna.
Sasabihin na nga ba niya ang totoo?
"Paniguradong maglalabingwalong taong gulang na rin siya." Kumalas mula sa pagkakayakap ang hari sa reyna at pinihit ang bewang nito paikot upang mapaharap sa kaniya.
"Manganganib ang buhay natin dahil sa batang 'yon." seryoso nitong wika. Umiling ang reyna bago haplusin ang mukha ng minamahal nitong hari.
"Bata pa lang siya ay nakita ko na sa mga mata niya na hindi siya katulad ng ama niya. Mabait siyang bata." Masuyong hinawakan ng hari ang kamay ng reyna at hinalikan ang likod ng palad nito.
"May dugo pa rin siya ng ama niya. Kapag malaman niya ang totoo, maghihiganti siya't ito na ang magiging katapusan ng buong Emperyo." Hindi nakaimik ang reyna. Maaaring mangyari 'yon, ngunit malakas ang loob niyang hindi 'yon gagawin ng bata.
"Galing siya sa sinapipunan ko kaya alam kong hindi niya gagawin 'yon." Napatitig sa kaniya ang hari. Kahit kailan talaga'y napakapositibo ng pananaw ng reyna.
"Kahit sa sinapupunan mo siya nanggaling, kahit ikaw ang nagluwal sa kaniya, hindi mo siya laman at dugo." ani ng hari. Ngumiti ang reyna.
"Pamangkin ko pa rin siya, mahal ko. Kadugo ko pa rin, at siya na lang ang natatanging ala-alang iniwan sa akin ng yumao kong kapatid." Kapwa natahimik ang dalawa't sabay na pinanood ang mapupulang langit kung saan papasikat na ang haring araw.
"Kapag dumating ang araw at ang tadhana na ang gumawa ng paraan upang magtagpo ang landas natin at ng batang 'yon, hayaan mo sana akong ipakilala ko ang aking sarili bilang ina niya." Walang naging sagot ang hari, bagkus ay hinalikan nito ang noo ng reyna. Hindi niya naman ito kayang tanggihan.
"Pumapayag ako, pero sa oras na malaman kong sumusunod siya sa yapak ng ama niya, patawarin mo ako subalit kailangan kong gawin kung ano ang tama." Tumango-tango ang reyna. She's confident about the child.
Mula sa kaharian mula sa hilaga, dumako naman tayo sa masukal na bahagi ng kagubatan...
"Tell me, did you poisoned her?" matalim na wika ng binata. Hawak-hawak niya ang kwelyo ng lalaking kaharap niya't sa sama ng titig niya baka namatay na ito.
"Why would I? I didn't come there to harm her, I was there with a mission to protect her." mahinahon na sagot ng lalaki.
"If you must protect her, then you should've protected her!" singhal nito.
"She was poisoned, yes, but I'm sure there will be an antidote. Hinanap ko, pero wala. All of it are destroyed at parang sinadya itong sirain," he explained. Lumuwag ang pagkakahawak ng binata sa kwelyo nito.
"I will never hurt her. I will die if I do that," he paused and continued, "Ang problema lang ay mabilis kumalat ang lason. Hindi naman sa wala itong lunas, mayroon ngunit matatagalan ang paghahanap ng mga sangkap nito."
"Who do you think did it?" tanong nito.
"I'm hiding myself in the Institute for five years, so I observe better than anyone else. Marahil gawa ito ng mga taong naiinggit sa kaniya. Sa rami nila ay hindi ko matukoy kung sino sa kanila." lintaya nito.
"Does he know?" Tumango ang lalaki.
"He knows, Canaan reported it." Napabuga na lang ang binata sa sinabi nito.
"Kaya pala ikaw ang pumunta rito kahit si Canaan ang sinabihan ko," pabulong na usal ng binata.
"Bumalik ka na sa Institute, paniguradong may dala ng lunas si Canaan. Kung mangyayari 'yon, gusto kong ikaw mismo ang magpainom ng lunas sa kaniya." Tumango lang ito bago yumuko muli bilang paggalang.
Umatras ang kanang paa ng lalaki at bigla itong huminga nang malalim. Sa isang iglap ay nagbago ang anyo nito. Mula sa pagiging tao ay naging pak-pak ang mga braso niya't nagkaroon din siya ng balahibo hanggang sa maging ibon ito.
A blue parrot.
Sa kabilang dako, kasalukuyan namang nakatambay ang apat na prinsipe sa hardin.
"How's she?" Kaagad na tanong ni Aerus matapos umakyat ng tree house si Vexus.
"Still unconscious. The Imperial Healers are doing everything they can to formulate an antidote." mahinahon nitong sagot, subalit halata ang labis na pag-aalala sa boses nito.
Sabay na nagsiyukuman ang kamao ng mga ito. Ang iniisip nila'y kailangan magbayad ng taong nanakit sa babaeng 'yon. Hindi sila makakapayag na hindi nito pagbayaran ang pananakit at panlalason na ginawa.
"Flame? Mukhang malalim yata ang iniisip mo? Penny of your thoughts?" pansin ni Aerus dito. Kanina pa kasi ito tahimik at ang layo-layo ng tingin nito.
"Flare's hair..." he trailed off. Bumaling ang tingin nito sa tatlo pang kasama na nakatitig lang sa kaniya habang hinihintay ang ano mang sasabihin niya.
"We all know that hair symbolizes a royal blood line." Kapwa natigilan ang mga ito. Ngayon na pinaalala ito ni Flame, nagsimula na silang magtaka't maguluhan.
"She could've dyed it." maikling komento ni Frost.
"We saw how she rose up in anger. Her eyes blazing red, and her hair changing color. That's how we are the first time we released our inner elemental soul." wika pa ni Flame.
He remembered it. His normal hair color is black with red stripes, and it turns fully red if he's releasing too much power. Frost hair have white stripes, Aerus have greyish white, and Vexus have brown stripes.
"Are you saying a blood of a royalty runs in her veins?" Aerus proposed. Maraming iniisip ang binata't napanganga na lang siya dahil konklusyon na naisip niya. "Let's say she had a blood of a royalty, but Flame, that also mean your father king had an affair with somebody else." Napahilot ng sentido ang binata dahil sa sinabi ni Aerus.
He's so damn confused and it's making him crazy. Did his father really had an affair before his mother queen? He had no idea. Pakiramdam niya kung mag-iisip pa siya'y mababaliw na talaga siya.
"Maybe that's the reason why the detector's not sure if she's a Class A or Class S Elemental Mage." ani naman ni Vexus.
"What do you say, Frost?" paghihingi ni Flame ng opinyon mula rito.
"You need to talk to your father," he said and then continued, "She's about your age so it's impossible that your mother had an affair," his stare intensified even more, "Your Aunt Faxara's dead, and your Uncle Danillo can't reproduce an offspring, your father king is the candidate." he finished.
Napahilamos ng mukha si Flame. Hindi niya alam sa sarili niya pero natatakot siyang puntahan ang ama niya upang malaman ang totoo. Malakas ang kabog puso niya't kinakabahan siya nang husto.
He's not ready to hear the truth, and it feels like he's going to regret it.
"Vexus, ikaw ang kasama niya noong pumunta siya sa Booze House, 'di ba? Nasaksak na ba siya noong panahon na 'yon?" pag-iiba ni Flame ng usapan.
Saglit na nag-isip si Vexus. Nagkataon lang na napagawi siya sa Booze House at nakita niya mag-isang umiinom si Flare. Normal lang naman ang hitsura at pangangatawan nito maliban na lang sa pagkalasing. Mukhang wala naman masakit sa pangangatawan nito.
"I carried her in my back. If she's already stabbed that time, she could've flinched from pain." Napatingin sa kaniya ang tatlo.
"You carried her?" they asked in unison. Tumango si Vexus.
"She's too drunk that night." pagdadahilan niya pa.
"Una sa lahat, bakit ba kasi siya naglasing?" tanong ni Flame.
"It must be really serious. Isipin mo hanggang ngayon naglalasing siya. Kung hindi pa siya nawalan ng malay baka umiinom pa rin 'yon hanggang ngayon." mahabang lintaya ni Aerus.
Bumaling ang tingin ni Vexus kay Frost kaya napatingin din si Flame at Aerus dito. "It's not my tale to tell." he chuckled, still looking at Frost.
"Narinig ko kanina ang pag-uusap niyo, and I believe there's more to that. Do you know each other in the past?" diretsong tanong ni Flame rito.
He's not dumb. They are not dumb. They heard all of it, and they know the words they spat to each other had deeper meaning. Maaaring ang iba'y iniisip nilang ang pinag-uusapan nila'y tungkol sa kawalan ng responsibilidad ni Flare, pero alam nila sa isa't isa na mah mas malalim la iyong pinaghuhugutan. It was something that happened in the past.
"I supposed, silence means yes?" hirit ni Aerus.
"Up to you." Nakapamulsa itong tumayo. Akmang bababa na sana ito ng tree house nang magsalita si Vexus.
"Frost, I know I'm not in the position to say this, but please, just forgive her. It's not her intention to forget you," Humarap si Frost sa kaniya kaya nagpatuloy pa siya sa pagsasalita. "She's the reason why your powers surfaced, remember?" makahulugan pa nitong wika.
"I saw her that night, Frost. I'm with her, and I saw she was hurt. Sana piliin mo ang mga salitang sasabihin mo sa kaniya. As her friend, I-" Humakbang papalapit si Frost, at bigla rin lumamig ang paligid kaya natigilan siya. Nakasalubong niya ang malamig nitong titig.
"I doubt that," he almost sound like he hissed. "I doubt if you'll only see her as a friend after you spent more time with her." napilpilan si Vexus sa naging palatak nito. Nahuli nito ang dila niya't wala pa siya sa tamang posisyon at tamang konklusyon upang sagutin ito.
Mismo kasi siya ay hindi niya alam kung talaga bang pagkakaibigan lang ang nais niya rito, o baka nakikipagkaibigan lang siya upang makilala ito dahil gusto niya ito at wala lang siyang maisip na ibang dahilan upang hindi paghinalaan ang nararamdaman niya.
Like what he said, If falling in love with her would set her life on fire and burn him, then he's long been burned.
"Cat got your tongue, Leether Vexus Sinas?" mapangasar nitong tanong. Napaiwas na lang ng tingin si Vexus. Nabuko na naman siya ng kaibigan niya. Talagang kahit kailan atmy hindi ito nagkakamali sa mga nadideskubre niya.
"I need to check her myself. Mauna na ako sa inyo." pagbabasag ni Flame sa katahimikang namamayani sa kanila.
"I'm coming with you!" habol ni Aerus bago nagmamadaling bumaba ng hagdan.
Bumaba na rin si Frost kaya tahimik na sumunod si Vexus. Bawat isa sa kanila ay may kanya-kanyang iniisip. Bawat pag-iisip na 'yon ay talaga namang nakakabaliw at nakakalito.
One's confused of his feelings...
One's afraid of finding the truth...
One wants to know the difference of lust from love...
One wants to break every bone of the man who hurted her...
Sa kabilang banda, isang dalaga ang nakahiga sa mahabang higaan ng Institute Healing Room. Tahimik ang buong paligid at lahat ng mga Imperial Healer ay hindi magkandaugaga kakahanap ng sangkap para lunas sa lason na kumakalat sa katawan ng dalaga.
Ang mga ito ay abala sa gawaan ng mga lunas na matatagpuan lang sa tapat ng Healing Room. Kailangan nila itong sagipin lalong-lalo na't utos ito ng mga prinsipe. Kapag mabigo sila, paniguradong buhay nila mismo ang magiging kapalit.
Mula sa pinakamalapit na bintana na kinahihigaan ng dalaga, umihip ang hangin na naging dahilan upang bumukas nang tuluyan ang bintana. Mula roon ay pumasok ang isang ibon. Gumalaw-galaw ang ulo nito habang nakadungaw sa maamong mukha ng dalaga.
Sa bibig nito'y may kagat-kagat itong munting bote na naglalaman ng kulay asul na likido na nasa limang patak ang dami. Lumipad ito't lumapag ang munti nitong paa sa sahig habang lumilinga-linga sa paligid upang suriin kung may tao ba sa paligid o wala.
Matapos nitong masiguro na walang tao sa paligid, dahan-dahang nagliwanag ang buong katawan nito hanggang sa mag-anyo itong tao. Nakasuot ito ng kulay itim na cloak at may kulay asul na kasuotan itong panloob.
Humakbang siya papalapit sa dalaga at hindi maiwasang mamangha sa kagandang taglay nito. Ito ang unang beses na nasilayan niya ito nang malapit at matagal. Dumako ang mga mata nito sa buhok nitong itim na itim ngunit may iilang kulay pulang hibla.
It's true, her face resembled her mother and father.
Lumapit siya malapit sa ulo nito sabay bukas ng boteng naglalaman ng lunas sa natamo nitong lason. Nais niyang humingi ng tawad dahil hindi niya ito naprotektahan, pero kailangan alam niyang hindi niya 'yon magagawa dahil baka kahit bulong ay may makarinig sa kaniya.
Tinapat niya ang bote ng lunas malapit sa bibig nito. Papatak na sana ang butil ng lunas nang biglang magmulat ng mata ang dalaga. Manibilis itong bumangon sabay hawak ng braso ng lalaki. Wala itong kawala.
"Gotcha!" Napaatras ang binata. Sa gulat nito'y nahulog niya ang bote ng lunas na hawak niya. Pilit siyang nagpumiglas sa hawak nito ngunit huli na dahil nahuli na siya nito.
"You really showed up as planned." Napaangat ng tingin ang lalaki. Hindi makapaniwala ang mukha nito sa narinig.
Did she just planned to poisoned herself just to lure him out?
"You really think I won't do anything to catch you?" Similay ang isang mapanipulang ngiti sa manipis nitong labi. Napamura siya.
He knew then, this woman is too manipulative and calculative just like her father.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro