Kabanata 2
Kabanata 2.
Flare
"Flare Fyche Henessy..." Tinatamad ko siyang binalingan ng tingin. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin na para bang may sampu akong mata't may sampu akong ulo.
"Hindi magandang asal ang ginawa mo sa mga estudyante ng Elysian Institute." Sa sinabi nito'y kaagad akong natawa ng mahina.
"Ano angs gusto mong gawin ko? Luhuran sila't ituring na kagalang-galang sa kabila ng saksakan ng sama ng ugali na mayroon sila?" sikmat ko. Natahimik ito't iiling-iling na napahawak sa noo. Alam na alam niyang may pinupunto ako't hindi ako papayag na manahimik lamang.
"Sana man lang ay nagawa mong pigilan ang iyong sarili. Bilang estudyante ng Blaze Academy, dala-dala mo ang pangalan ng buong Akademia." pangaral niya. Umiling ako. Pinatong ko ang magkabila kong braso sa mesa niya't hinarap siya nang masinsinan.
"Isang matanda na tahimik na nanininda sa isang tabi ang inalipusta nila't ininsulto. Hindi pa sila nakuntento't sinira pa nila ang pangkabuhayan nito't tinapak-tapakan ang dignidad bilang tao," I paused to give him a questioning look.
"Sabihin mo, Head Master Dan, mananatili ka bang isang piping bingi't bulag sa isang tabi? Kahit naman siguro ikaw, gagawin ang ginawa ko. Hindi ba?" Imbis sumagot ay ginawaran ako nito ng isang ngiti na animo'y napapantastikuhan sa naging tanong ko sa kaniya.
"Sa tingin ko, nababagay lang sa kanila ang ginawa ko. Ang hagisan ng itlog at ipahabol sa mababangis na aso ng bayan. Pasalamat nga sila't hindi tigre ang pinahabol ko sa kanila." Tumawa ito't iiling-iling na tumingin sa akin. Ginulong ko na lang ang mga mata ko bago alisin mula sa pagkakapatong ang braso ko sa mesa.
Sinandal ko ang ulo ko sa upuan habang iniikot ang tingin ko sa loob ng silid na pagmamay-ari ng ng Punong Mahestrado ng Akademia. Malaki ito't puno ito ng naglalakihang larawan mula sa mga bagay na siya mismo ang gumuhit at nagpintura. Bukod doon ay may sarili din siyang shelf na puno ng mga aklat.
"Pwede na ba akong umalis?" May inabot siya sa aking isang pirasong papel at pluma kaya napataas ang kilay ko. Huwag mo sabihing ipagsusulat niya ako ng letter of apology?
"Magtataka sila kung ipapalabas kita kaagad kaya manatili ka muna rito ng ilang minuto," Tumango ako. Syempre magtataka sila, dahil ang alam nila pinapagalitan ako ng sobra-sobra dahil sa ginawa ko. Malamang nga'y iniisip nilang baka mapatalsik pa ako sa ginawa ko.
"But still, you need to write a letter of apology to be delivered to the Elysian Institute. That way, the mess you did would be settled down." Iginulong ko na lang ang mata ko. Kinuha ko ang pluma ko't nagsimulang magsulat.
Do I look like I have an effin' choice?
Habang nagsusulat ako'y napangisi na lang ako. Kung inaakala nilang letter of apology ang sinusulat ko, puwes nagkakamali sila. Kahit kailan man hindi ako hihingi ng tawad sa taong wala naman akong kasalanan. Ituring na lang nilang pagdidisiplina iyon ng kanilang ina sapagkat mukhang hindi sila nadisiplina ng maayos.
"What are you writing? Why are you smirking?" Tiniklop ko ang papel. Hindi ko hinayaang may makita siya ni isang salita sa mga isinulat ko.
"Fine. I won't look. Go ahead and write." Binuklat ko ulit ito't nagsulat na lang. Pinakiramdaman ko siya't hindi naman siya nagtatangkang sumilip sa ginagawa ko, sa katunayan nga'y nagbabasa lang siya ng aklat sa harap ko.
"Flare, bakit nga pala ayaw mong ipaalam na ikaw ang Top Student dito sa Blaze Academy? Everyone thinks Grachelle is the Top Student." Nagkibit-balikat na lang ako. Hindi ko naman kailangan maging Top Student. Wala naman akong makukuha mula roon.
"Fame and attention is not your thing, right?" Tumango ako. I rather become someone who is nothing rather than being something I would not like.
"Grachelle Alih is a Class A student, Type A Level with a sixth sense of Self Spawning," Tiniklop ko ang papel nang matapos na ako magsulat. Nilagay ko ito sa kulay puting envelope bago iabot sa kaniya.
"But you, Flare. You are between Class S and Class A, which is confusing. Type A level with a sixth sense of Omnilock," Binaba niya ang hawak niyang aklat at tinitigan ako na para bang sinusuri niya ako nang mabuti.
"However, you choose to stay in Class C, and Type C Level. Instead of being the strongest, you choose to be in the weakest Class. Seriously, what's with you?" Aniya habang nakakunot ang noo.
"You are beyond her, and you deserved to be the Top Student, Flare. After all these years, please get out from your shell and stop supressing your inner energy." Umiling ako. Kahit ilang beses siyang makiusap sa akin, alam niyang hindi ako papayag sa gusto niya.
Iyon marahil ang rason kung bakit close kaming dalawa kahit estudyante lang ako rito't siya ang Head Master ng Blaze Academy. Noong unang araw ko rito kung saan kinakailangan malaman kung anong Class at Type kami, siya mismo ang nagbatay sa amin noon.
When it was my turn, I used my sixth sense against him. Omnilock, means having an unlimited power. Nagagawa ko kung ano ang gusto ko, pero hindi ko pa alam kung hanggang saan lang ang kaya ko. Noong panahong 'yon ay nalilito siya kung saan niya ako ilalagay.
Sa Class S ba o Class A, dahil sa Blaze Academy, walang kahit sino ang Class S maliban na lang kaniya. It is because Class S mages are people born with a royal blood, and Head Master Dannilo Niccolo Fiery is said to be a member of the Fire Continent's Royal Family.
Pero gamit ang sixth sense ko'y nakiusap ako sa kaniyang huwag ako ilagay sa Class A, Type A. I talked to him using mind linking. Pinakiusapan ko siyang ilagay ako sa Class C, Type C dahil gusto ko ng tahimik na buhay sa loob ng Akademia. Pumayag naman siya sa hindi ko malamang dahilan. Ngunit ngayon, heto siya't gusto niyang ibunyag na ako ang totoong Top Student ng Blaze Academy.
"Top Students of each continent will be given an opportunity to study in Elysian Institute, Flare. Ayaw mo ba no'n?" Umiling kaagad ako bilang sagot.
"Who wants to study in a place full of trash?" walang preno kong anas.
"Pumayag ka man o hindi, ibubunyag ko pa rin ito." Napataas ang kilay ko. Nilapag ko ang kaliwang kamay ko sa mesa't seryoso siyang tiningnan sa mata.
"Gawin mo, kung gusto mong sa isang kisap mata, lamunin ng apoy ang buong Akademia." Magsasalita pa sana siya nang maunahan ko na siya.
"Medyo matagal na ang pananatili ko rito, maaari na siguro akong lumabas?" Tumango naman siya kaya kaagad akong tumayo't akmang bubuksan na ang pinto nang magsalita na naman siya.
He know me better than anyone else. Alam niyang may isang salita ako't hindi talaga ako magaatubiling sunugin ang lahat ng dadapuan ng mata ko. Alam niyang kayang-kaya kong gawin 'yon. Lalo na't sa kaniya na mismo galing na hindi niya matukoy kung Class A ba ako o Class S.
I am not a royalty, so I am definitely not a Class S Mage. However, my capability is beyond Class A Mage's. That's why he's confused. Nalilito rin naman ako, pero hindi ko na masyado pinapansin 'yon. Wala rin naman akong pakialam.
"Think about it, Flare. I'm pretty sure your parents would be so proud of you." Pinihit ko ang hawakan ng pinto't tuluyan ng lumabas.
Wala na ang aking ina, ang aking ama nama'y hindi ko kilala. Kaya walang katuturan ang kahit ano mang gagawin ko. No one would be proud, and I really don't care.
Paglabas ko ng silid ay sinalubong kaagad ako ng mga bulungan ng iba't-ibang peste sa paligid. Dito pa lang ay naiirita na ako, ano pa kaya kung nasa Elysian Institute na ako?
Hindi ko na lang sila pinansin at tuloy-tuloy na lang naglakad palabas. Hindi na muna ako papasok ng tatlong araw dahil iyon ang parusa ko sa ginawa ko sa estudyante ng Elysian Institute. Hindi ko naman kawalan 'yon, sa katunayan nga'y natutuwa pa ako dahil makakapaglakwatsa ako ng tatlong araw.
Narinig kong may tumatawag ng pangalan ko habang palabas ako ng Akademia, pero hindi na ako nag-abala pang lumingon. Marami na rin akong estudyante na nakakasabay sa paglabas kaya hindi na niya ako nahabol pa.
Paglaan ng ilang minutong paglalakad ay nakaabot ako sa Blaze Village kung saan nakatira ang mga normal na mamayan ng Fire Continent na gaya ko. Sa pagpasok ko sa maliit na kubo, binuksan ko ang isang kahon kung saan nakatago ang iba't ibang kulay ng damit na ginagamit ko sa tuwing naglalakwatsa ako sa ibang kontinente.
Napatigil ako saglit upang makapag-isip kung saan na naman ako pupunta. Kakagaling ko lang sa Water Continent noong nakaraan, siguro sa Gravil Continent na naman ako pupunta. Kinuha ko kaagad ang kulay berde na kasuotan at mabilis na pumasok sa maliit na kwarto ko upang makapagbihis.
Pagkatapos ko magbihis ay inayos ko ang pagkakapuyod ng buhok ko. I don't do ponytails, but messy buns will do. Inayos ko ang pagkakatali ng kulay berdeng belt sa bewang ko bago pagpagin ang damit ko.
Inayos ko sa pagkakalukot ang puting sleeve na abot pulsuhan ko. Kasunod ay inayos ko naman ang berdeng mwebles na nasa itaas ng puting sleeve na suot ko. Pati rin ang mahabang panlalaking kasuotan na suot ko sa ibabang parte ng katawan ko ay pinagpag at inayos ko na rin.
Alam kong babae ako't nararapat mabukadkad ang mga damit na suot ko, ngunit mas komportable ako sa uri ng kasuotan ng mga lalaki. Bukod kasi sa nakakakilos ako ng maayos, balot na balot pa ang buong katawan ko at napapagkamalan akong lalaki minsan.
"Flare! Flare, nasa loob ka ba?" Napatigil ako sa ginagawa ko nang marinig ang matinis na boses na 'yon. Dahan-dahan akong naglakad at sinilip kung sino ang nasa labas.
"Flare! Papasok na ako sa loob!" Mabilis akong kumilos at binuksan ang sekretong daan palabas ng kubo. Tanging ako lang ang nakakaalam na dalawa ang pinto palabas ng sarili kong tirahan.
Sa paglabas ko'y siya namang pagpasok niya kaya kaagad akong tumakbo palayo. May nakakasalubong pa akong mga bata na naglalaro at nagdudungis sa putik. Isang tipikal na senaryo sa lugar na tinitirhan ko.
Tumigil na ako sa pagtakbo nang makalayo na ako. Napailing na lang ako, kung sino ang babaeng tinakasan ko'y malalaman niyo rin kung sino siya. Sa ngayon, huwag niyo muna siyang kilalanin. Paniguradong sasakit lang tainga niyo sa ubod na ingay at tinis ng boses ng babaeng 'yon.
Palabas na ako ng tarangkahan ng kontinente nang mapansin kong pinagtitinginan na naman ako ng kapwa ko Fire Kinds sa pag-aakalang mula ako sa Gravil Continent. Normal lang naman 'yon dahil iba ang kasuotan ko sa kanila. Isa pa, palabas na rin naman ako sa balwarte ng aming kontinente sapagkat tutungo ako sa Gravil Continent.
Para sa inyong kaalaman, may tatlong uri ng tarangkahan sa buong Kontinente. Ang unang tarangkahan ay ang daan papasok ng kontinente. Ang pangalawang tarangkahan naman ay ang daan papasok ng bayan, at ang ikatlong tarangkahan ay ang daan papasok ng palasyo.
Nang tuluyan na akong makalabas sa balwarte ng Fire Continent ay napatitig ako sa tatlong daan na katatagpuin ko. Ang tatlong daan na 'yon ay patungo sa tatlo pang kontinente rito sa Emperio ng Elysiano. Sa kaliwa ay ang daan papunta sa Water Continent, sa gitna ay sa Air Continent, at ang sa kanan naman sa Gravil Continent.
Lumiko ako sa kanan at tinahak ang daan papunta roon. I'm going to the Gravil Continent, and there is a place somewhere in their forest that I'm really fond with. Mahilig ako sa gubat kung napansin niyo, taong gubat yata ako e. Hindi ko alam, basta simula pagkabata ko sa gubat ako namamalagi.
Sa hindi kalayuan ay nakita ko na ang matayog na tarangkahan, at mula roon nakikita ko ang isang signia ng Gravil Tribe. Isa itong bandila na sumisimbulo sa kanilang kontinente at angkan na kanilang kinabibilangan.
"Ano ang iyong ngalan?" puno ng awtoridad na tanong ng isang kawal sa akin.
"Flare Fyche Henessy. Ako ay isang mamamayan mula sa hilagang bahagi ng kontinente." Tumango ang mga ito.
Alam nilang mula ako sa Fire Continent dahil iyon ang hilagang bahagi ng kontinente. Sa timog ang Water Continent, sa silangan ang Gravil Continent, at sa kanluran naman sa Air Continent.
Malaya akong nakapasok roon at sumalubong kaagad sa akin ang malagubat na estilo ng pamayanan dito. Of course, Gravil Continent is said to be the nature lovers. Imbis dumiretso sa bayan, lumiko ako sa daan papuntang Gravil Mountains. Medyo masukal doon kaya maingat ako sa bawat hakbang na tinatahak ko.
Sa ilang minutong paglalakad ay napagdesisyunan kong magpahinga muna dahil napagod ako. Umupo ako sa lupa habang sinasandal ang ulo ko sa puno. Sa harap ko'y may batis kaya tanging ragasa lang ng tubig ang naririnig ko. Pinikit ko ang mga mata ko't hindi ko namalayang nakaidlip pala ako sa mga sandaling 'yon.
Nagising na lang ako nang maramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko. Hinablot ko ang kamay nito't buong lakas na itinulak. Ayaw ko sa lahat ay ang dinidistorbo ako sa pagtulog. Sinubukan kong umidlip muli kahit saglit ngunit hindi na ako dinalaw pa ng antok.
Inis akong gumising. Pagmulat ng mata ko'y sumalubong sa akin ang mukha ng isang lalaki kaya automatikong tumaas ang kamay ko't tumama ang kamao ko sa kaliwang pisngi niya. Napaatras siya't kaagad napaupo sa lupa sa lakas ng suntok ko. Rinig ko pa ang pabulong nitong pagmura.
"S-sinuntok mo ba ako?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Mukha ba kitang sinampal sa lagay na 'yan?" Umasim naman ang mukha niya. Iniwas ko ang tingin sa kaniya't napatingala. Hapon na pala, hindi man lang ako nakapagtanghalian. Akala ko ilang minuto lang ang inidlip ko, hindi ko akalaing ilang oras din pala.
"Hindi ka man lang ba hihingi ng tawad?" Binalik ko ang tingin ko sa kaniya. Nakatayo na siya sa harap ko habang nakahawak sa panga niya. Hindi naman siya mukhang galit o ano, parang nagtataka lang talaga siya.
Tumayo ako't naglakad papunta sa batis. Hindi ko siya pinansin at tinuring ko na lang siyang isang masamang hangin na dapat iwasan. Hindi ko naman kasi kasalanan na sa pagmulat ng mata ko'y mukha niya ang makikita ko. Pinagsaklob ko ang kamay ko sa batis at kumuha ng tubig upang inumin ito.
"Kinakausap kita, hindi mo ba ako kilala?" Winisik ko ang kamay ko't walang ganang tumayo upang harapin siya.
"Mga prinsipe nga at prinsesa sa ibang kontinente hindi ko kilala, ikaw pa kaya?" Natigilan siya saglit sa sinabi ko, kapagkuwan ay biglang nagtaka.
"Bakit hindi mo kilala?" Pinulot ko ang isang sanga ng kahoy sa isang tabi. Sinipat-sipat ko ito bago hugutin ang punyal na nakatago sa belt na suot ko.
"Hindi ko interesado sa kanila. Hindi ko ikakaganda 'yon, at mas lalong hindi ko ikakaangat sa buhay." Maingat kong ginawan ng patulis na hugis ang dulo ng sanga na napulot ko. Gagawin ko itong sibat dahil manghuhuli ako isda upang kainin ko mamaya.
"Hindi ka interesado sa kanila?" Hindi ko siya sinagot. Nakakapagod ang paulit-ulit. Nakakaubos ng laway at nakakaaksaya ng oras.
"Hindi mo talaga ako kilala?" Naglakad ako palayo sa kaniya't nagtungo sa batis. Tumalon ako't umapak sa isang bato dala-dala ang sibat na ginawa ko.
"Are you sure you're a Gravil Kind? Everyone in the Gravil Continent knows me." rinig kong bulong niya. Nagkunyari akong hindi narinig 'yon. Tinaas ko ang sibat ko nang makita kong may papalapit na isda sa kinatatayuan ko.
"Sa wakas! May taong hindi nakakakilala sa akin!" Nagbago ang ekspresyon sa mukha ko nang biglang lumihis ng daan ang isda dahil sa kaingayan ng lalaking katabi ko. Hindi ko na lang ulit siya pinansin.
Focus on the fish. The fish is your food, Flare. The fish!
"What's your name? I'm Leether by the way! You can call me Lee!" Mariin kong pinikit ang mata ko nang mawala na naman sa paningin ko ang mga isdang papalapit na sana sa gawi ko.
Lumipat ako ng bato. Inangat ko ang sibat na hawak ko habang matyagang hinihintay ang pagdaan ng may kalakihang isda sa bato na kinatatayuan ko. Malapit na, konti na lang, ayan na-
"Hey!"
Inis kong tinaas ang sibat at hinagis ito sa gawi ng maingay na lalaking 'yon. Mabilis niya itong naiwasan, kaya tumarak ang tulis ng sibat sa batis. Nanlalaki mata niyang tinuro kung saan nakatarak ang sibat na hinagis ko.
"You caught a fish!" he exclaimed. Iginulong ko ang mga mata ko, pasalamat siya't isda ang natamaan ko't hindi ang bunganga niya.
Hinugot ko mula sa pagkakabaon ang sibat saka ito inangat. Kita ko mula roon na may isda nga akong nahuli. Hindi ito maliit, at hindi rin gaano kalaki. Pwede ko ng pagtyagaan. Umalis ako sa batong kinatatayuan ko't pumulot ng mga tangkay ng kahoy upang gawing panggatong.
Pwede ko naman sanang lutuin ang isda gamit lang ang apoy na nagmumula sa kamay ko, pero dahil may asungot akong kasama kailangan kong magmano-mano ngayon. Tutal naman akala niya magkaangkan kami, kaya paninindigan ko na. Panigurado magtataka siya kung magtataglay ako ng kapangyarihan ng apoy.
Kumuha ako ng dalawang bato't pinagkiskis ito hanggang sa uminit. Dinikit ko ito sa isang piraso ng kahoy at kaagad itong nagkaroon ng usok. Pagkatapos ay nagkaaroon na rin ito ng konting apoy kaya napangiti ako.
"Kapag maluto na 'yan, bigyan mo ako ha?" Inangat ko ang tingin ko't saka ko lang napansin na kanina pa pala siya nasa tabi ko habang tinitingnan kung paano ako magsindi ng apoy.
"Bakit naman kita bibigyan?" mataray kong tanong. Tumawa naman siya.
"You caught that fish because of me," He then smiled.
"Dahil maingay ako, kaya wala kang mahuli. Hinagis mo sa akin ang sibat dahil sa inis pero nakaiwas ako, at dahil sa pag-iwas ko nakahuli ka ng isda sa hindi inaasahang pagkakataon," mahaba niyang eksplenasyon ng may ngiti pa rin sa labi.
"So you should thank me, and because you are thankful, you should share." I rolled my eyes. Kung hindi naman dahil sa kaniya baka kanina pa ako nakahuli ng isda. Kung wala nga siya panigurado luto na ito ngayon at nilalantakan ko na.
Walang imik akong umupo sa tapat ng apoy habang hawak-hawak ang sibat na may nakatuhog na isda. Matyaga ko itong inikot-ikot na para lutuin. Nakakangalay na nga pero kailangan ko pa rin gawin dahil nagugutom na rin ako.
"What's your name?" rinig kong tanong ng katabi ko. Nagkunyari na lang akong walang narinig. Naalala kong tinanong din iyon sa akin ng isang lalaking nakatagpo ko sa lawa noong nakaraang araw.
Si Apoy...
"I don't talk to random people." wika ko. Umalis siya sa tabi ko't biglang umupo sa harapan ko kung saan ang pagitan naming dalawa ay apoy.
"I'm Leether Vexus. Now that you know me, I'm not a stranger anymore." Inangat ko ang tingin ko sa kaniya't kapagkuwan ay tinaasan ito ng kilay.
"Knowing your name doesn't mean I know you personally. It's just like knowing what you see is a fish, but doesn't know it is edible and tasty." Tumango-tango naman siya.
"Witty," Naigulong ko na naman ang mga mata ko. Of course, I am. You are with the Blaze Academy's Top Student.
"By the way, why are you wearing that?" Tinuro niya ang suot ko. Napatingin naman ako sa sarili ko. Ano naman ang problema sa suot ko?
"You are a woman, you should be proud of that. Kaya dapat pambabae ang sinusuot mo. I am not judging you, okay? It's just that, that's an evidence of being a woman in every continent." Napatigil ako sa pag-iikot ng sibat na hawak ko. Tumunghay ako't tumitig sa kaniya.
"Do you need an evidence to be Leether Vexus? You are what you are whatever you do, and whatever I do doesn't concern you. So, piss off." Tinaas niya ang magkabilang kamay niya't nanlalaki matang umiling-iling.
"Chill, I'm just stating my opinion." I hissed upon his statement. Pinanlakihan ko na lang siya ng mata.
"And I am not asking for your opinion."
"Savage," bulalas niya.
"If you are not wearing the Gravil Tribe's continental dress code, I might mistake you as someone from the Fire Tribe," dugtong niya. Lihim akong napangisi.
Mula talaga ako sa Fire Tribe, ungas.
"Gravil Kinds are friendly, you are not." Tumugil siya sa pagsasalita't napansin kong napasulyap siya sa isda na niluluto ko.
"We eat veggies and fruits, and we seldomly eat meat. However, you like fish and you look like you eat it most of the time." Sa lahat ng sinabi niya, tama lahat ng 'yon. Alam ko naman na 'yon kadalasan ang mga katangian nila, pero wala pa rin akong pakialam. I'll be what I want to be.
I hate being someone I am not.
"Ang ingay mo, alam mo ba 'yon?" he chuckled. Naiirita kong inirap ang mga mata ko. Sa totoo lang ay ayaw ko talaga ng maiingay na tao. Depende na lang kung may katuturan at may kwenta naman ang dinadaldal nito.
"Vexus!" Sabay kaming napalingon sa isang babaeng hinahangos na tumatakbo papalapit sa kinaroroonan naming dalawa. Sa hitsura niya, parang ilang bundok ang inakyat nito't parang pinaglaruan ng mga unggoy ang buhok niya.
"Hinahanap ka na nila. Kailangan mo na bumalik." Tumigil ito sa harapan namin habang hawak-hawak ang magkabilang tuhod nito sa pagod.
Tumingin sa akin ang lalaki, nagtama ang mga mata namin at nakita ko roon na balak niyang kumuha ng karampot na laman ng isdang niluluto ko. Bago niya pa magawa 'yon, iniwas ko ang sibat sa apoy at inilayo ito sa kaniya.
"I don't share, especially when I'm hungry." Natigilan siya sa sinabi ko. Animo'y nagtataka siya kung paano ko nalaman na may balak siyang kumuha ng isda kahit na hindi pa man niya ito ginagawa.
"Mapangahas! Hindi mo ba kilala ang kaharap mo? Siya ang p-" Napatigil sa pagsasalita ang babae nang itaas ni Lee ang kamay niya. Automatiko siyang natahimik, ngunit isang masamang tingin ang ipinukol niya sa akin.
Tumayo ako't kinagatan ang isdang sa tingin ko'y naluto na sa wakas. Walang emosyon kong tiningnan ang babaeng wagas kung makatingin sa akin ng masama. Matulis pa rin naman ang sibat na hawak ko, baka mapagkamalan kong isda ang mata niya't tusukin ko.
"Ni hindi nga kita kilala, siya pa kaya?" Nilunok ko muna ang kinakain ko bago humakbang papalapit sa kaniya.
" Isa pa, huwag mo akong masama-sama ng tingin dahil mas masama ang ugali ko kesa sa tingin mo." Umayos siya ng tayo't nanghahamon akong hinarap.
"Pinagbabantaan mo ba ako?" Pinatong ko ang sibat na hawak ko sa balikat ko bago siya ngisihan.
"Pinaaalahanan lang kita," Sa hindi malamang dahilan ay may isang pangalan na pumasok sa isip ko habang nakatingin ako sa mga mata niya.
"Macaria Felisidario." Halata ang pagbalata ng pagkagulat sa mga mata niya nang banggitin ko ang pangalang 'yon. Lihim akong napangisi. Tama, pangalan niya nga 'yon.
"P-paano mo nalaman ang pangalan ko?" Hindi ko na siya sinagot. Walang pakialam kong binaba ang sibat na hawak ko't kinagatan na naman ang isda. Nilampasan ko na lang siya't sinadya ko pang banggain ang balikat niya.
"Aba't-"
"Ikinagagalak kitang makilala, binibining maangas na mahilig sa isda!" Napatigil ako sa paglalakad. Kahit pagkagat ko sa isda'y hindi ko naituloy dahil sa narinig kong tawag sa akin ng lalaking 'yon.
Binibining maangas na mahilig sa isda?
"Sana magkita tayo muli!" Hindi na ako nag-abala pang lumingon.
"Sa susunod nating pagkikita sisiguraduhin kong malalaman ko na ang pangalan mo!" Napangisi na naman ako sa kawalan.
Iyon ay kung makikita mo pa ako, ungas.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro