Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 11


Kabanata 11.

Vexus

"The Top Student of each academy has arrived," kuwento ko. Inangat ko ang kaliwang kamay ko. Tinatapat ko ito malapit mukha ko upang masuri nang mabuti ang disenyo ng pak-pak ng kulay asul na paru-paro.

"Their class and level is already determined, but she didn't came at all." Bumuga ako ng malalim na hininga kaya lumipad palayo ang paru-paro.

Inikot ang paningin ko sa paligid. Narito kami ngayon nakatambay sa Pavillion Garden. Ito ay isang hardin, at natatanging lugar sa buong Institute kung saan kaming apat lang ang may karapatang maparito. Puno ito ng iba't-ibang magaganda at mahahalimuyak na bulalak. Bukod doon ay puno rin ito ng makukulay na paru-paro.

Sa gitna ng malawak na hardin, mayroong nag-iisang punong kahoy nakatirik. Malaki ito't mayayabong ang dahon, may malalaking sanga at puno ito ng mga baging na mayroon ding mga bulalak. It's called the Pavillion Tree House, and it's where we're having a conversation right now.

"We still have one and a half hour before the sun sets." wika ni Flame. Kasalukuyan itong naglalaro ng apoy sa mga kamay niya habang hinahagis-hagis ito sa kawalan.

"Malakas ang radar ko na ano mang oras ay darating na siya." nakangising usal ni Aerus. Napakibit-balikat na lang ako.

Kung pag-uugali niya ang basehan, paniguradong hinding-hindi 'yon pupunta rito. Sa sulat pa lang na pinadala niya, nahahalata kong malaki ang pagkadisgusto niya rito't pati na rin sa mga estudyante. Isa pa, siya na mismo ang nagsabing kahit padalhan pa siya ng Imperial Decree, mas pipiliin niya pang mamatay kesa pumasok dito.

But if she refused the Imperial Decree, she'll die.

"Paano mo naman nasabi?" tanong ko. Pinagkrus niya ang binti niya't sinuklay-suklay ang buhok niya. Nagmamayabang na naman ang mukha niya.

"Ako pa ba? Malakas ang radar ko kung babae ang pag-uusapan." Sabay kaming napahalakhak ni Flame kaya napakunot kaagad ang noo niya.

"What?"

"Talaga lang ha? Bakit pakiramdam ko, wala kang epekto sa babaeng sinasabi mo?" pang-aasar ko.

"Akala ko ba, lahat ng babae nagkakandarapa sa'yo?" gatong ni Flame. Umayos ng upo si Aerus, inusog niya papalapit ang upuan, at pinatong ang magkabila niyang braso sa pabilog na mesang pinagtitipunan namin ngayon.

"Is that supposed to be a challenge?" Nagkatinginan kami ni Flame. Binalingan din namin ng tingin si Frost na kanina pa tahimik at nakikinig lang sa usapan naming tatlo.

"I, Prince Aerus Zaito Columbus of Air Continent, never fails to grab any woman's attention, and I will prove that once she fell in love with me." he said confidently. Umiling-iling na lang ako. Mukhang imposible ang sinasabi niya.

"Can you do it within a month?" Mabilis kaming napalingon kay Frost. Wala na namang emosyon ang mukha niya't wala man lang kagana-gana ang mga mata nito.

"Of course!"

"If you failed to catch her attention, stay away from her." Natigilan si Aerus. Pinilig nito ang kaniyang ulo't nagtatakang binalingan ng tingin si Frost.

"Why?"

"You're a prince. You're not thinking of getting involved with a lowly woman like her, do you?" Hindi kaagad ito nakapagsalita. Wari'y nag-iisip ito nng mabuti.

"Of course not." nakangiti nitong sagot. Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa aming apat matapos ng sandaling 'yon. Nabasag lamang ito nang magsalita si Flame.

"Kung sakali mang darating silang apat, kailangan nating gawin ang nakasanayan." Tumango-tango kami. Sana nga makumpleto sila't dumating na siya. Sa hindi ko malamang dahilan ay siya ang higit na inaasahan kong makarating dito.

"Frost, where are you going?" tanong ni Aerus dito. Basta-basta na lang kasi itong tumayo't naglakad na pababa ng tree house. Tumigil ito sa paglalakad, ngunit hindi ito lumingon sa amin.

"The gate walls are vibrating." Pagkatapos niya iyong sabihin ay tuluyan na siyang bumaba.

Lumiwanag kaagad ang mukha ko sa narinig ko. If the gate walls are vibrating, it only means one thing. Someone from the outside is testing the Class and Type detector. Malaki ang posibilidad na baka iyon na ang babaeng mula sa hilaga.

Flare Fyche Henessy.

"See? She came." nakangiting tagumpay na ani ni Aerus. Bumaba na rin siya ng tree house kaya sumunod na kaming dalawa ni Flame.

Kinumpas ni Aerus ang kamay niya kaya saktong pagdaan namin sa naglilinyahang bulaklak ay nagsiliparan ang mga paru-paro. Napa-iling na lang ako. Ang hilig niya talaga maglagay ng karampatang atensyon sa tuwing dadaan siya.

Nakasunod lang kaming tatlo kay Frost hanggang sa makarating kami sa espasyo na nagsisilbing hallway ng Instutute. Tulad ng nakasanayan ay mabilis na nagsisihawian ang kumpulan ng mga estudyante. Malayo sila sa amin at parang sinisigurado nilang hindi dumikit ni gahiblang buhok nila.

Napatigil na lang kami sa paglalakad nang makita naming tumalsik ang dalawang flags mula sa pinakatuktok ng tarangkahan. Bukod doon, nagkaroon din ito ng napakalaking butas na hugis bilog. Hindi nagtagal ay bumalik din sa dating anyo ang tarangkahan.

"With a strength like that, I'm guessing it's a Type B. " bulong ni Flame. Hindi naman siya nagkamali sapagkat totoo ngang Type B lang ito.

"Type B? She's the Top Student, she can't be a Type B!" I exclaimed.

"Then maybe, it's not her." Sabay kaming napalingon nang magsalita si Head Mistress Eva.

Hindi pa man kami nakakapagtanong ay ikinumpas na niya ang mga kamay niya. Mula sa kawalan ay may lumabas na emahe kung saan nakikita namin ang pangyayari sa labas ng tarangkahan. Mula roon ay kitang-kita namin na may dalawang babae.

Napangiti ako. May kaibigan pala siya, sa pag-uugali niya kasi'y parang sanay siyang mag-isa't hindi na niya kailangan pa ng kaibigan. Ang kulit pa nila tingnan, at kahit hindi niya ipahalata'y nakikita ko sa mga mata niya na may malasakit siya sa kasama niya.

Mula sa tapat ng tarangkahan ay bigla siyang lumayo. Sa palagay ko'y sampung metro mahigit ang layo niya. Pinanood namin siyang nakapikit-matang hinilot-hilot ang leeg niya habang nakaawang ng konti ang bibig niya. Sa senaryong nakita ay biglang nag-init ang mukha ko.

"Alam niya bang may nanonood sa kaniya?" wala sa sarili kong anas habang hawak-hawak ang batok ko.

"Is she deliberately seducing us?" kagat-labing wika ni Aerus.

Minulat niya ang mata niya't inayos ang pagkakatupi ng sleeves ng uniform niya. Maangas siyang nag-angat ng tingin habang tinatanaw ang kataasan ng tarangkahan. Her eyes were bold and brave. It's like she's warning us not to get on her way and mess up with her.

She lift her left hand, followed by the other. Flames started to ignite in both of her hands, and when she raise them up, it intensifies even more. Nanlaki ang mata ko nang makita kung gaano kalaki ang bola ng apoy na ginagawa niya. It's about three meters in width and five meters in height.

"She's using too much of her energy." komento ni Flame.

Nang makuntento na siya sa kalakihan nito, inatras niya ang paa niya't bumwelo. She swayed her arms, and immediately released the massive fireball in her hands. Pagtama nito sa tarangkahan ay lumikha ito ng napakalaking pagsabog.

Gumuho kaagad ang pinakaharap na bahagi ng tarangkahan, at akala ko'y hanggang doon na lang 'yon, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay sunod-sunod na gumuho ang pader na nakapalibot sa buong Institute.

Napaatras kami nang magsitalsikan ang mga tipak ng gintong metal na nagsisilbing pader ng tarangkahan. Nagsitakbuhan pa ang iilang esudyante palayo upang masigurong hindi ito matamaan. Napaawang ang labi ko, maliban sa aming apat na prinsipe, walang sino man ang may kakayahang guhuin ito nang basta-basta na lang.

"What's wrong with the detector?" nagtatakang tanong ni Aerus. Ito ay marahil Class S at Class A ang lumalabas sa detector.

"Siguro ay nalilito lang ang detector. Baka inaakala nitong Class S siya dahil nitong nakaraang taon, tanging Class S lang ang nakakapagpaguho ng buong tarangkahan." paliwanag ni Head Mistress Eva.

Mula sa mausok na paligid, iniluwa mula roon ang babaeng naging dahilan ng pagguho nito. Tanaw na tanaw namin siyang naglalakad sa baba. Suot-suot niya pa ang uniporme ng Akademia na kinabibilangan niya. Walang takot ang mga mata niya't hindi niya inaalintana ang mga bulungan ng mga estudyante sa paligid niya.

May dinukot siyang bagay mula sa bulsa niya. Nang i-angat niya ito'y saka lang namin napansin na hawak niya ang Imperial Decree mula sa apat na hari ng apat na kontinente. Walang sabi-sabi niya itong hinagis patungo sa direksyon namin. Nakangiti naman itong sinambot ni Head Mistress Eva.

"Welcome to Elysian Institute of Magic, Flare Fyche Henessy of the North. It's a pleasure to finally meet you." Imbis magpasalamat, sinuklian niya lang ito ng isang ngisi.

"Sorry to burst your bubble, but I'm not pleasured to meet you." Rinig na rinig ko ang paghagikgik ni Aerus at Flame dahil sa mapangahas nitong naging sagot.

"I don't like your tongue." mahinahon ngunit may diin na wika ni Head Mistress Eva.

"You don't have to like it." walang emosyon nitong sagot.

"Keep it shut, or else-"

"Or else what?" panghahamon nito.

"Or else I'll cut your tongue." Imbis mahintatakutan, natawa pa ito. Parang may narinig siyang bagay na katawa-tawa.

"I don't like your tongue too. Should I cut it?" Sa pagkakataong 'to ay napangisi na ako. Nagpipigil na lang akong tumawa dahil sa pamimilosopo niya. No wonder she's really a Fire Kind. She's too savage and straight forward.

"What's this? The Top Student of Blaze Academy is marely a woman?" Nawala ang tensyon sa pagitan nilang dalawa nang biglang magsalita ang Top Student ng Sky Academy.

"What's this? The Top Student of Sky Academy is nothing but a boastful and narcissistic bastard?" she countered. Kitang-kita ang pagtagis ng bagang nito dahil sa naging palatak sa kaniya.

"Take that, Val. you should never underestimate a woman." pang-aasar ni Raiko sa kaniya, ang Top Student ng Snowlake Academy.

"She's still a woman, and a woman is naturally weak and fragile. She's no different. She's just a beauty." gatong ni Elric, ang Top Student ng Gravil Academy.

"I'm not just a beauty. I'm a beauty that brings disaster." she said flatly, showing no emotions at all.

"Since things has come to this, why don't we choose the Institute Regent?" Napalingon silang apat nang magsalita si Head Mistress Eva.

Institute Regant, iyon ang nakasanayang sinasabi ni Flame kanina. Nakasanayang kaming apat ang huhusga kung sino ang magiging Institute Regent. Ang Institute Regant ay isang posisyon na labis na inaasam-asam ng sino man rito. Ito ay marahil kung sino ang nakakahawak ng posisyong ito, gagalangin siya ng lahat.

Institute Regent rules the Institute if Head Mistress Eva is not around, and if the princes are out due to palace duties. Ibig sabihin siya ang batas kung wala kami rito.

Institute Regent is two below, and above the rest in the Institute.

"Institute Regent? The one who rules the Institute when you and the princes are not around?" tanong ni Elric.

"Yes, and that position will be held by either the four of you." sagot ni Head Master Eva.

"Maglalaban-laban lang ba kaming apat? Ang mananalo ang siyang tatanghaling Institute Regent? Gano'n lang ba?" sunod-sunod na tanong ni Raiko.

"It's like that, but there's a little twist." Gumulong ang mata ni Flare matapos itong marinig. Nakakrus na ang braso niya't inip na inip nitong tinatapik-tapik ang paa niya sa sahig habang iniihip-ihip ang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha niya.

"What twist?" maangas na tanong ni Val.

"You will be blindfolded." Nagkatinginan naman ang mga ito, maliban na lang kay Flare na wala lang naging reaksyon. Parang inaasahan na niyang iyon ang sasabihin nito.

"Step aside, Icca." Marahan niyang tinulak palayo ang kaibigan niya.

Sa isang iglap ay nagkaroon ng telang nakatakip sa kanilang mga mata. Ang kulay ng mga ito'y nakaayon sa kung ano ang elementong taglay nila. Lahat sila'y nanatili sa kanilang kinatatayuan, ngunit kapansin-pansin ang pagiging alerto ng mga ito.

"Kaya mo 'yan, Flare!" pumapalakpak na wika ng kaibigan nito.

"Killing is strictly prohibited." paalala ni Head Mistress Eva.

"Don't think I would be easy on you just because you're a woman." pagpaparinig ni Val.

"Oh, I guess we'll take her down first." nakangising wika ni Raiko.

"Piece of cake." mapanlokong sabi ni Elric.

"Killing is strictly prohibited, but I'll make sure you're good as dead." matalim niyang banta sa mga ito. Wala sa sarili akong napasipol. She's really something.

Naramdaman kong may braso na dumikit sa akin kaya napalinga ko. Nakaakbay na si Aerus sa balikat ko habang nakangising nakatingin sa apat na Top Student sa baba.

"Who's gonna be the Institute Regant?" Nagkibit-balikat na lang ako.

"I'm rooting for Flare." Tinapik-tapik niya ang balikat ko.

"Ayaw mo bang ang Top Student ng Gravil Continent ang maging Institute Regent?" Hindi na lang ako sumagot.

Nabalik ang atensyon namin sa baba nang makarinig kami ng pagsabog. Lumikha ito ng maliit na crater sa gitna. Bukod doon, tatlo na lamang sila ang natitira.

Where the hell did she gone off to?

Flare

Nagkasalubong ang kilay ko dahil sa wagas kung mangmaliit ang mga ito. Inaasahan ko na naman 'yon lalo na't ako lang ang nag-iisang babaeng Top Student sa apat na kontinente. Hindi ko lang inaasahan na magkakaisa talaga sila para patumbahin ako.

Gumawa ako ng maliit na fireball at hinampas ito sa lupa. Maliit man ay malakas ang impact nito kaya nagkaroon pa ng crater sa gitna. Dahil sa pag-usbong ng usok mula sa sabog ay hindi nila nahagilap ang prisensya ko. I wrapped myself with my flames, and made it invisible.

Nakangisi akong lumayo sa kanila habang pinapakinggan ang mura nilang tila ba hinahagilap kung saan ako napunta. May tela mang nakatakip sa mata ko, pakiramdam ko'y nakikita ko pa rin sila. Hindi ko man ito tanggalin ay alam ko kung saang direksyon sila nakatayo, alam ko ang anggulo ng bawat katawan nila't pati na rin ang distansya nila sa akin.

It's my advantage. I'm used to blindfolding myself as I trained alone in the Infinite Forest. Naalala kong si Wei-wei ang ginagawa kong target. Kaya todo iwas ang tigre para lang hindi siya matusta.

"Where the heck is she?" Binuklat ko ang kaliwang kamay ko't lumapit sa Top Student ng Sky Academy. Dinikit ko ang palad ko sa likod niya kaya kaagad siyang napahiyaw sa sakit. Malamang ay dahil mainit ang palad ko't dumampi 'yon sa balat niya.

"Lumabas ka! Huwag kang duwag!" Hindi ako umimik. Sila nga 'tong pagtutulungan pa ako para mapatumba, tapos ako pa ang duwag?

Dahil mukhang wala silang balak kalabanin ang isa't-isa hangga't hindi nila ako napapatumba, napagdesisyunan kong ilantad na lang ang sarili ko. Pumagitna ako sa kanilang tatlo't mabilis na tumalon. Sinipa ko sa leeg ang dalawang nasa magkabilang gilid ko't sinuntok ko naman sa panga ang nasa gitna.

Narinig ko ang pagbagsak ng mga ito sa lupa at ang malulutong na mura ng mga ito.

"Aw fuck! That hurts!" nabobosesan kong mura ng Top Student ng Gravil Academy.

"It will hurt even more, asshole." nakangisi kong bulong. Tinunton ko ang nagmanay-ari ng boses na 'yon. Tinahak ko ang direksyon niya't mabilis na hinila ang kwelyo ng uniporme niya.

Akmang susuntukin ko na sana siya nang maramdaman kong may papalapit na bola ng tubig sa likod ko. Pinatayo ko ang Top Student ng Gravil Academy at tinulak ito papunta sa direksyon ng water ball. Kinumpas ko ang kamay ko't akmang magpapalabas na ng apoy nang bigla na lamang itong mawala na parang bula.

"Fire contains the presence of air, and without it, your flame will never ignite." malokong usal ng Top Student ng Sky Academy.

"Who says I'll use fire against you?" Inangat ko ang kaliwang kamay ko, dahilan upang umangat ang katawan ng Top Student ng Gravil at Snowlake Academy.

I can manipulate things around me. I can move them, and throw them anytime I want. Walang pag-aalinlangan kong hinagis ang katawan ng dalawang lalaki papunta sa kaniya. Mukhang naiwasan niya ito dahil nararamdaman kong papasugod siya sa akin.

Sinalubong ko na lang siya't sinalag ang bawat suntok at sipa na pinapakawalan niya. He's fast, but bad for him, I already memorized his combat pattern. Sa muling pagsuntok niya patungo sa sikmura ko, buong lakas kong hinataw ang braso siya hanggang sa mapaluhod siya. I press my palm in his bare back.

Inapakan ko ang likod niya't patalong sinalubong ang isa pang lalaki. Paglapag ko sa lupa'y nasa likuran ko siya kaya sa paglingon ko'y muntik ko ng masalubong ang kamao niya, mabuti na lang ay nakayuko ako't nasipa ko ang tuhod niya.

May pumulupot na bagin sa paa ko kaya automatiko kong nahinuha na Top Student ng Gravil Academy ang kaharap ko. Naglabas ako ng apoy bago ihawak ang kamay ko sa mga baging, dahilan upang masunog ito't mapulbo. Dahil nakaluhod pa siya, sinamantala ko ang panahon na 'yon upang hampasin ang balikat niya gamit ang palad ko.

Kasunod kong hinanap ay ang Top Student ng Snowlake Academy. Nanatili akong nakatayo habang hinihintay siyang sugurin ako. Hindi nga ako nagkamali 'pagkat nakaramdam kaagad ako ng matutulis na yelo na marahas na papatalsik sa gawi ko.

Isa-isa kong iniwasan ang mga ito, at sinigurado kong nagmumukha lang akong sumasayaw habang iniiwasan ang mga ito. Lumiyad ako sa pinakahuli hanggang sa maabot ng magkabilang kamay ko ang lupa. Tumayo rin ako ng maayos nang mapansin kong wala ng kasunod ang mga tira niya.

Nag-fireport ako sa harap niya't hinampas ang palad ko sa dib-dib niya, dahilan upang mapaatras siya't muntikan na matumba. Naglakad ako papuntang gitna habang pinapagpag ang mga kamay ko.

You're so done.

Sinigurado kong nasa pagitan ako ng Top Student ng Sky Academy at Snowlake Academy, at kaharap ko naman ng ilang metro lang ang Top Student ng Gravil Academy.

Nakaramdam ako ng pag-usbong ng enerhiya kaya paniguradong naglabas na ng angking kapangyarihan ang mga ito. Hinayaan ko sila sa ginagawa nila't hinintay ko na lang ang mga itong tumama sa gawi ko.

Pagdaan ng ilang segundo, may tatlong bagay na papalapit sa gawi ko. Unatras ako ng tatlong hakbang upang hindi ako matamaan nito. Nagkasalubong ang bayolenteng hangin at ang tubig kaya naging yelo ito. Sumalpok naman ang malaking bato na gawa ng Top Student ng Gravil Academy sa malaking bloke ng yelo. Nagmistula itong ice blades na nagsisitalsikan saan mang direksyon.

Hindi iyon inaasahan ng tatlo kaya hindi sila nakaiwas. Nagkadaplis sila sa pisngi, leeg, at hita. Kahit ang braso nila'y hindi napalampas sa pagtatalsikan ng mga ito. Nang-aasar akong sumipol-sipol upang ipaalam sa kanila na walang kahit anong nangyari sa akin.

Talk about your attacks being backfired to you.

"You!" Kahit hindi niya ako nakikita, tinuro ko pa rin ang sarili ko.

"What?"

"You played dirty!" I scoffed.

"I didn't, but you did. Boy, you expect me to believe you just threw that rock out of nowhere? If it didn't hit the ice block, that rock will turn into a poisonous Stone Bud." sumbat ko sa kaniya. Napilpilan naman siya sa sinabi ko't natagalan pa bago siya makasagot.

"Sigurado ka bang wala kang nakikita?" paninigurado niya.

"Huwag mo akong itulad sa'yo na gagawin ang lahat manalo lang. I'm not the type to get low and get dirty to achieve something." Tamaan na ang tamaan pero wala akong pakialam.

"Institute Regent is a high position. Dirty or not, we have to do anything to get it." sagot ng Top Student ng Sky Academy.

"What if you can't get it anymore?" Panloko kong tanong.

"What do you mean?" nagugulumihang tanong ng Top Student ng Snowlake Academy.

"Felt my palm impression in your body?" tukoy ko sa parte ng katawan na hinampas ko gamit ang palad ko kanina.

"W-what about it?" they questioned in unison. Natawa pa ako dahil sabay nila itong naitanong.

"Heard of the Elemental Pain Mark? The palm mark in your body means you wil feel an excruciating pain whenever I ignite flames on my hands," Inangat ko ang kanang kamay ko.

"Shall I prove it?" Hindi sila sumagot. Naglabas ako ng maliit na apoy sa kamay ko, at narinig ko kaagad ang mahina nilang pagdain. Pinaliyab ko lalo ang apoy sa kamay ko, at tulad ng inaasahan ko'y lumakas ang sigaw nila.

Sa palagay ko'y nakaluhod na ang mga ito ngayon habang hawak-hawak ang parte ng katawan nila kung saan labis na sumasakit dahil sa naiwang marka ng palad ko. Hindi makanda-umayaw kakasigaw ang mga ito't dinaig pa nila ang inihaw na baboy ramo.

"S-stop it! Please! Stop it!" nahihirapang pakiusap ng Top Student ng Sky Academy.

"Nasaan ang yabang mo ha? Puro salita ka lang pala e. Sa susunod, kung maliitin mo ako, siguraduhin mong kayang-kaya mo akong patumbahin." matalim kong wika sa kaniya.

"So I guess we have the Institute Regent." Tinanggal ko ang piring sa mata ko nang hindi binababa ang kamay kong nagliliyab pa rin ng apoy. Hindi ko rin binigyan ng pansin ang sigaw ng tatlo na halos maiyak na sa sakit na nararamdaman.

"Do you agree, princes?" Napako ang tingin ko sa apat na prinsipeng kasama niya. Tumango naman ang mga ito ng walang pag-aalinlangan maliban na lang kay Frost na nakatitig lang sa akin.

"Did you have fun, Head Mistress?" nakangiti kong tanong habang tinatago ang sarkasmo sa boses ko.

"Yes, I have fun, Lady Regent." Natawa ako nang pagak.

Lady Regent, eh?

"Now will you please make those three shut up? They're voice are annoying." Iginulong ko ang mata ko. Pinatay ko ang apoy sa kamay ko't hinarap silang tatlo. Pinanood ko silang hinihingal na tinatanggal ang piring sa kanilang mga mata.

"My bad for underestimating you." hinging paumanhin ng Top Student ng Sky Academy.

"We're apologizing too." sabay na wika ng dalawa pang natitira.

"The mark will fade after three hours. Magdasal na lang kayo na walang magpapainit ng ulo ko para hindi kayo masaktan kung sakaling maglabas ako ng apoy sa kamay ko." Walang imik na tumango-tango ang mga ito.

"Aerus, bring the Lady Regent to her quarters." Nagkasalubong ang tingin namin ni Aerus, at napataas na lang ang kilay ko nang makita kong nakangisi siya.

Ano'ng nginingisi-ngisi ng lokong 'to?

"Hi there, sexy Lady Regent." Inirapan ko siya, at ang loko't tumawa lang.

"Come with me and I'll bring you to your quarters." Sinulyapan ko muna ang tatlong prinsipe na kasalukuyang nakasunod lang ang tingin sa amin ni Aerus bago sumunod sa kaniya.

Habang naglalakad ay pinagtitinginan na naman ako ng mga eatudyante. Ito ay marahil kasabay ko maglakad ang minamahal nilang prinsipe at halos isang dangkal lang ang distansya naming dalawa. Yumuko siya't biglang bumulong sa tainga ko.

"Don't mind them. It's just that, my charsima is so outstanding." Napangiwi ako.

He's the Air Continent's prince, indeed.

Hinawakan ko ang leeg ko habang hinihilot-hilot na naman ito. Hindi man lang ako pinagpawisan sa tatlong 'yon. Malakas nga sila pero mahina naman sila sa pagpa-plano kung ano ang gagawin nila sa kalaban nila.

"You look sweet." Napatigil ako sa ginagawa ko.

"What?"

"I said, you look sweet. Can I lick you, to prove it?" Nahigit ko ang hininga ko. Mabilis akong napatingin sa kaniya.

"Aww! The hell!" Mabilis niyang pinagpag ang dulo ng uniporme niya nang lumiyab iyon. Nanlalaki mata niya akong tinuro habang may hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha.

"Ikaw! Ikaw rin ang nagpaliyab ng kasuotan ko noong gabing 'yon!" Napangisi ako. Mukhang naaalala niya pa ang pagsunog ko sa dulo ng damit niya ng gabing 'yon.

"Is this my quarter?" Turo ko sa isang pinto kung saan may nakalay na 'Institute Regent's Quarters' . Hindi pa man siya nakakasagot ay binuksan ko na ang pinto, at akmang isasara ko na ito nang iharang niya ang paa niya.

"What do you want, Aerus?" Kumurap-kurap siya't kapagkuwan ay kinagat-kagat ang ibabang bahagi ng labi niya.

"Even my name sounds so sexy when you say it." bulong niya, na siyang rinig na rinig ko naman.

"May gusto ka pang sabihin o ipaalala?" tanong ko.

"Yes, I have something to tell you." Sa pag-aakalang seryoso ito, pinakinggan ko ang sasabihin niya.

"Roses are red, your lips are too. It looks so delectable, so are you." Kung ibang babae lang siguro ako'y baka nagtatatalon na ako sa kilig at nagsisisigaw na ako na parang baliw.

But because I am Flare Fyche Henessy, I just stared at him blankly.

"Roses are red, shit is brown. Shut the fuck up, and get the fuck out." Malakas kong sinara ang pinto sa harapan niya.

Of all women, Aerus. Don't mess up with a woman named Flare Fyche Henessy. The more you get closer to her, the more you'll get burned.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro