Kabanata 10
These are the few words you might encounter in this chapter. Additional to your vocabulary.
Tactless- tending to offend or upset people/ Tells whatever he or she wanted to say.
Merits- Reward/ The quality of being good and important
Foster- a situation where people took care of a child that are not even their real flesh and blood.
Carson- Fire
Insignia- Badge or sign
__________
Kabanata 10
Flare
“What do you mean you burned the memorial?” Hindi makapaniwalang anas ko. Both of my palms are leaning on his table as I gazed at him annoyingly.
“What? I know you would just reject it anyway, so I burned it right away.” Binagsak ko sa pangalawang pagkakataon ang magkabilang kamay ko kaya napatingin siya nang diretso sa akin.
“How would you know I would reject it? Hindi ikaw, ako! You are so unreasonable!” Tumaas na ang boses ko. Imbis magalit dahil sinisigawan ko siya, nagawa niya pang ngumisi.
“What’s going on? Why do I feel like you suddenly want to be admitted on Elysian Institute of Magic? Did the sun rise in the west?” Padabog akong umupo sa upuan na nasa harap lang ng mesa niya.
“Why do you care?” irita kong tanong.
“I’m pretty sure there’s a reason why you barged in my office, asking for the memorial, and then went fuming mad after I confessed I burned it with my own hands.” I bit the skin inside my left cheek. Kapag nakikita ko siya’y hindi ko pa rin maiwasang mainis.
It’s been three days after my secret was revealed in the whole Academy. In those three days, their treatment changed. Tuwing nakikita nila ako o nakaksalubong sa daan, umiiwas sila’t pinagbibigyan ako ng daan. Natatakot silang pagbulungan at pag-usapan ako kung malapit ako sa kanila.
“Why, Flare? Are you finally planning to get in there?” Dahil naririndi na rin ako kakatanong niya, mas mabuti pa sigurong sagutin ko na siya para naman tumahimik na siya.
“Yes, I am planning to. After all, it’s you who keeps on pushing me to go there. Are you satisfied with my answer?” Tumaas ang sulok ng labi niya na para bang may isang bagay siyang napagtagumpayang gawin.
“Too bad, I just burned it minute ago.” Bumagsak ang balikat ko. That memorial was my last chance to get admitted. I burned the invitation from King Blizzard, and how I wished I didn’t burn it back then.
“Next time, don’t decide like you owned it. You are a member of a royal family, is it not? I’m pretty sure it’s an etiquette to never open a memorial that was not meant for you to open.” I said as blunt as I could. He just let out a soft chuckle, and then his face turned into a serious one.
“Yes, I am a member of a royal family, and I could instantly order someone to punish you for being unruly towards me.” Nginisihan ko lang siya.
“And you think that could scare me?” Umiling naman siya’t kapagkuwan ay tumawa na naman.
“I guess not.” Napairap na lang ako. He’s always doing that. From time to time he would try to threaten me. Nasanay na ako kaya hindi na ako natitinag sa mga pinagsasabi niya.
“Flare, you little brat. Don’t be too tactless. Not all royalties out there are outgoing like me. One wrong word and they could cut your tongue like its nothing.” aniya habang may hinahanap sa drawer ng mesa niya. Naigulong ko na lang ang mata ko.
They’re just royalties, I am Flare Fyche Henessy.
“Whatever.” If they won’t get into my nerves, then I’ll try being nice to them. Walang kahit sino mang mapangahas ang maaaring pumigil sa ano mang gagawin at sasabihin ko.
“I burned it because it’s useless.” he said flatly. I arc my brows and gave him a questioning look.
“What does that supposed to mean?” Inangat niya ang kaliwang kamay niya’t nakita kong may hawak-hawak siyang bagay na hugis cylinder.
Dalawang dangkal ang haba nito’t ginto ang kulay nito. Bukod doon, may disenyo ito ng apat na dragon. Ang apat na dragon na ‘yon ay may iba’t-ibang kulay ng mata na gawa sa mamahaling hiyas. Kulay pula, asul, berde at dyamante.
“Is that an Imperial Decree?” tanong ko habang pilit na tinatago ang pagkagulat sa mukha ko.
“Yes, it is. An Imperial Decree coming from the four palace of four great kings of each continent.” Tumango-tango ako. Ito ang unang pagkakataon na nakakakita ako ng Imperial Decree. Noon kasi’y naririnig ko lang kung ano ang hitsura nito.
Kung iisang dragon lang ang nakaukit roon, at mayroon itong kulay pula na hiyas, ibig sabihin ay mula ito sa Fire King, pero dahil apat na dragon ang naroon at may apat rin itong hiyas, ito ang nagpapatunay na mula nga ito sa apat na hari.
“What? Why are you giving this to me?” Taas kilay kong tanong nang inilahad niya ito sa akin.
“See for yourself.” Nagtataka man ay inabot ko na lang ito. Binuksan ko ang takip nito’t kinuha sa loob ang nakarolyong papel. Nilapag ko ang metal nitong sisidlan sa mesa ni Head Master Dan at dahan-dahan itong nirolyo pababa upang mabasa kung ano ang nakapaloob dito.
Flare Fyche Henessy of the North, your presence is highly expected in Elysian Institute of Magic. Without further ado, you must go there as soon as you received the decree before the sun sets. Show the decree and they will gladly let you in and welcome you warmly. Failed to do so, you must know that rejecting a decree means throwing your life out of mist. This is an order coming from the palace of thy majesty. You can’t run, and you can’t hide either. The more you resist, the more you’re asking to die.
“So, what do you say?” Nirolyo ito’t pinasok sa sisidlan bago ibalik ang takip nito. Tumayo ako mula sa pagkakaupo habang mahigpit itong hinahawakan.
“What have you done this time, Flare? What trouble have you involved yourself into causing the four kings to sent you a decree?” Inalala ko naman lahat ng pinaggagawa ko nitong mga nakaraang araw. As far as I can remember, I have not offended someone. Well, the Water Continent’s King and I are cool. I don’t remember involving with the rest of the kings.
“I don’t know.” He eyed me suspiciously.
“Then why?” Umawang ang labi ko nang may maalala ako. That must be it!
“Hey, how old is the Elysian Institute’s Head Mistress?” Nahalata ko kaagad ang pagtataka sa mukha niya kung bakit iyon ang itinanong ko sa kaniya.
“She’s forty-eight years old and unmarried.” Tumango-tango na lang ako. That explains everything. She’s unmarried, so maybe her life is boring. So she’s acting like this towards me because she wants fun.
“She’s ten years older than you.” komento ko.
“Yes, but in terms of merits, she’s more powerful than I am.” Dahil sa sinabi niya’y mas nakumpirma ang hinala kong siya ang may pakana kung bakit ako binigyan ng Imperial Decree.
“She’s powerful, that she could even request an Imperial Decree from the four kings?” Natigilan naman siya sa sinabi ko.
“Flare, what exactly did you do?” Natatawa akong umupo sa mesa kung saan wala masyadong gamit niya ang nakalatag.
“Remember the letter of apology? I did sent her one, but the structure of that letter is not even formal. It was a letter of expressing my very own opinion about her rude students.” Mabilis siyang napasinghap sa sinabi ko. Hindi maipinta ang mukha niya’t nakaawang ang labi niya sa gulat.
Just by saying expressing my opinions, he knows exactly what it is.
“Goodness, Flare! Sinasabi ko na nga ba’t sana binasa ko muna ‘yon bago ipadala sa mensahero! Ano na lang ang sasabihin niya sa mga estudyante rito? Na hindi ko sila tinuruan ng mabuti’t mga walang magandang as—“ Dinampot ko ang isang rice cake sa maliit na platito’t sinaksak ito sa bunganga niya.
“What the—!” Bago pa siya mabilaukan ay uminom na siya ng tubig. Tatawa-tawa akong umalis mula sa pagkakaupo sa mesa niya’t nanunudyong tiningnan ang sitwasyon niya.
“What was that for?” aniya habang habol pa ang hininga. Lumapit ako sa kaniya’t hinagod-hagod ang likod niya.
“Easy, Head Master Dan. Hindi naman siguro makitid ang utak niya para idamay kayong lahat. It’s just me being me.” Sinamaan niya ako ng tingin kaya tinanggal ko kaagad ang kamay ko sa likod niya.
“You being you is dangerous, Flare. You’re an untamed tigress.” Napangisi ako. I’ll take that as a compliment.
“Nagtataka lang ako, bakit ganito ang trato mo sa akin?” Tumaas naman ang kilay niya. Para bang may narinig siyang bagay nab ago sa pandinig niya.
“What?”
“Marami akong ginawa sa’yo na dapat ay hindi ko ginawa. Just like what I did just now. You’re still a royalty, why not punish me for what I did? Are you not offended?” tanong ko na puno ng kursyudad. Ibang dugong bughaw nga diyan, sagot-sagutin mo lang baka maputulan ka pa ng dila.
“Well, I’m used to it.” simple niyang sagot. Hindi na lang ako nagtanong pa kahit na mababaw para sa akin ang naging sagot niya.
“You don’t like me romantically, do you?” Lumiyad ako nang magpakawala siya maliit na bola ng apoy. Maliit lang ‘yon pero ramdam ko pa rin ang init nito kahit malayo sa balat ko.
“I don’t do child abuse, Flare. I may have no wife and all, but I think of you as my daughter.” Natahimik ako sa sinabi niya. Sumeryoso ang mukha ko kaya sumeryoso din ang mukha niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya tumawa na naman ako.
“Yeah, yeah. Thank you so much for your concern, father.” Iiling-iling na lang siyang sumimsim ng tea habang sinisimulan na niyang buklatin ang mga aklat na nasa mesa niya.
“Can I take my leave now, father?” Tumunghay siya sa akin at inangat ang kaliwang kamay niya na parang tinataboy-taboy ako. Tuluyan na sana akong makakalabas ng office niya nang tawagin niya muli ang atensyon ko.
“Keep yourself away from trouble, okay?” Tumango na lang ako.
But I think I can’t. My middle name’s trouble.
“Hey, can I have a favour, father?” pagdidiinan ko sa salitang ‘father’. Inaasar ko lang naman siya pero parang wala namang epekto sa kaniya.
“What is it, daughter?” Aba’y nakikisabay na rin siya.
“You see, I have a pet in the Infinite Forest. I just need you to go there once a day and feed him a grilled fish.” Kumunot ang noo niya.
“Why don’t you just bring that pet of yours?” Umiling ako.
“He’s a white tiger. I can’t just bring him inside the Institute, right?” Nanlaki naman ang mata niya sa gulat. Parang hindi niya inaasahan na ang sinasabi kong ‘pet’ ko ay isang tigre.
“You want me to feed your tiger? Goodness gracious, Flare! You talk as if he’s just a dog or something!” Nagkibit-balikat na lang ako.
“He’s a good boy, I promise. You just have to be in the Green Lake, he’s somewhere around that area.” Hindi pa man siya nakaksagot ay tinalikuran ko na siya’t naglakad na paalis.
Paglabas ko ng office niya’y hindi ko na lang pinansin ang mga estudyanteng wagas kung makatingin sa akin. Siguro iniisip nila kung bakit ganito ang ayos ko e ako pa naman ang Top Student. I’m on my usual Academy uniform. Messy bun hair, loose tie on my neck, unbuttoned blouse, and sleeves rolled up to my elbows, paired with my menacing aura all over me.
Perfect. What a role model.
“I never knew she’s actually the Top Student. Dati pa lang talaga maangas na ang dating niya. I know she’s really something.”
“But how could she do that? Pretend weak when she’s actually too strong to handle.”
“Not to mention she’s the Top Student for five consecutive years, but she’s hiding as a Class C Mage, Type C Level.”
“Kung si Grachelle elegante, siya naman mukhang basag-ulo. But I like her type. The silent yet deadly.”
Naigulong ko na lang ang mata ko sa huling sabi ng isang lalaki. Kahit ano talagang bulong nila’y naririnig ko pa rin. Hindi naman sa gusto kong marinig, wala lang talaga akong choice dahil sakop pa ng pandinig ko ang layo nila.
“I wonder what her Sixth Sense is. Sabi-sabi kasi wala raw nakakalam kung ano ang Sixth Sense niya.”
“I’m actually proud na ang Top Student natin babae. Ang alam ko ang Top Student sa ibang Academy puro lalaki.”
“Bukod sa siya ang Top Student ng Blaze Academy, she’s oozing with hotness! Tingnan mo naman ang ayos niya, kahit sino mapapalingon.”
Tiningnan ko ang sarili ko. Do I look like a roasted shit with my look? Sa pagkakatanda ko walang problema sa ayos ko. Sinarado ko ang long ranged hearing ko’t pinagpatuloy ang paglalakad ko patungo sa Vinatage Garden kung saan kadalasang tumatambay ang babaeng ‘yon.
Malayo pa lang ay nakikita kong niyayakap niya ang punong kahoy habang nangingiyak-ngiyak. Napakunot ang noo ko dahil sa eksenang naabutan ko. Ano na naman bang kabaliwan ang sumapi sa babaeng ‘to?
“Sorry na. Kung hindi ako umakyat sa’yo at umupo sa sanga mo, hindi sana ito mababali. Nasaktan pa kita! Whaaa! Sorry na! Hindi ko na uulitin!” Hinalik-halikan niya pa ang puno habang paulit-ulit humihingi ng tawad sa ginawa niya. Napangiwi na lang ako.
May saltik talaga siya sa utak.
“Hoy!” Binato ko siya ng bato kaya tumama ‘yon sa ulo niya. Kunot noo niyang napalingon sa akin at akmang manininghal na nang makilala niya kung sino ako. Nagliwanag kaagad ang mukha niya’t patakbo akong nilapitan.
“Flare! Naparito ka? Miss mo na ako, ano?” aniya habang abot langit ang ngiti. Minuwestra ko ang hintuturo ko sa noo niya’t marahan itong tinulak palayo sa akin.
“Asa ka.” Sumimangot kaagad ang mukha niya.
“Heh!” Ingos niya.
“By the way, do you still have that letter from the Water King?” Tumango-tango naman siya.
“Do you still want to enter the Institute?” Sa naging tanong ko’y napansin kong gusto niya pero may pumipigil sa kaniya.
“Ayaw ko. Kung ayaw mo, ayaw ko rin.” Napangiti naman ako.
“Ayaw mo?” Desidido siya tumango.
“I’m going there by the way. I need to go there before the sun sets. So, see you around.” Tinalikuran ko na siya. Pagdaan ng ilang segundo’y nakarinig ako ng yabag ng mga paa na parang hindi magkandaugaga kakatakbo.
“Ay weh? Pupunta ka talaga? Akala ko ba ayaw mo? Bakit nagbago isip mo? Kung pupunta ka, sama na ako! Hoy, Flare! Please! Isama mo ako! Tingnan mo dala ko pa ang letter, oh!” Kinaway-kaway niya ito sa harap ko kaya lihim na lang akong natawa sa kaloob-looban ko.
“Fine. Go pack your things. I’ll wait for you in the Infinite Forest. May shortcut doon kaya mas mabuti kung doon tayo dumaan.” Kumaripas kaagad siya ng takbo papalayo sa akin. Parang nagmamadali itong bumalik sa bahay niya upang kunin ang mga gamit niya.
Umalis na rin ako ng Akademia at nagtungo na sa Infinite Forest. Noong nakaraang araw ko pa inayos ang mga gamit na dadalhin ko dahil sigurado akong makakapasok ako dahil sa memorial. Sinunog man ni Head Master Dan ang memorial, may Imperial Decree naman kaya makakapasok pa rin ako. Hindi rin nauwi sa wala ang pagaayos ko ng mga gamit ko.
“Alam kong nasa likod kita. Subukan mong itulak ako sa lawa, tatamaan ka sa akin.” banta ko. Narinig ko ang pag-ingos niya. Akala niya siguro’y hindi ko mapapansin ang prisensya niya sa likod ko.
Humiga siya bigla sa harap ko’t parang batang tinataas ang apat niyang mga paa na parang gustong makipaglaro sa akin. Kaagad ko siyang dinamba at kiniliti malapit sa singit kaya halos mahulog na ang ulo niya sa lawa dahil sa kakaiwas niya’t kakapalag niya sa akin.
“Ibalik mo sa akin ‘yan! Hoy!” Kinuha niya ang Imperial Decree sa bulsa ko’t nang-aasar na winagayway ito sa akin gamit ang bunganga niya kung saan niya ito kagat-kagat.
“Wei-wei!” Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya samantalang siya nama’y umaatras nang umaatras. Halos maikot na namin ang kabilogan ng lawa dahil sa ginagawa niya.
“Tang’na ‘wag mo ihulog sa lawa ‘yan! Tutustahin talaga kitang tigre ka!” Tumakbo na ako kaya para kaming mga baluga na naghahabulan paikot sa lawa. Sagad talaga sa buto ang kakulitan ng hayop na ‘to.
Bigla siyang bumwelo kaya nanlaki sa gulat ang mata ko. Kitang-kita ko kung paano niya bitawan ang Imperial Decree sa bunga-nga niya’t itapon ito pahagis sa gitna ng lawa. Parang bumagal ang oras nang tumalon ako upang masalo ito. Bago pa ito mabasa sa tubig ay mabilis ko itong hinagis papunta sa lupa’t hinayaan ko na lang ang sarili kong bumalugsok sa kalamigan ng lawa.
Sa asar ko’y hindi muna ako umahon. Tumingala ako’t kitang-kita ko siya roon habang sumisilip-silip sa tubig at parang hinahanap kung nasaan na ako napunta. Maingat akong lumangoy patungo sa direksyon kung saan siya nakadungaw at parang natataranta na dahil halos mag-iisang minuto na’t hindi pa rin ako umaahon.
Nang makahanap ako ng tyempo’y mabilis akong umahon at hinila ang magkabila niyang paa, dahilan upang bumalugsok siya sa tubig habang nagngangawa dahil sa lamig. Umahon ako’t pinandilatan siya ng mata. Pinulot ko ang Imperial Decree at pinasok ito sa lagayan ng mga gamit ko. Pinatuyo ko na rin ang sarili ko habang pinapanood si Wei-wei na nahihirapan sa pag-ahon sa lawa.
Lumapit ito sa akin at winisik-wisik ang tubig sa buong katawan niya na para bang nananadya siya sa ginagawa niya. Hinagisan ko siya ng nagbabagang bola ng apoy kaya mabilis siyang tumakbo’t nagtago sa damuhan sa likod ng puno. Mamimiss ko rin ang kakulitan gagong ‘to. Baka isa o dalawang beses sa isang linggo ko na lang siya madadalaw.
“Hoy, papasok ako ng Elysian Institute. Baka isang beses o dalawang beses na lang kita sa isang linggo madadalaw.” Lumabas siya mula sa kinatataguan niya’t natawa na lang ako nang makitang parang naiiyak siya.
“Don’t worry, someone will come over and feed you. He will also play with you.” Dinamba niya ako ng yakap kaya naupo ako. Kung makayakap siya’y para bang pinapakiusapan akong ‘wag na lang umalis at dito na lang ako sa tabi niya.
“I need to go, big guy. I need to find out who killed my foster mom in that Carson.” Parang natigilan siya sa sinabi ko. This white tiger, his kind was wiped out because of the Carson that happened decades ako. Namatay rin ang mga kalahi niya dahil sa naganap na sunog.
Pinikit ko ang mata ko nang tumama roon ang dila niya. Pinunasan ko na lang ang mukha ko gamit ang sleeve ng uniform ko. Pagdaan din ng ilang minuto’y dumating na si Icca kaya kinuha ko na ang mga gamit ko’t binalot ito sa isang makapal at malapad na tela bago itali sa likod ko.
“Hi, Wei-wei!” Simangot ang iginanti ng tigre sa kaniya kaya nanghaba kaagad ang nguso niya.
“Ang suplado mo talaga!” inis nitong puna.
Tumalikod sa harap ko si Wei-wei kaya napatingin ako sa kaniya. Parang gusto niyang sumakay ako roon at siya na ang maghahatid sa akin papunta sa short-cut papuntang Elysian Institute. Sumampa kaagad ako sa likod niya, at nang akmang sasampa na rin si Icca ay mabilis siyang umisod kaya bumagsak si Icca sa lupa.
“Aray!” Kinaltukan ko si Wei-wei sa ulo kaya ngumawa kaagad ito. Napaka talaga ng hayop na 'to.
"Stay put, and let her ride. Just this time, okay?" Napipilitan man ay hinayaan na lang niyang umangkas si Icca sa likod niya.
Ako lang ang nakakapagpaamo sa kaniya, kaya ako lang din ang pinapasakay niya sa likuran niya. Wala rin namang nagtatangkang sumakay sa kaniya, dahil bukod sa mabangis siya, wala namang tao ang masyadong nagagawi rito sa maliblib na parte ng gubat.
Naramdaman ko na lang na gumalaw na siya. Sa katunayan nga niyan ay tumatakbo na siya patungo sa direksyon kung saan iluluwa kami nito sa tarangkahan mismo ng Elysian Institute. Ilang minuto rin ang itinagal ng pagtakbo niya't pabilis nang pabilis ang pagtakbo niya. Pinikit-pikit ko na lang ang mga mata ko dahil nagiging marahas ang pagdampi ng hangin sa mukha ko.
Pahigpit din nang pahigpit ang paghawak ni Icca sa bewang ko dahil siguro sa takot na baka tumalsik siya o 'di kaya'y mahulog sa bilis ng takbo ni Wei-wei. Napahawak na lang ako sa noo ko nang bumangga ang ulo ko sa likod niya. Bigla kasi siyang tumigil sa pagtakbo kaya hindi ako nakapaghanda kaagad.
"Dahan-dahan naman! Ang tigas pa naman ng bungo mo!" Asar kong bulalas. Pagtingala ko'y napakurap ako nang makita ang matayog na tarangkahan ng Institute.
"Ahck!" Pagbaba ni Icca ay kaagad siyang nagsuka. Bumaba naman ako sa likod ni Wei-wei habang tinatanaw kung gaano ito katayog.
Kulay ginto ang tarangkahan at may kakaibang disenyo na nakapalibot dito. Bukod doon ay naroon ang insignia ng bawat tribu. Sa pinakatuktok din ng tarangkahan ay nakawagayway ang apat na flags ng kontinente.
"Wei, bumalik ka na. Kapag makita ka nila rito panigurado huhulihin ka nila't ikaw ang magiging kauna-unahang litsong tigre na makikita ko." sabi ko habang nakangiti. Nahintatakutan naman siya't biglang nagtago sa likod ng puno.
"Alis na bilis! Pangako, dadalawin pa rin kita. I never broke my promise, right?" Tumango-tango ito, kapagkuwan ay dahan-dahan naglakad palayo sa amin.
Lumapit ako sa tarangkahan. Itataas ko na sana ang kamay ko upang kumatok nang bigla-bigla na lang magkaroon ng sulat ang pinto ng tarangkahan. Lumapit ako roon habang binabasa ang mga letrang nakaukit doon.
Weild thy magic, to determine thy Class and Type. Break the gates of the Institute, will all your might.
Nagkatinginan kami ni Icca. Seryoso sila na sisirain namin ang gate? Napangisi ako. If this is the way how they determine the class and type of an Elemental Mage, then it's cool. Naaalala ko kasi na sa Blaze Academy, kailangan lang namin mag-release ng enerhiya sa isang bolang kristal.
Considering they are sacrificing their gates, then I'm pretty sure they can fix it up if ever it get destroyed. Nilinga ko si Icca na kasalukuyang nakatingala sa matayog na tarangkahan.
"Why don't you try it?" Kinakabahan siyang tumango. Umatras siya ng tatlong beses bago huminga nang malalim. Kinumpas niya ang magkabilang kamay niya't may lumabas na apoy roon. Habang tumatagal nang tumatagal ay lumalakas at lumalaki ang enerhiya nito.
Umikot siya't biglang tumalon, dahilan upang umangat ng tatlong metro sa lupa ang katawan niya. Marahas niyang inihagis ang bola ng apoy na 'yon at mabilis itong sumalpok sa ginintuang tarangkahan. Sa pagbaba niya'y lumapat ang kaliwang kamay niya sa lupa upang suportahan ang sarili niya.
Pumalakpak ako nang makitang nasira ang pinakatuktok ng tarangkahan. Dalawa sa mga flags ay nahulog at nagkaroon din ng malaking hugis bilog na butas dito. Subalit, pagkatapos ng ilang segundo’y bumalik din sa dating anyo ang tarangkahan. Wala na itong butas at parang hindi ito nasira kani-kanina lang.
Class B Fire Elemental Mage, Type C Level of Sixth Sense
Nanlaki sa gulat ang mata niya. Yayakapin na niya sana ako nang iharang ko ang kamay ko noo niya, dahilan upang hindi na siya makalapit sa akin. She improved. From Class C Mage to Class B.
"Flare, ikaw na!" Inalis ko ang kamay ko sa noo niya't naglakad palayo sa tarangkahan. Matapos kong matantya na sampung metro na ang layo ko, humarap ako rito.
Pinatunog ko ang mga buto sa kamay ko. Pagkatapos ay hinawakan ko ang leeg ko habang hinihilot-hilot ito. Bumuga ako ng malalim na hininga bago ayusin ang pagkakatupi ng sleeves ng uniform ko. Tinanaw ko muli ang tarangkahan bago kagatin ang ibabang bahagi ng labi ko.
I won't hold back this time.
Binuklat ko ang kaliwang kamay ko, may lumabas kaagad doong anhag ng nagbabagang apoy. Binuklat ko rin ang kanang kamay ko't automatikong lumabas din mula roon ang kaparehang apoy na tila ba nasasabik sumunog ng mga bagay-bagay.
Kasabay ng pagkuyom ko ng kamao ko'y mas lalo itong lumakas. Inangat ko ang magkabilang kamay ko sa kalangitan. The energy from both of my hands united as one. It created a massive fire ball, igniting fire flames and fire flakes.
"Flare! Balak mo bang pulbusin ang buong Institute!?" Hindi makapaniwala niyang bulalas. Ito ay marahil patagal nang patagal ay palaki nang palaki ang bola ng apoy na nabubuo ko.
Inatras ko ang kaliwang paa ko't bumwelo. I swayed both of my hands in the mid air. Mabilis pa sa alas kwatrong lumipad patungo sa tarangkahan ang dambuhalang bola ng apoy na 'yon. Mahigit tatlong metro ang lapad nito't limang metro naman ang tangkad nito. Malaki ito't ang kahit ano mang bagay na matamaan nito'y paniguradong mapupulbos.
Sa pagsalpok nito sa tarangkahan ay kaagad itong gumuho. Sunod-sunod gumuho ang matataas na pader hanggang sa wala ng ibang makita bukod sa Akademia na nakatirik sa pinakagitna nito. Pinanood ko ang pagkalat ng usok na dulot ng pagguho.
"S-sinira mo ang buong tarangkahan!?" rinig kong sigaw ni Icca habang nagtatago sa likod ng isang puno. Nanlalaki ang mga mata niya't kahit siya mismo'y hindi makapaniwala sa nasaksihan niya.
"Sira ba ang ditector nila? Bakit Class S at Class A ang lumalabas?" naguguluhang wika ni Icca.
Tumunghay ako't nakita kong kumikislap-kislap sa kawalan ang Class S at Classs A. Para bang nalilito ito't hindi rin nito mawari kung saan dapat ako nabibilang.
Class S-Class A Fire Elemental Mage, Type A Level of Sixth Sense
Nakangisi kong pinagpag ang mga kamay ko. Umiling-iling ako habang nilalakad ang distansya sa tarangkahang sinira at ginuho ko. Mula sa loob ay nakikita ko ang mga estudyanteng halos pasukan na ng insekto ang bunganga dahil sa gulat. Niluwagan ko ang tie ng uniporme na suot ko bago ngumisi.
That's not even 50% of my strength.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro