Chapter 15: Garroth District
Hindi ko na naitanong kung paano nalaman ni Horus ang pangalan ko dahil agad kaming lumabas ng kweba pati na din si Horus.
"Saan ang mga mamamayan na nakatira sa mga bato Horus?" tanong ni Gray kay Horus.
Napangisi na naman si Horus. "Hindi niyo ata napansin, nandito silang lahat."
Labis kaming nagulat nang yumanig ang buong paligid. Ang mga bato ay nagsisigulong na din. Mas lalo pa akong nagulat nang makita na nagpapatong-patong na ang mga bato at nagsisimulang gumalaw.
"G-Golem?!" tanong ni Gray.
Nang sabay-sabay nang bumuo ang mga bato, nakita ko kaagad na may mga mukha ito. Puro bato sila ngunit may mata at bibig! Sabay-sabay silang naggrowl na siyang ikinayanig pa ng buong paligid.
"Tama. Dalawang klase ng mga nilalang ang naninirahan sa lupaing ito. Ang mga golem at ang mga dragon. Kapag suot-suot ng kasama niyong iyan ang kwintas na iyan. Magagawa niyong paamuhin ang mga nilalang na ito."wika ni Horus.
"Kung gusto niyo nga ng libreng transportasyon, ay matutulungan kayo ng mga dragon. Ngunit isang distrito lamang ang pupuntahan nito, pagkatapos ay babalik na sila rito."
Napatango naman kami sa sinabi nito. Pwede kaming sumakay sa mga dragon?!
"Elle." tawag sa akin ni Horus.
"Kapag napagkaisa mo na ang limang distrito, huwag kang makakalimot na hipan iyan dahil maririnig namin ito at magiging handa kami upang itaya ang aming buhay para sa kailigtasan ng lahat." Tinuro niya ang bagay na suot ko na ibinigay sa akin ng reyna ng Syranna. Tumango naman ako at ngumiti kay Horus.
Dalawang dragon ang huminto sa harapan namin at labis akong kinabahan. May ibinulong si Horus sa mga dragon at binaba ng mga ito ang kanilang ulo.
"Nais nilang pagsilbihan kayo upang makapunta kayo sa susunod niyong destinasyon." wika ni Horus.
Lumapit kaagad si Elysa sa mga dragon at hinawakan ang mga scales nito at namangha. Sumampa naman kami sa likod ng mga dragon. Lima kami sa isang dragon at lima din sa kabila.
Naramdaman na namin na lumilipad na nga ang dragon at sobrang sarap sa pakiramdam na nasa himpapawid kami!
Tumungo kami sa hilagang-kanluran at natatanaw ko na ang isang bayan. Ito na ata ang Garroth District.
"Kapag ipinagpatuloy mo pa iyan mahuhulog ka na."Nasa likod ko si Sébastien at nakikita ko naman na ang sama-sama ng tingin niya sa akin.
Hindi kasi ako nakahawak sa dragon dahil dinarama ko ang hangin na dumadapo sa mga palad ko.
" oh eh ano naman? Saluhin mo nalang ako pag ganoon nga ang nangyari."sabi ko saka tumawa ng malakas.
"Bahala ka. Hindi ako sasalo sa'yo kapag mahulog ka" Inirapan na naman niya ako.
Napangiti ako nang maramdaman kong may nakahawak sa likod ng damit ko.
Mas lalo akong namangha nang makita ang kabuuan ng district. Sobrang laki nito at andaming nilalang na lumalakad.
Kaagad kaming ibinibaba ng mga dragon sa gilid ng isang forest. Nagpasalamat kami sa mga ito at bumalik na sila sakanilang distrito.
Lumakad na kaming sampu patungong Garroth. Tumabi ako kay Alistair sa paglalakad dahil may itatanong ako.
"Nandito ang kaibigan mo hindi ba?" tanong ko sakaniya.
"Oo. Ngunit hindi ko pa alam kung paano siya hanapin sa malaking lugar na ito. I guess magtatanong-tanong na lamang ako." sagot nito.
Nang makapasok na kami sa distrito. Napanganga ako nang makita ko ang mga nilalang rito. Katulad nila kami, kamukha nila ang mga tao!Ang iba nga lang ay ang kanilang tenga dahil medyo mahaba ito na parang elf at ang kanilang kulay gray na mga mata.
"They're elves?" tanong ni Hyacinth kay Alistair.
"They looked like one but they're called Fintis, creatures of the Garroth District. Kagaya ng mga normal na tao, ganoon din ang kakayahan nila. Pero dahil madami sila, kailangan natin ng alliance sakanila." sagot ni Alistair sa itinanong ni Hyacinth.
Nagtanong-tanong si Alistair sa isang citizen rito.
"Magpahinga muna tayo ngayong araw rito. Bukas ay ipagpapatuloy natin ang pagkumbinse sa district na ito." sabi ni Alistair.
Tumango naman kaming lahat sakaniya. Agad niya kaming dinala sa isang bahay na malapit lang sa pinanggalingan namin.
"Nandito daw nakatira ang kaibigan ko." sabi ni Alistair at kumatok sa pinto ng bahay ng kaibigan niya.
Kaagad itong bumukas at iniluwa ang isang babaeng Fintis. Nagulat siya nang makita si Alistair. Kaagad niya itong niyakap at pinapasok kami sa loob.
"Mabuti naman at nakarating ka rito Al." wika ng babae kay Alistair.
Natungo ang atensiyon ng babae sa amin.
"They are my friends from outside the region. Tutulungan ko silang makaalis rito at maligtas ang Ivara." sabi ni Alistair.
"Ako nga pala si Serene. Pleased to make your acquiantances." wika nito at isa-isa kaming kinamayan.
Maya-maya ay nag pahinga na kami sa bahay ni Serene. Ngunit may isang ingay akong narinig.
Tumungo ako sa bintana ng silid at tiningnan kung anong nangyayari sa labas.
Nagulat ako nang makita ko na kinakain ng isang hayop ang isang tao. Punong-puno ng dugo ang hayop at maririnig ko pa ang pagkapunit-punit ng laman ng tao.
Sisigaw na sana ako ngunit naramdaman kong may tumakip sa bibig ko.
"Sshh. Wag kang maingay."pabulong nitong sambit malapit sa tenga ko.
Nang kumalma na ako, binitawan niya ako at isinara ang bintana ng dahan-dahan.
" G-Gray...Nakita mo ba yun?anong klaseng hayop yun?"tanong ko sakaniya at tinuro ang bintana.
"Hindi ko pa alam Elle pero—"
"Those are werewolves. Kada-gabi sila naghahanap ng mabibiktima dito sa Garroth. They're one of Mavrek's creatures." Biglang sumulpot sa likod namin si Serene na may dala-dalang lampara.
Dinala niya kami sa isang basement ng bahay niya at ipinakita ang isang libro.
"Walang dapat lumabas ni isa sa inyo kapag gabi sapagkat ito ang oras kung saan umaatake ang mga nilalang ni Mavrek." panimula niya saka binuksan ang libro.
"Tingnan niyo. May limang klaseng nilalang ang kampon ni Mavrek. Una ay mga werewolves na nagsisimula na sa pag-atake. Pangalawa ay mga Arachnids, pangatlo ay mga Articunos, pang-apat ay mga Dactylodia at ang panghuli ay mga Undead. Heto." Ipinakita niya sa amin ang mga pictures ng mga nilalang na ito.
Nakalagay rito na ang mga werewolves ay pumapatay at kumakain nga ng human flesh pati na ang mga buto nito.
Ang mga arachnids naman ay mga malalaking gagamba. Sobrang laki ng mga galamay nito. Sa lahat ng hayop na kinakatakutan ko, eto yung mga gagamba.
Ang mga Articunos naman ay isang itim na ibon na malalaki ang mga beak na kasya ata ang isang tao rito.
Dactylodia naman ay parang mga lumilipad na dragon ngunit ang kinaiba ay puro skeleton ito at walang laman. Itim din ang umuusok mula sa katawan nito.
Ang mga undead naman ay kapareho ng hulma ng tao ngunit puro skeleton din kagaya ng mga tao at kumakain din ng laman ng tao.
Nakaramdam ako ng sobrang takot dahil sa mga nakita ko. Napakasama ng mga nilalang na ito.
"Ang mga nilalang na ito ay nilikha mismo ni Mavrek at hindi ng tagapaglikha ng Ivara." wika ni Serene at tinakpan agad ang libro nang makita sa mukha ko na di ako mapakali sa mga kalaban.
"Speaking of creator, alam mo ba kung sino siya?" tanong ko kay Serene.
"Walang nakakaalam kung sino siya. Ngunit bali-balita rito na galing ang tagapaglikha sa labas ng Ivara. Sa mundo niyo mismo Elle." sagot ni Serene.
"Ganoon ba?"
Bigla ko na naman naalala ang sinabi sa akin ni Syranna.
"May problema ba Elle?" Napatingin naman ako kay Gray at nakita ang nag-aalala niyang mukha.
Umiling naman kaagad ako.
Nalaman namin ni Gray mula kay Serene na limang araw simula ngayon ay makikipag-digma na ang army ni Mavrek sa lahat ng distrito upang sakupin ito at limang araw na din ang kailangan namin upang makuha ang loob ng tatlong natitirang distrito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro