Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12: Blaze District

Kaagad namang dumating ang mga kasamahan ko at tinulungan buhatin si Talia.

Habang nakaupo kaming sampu sa isang kwarto ay nagsalita na agad ako.

"Guys. Talia was the Intellect Bearer." panimula ko.

Lahat sila ay nagulat sa sinabi ko.

"Nagpakita kanina sa akin si Syranna at sinabi niya lahat ng pwede natin gawin at kung sino ang kalaban."

"Continue..."sabi ni Gray habang nakatingin sa akin nang nag-aalala.

Ikinuwento ko na sakanilang lahat ang sinabi sa akin ni Syranna maliban nalang doon sa parteng sinabi niya na binura ang alaala ko ng creator.

"Mavrek? At paano naman natin magagawang talunin siya with this army of ten people?" tanong ni Reid.

"I think we should unite the districts to fight as one in the incoming war." wika naman ni Alistair.

Napatango naman kami sa sinabi nito at napagdesisyunan na kausapin ang reyna ng Syranna tungkol rito.

"Kayo ay mga kaibigan ng aking pinakamamahal na anak na si Talia. At alam kong malaki ang maitutulong namin kapag makikipag-alyansa ang aming grupo sa inyo at sa ibang distrito kung kaya't pumapayag akong makipaglaban para sa kaligtasan ng Circa." Natuwa kaming lahat sa sinabi ng reyna sa amin.

"Ngunit ang inyong susunod na pupuntahan ay isang mapanganib na distrito sa lupain. Hindi kagaya namin na madaling kausapin, ang mga nilalang sa Blaze ay agresibo at papatayin kung sino man ang mangangahas pumasok sakanilang sinasakupan. Kung kaya ay kailangan niyong makuha ang kwintas ng kataas-taasan nilang mamumuno. Itong kwintas ay ang puso ng kanilang distrito."

Kagaya nga ng sinabi sa amin ni Alistair, kailangan naming makuha ang Blaze's Heart sa loob ng isang kweba kung nasaan ang kanilang pinuno.

"Ipinaghanda ko kayo ng mga gamit na pwede niyong gamitin sa inyong paglalakbay." Kaagad na pumasok ang mga lingkod ng reyna dala ang isang mesa na may lamang mga armor at sandata. Wow.

Lumapit sa akin ang reyna na siyang ikinagulat ko naman.

"Heto," may iniabot siya sa aking isang maliit na parang shell na pwedeng hipan. "Hipan mo iyan kapag napagkaisa mo na ang limang distrito at amin itong maririnig sa buong lupain at agad kaming tutulong sa inyong laban." bulong nito sa akin at saka siya bumalik sa kaniyang upuan.

Tiningnan ko ang ibinigay niya. Napangiti ako dahil naniniwala akong makakaya naming pagkaisahin ang mga distrito at matulungan kaming mailigtas ang lupaing ito.

"Here." Iniabot sa akin ni Sébastien ang isang tila makikintab na parang mga kaliskis at singnipis ng silk na armor pero alam ko hindi ito matatablan ng kahit ano.

"T-Thanks." sabi ko nalang.

Nakita kong kinuha ni Erza ang isang pana. Si Reid, Gray, at Alistair naman ay espada at shield. Maya-maya ay kumuha din ng dalawang parang katana si Riane at si Hyacinth naman ay kumuha ng pana at armor.

Kumuha ako ng isang espada at isang armor at ibinigay ito sa lalaking nakasandal lang sa gilid at pinapanood lang ang mga kasamahan namin na pumipili ng gamit—Si Sébastien siyempre.

"Here. You need this." sabi ko saka iniabot ito sakaniya.

Tinanggap niya naman ito saka umalis kaagad. Ang hirap niya talaga pakitunguhan!

Dumating na ang araw ng aming pag-alis sa bayan ng Syrrana. Nagpasalamat kami sa lahat lalo na sa reyna at kay Talia na tumulong sa amin.

Bago kami umalis, nakita kong hinawakan ni Talia ang kamay ni Lucas. Hindi alam ni Lucas kung bakit siya hinawakan ni Talia pero ako, alam kong may gusto si Talia sakaniya. Kaagad na hinalikan ni Talia si Lucas sa pisngi at nagpaalam. Napangiti ako. Mabait ngang tao si Lucas kaya hindi na ako magtataka kung bakit siya nagustuhan nito.

"Woah. You won't believe what just happened." wika ni Lucas sa akin dahil ako ang naabutan niya sa paglalakad namin palabas ng Syranna.

"She likes you." sabi ko saka tumawa.

Nakita ko naman ang gulat na gulat niyang mukha.

"Woah. This is even surprising. How'd you know?" tanong ulit nito.

"You were kind to her Lucas kaya hindi ako magtataka kung bakit ka nga niya nagustuhan." sabi ko pa.

"But...But I am kind to everyone, right?" tanong pa nito.

Tinapik ko nalang siya sa balikat at saka ako ngumiti. Hindi kasi niya alam kung ano ang epekto nito sa mga babae.

Tumungo kami sa southwest mula sa Syranna at napansin namin ang init ng panahon.

"Ako lang ba guys o sadyang mainit talaga rito?" wika ni Reid.

Tumangi naman kami sakaniya habang tumatagaktak ang pawis mula sa aming katawan.

"Wala bang tubig rito?" tanong ni Riane.

Umiling kaming lahat nang makita ang paligid na walang ni isang puno na tumutubo rito. Tanging pulang lupa lamang ang nakikita namin.

Bigla kong naalala ang nasa loob ng bag ko. Bago ako umalis sa Syranna, kumuha ako ng isa pang gamit sa mesa  na pinagpipilian namin at kinuha ang isang sisidlan ng tubig. Kaagad naman akong pumunta sa balon at nilagyan ito.

"Meron pala akong tubig guys!" sabi ko sakanila.

Ibinigay ko sa mga kasama ko ang dala kong sisidlan ng tubig at kaagad nilang ininom ito.

Nang pumunta na ang sisidlan na iyon kay Sébastien, kaagad niyang ibinigay sa akin ito pero umiling ako ngunit nagpumilit pa rin siya kaya uminom ako ng konti.

"Wow. Look!" Minsan ko lang marinig si Elysa na nagsalita kaya kaagad akong napatingin sakaniyang tinuturo.

"Wow! Parang nasa stone age lang ah!" wika naman ni Lucas.

"Guys! Duck!" Kaagad kaming napadapa nang marinig naming sumigaw si Gray at itinuro ang sa itaas.

Isang...napakalaking dragon na bumubuga ng apoy ang aming nakita!

"We need to find that cave...fast"rinig kong sabi ni Gray.

Tumakbo kaming lahat papunta sa mga malalaking bato. Hindi ko nga alam kung may namumuhay pa bang nialalang rito except sa mga dragon dahil sa sobrang init ng lugar!

Pumasok kaming sampu sa loob ng bato na may pasukan sa unahan. Lahat kasi ng bato rito ay parang mga bahay ba ng mga nilalang. Kung sa stone age, bato ang ginagamit bilang tiraham, eh parang ganito din sa lugar ngunit hindi namin alam kung paanong may mga batong bahay na ganito kung sobrang init ng lugar.

Tiningnan ko ang mga kasamahan ko na nakapasok na, kaagad akong nagulat nang makitang kulang kami!

"S-Si Elysa! Nasaan?!" sigaw ko.

Tumingin kaming lahat sa labas at nakita si Elysa na tinitingnan ang mga dragon na lumilipad. Is she insane?! Anong ginagawa niya?!

Kaagad akong lumabas at tumakbo papunta sa kinaroroonan niya.

"Elysa!Mapapahamak ka dito! Ano bang ginagawa mo?!" sigaw ko sakaniya.

"They're fascinating Elle. I've never seen dragons in real life!" manghang-mangha niyang sabi.

Nagulat ako nang makita na nakita na kami ng isang dragon. Kaagad kong itinayo si Elysa at tumakbo. Medyo malayo ang pinagtataguan namin kanina pero alam kong makakaabot kami.

"Look at the Elle!" This girl is freaking crazy over dragons!

"Kapag hindi mo binilisan, they will burn us—"Napasigaw ako nang bumuga ang dragon malapit lang sa amin ni Elysa.

Naramdaman ko naman na binilisan na ni Elysa ang pagtakbo dahil nanganganib nga ang buhay namin. Nang makalapit na kami sa batong pinagtataguan namin, may isang kamay ang naghihintay sa amin.

"Hurry! Elle!" sigaw ni Gray.

Inabot ko ang kamay niya saka niya kami hinila ni Elysa papasok ng bato. Parang nabunutan ako ng tinik pagkatapos naming makaligtas.

"What were you thinking Elysa?!" sigaw ni Hyacinth kay Elysa.

Napayuko naman si Elysa dahil rito.

"Hey, guys stop. Elysa, as of now, these dragons are dangerous. As soon as we get the heart of this district, we can allied ourselves with the dragons and they could be our friends okay?" sabi ko kay Elysa at pinatahan siya sa pag-iyak. Nagging her won't help. It'll just make it worse.

Naramdaman ko na naman na may humila sa akin, at alam ko na agad kung sino ito.

"Are you an idiot? Well you must be! You went there with no hesitation of the risk you're putting yourself at!" sigaw nito sa akin.

Nagawi naman ang tingin ko sa mga kasama ko, maski sila ay nagulat nang sinigawan ako ni Sébastien. Kahit nga ako, hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit siya lagi sa akin.

" A-Ano, I need to save our friend! "sabi ko at tinuro si Elysa.

"You're so stupid. Sa sobra mong padalos-dalos, kaligtasan mo palagi ang nakataya." Aangal pa sana ako pero hindi ko magawa kasi yung tingin niya sa akin, para siyang nag-aalala.

"I'm sorry." sabi ko nalang sakaniya at bumalik sa pwesto ng mga kasamahan ko.

"What was that quarrel all about?" tanong ni Hyacinth sa akin.

"Not to mention, first time ko lang narinig magsalita si Sébastien." wika naman ni Reid at siniko pa ako habang nakangisi sa akin.

"How long do we plan on staying here?!" Lahat kami nagulat nang tumaas ang boses ni Alistair. Ano naman ang problema nito?

"We can't survive here even for a day."wika ni Reid.

"He's right. Kailangan nating mahanap ang cave na sinasabi na nandito." wika naman ni Gray.

"Paano natin magagawa iyon?" tanong naman ni Erza.

"Sobrang dami ng mga dragons na lumilipad kaya makikita nila tayo isang galaw lang natin. Kailangan nating siguruhin ang ating kaligtasan habang hinahanap sa labas ang cave."He paused,"We can hide sa likod ng mga bato na ito upang hindi tayo makita ng mga dragon. We'll split ourselves into five groups. That means each one of us shall have one partner on this quest."Tumango kaming lahat sa sinabi ni Gray.

" Reid at Hyacinth, kayo magkasama. Erza at Lucas, Riane at Alistair, Sébastien at Erza, at tayong dalawa Elle"Nakangising sambit ni Gray sa amin.

Okay naman ako sa iba, pero si Gray pa talaga?! Ang taong kinaiinisan ko dahil sa special ability niyang magkaroon ng visions kapag hinahawakan ang kamay ng tao!

And now, he's smirking at me as if he really wanted this to happen. What a jerk!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro