Like A Rose by: Angelmae_201
SECTION: CLOUD EMBLEM
******************************
Kaibigan, minsan sila 'yung kaagapay natin, kasangga at kayang umintindi sa kabaliwan natin. Pero papaano kung tumibok ang puso mo para sa taong tinatawag mong kaibigan? Pipigilan mo na lamang ba ang iyong nararamdaman upang hindi masira ang tinatawag na pagkakaibigan?
Siya si Skyler, perfect guy ika nga. Walang lahi ni eba ang hindi mapapahanga sa taglay niyang kakisigan at katalinuhan. A famous banking magnate. Ngunit, sadyang tumitibok lamang ang puso sa nag-iisang kaibigan.
"Sky, asan ka na? Kanina pa ako naghihintay dito!" ani Rose sa kabilang linya.
"Medyo na-traffic lang, malapit na ako. Huwag kang maghintay sa labas, pumasok ka muna sa loob ng building ninyo at sobrang init. I'll call you once I arrive," aniya dito at pinatay ang tawagan.
Lumabas siya buhat sa sariling opisina.
"Cloe, cancel all my appointment today!" aniya sa sekretarya na seryosong nakatutok sa computer.
"But, sir, you have an important meeting with our investor," may pag-alala nitong sabi.
"Re-schedule for tomorrow, thank you!"
Hindi niya binigyan ng pagkakataong sumagot ang sekretarya at deritsong pumasok sa elevator upang pumunta sa parking lot na kinaroroonan ng Mercedes Benz.
Pinasibad ang sasakyan dahil nababahala sa kaibigang naghihintay, siguradong nagmamaktol na naman ito. Malayo pa lamang ay tanaw na ang dalaga na halos mabali ang leeg sa katatanaw sa gilid ng kalsada. Tumigil siya sa mismong harap nito. Ni hindi nito hinintay na bumaba siya, mabilis itong pumasok sa sasakyan.
"Ang tagal mo, super! Para ka talagang babae kung gumalaw. Mauubusan na tayo ng ticket," maktol nito.
"You're talking too much. Buckle up, otherwise we will not go."
Nakasimangot nitong ikinabit ang seatbelt. Ang cute-cute nitong tingnan. Nakapangako kasi siya ditong ibibili ng ticket para sa FIGHTER's concert bukas sa MOA arena. Ang naturang grupo ay ang tatlong magkakaibigang singer na sina ANNALYN, ANGEL MAE, NOURLYN AT LHANDER. Mula ang mga ito sa ibang bansa. Although Pilipino ang apat, ngunit bihirang mag-concert sa Pilipinas. Ito ang pangako niyang birthday gift sa kaibigan dahil alam niyang ito ang makapagpapasaya dito. Ang personal na makita ang band vocalist na si Lhander.
"Tingnan mo ang pila, super haba! Baka wala na tayong mabiling ticket nito. Haisst! Ikaw kasi!" Naiinis nitong sabi, habang nakatingin sa mala parada na pila.
"Relax! Maghahanap lang tayo ng parking lot," sagot ng nakangiting binata.
"Mauuna na ako, sumunod ka na lang!" saad ng dalaga.
"No, baka mapano ka sa dami ng tao. Sabay na tayo."
"Baka wala ng ticket kapag hintayin pa kita," lumabi ito at bumaba na ng sasakyan.
"Rose!"
Ngunit tila wala itong narinig at mabilis na tumakbo upang makipila.
Mabilis na itinabi ni Skyler ang sasakyan saka sumunod dito.
"Hali ka nga dito. Bakit ba nakikipagsiksikan ka d'yan?" tawag niya dito.
"Hoy, Mister, pilahan ito ng ticket. Paano tayo makakabili kung hindi makipila?"
"Hindii naman kailangang makipag-gitgitan d'yan my, dear."
"Basta!" Matigas na sagot ng dalaga.
Matapos abutan ng towel, rechargable fan at tubig ay naupo ang binata sa isang tabi at nakatanaw sa dalaga. Habang tumatagal ay lalong gumaganda ang dalaga sa paningin niya. Rose was his childhood bestfriend. Simula pagkabata ay magkasama na sila. Family friends ang kanilang mga magulang. Kaya kampante ang mga magulang ng dalaga na ipagkatiwala sa kanya ang nag-iisang unica hija ng mga ito. Simula pagkabata magpahanggang ngayon ay sunod-sunuran siya dito. Kaunting lambing at tampo nito ay napapasunod na siya.
Dalawamput-limang taon na ang dalaga, pero kung umasta ay parang bata. Nasanay ito na nakukuha ang lahat na gusto. At sa edad ni Skyler na dalawamput-walo ay hindi naranasan ang magkaroon ng serious relationship dahil sa mga kalokohan ng dalaga. Lahat ng babaeng nakarelasyon ay pinintasan ng kaibigan. Kung maghahanap din lang daw siya ng girlfriend ay siguraduhin na niyang malampasan ang kagandahan nito. Natatawa nalang siya at natutuwa dito. Minsan iniisip niya, ayaw nitong may nililigawan siya, dahil espesyal siya dito. Naudlot ang pagmumuni-muni nang marinig ang pagtatalo.
"Putsa naman po. Kanina pa ako nakapila tapos pagdating dito wala ng ticket? Kahit nakatayo lang, kuya. Basta makapasok," pagmamakaawa ng dalaga.
"Ang kulit din naman po ng lahi ninyo, miss. Wala na nga, eh!" naiinis na sabi ng kahero.
"Letsugas naman! Halos maligo na kami sa pawis, tapos ganito? Eh, 'di sana sinabi mo kanina pa, upang hindi kami parang mga tanga!" sigaw ng dalaga.
"Huwag kang sumigaw dito, miss. Baka ipakaladkad kita sa mga security!"
"Rose, let it go, tama na 'yan. Kanina pa kita sinabihan na huwag ng pumila ngunit nagpumilit ka!" singit ng binata.
"Ayaw, gusto ko ng ticket! Ngayon lang ang pagkakataon kong makita si Lhander ko!" parang bata nitong maktol.
"Guard, bring this lady out here," sigaw ng lalaking kabangayan ng dalaga.
Lumapit ang tatlong guwardiya.
"Huwag na huwag niyong hahawakan 'yan kung ayaw niyong mawalan ng trabaho!" banta ng binata.
Lumapit sa kanya ang dalaga at kumapit sa braso niya.
"At sino ka para magbanta ng ganyan?" tanong ng lalaki.
Dinukot ng binata ang wallet at nilabas ang calling card.
"Mr. Skyler Xien Harashima," pakilala ng binata.
"And he is the owner of Harashima International Bank, one of the big stock holder of MOA, at kaibigan niya ako. Hindi basta kaibigan, AKO ang future wifey niya! Sa ginawa mo sa akin, bukas na bukas din ay wala ka na dito sa MOA!" payayabang ng dalaga.
Nakita ni Skyler ang pamumutla ng kaharap. Napangiti ang binata sa sinabi nitong, FUTURE WIFE! Tila nag e-echo ito sa pandinig niya.
"Sorry po, sir."
"You should say sorry to me."
"Rose, stop it! Let me talk to him, okay?" saway dito ng binata.
"It's okay and sorry po sa inasal ng FUTURE WIFE KO," lalo niyang diniinan ang salitang iyon. "I have ticket reservation, can you help me to check it?
Nakita niyang napamulagat ang dalaga sa sinabi niya.
"Ngayon din po, sir."
Agad itong tumalima. Maya-maya ay may-inabot sa kanila na dalawang VIP ticket.
"Thank you so much," ani ng binata.
"Salamat din po, sir. At pasensya na po miss, sorry!" anito sa kanila.
Halos maglulundag sa tuwa ang dalaga, nang wala na ang kaharap. "Yes! Angel ka talaga Sky, kaya love na love kita!" sigaw nito na yumakap sa kanya. "Grabe, VIP ticket! Ibig sabihin, close kay baby Lhander ko!"
Naiiling na lamang ang binata. Masaya siya tuwing napapasaya ito.
MASAYA nilang nilisan ang naturang lugar. Dahil sa naninigurado itong hindi siya ma-late sa lakad nila ay Hindi na siya nito pinauwi. Sa bahay nito siya pinatulog.
Ano pa nga ba ang magagawa niya, alipin siya ng babaing iniibig.
Kinabukasan, maaga pa lang ay handa na sila sa concert. Halos iilan pa lamang ang tao sa MOA. Hindi halatang excited ito.
"Rose, manonood din kayo? Ang gwapo ng kasama mo. Boyfriend mo?" ang umpok ng barkada ang kanilang nadaanan.
"Oo, excited kaya napaaga. Si Skyler nga pala, kaibigan ko," pakilala nito.
Nakipagkamay siya sa mga ito. Kaibigan lang? Oo Simula noon, kaibigan lang!
Pabalik-balik na binubulong ng utak niya.
Hapon na nagsimula ang naturang concert at nabibingi ang binata sa sigawan. Halos mamaos ang dalaga kakasigaw na sinasabayan pa nito ng sayaw. Tila siya ang napapagod para dito.
"This song, ay para sa mga babaing itinuring na Rosas," saad ng vocalist na si Lhander. "Like a rose," pasigaw na sabi nito.
"And as I look into your eyes
I see an angel in disguise
Sent from god above
For me to love
To hold and idolise."
Kaya naman pala tinitilian ito, dahil sa ganda ng boses. Napapangiti nalang si Skyler. Seryoso si Rose sa tabi niya.
And as I hold your body near
I'll see this month through to a year
And then forever on
Til life is gone
I'll keep your loving near
Sumasabay ang dalagang katabi sa kanta. Nabigla siya nang biglang gagapin nito ang kamay niya. Seryoso ang mukha nito habang kumakanta.
"You treat me like a rose
You give me room to grow
You shone the light of love on me
And gave me air so I can breathe
You opened doors I closed
In a world where anything goes
You give me strength so I stand tall
Within this bed of earth
Just like a rose "
"Thank you for everything. You always makes me happy. Kaibigan man ang Turing mo sa akin, pinaramdam ko naman you'd treated me like a rose!" bulong nito.
Hindi inaasahan ng binata na sasabihin ito ng dalaga.
"Hindi pa ako tapos! Ngayon ko lang ito sasabihin, I LOVE YOU noon pa," patuloy nito.
"What?" nabiglang tanong ng binata.
"Sabi ko, I LOVE YOU! Bingi ka ba?"
"Ulitin mo, please!"
Sumimangot si Rose nang biglang niyakap ni Skyler at mariing hinalikan ang mapupulang labi habang pumapailanlang ang chorus ng awitin.
Wakas....
******************************
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro