HALLOWEEN SPECIAL #3
Wattpad name: IAmTheOne_1443
Section: Cloud Emblem
Title: Fall Inlove With a Ghost
Characters:
Kim Myungsoo as Ivan
Krystal Jung as Iyah
Ivan's POV
Hi guys! I'm Ivan Reyes. Nandito kami ngayon sa province para magbakasyon. Baka mga one week kami tumagal dito tutal wala pa naman kaming pasok eh. Tapos binibisita ko rin sina Lola at Lolo. Kasama ko yung dalawa kong kaibigan kasi di muna makakapunta parents ko dahil busy pa sila sa work and only child lang ako.
"Bro, lika na. Lunch na daw tayo sabi ng Lola mo." pagtatawag sa akin ni Troy isa sa mga kaibigan ko.
Nandito kasi ako sa kwarto tinitingnan yung mga kuha ko sa camera.
"Oh sige sunod na lang ako. Tapusin ko lang ang ginagawa ko. Matatapos na rin naman ito" sagot ko sakanya. Tumango lang siya bilang pagsang-ayon.
Pagkatapos ng ginagawa ko, tinago ko na yung camera ko at tsaka bumaba na para kumain ng breakfast.
Pagkababa ko sakto nakita ko sila nakaupo na lahat kaya umupo na rin ako at sabay-sabay na kami kumain.
Habang kumakain biglang nagsalita si Lola.
"Apo, magtatagal ba kayo dito sa probinsiya?" tanong ni Lola sa akin.
Actually, kakadating lang namin dito kaninang umaga.
"Ahm.. Baka po one week kami magstay dito tutal wala pa naman po kaming pasok." sagot ko sa tanong ni Lola at pinagpatuloy ang pagkain.
"Ahh. Mabuti naman. Matagal-tagal na din kasi simula ng huling bumisita kayo dito ng mga magulang mo. Kamusta pala kayo dun?" sabi ni Lola.
"Maayos naman po kami. Di po nakasama ngayon sina Mom at Dad kasi busy pa po sila sa work" sabi ko. Yung dalawa kong kaibigan tahimik lang na kumakain.
Maya-maya pa tapos na kaming lahat kumain at ako na ang nagpresinta maghugas ng mga plato. Sabi nga ni Lola siya na daw sabi ko naman ako na kasi madali siyang mapapagod niyan lalo na at matanda si Lola kaya di na siya umangal pa. Si lolo naman binisita muna yung bukid.
Pagkatapos ko maghugas ng plato nagpaalam ako kay Lola na maglilibot-libot muna dito sa lugar at sinama ko na rin yung dalawa Kong kaibigan dahil first time nilang makapunta dito sa province namin.
Naglakad-lakad kami dito sa buong barangay. Karaniwang trabaho dito ay ang pagsasaka dahil halos puro bukid ang makikita mo dito sa paligid pero ang masarap dito yung makalanghap ka ng sariwang hangin.
Yung dalawa ko naman kaibigan halatang manghang-mangha sa nakikita palibhasa ngayon lang nakapunta sa probinsiya kaya manghang-mangha.
"Bro, iba talaga pag sa probinsiya nakakalanghap ka ng sariwang hangin dagdag mo pa ang magagandang tanawin dito" sabi ni Rico. Isa rin sa mga kaibigan ko.
"Oo nga bro. Kesa dun sa Manila puro usok ng sasakyan ang malalanghap mo." pagsang-ayon naman ni Tony.
"Kaya nga dito gusto ko palagi magbakasyon kasi ganda dito." sagot ko sa kanila.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad-lakad hanggang makarating kami dun sa burol. Umupo muna kami sa mga damo para magpahinga. Kapagod din naman maglakad-lakad.
Mula dito sa taas, kitang-kita mo ang tanawin sa baba at talaga namang mamangha ka sa kagandahan. Napagdesisyunan ko naman na tumayo na kumuha ng ilang mga litrato palagi ko naman kasing dala ang camera ko. Hobby ko kasi ang kumuha ng mga picture.
"Guys, kuha muna ako ng ilang mga litrato dito sa taas ng burol" paalam ko sakanila. Tumango lamang sila.
Mga bandang hapon na rin ngayon dahil malapit na ang sunset mga ilang oras din pala kami naglibot.
Kumuha ako ng mga litrato mula dito sa taas ng burol.
Maya-maya lang napansin ko ang pigura ng isang babae na nakatayo doon sa kabilang dulo ng burol. Yung dalawa kasi iniwan ko dun sa kabilang dulo ng burol kaya medyo malayo ako sa kinaroroonan nilang dalawa.
Lumapit ako dun sa babae.
"*fake cough* ahm.. Miss?" pagtatawag ko dun sa babae bigla naman siyang napatingin sa akin.
"Bakit?" sabi nung babae. Ang puti pala niya sa malapitan at ang ganda.
F*ck ano ba tong pinagsasabi ko?
"Napansin ko kasi kanina wala ka diyan nung kumukuha ako ng litrato pero pagtingin ko andito ka na." sabi ko sa kanya.
"Ahhh... Ehhh.." parang di niya alam ang sasabihin niya napakamot pa siya sa batok niya. Kumunot naman noo ko.
"Ano?" tanong ko.
"Pumunta ako dito siyempre. Baka di mo lang napansin. Hehehe" sabi niya at alanganing tumawa. Napatango na lang ako.
"Ahm.. Baka nga di ko napansin busy rin kasi ako sa pagkuha ng litrato." sabi ko.
"Ano pala ang pangalan mo?" tanong nung babae sa akin.
"Ivan. Ikaw?" sagot ko at tinanong siya pabalik.
"Iyah" sagot naman niya.
"Wala ka bang kasama? Hapon na ah." pagtatanong ko sakanya.
"Wala tsaka ano naman kung hapon na? Alam ko naman ang daan pauwi sa bahay ah" sagot niya.
"Siyempre, delikado diyan sa daan para sayo. Babae ka pa naman. Tsaka tingnan mo nga papadilim na" sabi ko naman sa kanya ngayon lang ako naging ganito. Ano ba talaga nangyayari sa akin?
"Wag ka nga. Alam ko paggabi na. Pero sanay na ako palagi kasi along pumupunta dito pagkahapon. Samahan mo na lang kaya ako dito. Tara upo tayo. Kwentuhan tayong dalawa." pag-aalok niya sa akin kaya di na ako tumanggi.
At ayun nga. Kwentuhan kami ng kwentuhan dun. Kahit ano ano lang pinagkwekwentuhan namin. Di ko na namalayan madilim na eh. Kaya naisipan na naming umuwi. Nakalimutan ko rin pala na kasama ko yung dalawa kong kaibigan. Ano kaya nangyari dun sa dalawa?
"Tara, uwi na tayo. Di ko namalayan madilim na pala." sabi ko kay Iyah. Tumayo na ako at inalok ko ang kamay ko para tulungan siya tumayo sa pagkakaupo.
Tinanggap naman niya iyon at tumayo na pero may napansin ko anlamig ng kamay niya. Kakaiba eh.
"Oo nga. Napasarap yata kwentuhan nating dalawa." sabi niya at tumawa. Napatawa na rin ako.
Bigla naman sumulpot ang dalawa Kong kaibigan.
"Bro, andito ka lang pala sa kabilang dulo ng burol akala namin iniwan muna kami eh." sabi ni Tony.
"Oo nga Ivan. Di pa naman namin kabisado ang daan pabalik." pagsang-ayon naman ni Rico.
"Wooohhh... Chill lang guys. Napasarap kasi kami ng kwentuhan ni Iyah" pagpapaliwanag ko sa kanila.
"Sinong Iyah?" takang sabay na tanong ng dalawa.
"Si Iyah, et------" naputol ako sa sinasabi ko ng pagtingin ko sa likod ko wala na si Iyah.
"Asan? Mag-isa ka lang naman ng makita ka namin." sabi ni Tony.
"Hindi eh. Kausap ko siya kanina." sabi ko naman.
"Alam mo bro, baka gutom lang yan." sabi ni Rico saka tinap yung balikat ko.
Nagtaka naman ako kung bakit di nila nakita si Iyah.
Nagtataka man umuwi na lang kaming tatlo at sakto naman na nakahanda na ang dinner kaya kumain na kami at diretso na ako sa kwarto pagkatapos. Diretso ako sa higaan at di talaga maalis sa isip ko yung nangyari kanina dahil nakakapagtaka talaga na di nila nakita si Iyah samantalang kausap ko pa lang yun ng dumating sila. At isa pang pinagtataka ko pa ay kung bakit ang lamig ng kamay ni Iyah ng hawakan ko yun. Parang malamig na bangkay lang.
Kinilabutan naman ako sa naisip ko kaya napagdesisyunan ko na matulog na at wag ko na lang isipin ang nangyari kanina.
-AFTER 5 DAYS-
Sa loob ng five days na yun palagi kaming naguusap ni Iyah sa may burol tuwing hapon. Para ngang naging meeting place na namin yun ni Iyah.
Sa loob rin ng five days na yun parang napapalapit na rin ang loob ko Kay Iyah hanggang sa di ko namalayan nahulog nq ako sa kanya.
Ngayon, ako eto kasama si Iyah dito sa burol at napagdesisyunan ko na magtapat ng nararamdaman ko sa kanya.
Alam kong madali pero yun yung nararamdaman ko eh. Ano magagawa ko?
Medyo kinakabahan ako. Siyempre first time ko magtapat ng nararamdaman sa isang babae.
"Oh, Ivan, para kang natatae na ano diyan." puna sa akin ni Iyah.
"Wag ka nga." sabi ko sa kanya.
"Bakit ba kasi ganyan ang itsura mo? Anyare sayo?" tanong niya.
"Iyah...."
"Ano?"
"May sasabihin sana ako sayo..."
"Ano nga?"
"Alam ko madali to para sayo. Pero ito yung nararamdaman ko eh. Ano pang magagawa ko? Iyah mahal kita."
"..."
"Huy! Wala ka man lang bang sagot?"
"Mahal mo ako?" sabi niya na parang di makapaniwala.
"Oo" nahihiya Kong saad.
"Mahal rin kita Ivan" namumula niyang saad.
"Talaga??" paninigurado Kong tanong. Tumango na lamang siya.
Di ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Basta ang alam ko ang saya-saya ko.
Malaman mo bang mahal ka rin nang mahal mo.
Nagkwentuhan kaming dalawa sa burol.
Mayamaya pa napagdesisyunan ko ng umuwi at di naman siya umangal.
Nag-alok akong ihahatid ko siya sa kanilang bahay sabi niya kahit hindi na pero dahil makulit ako di ako nagpatalo.
Hanggang sa huli pumayag na rin siya. Gusto ko lang kasi makasigurado na ligtas siya makakauwi sa kanila.
Pagdating namin sa bahay nila, nagpaalam na siya sa akin at pumasok na sa bahay.
Di pa ako nakakalayo marinig ko ang boses ng nanay niya siguro yun na parang pinagagalitan siya kaya di muna ako umuwi.
"Ikaw Iyah! Diba sabi ko naman sayo, wag ka nang labas ng labas tuwing hapon. Ano bang ginagawa mo dun sa may burol? Kinikita ang nobyo mo? Iyah, eto tandaan mo ah! Ikakasal ka na! Kaya tigil-tigilan mo na ang pakikipagkita diyan sa nobyo mo!" yun ang narinig kong sigaw ng nanay niya at nabigla sa nalaman ko.
Ikakasal na pala siya.
Umuwi na ako. At diretso na sa kwarto ko at natulog.
-KINABUKASAN-
Papunta ako ngayon dun sa bahay nila Iyah para patunayan sa ina niya mahal namin ang isat isa.
Kasama ko ngayon ang dalawa Kong kaibigan si Tony at Rico.
Pagdating ko doon kumatok ka agad ako. Binuksan naman ito ng isang matandang lalaki.
"Magandang umaga, hijo. Ano maipaglilingkod ko sa inyo?" bati sa akin ng matanda.
"Magandang umaga rin po sa inyo. Andiyan po ba si Iyah?" balik na bati ko at tinanong kung nandiyan si Iyah. Pero mukhang naguluhan naman ang matanda sa tanong ko.
"Iyah? Wala namang nakatirang nagngangalang Iyah dito hijo. Tara pasok kayo." Pumasok naman kami.
Pagkapasok mo mapapansin mo agad ang style ng bahay. Parang noong unang panahon pa ipinatayo ang bahay na to. Isang nakaagaw ng pansin sa akin ang nakasabit na litrato sa dingding.
Di ako pwedeng magkamali si Iyah to.
"Manong, eto po ang sinasabi Kong Iyah." sabi ko dun Kay Manong kaya napatingin siya sa tinuturo kung litrato.
Halata naman ang gulat na ekspresyon ni Manong.
"Si Alliyah Martinez ba tinutukoy mo?" napatango na lang ako.
"Ay! Nako hijo. Matagal nang patay si Iyah. Ipapakasal sana siya noon sa anak ng kabusiness partner ng magulang niya pero ayaw niya dahil may nobyo siya. Di naman siya pinakinggan ng kanyang magulang. Sabi pa nga nito hiwalayan niya na daw ang nobyo niya. Palaging nagkikita si Iyah at ang kanyang nobyo sa burol. Pero sa kasamaang palad, inatake noon si Iyah ng sakit niya sa puso dahil di siya noon pinalabas ng mga magulang niya. Nagkulong siya sa kwarto at di kumain sabayan pa nang di siya tumigil kakaiyak kaya siguro inatake siya ng kanyang sakit. Ayun ang naging dahilan ng pagkamatay ni Iyah. At siguro kaya mo siya nakikita dahil nagpaparamdam talaga ang kaluluwa niya." mahabang paliwanag ni Manong.
Sa mga nalaman ko bigla na lang ako napaupo at di alam ang mararamdaman ngayon. Pero nangigibabaw sa akin yung lungkot.
Matagal na pala siyang patay kaya pala di siya nakikita ni Tony at Rico dahil kaluluwa na lang siya, malamig din ang kamay niya at kapag kinukuhanan ko siya ng litrato palihim palagi itong blur.
-ARAW NG PAG-ALIS NILA IVAN-
Ngayon na ang araw ng alis namin. Babalik na kami ng Manila. At eto kami nagpapaalam na kina Lola.
"Magiingat kayo apo ha?" huling paalala ni Lola.
"Opo" sagot ko.
Mami-miss ko ang bakasyon ko dito sa probinsiya lalo na yung mga araw na kasama ko si Iyah...
Pero... What did just happen?
I Fall Inlove With Someone who died long time ago.
I Fall Inlove With a Ghost...
-END-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro