Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HALLOWEEN SPECIAL #2

Title: Your Soul & Me
By: Rose Naviene Sahara

Blue's P.O.V
November 1,Araw ng mga patay. Kaya ngayon andito ako sa Sementeryo para linisan ang puntod ni Bestfriend. Umupo ako sa harapan ng puntod ni Kyle which is Bestfriend ko. Nakamatay sya noong nakaraang linggo at bagong libing lang sya. Kaya sariwang-sariwa pa sakin ang lahat ng nangyari.
"Besh, kamusta?"
Bigla namang humangin ng nakakakilabot.
"Besh Naman! Nananakot ka na naman eh! Pwedi ka namang magpakita hmmp! Dadaanin pa kasi sa takotan"
At bigla naman syang sumulpot sa tabi ko. Oo nakakakita ako. Pero di naman sila nakakatakot tulad ng pananaw ng iba. Maliban nalang talaga sa mga Souls From Hell.
"Miss mo na agad ako ehh kagabi lang katabi mo pa ako"
Kung di mo sya nakikita siguradong tumakbo ka na.
"Wag ka nga besh! Ako lang kaya mag-isa sa kwarto ko kagabi. Wala ka naman dun"
"Parand di ako kaluluwa ahh"
Nang marinig ko naman ang sinabi nya naiyak na naman ako.
"Besh! Sorry! Di ko sinasadyang sabihin yun"
Approaching me para tumahan lang ako..
"Nakakainis ka naman besh ehh! Iniwan mo! *sob* alam mo ba yung araw na yun, plinano kong magtapat sayo kaya nandoon ako sa tambayan. Di ba nagtext pa ako na pumunta ka kasi may Important akong sasabihin? Pero ano? Ilang oras akong naghintay? Ilang beses rin akong tumawag ngunit wala ka parin. Tapos bigla ko nalang nalaman na wala ka na? Besh naman eh!! *sob* ba-kit k-kasi Di K-ka Nag-iingat?! Iniwan mo ako ng maaga tapos sa oras pa na kung saan mahal na mahal na kita!!"
Habang sinasabi ko yan nakatingin ako sa puntod nya. Mahirap na baka mapagkamalan pa akong baliw na may kausap na di nila nakikita.
"Alam mo ba besh noong araw rin na yun nagset-up rin ako ng dinner date para sa babaeng mahal ko. Dahil yun din ang araw na magtatapat sana ako sa kanya"
Sya naman ang nagdrama. Medyo nakaramdam ako ng selos dahil parang feeling ko hindi ako yun.
"Sino naman yun? Kaya pala di ka narereply sa txt ko kasi busy ka rin sa iba"
"Alam mo bang ikaw yun besh?"
"Huh? Ako?"
"Oo ikaw yun. At sa lugar na yun dun ko sinet-up dahil sabi ni kuya Nikko mas romantic daw kapag dun kesa sa tambayan natin. Pero noong oras na susunduin na kita sa tambayan, nangyari ang aksidente sa tulay na sana buhay pa ako kung hindi ako huminto kaso wala ehh nakatadhana na talagang mamatay ako sa oras na yun"
Napayuko sya sa kwento nya. At ito ako mas lumakas pa ang pagtulo ng luha dahil sa sakit ng nararamdaman ko.
"Di ba sinundo ka ni Kuya Nikko after a hour passed?"
Tumango nalang ako dahil kapag nagsalita ako siguradong mabibiyak ang boses ko.
"Yun yung oras na wala na talagang pag-asa. Okay pa sana kung nacomma ako pero dahil sa dugong kumalat na sa ulat ko hindi na naagapan ng doctor. At noong nadatnan mo ako sa morge alam mo bang sinubukan kong bumalik sa katawan ko para lang mapunasan ang mga luhang pumapatak galing sa mata mo pero hindi ko magawa kasi hindi na pwede. Kahit masakit na makita kang umiiyak wala na rin akong magawa. Umiyak ako ng umiyak noong lumabas ako dahil di ko na kayang makita na nasasaktan ka. Gusto kitang damayan pero nasasaktan ako sa nakikita kong epekto sayo ng pagkawala ko."

Umiiyak na rin sya. At alam mo ba yung feeling na nakikita mo syang umiiyak kahit soul nalang sya. Yung nakikita mo sa mata nya na sobra syang nasasaktan. Mas lalo pang lumakas ang pag-iyak ko na halos di na ako makahinga. Wala pa naman akong dalang inhaler.
"I-ilang Be-ses k-ko hiniling n-na bumalik ka dahil ayokong mabuhay ng mag-isa. *sob* kahit sa santo na di ako naniniwala hinilingan ko na para lang bumalik ka KASI MAHAL NA MAHAL KITA PERO! WALANG NANGYARI! ANG HIRAP TANGGAPIN NA WALA KA NA! ANG HIRAP SABIHIN SA SARILI KO NA HINDI KA NA BABALIK SA AKIN! BESH SOBRANG SAKIT! NAPAKA-UNFAIR EHH! ALAM MO BA NA GUSTONG-GUSTO KO PANG MAGKAROON NG PAMILYA KASAMA KA!! TUMANDA KASAMA KA!! YUNG YAKAPIN KA! YUNG HALIKAN KA! YUNG MAKATABI KANG MATULOG!! PERO HINDING HINDI NA MANGYAYARI YUN KASI WALA KA NA! *SOB* WALA KA NA SA TABI KO! DI NA KITA MAHAWAKAN! DI NA KITA MAYAKAP AT MAHALIKAN! BESH MISS NA MISS NA KITA!!"
di ko na napigilan ang emosyon ko dahil sobrang nasasaktan na talaga ako. Yung nararamdaman ko ngayon ay parang nararamdaman rin ng langit dahil bigla nalang pumatak yung ulan.
"Blue.. Ito ang tandaan mo ahh.. Kahit sumakabilang buhay man ako. At kung sakaling mawala ako sa tabi mo. Tandaan mo ahh. Mahal na mahal kita. Gusto ko maging masaya ka. Wag mong ikulong ang sarili mo sa akin. Gusto kong maranasan mo ang napakagandang buhay na kahit kailan hindi ko na mararanasan. Gusto ko magmahal ka ulit ng tamang taong deserving sa pagmamahal mo. Ayokong maging malungkot ka. Ayokong araw-araw ka nalang iiyak. Lalo kang papangit nyan."
"Kainis ka! Hmmpp! "
Naramdaman ko naman pinunasan nya ang luha ko. Sya nahahawakan nya ako pero ako hindi ko sa mahawakan.. UNFAIRNESS
"Gusto ko pag-alis ko ngayon Daoat may ngiti dyan sa labi mo.. Okay? Mag-iingat ka lagi Blue. Mahal na mahal kita kahit sa kabilang buhay pa"
Bigla naman syang naglaho
"KYLE!!! DI MO MAN LANG AKO PINAGSALITA! *SOB* PAANO MAGKAKAROON NG NGITI SA LABI KO KUNG INIWAN MO NA AGAD AKO? PUKSHET KA NAMAN EH! KYLE!!!!"
halos mamaos naman ako kakasigaw ng pangalan nya pero wala na talaga sya.
"Wala na *sob*.wala na ang bestfriend ko. Wala na ang taong mahal ko. Iniwan nya na ako. Paano ako magiging masaya nito? Kung iniwan nya na ako?"
Umiiyak lang ako doon sa puntod habang basang-basa sa ulan. Mas lalo pa ngang lumakas yung ulan pero nagtaka akp dahil hindi na ako nababasa.
Tumingala ako para malaman ko kung bakit pero isang lalaki ang nakita kong pinapayongan ako.
"Miss basang basa ka na oh. Tayo ka na dyan."
Di ko naman sya pinansin dahil nagluluksa parin ako.
"Baka magkasakit ka nyan miss"
Nairita ako kaya bumanat na ako
"Ano ba! Okay na yung magkasakit ako! Para masundan ko na sya doon! Tsaka wag mo akong pakialaman sa gusto ko!"
Gray's P.O.V
Tsk! Bakit ba ako dinala ng paa ko dito sa babaeng to. Tsaka di ba to nakakaramdam ng lamig?
"Alam mo miss kahit anong gawin mo di na sya babalik!"
Bigla naman syang tumayo at sinampal ako
"Sino ka para sabihin yan?! Wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan! Di mo nga ako kilala!"
Ayon umalis naman sya. Pero di pa sya nakakalayo Bigla nalang syang nahimatay.. Naku umuulan pa naman.
Tumakbo ako papunta sa kanya.
"Miss! Gising! Umuulan ohh! Baka malunod ka!"
At Di Nga Sya nagising. Sa sobrang taranta ko naisakay ko sya sa kotse. Di naman sya mabigat. Dinala ko sya sa bahay dahil doctor naman si papa kaya sa kanya ko sya dadalhin.
"Dad! Help me please!"
Sabay lapag ng babae sa sofa.
"Bakit? Ohh anong nangyari sa kanya?"
"Mahabang Kwento dad! Please dad pakitignan sya."
"Okay sige. Kuha ka ng Towel at Damit ng kapatid mo para makabihis sya sakaling magising na sya."
Hmmp! Nautusan tuloy ako. Ewan ko ba kung bakit ko ginagawa to. Basta parang may kumusa na tulungan ko sya. Nararamdaman ko kasi talaga na nasasaktan sya kanina. Ganun ako ehh nakakaramdam ng pakiramdam ng iba. At nakakaramdam din ako ng mga souls. At oo nakita ko sila kanina ng bestfriend nya daw dahil besh ang tawag nya. Nakita ko ring nginitian ako ng lalaki. I forgot. Nakakakita rin pala ako tulad ng babaeng to.
Pagkababa ko galing sa kwarto ni Red na kapatid ko nadatnan kong kinakausap na ni Daddy yung babae.
"Asan po ako?"
"Nasa bahay kita iha. Dinala ka ng anak ko dito galing ng sementeryo."
"Ano po bang nangyari?"
"Nawalan ka ng malay at base sa naobserbahan ko sayo di ka kumakain ng maayos"
Yumuko yung babae. Mukhang mabait naman sya.
"Anong pangalan mo Iha?"
Inilabas nama ni papa ang maliit nyang pocketbook. Reresetahan nya yung babae.
"Blue po, Blue Ramirez"
"Dad ito na po yung damit"
"Ohh cge anak bigay mo na sya kanya"
Tatanggihan nya na sana pero pinigilan ko sya
"Sige na tanggapin mo na. Kung hindi wala kang Free passed sa Crimson's place"
Oo kilala ko sya. Kaya pala familiar sya. Sya pala yung babaeng laging nasa Game zoned ng Crimson's Place.
"Teka? Kayo po ba ang May-"
Di ko na sya pinatapos sa pagtatanong nya kay Daddy
"Oo kami nga. At ikaw yung babaeng maing
hours ago · Se 10 nt from Me
Rose Naviene Sahara
maingay na laging kasama yung bestfriend nya"
Nalungkot sya bigla sa sinabi ko. Nakalimutan ko pala.
"Sorry"
"Okay lang.. Cge magbibihis na ako"
At pumunta namab sya sa CR. Maling CR ang napuntahan nya. Hahaha tatakbo yan mamaya.
"KYAAAAAAAAHHHHH!! BAKIT PO MAY GANUN SA CR NYO???"
Gulat na Gulat sya
"Hahahaha kasi naman di ka nagtatanong ehh basta basta ka nalang pumapasok"
Nakakita sya ng isang poster ng isang White Lady sa Cr. Which is Prank ko sa mga taong nagtatangkang pumasok sa Secret Room ko..
"Tsk! Saan ba kasi?!"
Inis na inis naman sya
"Doon" sabay turo sa totoong Cr
Mukhang nagiging masaya ang life ko kapag itong babae na to ang kasama ko.. Nakita ko naman yung wallet nyang nakalapag sa mesa. Binuksan ko at nakita kp doon ang Picture ng Bestfriend nya at sya na nasa Game Zone. Nakalagay pa doon ang number nya at ng bestfriend nya kaya kinuha ko na yung sa kanya. Tingnan mo to. Walang laman yung wallet nya. Malagyan nga para naman may pamasahe sya. Nilagyan ko ng isang libo. Tapos bigla nalang syang sumulpot sa harap ko at kinuha yung wallet nya
"Pakialamero ka rin pala ehh! Wala kang makukuha sa wallet ko nuh!"
"Halata!"
"Tsk! Pake mo? Naubos na kanina eh"
Tinutukoy nya ay pera..
"Hmm.. Tito uuwi na po ako!"
Sigaw nya kay Daddy na nagluluto sa kusina
"Naku Iha Pinagluto pa naman kita" halata kay Daddy dahil naka- apron.
"Wag na po tito.. Maggagabi na po ehh. Babalik nalang po ako dito para ibalik yung damit. Salamat po"
"Sige iha pero ihahatid ka ni Gray"
Tumingin naman sya sakin ng masama kaya tinawanan ko nalang sya.
"Sige po"
Yun oh! Drive ako ng Drive tapos biglang pinahinto nya ako para bumili ng barbeque. May pera daw kasi sya which is yung linagay ko sa wallet nya
"Sandali lang ahh. Bibili lang ako. May sumulpot kasing pera sa wallet ko ehh tsaka nagugutom na rin ako."
Dumaldal pa sya hahaha.. Ayon binigyan nya naman ako ng Isaw ba yun? Yun kasi tawag nya ehh.. At Masarap sya!
"Lupit ng Pera nuh? Sumusulpot nalang bigla. Pero salamat sa Barbeque ahh."
"Naku wala yun. Hahaha pasasalamat ko lang sa pagtulong mo sakin."
"Tandaan mo yung sinabi ni Daddy ahh. Kumain ka ng maayos. Babantayan talaga kita. Kahit ngayon lang tayo nagkakilala aba concern parin ako"
"Opo sir. Kaya nga nagpapasalamat ako kasi meron paring taong may pake sa akin."
"So Friends?"
"Friends"
Nagkamayan naman kami at bigla syang ngumiti kaya ikinatigil ko pati sasakyan naihinto ko. Buti nga sa tabi kami napahinto ehh may sasakyan pa namang nakasunod.
"Kung magpapakamatay ka wag mo ko idamay ahh. Mahal ko pa buhay ko"
Sinasabi nya yan habang nakangiti parin. BALIW
"Akala ko kasi di mo na mahal buhay mo ehh"
"Sapakin kaya kita dyan! Hmmp!"
Naging magaan na ang loob ko sa kanya kaya wala na rin yung awkwardness kanina. Hmmm..
"Salamat sa paghatid! Anyways Ako nga pala si Blue.. Kanina pa tayo magkasama pero di parin tayo magkakilala"
"Hahaha oo nga ehh ako pala si Gray"
"So Gray See you when I See you"
"Magkikita't magkikita talaga tayo."
At ayon naihatid ko rin sya sa bahay nila. Medyo malapit rin naman sa amin so No worries.
Lumipas ang mga araw at buwan at mas naging close pa kami sa isa't isa.
Lagi na rin kami magkasama sa school dahil iisa nga lang kami ng pinapasukan. Dati sila ng bestfriend nya ang magkasama sa Game Zone ngayon ako na. One time nga may sinulat ang bestfriend nya sa isang papel na nakalagay sa study table ko sa kwarto. Sabi nya alagaan ko daw ang bestfriend nya at kung hindi mumultuhin nya daw ako. Nakuha nya pang mag-joke di ba? Tsaka iisa lang ang tumatak sakin doon sa sulat.
"Mr. Gray Crimson mahalin mo si Blue na Mas higit pa sa pagmamahal ko. Gusto ko alagaan mo sya na mas higit pa sa pag-aalaga ko sa kanya noon. Wag mo syang saktan tulad ng ginawa ko. Totally ayokong mangyari sa inyo ang nangyari sa akin"
Pinakita ko sa kanya ang sulat pero hindi sa part na yan.
At ngayon minamahal ko na sya tulad ng sinabi ni Kyle.
Na halos di ko na sya binitawan. Pero sa mga oras na ito nasa hospital kami. Napapadalas kasi ang pagkahilo at nawawalan sya ng malay.
"Dad ano pong resulta ng test?"
Nasa labas kami dahil tulog si blue
"Anak may Cancer sya sa Lungs at Stage 4 na. Unti-unti na ring nalalagas ang buhok nya kaya numinipis na. Napapansin mo rin bang inuubo sya minsan?"
"Opo pero pinipigilan nya po minsan"
Nanlulumo na ako sa sinasabi ni daddy
"Yun nga. At anak alam kong mahal mo sya pero kailangan mo ng maghanda sa mga mangyayari. Maaaring di nya na kayanin ang Mercy Killing. Di na natin maaagapan pa ang cancer nya kaya magkakataning na ang buhay nya. Gusto ko maghanda ka na. Kailangan ka rin nya. Lagi mo dapat syang bantayan. Sulitin mo na rin ito anak."
At for the history first time kong umiyak dahil sa babaeng mahal ko. Maliban kay mommy sya lang ang iniyakan ko. Niyakap ako ni daddy dahil humahagulgol na ako.
Pumasok ako sa kwarto nya na namumula ang mata.
"So alam mo na?"
At alam nya na rin?
"Alam mo na rin? Kilan pa?"

"Noong araw na nakita mo ako. Pagkauwi ko pinatawag ko ang personal doctor ko. At dun ko nalaman. Stage 3 na yun."
"AT BAKIT HINDI MP SINABI?
BAKIT BLUE? *SOB* ALL THIS DAYS ALAM MO NA PALA PERO DI MO MAN LANG SINABI SAKIN? TAPOS HINAYAAN MO PANG LUMALA?"
Sinisigawan ko na sya dahil nasasaktan rin ako ng sobra.
"Sorry Gray *sob* gusto ko lang namang makasama ka ng mas matagal habang di ko iniisip yung sakit ko. Kaya ko lang naman di sinabi *sob* kasi ayokong masaktan ka. Ayokong mawala ka rin sa buhay ko tulad ni kyle. Kasi Gray M-mahal N-na K-kita! Mahal na kita gray!"
"Sana sinabi mo man lang blue. Para naman di ka na nahirapan *sob* para naman naalagaan kita tulad ng ipinangako ko sa kanya. Blue mahal rin naman kita ehh kaya nga nagre-react ako ng ganito kasi ayokong mawala ka! *sob* blue mahal na mahal kita"
Niyakap ko naman sya ng mahigpit hanggang sa makatulog ako sa tabi nya.
Nagising akong tulog parin sya. Napagdesisyunan ko munang umuwi ng bahay para magbihis pero pagbalik ko.
.
.
.
.
.
Yun na pala ang huling pag-uusap namin. Dahil wala na sya. Iniwan nya na ako. Akala ko nga sumunod sya sakin sa bahay kasi nakita ko sya sa gate na ngumiti pa sya sakin. Tinawag ko naman sya pero ngumiti lang sya. Bumaba pa nga ako para makita sya pero nawala na sya. Kaya kinabahan na ako ng mga oras na yun.
"Blue naman eh! Bakit mo ko iniwan!"
Nandito rin ako sa puntod nya katabi ni kyle ang puntod nya.
At ngayon nandito sya sa harapan ko. Tulad ng ginawa nya dati kay kyle ganun din ginagawa ko. Kinakausap ko sya habang umiiyak at sinasabayan rin ako ng ulan.
"Sorry Gray pero kailangan ko ng magpaalam. Mahal na mahal kita gray. Lagi kitang babantayan. Makakasama ko na si kyle pero ikaw ang mahal ko ahh wag kang magseselos. Ngumiti ka lang palagi at humanap ka ng babaeng mas hihigit pa sa akin. Mahal na mahal kita"
.
.
.
.
.
Naglaho na sya habang ako naiwan dito.
"Ang Unfair mo Blue. Paano pa ako ngingiti kung wala ka na? *sob* paano ako makakahanap ng iba kung ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. *sob* Blue mahal na mahal kita kaya di na ako hahanap pa ng iba. Sana maging masaya ka na sa piling ni kyle. At kyle sapakin kita dyan ahh kapag yan naging malungkot naku! Basta blue Ma-hal n-a mahal K-kita"
Nagbre-breakdown na ako dito pero wala na talaga akpng magawa.
Mahal ko sya pero kinuha na sya sakin. Paano pa ako magiging masaya kung wala na sya sa piling ko?
Ang pagmamahal ko aabot parin hanggang sa kabilang buhay. Hinding-hindi ko bibitawan ang pangako ko sa kanya na sya lang ang mamahalin ko. Kung kinakailangang sundan ko sya gagawin ko para lang makasama ko sya ganun ko sya kamahal.
Kaya kapag kayo nagmahal ng isang tao ingatan nyo at mahalin nyo ng totoo kasi kapag yan pinabayaan nyo kusang mawawala yan sa inyo. Sa maling pagkakataon at sa Di mo inaasahang panahon.
Magmahal ka ng taong alam mong nakatadhana na kayo kahit sa kabilang buhay man.
Wag palagpasin ang pagkakataong magmahal dahil minsan lang itong mararanasan sa iisang buhay na mayroon ka. Huwag magmadali dahil sadyang may taong nakatadhana na sayo.
Di man sa ngayon pero maaaring sa Tamang panahon
Maniwala sa Forever. Di man dito sa Mundo maaaring sa kabilang buhay ay naroroon. Nakasalalay sa inyo kung maniniwala kayo pero dapat maniwala kayo. Unfair man ang pagkakataon pero maaaring sa piling ng Diyos maging Fair ang tadhana.
Matuto tayong maghintay sa taong nakatadhana sa atin. Dahil sigurado akong hinding-hindi kayo magsisisi kapag sila na ang inyong kapiling.
Kaya readers good luck sa Lovelife at maging masaya kung ano man ang meron ka.

~The END~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro