ASSSFASSW by: MeetThePlayGirl27
Section:Royal Emblem
Story Title:A Stupid Selfish Song For A Stupid Selfless Woman
******************************
Cassy's P.O.V
Now Playing:ASSSFASSW
By:Unknownimous Band
(Search it sa mga composed song ni Yam-yam28)
(Kung nabasa nyo na yung What love is! Alam nyo to)
Nasa stage ako ngayon ng school namin Kakatapos lang ng Intramurals namin at sabado ngayon ng hapon. kasama ko ang bestfriend ko na si Kimmy at boyfriend ko na si Rico na di man lang ako pinapansin. Ito ako Sumasayaw ng mag-isa habang sila nag-uusap. Dinadama ko yung nais sabihin ng Lyrics ng kanta. Medyo alam ko na kasi yung meaning ng kanta kahit korean. Ikaw ba namang ulit-ulitin yung Lyric Video nila tingnan natin kung di mo maintindihan. Kunti na nga lang memorize ko na ehh. Habang palapit ng palapit ying kataposan ng kanta lalo kong dinadama yung music. At ngayon Linya na ng Bias ko na si Kim Taehyung o mas kilalang V ng Bangtan Boys.
"Tsk! Sige ! mag-usap lang kayo dyan hanggang umaga! walang alisan ahh!"
Pabulong lang baka kasi maistorbo sila. tsk! di naman sa nagseselos ako pero kasi kanina nagsasalita ako walang nakikinig
Naupo nalang ako dito sa hagdan ng stage dahil nabored na ako.
"Anyare sayo?" tanong ng isa ko pang bestfriend na kakarating lang na si Chloe.
"Nothing. Nakakapagod rin palang magsalita ng walang nakikinig"
pagpaparinig ko! at ang Langya.. tinignan lang ako.
Grrrr! kainis sya!
Ang kantang nakapagpaiyak sakin lalo na sa ganitong sitwasyon ay Tumutugtog ngayon.
At Ito na naman ako. Nagsisimulang tumulo ang mga luhang akala mo naghahabolan. Dinadama na naman ang mga Liriko na Di naman tugma sa mga nararamdaman ko. Siguro naiiyak ako dahil sa tono ng kanta.. Ewan ko ba ? nadadala ako.
Ang hirap palang magpanggap na AYOS KA LANG kahit HINDI. Ang hirap palang magpanggap na DI KA NAHIHIRAPAN kahit HIRAP NA HIRAP KA NA.
Yung pakiramdam na Ang tagal nyong di nagkasama tapos ngayon lang ulit kayo nagkita after 1 month na walang komunikasyon dahil nasa ibang paaralan sya nag-aaral?
Nasa Chorus na ang kanta at di ko na rin kaya. kaya tumakbo ako sa backstage dahil patuloy paring umaagos ang mga luha na di ko alam kung saan nanggaling dahil sobrang dami. Isa lang ang nararamdamn ko ngayon, NASASAKTAN AKO SA MARAMING BAGAY TUNGKOL SA KANYA!
"Hoy! Rico! Puntahan mo sya dun!" dinig kong sigaw ni Chloe.
Aba! Kahit wag na! di nya naman alam ang dahilan!
alam kong nasa tabi ko na sya dahil sa mga narinig kong yabag. nakayuko kasi ako. ayokong makita nya akong umiiyak.
"Hey! Bakit ka umiiyak?" Approaching me
"Wala ah! di ako umiiyak" Pagsisinungaling ko pa
"Alam ko umiiyak ka. kaya tumayo ka dyan" sumeryoso sya bigla. at ayon itinayo ako.
"Bakit ba! Di nga kasi ako umiiyak!" Pagharap ko sa kanya. ngumisi naman sya!
"Tsk! Ngisi pa! Di nga kasi!"
"Di daw. Mugto mata mo ohh..(Habang pinupunasan ang mga luhang umaagos parin) ano ba kasing iniiyak mo?"
"Ehh kasi naman ehh! *Sob* Di ko kasi alam kung ano ba ako sayo! Di ko alam kung mahal mo ba ako o hindi! *Sob* Bakit ang tagal mong di nagparamdam? Di na ba ako mahalaga sayo?"
"Shhh.. Ang daming tanong. Mahal kita okay? Mahal na mahal. kaya lang naman ako di nagparamdam dahil gusto kitang isorpresa sa paglipat ko dito. pero mukhang palpak. kaya tahan na kasi mahal kita"
At ng dahil sa mga narinig ko. mas lalo atang dumami ang luhang umaagos habang sinasabayan ng malakas na pagtibok ng puso ko.
"Okay." yan lang ang nasabi ko at ayon umalis na sya.. pero. ako naiwan dito na umiiyak parin.
"Tsk. Di ba sabi ko tahan na? ang kulit mo talaga"
niyakap nya naman ako. Pagkatapos nya akong yakapin ay pununasan nya ang mga luha ko at ipinagdikit ang aming noo.
Now Playing:A Stupid Selfish Song For A Stupid Selfless Woman
By:Unknownimous Band
Noong araw na yun. ang saya ko.. sobrang saya. pero totoo pala yung sinasabi nilang "Ngayon masaya ka pero pagdating ng bukas. Iiyak ka"
At oo ito na naman ako. umiiyak. dahil ngayong araw ng Linggo wala ng KAMI. Oo break na kami. Rason nya? Ayaw nya daw akong makitang nasasaktan ng dahil sa kanya. Ayaw nya dahil nasasaktan rin sya kaya sya nalang daw yung mag-aadjust. Selfish di ba? Wala na akong magawa dahil final na. tumulong pa nga yung mga kaibigan ko para lang di nya ituloy kaso wala na. Ito kami ngayon sa Computer Room nanonood ng Train to Busan. Pero ito nananahimik ako. kakapasok ko lang kasi galing labas pinapatahan kasi ako ng kaibigan ko kahit di ko magawang tumahan.
"Paano kayo nito bukas? Paano kung magkita kayo? eh halos araw-araw kayong nagkikita eh" sabi ng katabi kong si Kimmy
"Ewan ko.. Awkwardness? Parang ayoko ngang lumabas eh!"
"Naku! program natin Bukas tapos sasayaw pa tayo. sasayaw kang mugto ang mata?"
"Di ko alam. Oo? hindi? siguro? Bahala na kay Batman na walang kasalanan"
Natapos ang araw na to na walang hinto ang luha ko.
Today.. Program namin ngayon. at Hugot class na isa sa concept namin.
Scenario:(Actings)
Now Playing:ASSSFASSW
Ako:Ate pabili nga ng PAIN RELIEVER..
Sya:Ilan?
(Harap sa Audience sabay tingin sa pwesto nya kahit mugto ang mata)
Ako:Isa lang! Dahil saming Dalawa! Ako lang naman ying NASASAKTAN!
Sabay Walkout then punta ulit sa likod ng stage..
Simula sa Araw na to.. Journey to Move on na ako. Ayoko ng makitang Masaya sya sa iba habang ako sobrang nasasaktan na. Wala akong pake kahit may nagugustuhan na syang iba! Total Wala man akong kasalanan. Starting today: Matututo na akong umiwas na magmahal,Iwasang Masaktan at Magmahal ng lubusan.. Di kami natapos sa HAPPY ENDING.. Dahil Nasayang sa walang kwentang Rason ang Kwento naming dalawa.
Kasi sa Mundong ito. Wala kang patutunguhan kapag hanggang Tanga ka lang. Sikapin mong gumalaw at tumayo sa sarili mong mga paa. Wag pagmamahal ang atupagin. Pag-aaral at Pagtulong sa pamilya ang Unahin..
Di kami natapos sa HAPPY ENDING.. Dahil Nasayang sa walang kwentang Rason ang Kwento naming dalawa.
******************************
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro