Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 4

[Kabanata 4]

"Ibarra, puwede ka rin bang kumuha ng mga dahon ng bayabas sa labas?" rinig ni Caitlyn nang mahimasmasan na siyang nakahiga sa kama.

Nanlalabo pa rin ang mga mata ng dalaga at medyo hindi pa maigagalaw ang kaniyang katawan. Madilim ang nasabing silid ngunit nararamdaman niya ang sariwa at malamig na hangin na dumadapo sa kaniyang balat. Dahan-dahan siyang kumurap nang ilang beses hanggang sa unti-unti nang lumilinaw ang kaniyang paningin.

Agad niyang nilibot ang mga mata nito at napapansin ang usok galing sa malalaking palayok na nasa dapugan. Napaisip naman siya sa mga sandaling iyon at napagtanto na nasa kubo pala siya ngayon. Dali-dali naman siyang bumalikwas mula sa kaniyang pagkakahiga ngunit agad namang sumakit ang ulo nito.

"Dios mio! Mabuti na lang dahil gumising ka na rin, Isay!" bungad ng matanda sa kaniya dahilan upang tingnan siya nang may pagtataka ng dalaga.

"Kahapon ka nang walang malay kaya talagang nag-aalala na kami sa'yo." patuloy nito at tsaka tinabihan si Caitlyn sa pagkakaupo nito sa kama.

"I..Isay??" kumunot naman ang noo ni Caitlyn nang tinawag siya sa pangalang Isay. Huminga naman nang malalim ang matanda at tsaka hinawakan ang kamay nito na may pag-aalala.

"Mukhang malubha ang naging sitwasyon mo, hija. Talaga bang wala kang naaalala?" tanong ng matanda. Agad naman siyang tiningnan ni Caitlyn ngunit agad siyang nabigla nang maalala kung saan at kung sinong matanda na kaharap niya ngayon.

"Di ba kayo 'yung tarot reader na binisita namin noon?!" sabi ni Caitlyn at tsaka napahawak sa labi nito. Napailing na lang ang matanda sa kaniya at tsaka ngumiti nang marahan. Hindi maintindihan ni Caitlyn kung bakit ganoon na lang ang reaksiyon ng matanda sa kaniya. Kumbinsido itong kilala siya nito at tsaka naalala ang sinabi nito sa kaniya gamit ang baraha na may imahe ng kamatayan.

"Mas mabuting magpahinga ka muna dahil-------"

"Hindi. Alam kong kilala niyo ako, manang. Ito na ba ang gustong ipahiwatig ng barahang 'yun sa akin? Sabihin mo sa akin ang kadahilanan. Sabihin mo sa akin kung bakit hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa panahong ito." mahinahon ngunit puno ng hinanakit ang nasa isipan ngayon ng dalaga. Pilit niyang naiisip na nasa panaginip siya ngayon. Umaasa siya nang dahil sa nangyari kahapon ay makakabalik na siya sa kaniyang tahanan. Ngunit hindi iyon ang nangyari.

"Hindi ko alam ang iyong sinasabi, hija. Ngunit naiintindihan ko ang iyong nararamdaman. Siya nga pala, tawagin mo na lamang ako sa pangalang Remedios. Kung may nararamdaman kang kakaiba ay agad mo akong tawagan." ngiti ng matanda at tsaka pinisil pa ang pisngi ni Caitlyn bagay na ikinagulat nito. Agad nang umalis ang matanda sa kaniyang tabi ngunit bago pa itong tuluyang umalis ay may sinabi pa ito kay Caitlyn.

"Kung totoo ngang galing ka sa ibang panahon ay natitiyak kong may dahilan kung bakit dinala ka rito." ngiti ng matanda habang kaharap ang nalulumbay na dalaga. Agad namang napasabunot ng buhok si Caitlyn at tsaka sumimangot sa kaniyang higaan. Hindi niya talaga naiintindihan kung bakit nangyayari ito sa kaniya.

"Hays! Ano bang kasalanan ko, Lord!!" sabi niya at tsaka dahan-dahang tumihaya sa kama. Agad siyang nakatingin sa kisame at napaisip sa mga posibleng dahilan kung bakit hindi pa siya nakakabalik sa kaniyang tahanan.

"Hmm...Nakasuot lang sila ng simpleng saya at patadyong tapos 'yung sa mga kalalakihan naman ay nakasuot lang sila ng kamiso at pantalon. Teka, nasa panahon ba talaga ako ng mga espanyol?!" bulalas naman ni Caitlyn at tsaka ulit bumalikwas sa kaniyang higaan kahit may nararamdaman itong kirot sa katawan nito.

Agad itong lumabas sa kubo upang hanapin si Nay Remedios ngunit hindi niya ito nakita. Suot ang maluwag na baro at mahabang saya ay mukhang nahihirapan itong lumakad. Hinawakan niya pa ang saya nito paitaas dahilan upang makita ang mga binti nito. Nasaan na kaya ang matanda? Kailangan niya pa itong makausap.

"Susmaryosep!" rinig ni Caitlyn bigla habang abala itong tinitiklop ang mahaba nitong saya. Hindi niya rin inaasahan ang mga nakikita nitong mga troso na gumugulong ngayon patungo sa gawi nito. Agad niya rin siyang napatingin sa kaniyang gilid at nakita si Ibarra na walang suot na pang-itaas. Kitang-kita talaga ang pagiging makisig at matipuno nito. Ang mala- kayumanggi nitong balat at mga pawis na tumatagaktak ngayon sa kaniyang hinulmang katawan. Napanganga na lang si Caitlyn sa kaniyang natunghayan at agad binitawan ang tinitiklop nitong saya upang mahulog ito sa lupa.

"Hoy, baliw! Anong ginagawa mo?!" tanong sa kaniya ni Ibarra dahilan upang siya'y bumalik sa kaniyang katinuan.

"Hoy, ka rin! Ano bang ginagawa mo? Ba't wala kang damit pang-itaas? Hindi ka ba nahihiya?!" naiilang na sabi ni Caitlyn at agad itong tinakpan ang mukha nito. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang bumibilis ang pintig ng kaniyang puso sa mga oras na 'yun. Hindi naman makaimik ang binata at agad niya rin napansin ang hubad nitong katawan.

"Bakit ngayon ka lang ba nakakita ng ganitong katawan?" ngisi nito habang nakatingin pa rin kay Caitlyn.

"Shut up!!" tugon na lang ni Caitlyn dahilan upang kumunot ang mukha ng binata.

"Anong sinabi mo?"

"Wala ang sabi ko mas baliw ka!" sabi ni Caitlyn at tsaka tumalikod na sa kaniya ngunit napaisip naman siya sa mga sandaling 'yun at tsaka lumingon ulit kung saan nakatayo si Ibarra.

"Nasaan pala si Manang Remedios? I need to talk to her." sabi ni Caitlyn habang nakapamaywang.

"Si Nay Remedios? May trabaho siya ngayon kaya huwag mo na siyang gambalain." tugon ni Ibarra habang kinukuha ang mga troso na nakakalat sa lupa.

"Trabaho?"

"Paulit-ulit lang ba? Oo, may trabaho siya. May kailangan ka ba sa kaniya? Ay, hala! Nakalimutan ko pa lang kumuha ng mga dahon ng bayabas. Ngunit mukhang hindi naman kailangan dahil mukhang magaling ka naman." sabi pa nito habang inilalagay ang mga kinuha nitong troso sa lagayan malapit sa kubo. Pinagmamasdan lang siya ng dalaga.

"Dahil magaling ka na ay kailangan mo akong tulungan..." ngisi naman ni Ibarra dahilan upang tinaasan siya ng kilay ni Caitlyn.

"And why would I do that? Lalake ba ako, ha?" hindi makapaniwalang sinabi iyon ni Caitlyn habang lumalapit sa binata.

"Bakit, hindi ba? Hindi ka nga natatakot sa alperes nung sinipa mo siya sa bilangguan. Bihira lang akong nakakakita ng babae na kasing tapang at lakas mo. Paano ka naman natututong ipagtanggol ang iyong sarili? Hindi ka ba natatakot na baka ika'y saktan nila?" sabi ni Ibarra at tsaka pinagpagan ang sarili dahil sa alikabok na nakadikit sa matipuno nitong katawan.

Agad naman ngumisi si Caitlyn at tsaka ipinakita ang braso nito sa binata. "Kita mo 'tong muscles ko? Marami na akong pinabagsak na mga kalaban kaya kayang-kaya kong ipagtanggol ang aking sarili na walang tulong sa mga lalakeng katulad mo!" sabi pa niya sabay rolled-eyes. Napatawa naman si Ibarra sa kaniyang sinabi.

"Hambog ka ring binibini, noh? Balang araw kakailanganin mo rin ang tulong naming mga kalalakihan." pagmamalaki naman ni Ibarra sabay pose na katulad ni Johnny Bravo dahilan upang mandiri sa kaniya si Caitlyn.

"Ha! Ikaw ang mas hambog sa atin. Hindi mo ba alam? Isa 'ata akong black belter. Wala akong inuurungang kalaban kahit lalake pa 'yan!" pagmamalaki naman ni Caitlyn sabay halukipkip sa harapan ng binata.

"Hindi ko alam kung ano ang ibig mong sabihin 'dun, binibini. Basta't alam ko lang ay kailangan mo na 'kong tulungan." sabi ni Ibarra at agad sinuot ang kamiso nito na kulay itim na nakasabit sa sanga ng puno malapit sa kaniya. Napataas naman ng kilay si Caitlyn sa kaniyang sinabi.

"At sinong may sabeh? Talaga bang ipapabuhat mo ako ng mga trosong 'yan?" hindi makapaniwalang sinabi ni Caitlyn habang nakatingin ngayon sa mga troso na nasa gawi ni Ibarra.

"Wala akong may sinabing ganyan, binibini." ngisi ni Ibarra sabay hawi ng kaniyang basang buhok na nasa kaniyang mukha. "Sasamahan mo akong pumunta sa merkado pagkatapos ko rito."

*******

"Nandito tayo ngayon sa merkado ng Anillo, Isay." intro ni Ibarra habang naglalakad sila ngayon ni Caitlyn sa kalagitnaan ng madla. Nakasuot siya ng salakot at panyo na siyang pantakip ng kaniyang ilong at bibig. Hindi naman maalikabok ang paligid ngunit wala namang pakialam ang dalaga sa kaniyang rason.

"Hindi nga Isay ang pangalan ko, bingi ka ba?" iritadong sinabi ni Caitlyn habang may bitbit siyang dalawang bayong na walang laman. Mamimili kasi sila ng mga sangkap para sa lulutuin mamayang hapunan.

"Huwag ka nang magmaang-maangan diyan. Sinabi na sa akin ang lahat ni Nay Remedios na ikaw ang huling babaeng angkan ng inyong lahi. Kaya ka nga lumayas sa inyo dahil may nagtatangka sa iyong buhay, hindi ba?" Dahil sa sinabi ni Ibarra ay agad namang tumigil sa Caitlyn sa kaniyang paglalakad. Agad namang napansin 'yun ni Ibarra kaya napakamot na lang siya sa kaniyang batok.

"Pasensiya na, binibini. Hindi ko na dapat 'yun sinabi sa'yo."

"Teka, ibig sabihin may gustong pumatay sa akin?" Hindi naman makapaniwala si Caitlyn sa kaniyang natuklasan at agad napatingin kay Ibarra na may pangamba sa kaniyang mukha. Ang Isay na sinasabi nila ay may nagtatangka sa kaniya na panganib? Sabi nito sa sarili.

"Mukhang wala ka ngang naaalala, Isay. Huwag kang mag-alala. Hangga't wala kang naaalala ay puwede ka munang manirahan sa aming kubo kahit labag sa akin." At agad huminga nang malalim sa Ibarra nang sila'y tumabi dahil may paparating na kariton sa kanilang dinadaanan.

"Hindi nga Isay ang pangalan ko!"

"Kung hindi, eh ano?" rinig ni Caitlyn mula kay Ibarra. Siyempre hindi niya maaaring sabihin ang tunay nitong pangalan dahil hindi niya pa kilala nang lubos ang binata. Nagkibit balikat na lamang siya at agad nilampasan si Ibarra.

"Hoy!Saan ka pupunta? Nandito ang puwesto ng mga prutas." sabi ni Ibarra dahilan upang mapatingin sa kaniya si Caitlyn. Napapikit na lang sa inis ang dalaga at agad sinundan ang binata.

Habang namimili sila ni Ibarra ay agad nahagip ni Caitlyn ang mga paskil na nakadikit sa mga dingding. Mukhang larawan ito ng mga kalalakihan at may nakasulat pa ito sa ilalim ng kanilang naka-sketch na mukha.

Pinaghahanap. Patay man o Buhay!

Gantimpala: Isang ektaryang lupain mula sa Gobernadorcillo

Napa-iling na lang si Caitlyn habang nakapamaywang. Wala talagang pinipiling oras at lugar kung krimen nga naman ang pinag-uusapan.

"Mukhang interisado ka binibini sa gantimpalang iyan." rinig niya sa nagtitinda ng mga prutas dahilan upang siya'y mapatingin na may usiserang tingin.

"Ano po ba ang naging kasalanan ng mga kalalakihang 'yan?"

"Sa pagkakarinig ko'y isa silang magnanakaw. Kadalasan ay ninanakaw nila ang mga mayayaman. Tuwing gabi sila sumasalakay sa mga kabahayan ng mga mayayaman at agad kinukuha ang kanilang pera't kagamitan. Matagal na rin silang inuusig ng pamahalaan ngunit talagang dalubsaha sila sa pagtatago." kuwento sa kaniya ng tindera.

Pagkatapos ikuwento sa kaniya 'yun ay agad naman siyang napatingin ulit sa mga nakapaskil na litrato. Iniisa-isa niya ulit ang mukha ng mga kalalakihan hanggang sa napatigil siya saglit dahil parang may numumukhaan siya. Agad niyang nilapit ang mukha nito sa isang litrato at inaral nang maagi. Mula sa mga mata nito, ilong at bibig. Mukhang may naaalala siya sa mga sandaling 'yun ngunit hindi niya alam kung saan niya nakita ang lalakeng ito.

"Isay!" rinig niya sa 'di kalayuan at agad napatingin kay Ibarra bitbit ang dalawang bayong na papunta sa kaniyang gawi. Napalunok na lang siya habang nakatingin ngayon sa binata.

"Kailangan na nating umalis. Tapos na akong mamili ng mga prutas. Doon naman tayo sa puwesto ng mga gulay." sabi pa ni Ibarra kaya agad naman siyang sinundan ni Caitlyn.

Patuloy lang sa pagkukuwento si Ibarra ngunit hindi naman kumikibo ang dalaga sa kaniya. Narating na rin nila ang puwesto ng mga gulay kaya agad namang pumili si Ibarra. Habang abala si Ibarra sa kaniyang ginagawa ay nililibot na lang ni Caitlyn ang kaniyang paningin sa paligid. Agad siyang napailing habang tinatahak ang daan.

"Kung sino man ang gumawa ng merkado na ito ay natitiyak kong madidismaya siya kapag ako ang magju-judge. Medyo plain ang design at hindi ko type. Talagang babagsak ito kapag ako na ang naging kritiko nito." sabi ni Caitlyn na tumitigagal sa daan habang nakatingin ngayon sa 'di gaanong kagandahang disenyo ng merkado. Ngunit makikita naman na gawa ito sa mga matitibay na apog kaya medyo binawi na rin ni Caitlyn ang kaniyang sinabi. Mawawala naman ang kagandahan ng isang imprastraktura kapag hindi naman matibay ang pagkakagawa.

Sa hindi namalayan ay agad natagpuan ni Caitlyn ang kaniyang sarili malapit sa tindahan ng mga aklat. Agad siyang lumingon at napagtanto na nakalabas pala siya mula merkado. Malapit lang naman ang nasabing tindahan sa bukana ng merkado. Dahil sa sobrang kaiisip ay nakalimutan niyang magpaalam sa binata. Ngunit wala naman siyang pakialam. Agad siyang lumapit sa pintuan ng tindahan at hinawakan ang busol nito. Ngunit bumilog ang mga mata nito kung sino ang kaniyang nakita sa loob.

Si Manang Remedios!

Dali-dali siyang pumasok sa tindahan at tsaka isinara ang pintuan. Agad siyang lumapit sa matanda na may kaluwagan sa mukha. Mabuti't wala nang tao sa loob kaya makakapag-usap na rin sila.

"Manang!" tawag niya dahilan upang lumingon sa kaniya si Nay Remedios.

"Kailangan ko nang kasagutan." sabi ni Caitlyn ngunit ngumiti lang ang matanda sa kaniya.

"Kailangan mo nang kasagutan?" kumunot naman ang noo ni Caitlyn nang makita ang matanda na papunta sa isang lamesita malapit sa kahera. Mapapansin rin na parang unti-unting dumidilim ang buong paligid na mukhang uulan anumang oras. Lumiliwanag din ang mga gasera sa bawat sulok at ang mga malalaking kandila na siyang unang napapansin ng dalaga. Napalunok na lang ang dalaga sa kaniyang nasaksihan.

"Umupo ka rito." alok sa kaniya ni Nay Remedios hanggang sa nakita na lang ni Caitlyn ang hawak-hawak nitong tarot cards mula sa katad.

"Hindi ko kailangang magpahula sa inyo. I need some answers kung bakit ako naparito sa nakaraang panahon!"

"Ngunit tanging mga baraha lamang ang maaaring sumagot sa iyong katanungan." sabi naman ng matanda at agad nilagay ang mga baraha sa lamesita.

"Sige na, hija. Alam kong naguguluhan ka na ngayon." Wala namang magawa si Caitlyn kundi umupo na rin sa tapat ng matanda. Huminga siya nang malalim at seryosong nakatingin ngayon sa matanda.

Binabalasa na ngayon ni Nay Remedios ang mga baraha hanggang sa tinipon na niya ito at inutusan si Caitlyn na hatiin sa dalawa. Hinati na rin ni Caitlyn ang mga baraha sa dalawa hanggang sa tiningnan na rin siya ng matanda.

"Ilagay mo na ang iyong palad sa ibabaw ng tarot na ito. Siya na ang bahalang sasagot sa iyong katanungan." seryosong saad ng matanda. Agad namang nilagay ni Caitlyn ang palad nito sa ibabaw ng tarot at tsaka napapikit. Mga ilang segundo na rin ang natapos ay agad niya ring inalis ang mga palad nito.

"Handa ka na ba, hija?" tanong sa kaniya ng matanda at tanging tango lang ang naging tugon ni Caitlyn.

Agad na ring nagsimula si Nay Remedios at tsaka kumuha ng tatlong tarot cards. Nilagay niya ang mga ito sa lamesita at unti-unting na-itihaya ang mga ito. Ang unang card ay isang Fool, ikalawa naman ay ang Emperor, at ang huling card naman ay Lovers. Kumunot naman ang noo ni Caitlyn bigla sa kaniyang nakita.

"Ang unang baraha, tarjeta tonta (fool card)." sabi ng matanda.

"Isang bagong kasunduan ang paparating. At ang kasunduan na ito'y aking ilalahad ngayon. Caitlyn, ikaw ang napili upang gampanan ang katauhan ni Narsica Castellana, ang huling babaeng angkan ng mga Castellana ng Sta. Rosita." Nang dahil sa sinabi niya ay mukhang napako si Caitlyn. Naaalala niya kanina ang ikinuwento sa kaniya ni Ibarra tungkol sa babaeng tinutukoy nito na si Isay.

"Maraming pinatay na mga Castellana noon sa kanilang bayan at hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy kung sino ang nagpapatay sa kanila. Isang mapait na trahedya ang kanilang sinapit noon." paglalahad ng matanda.

"Ngunit nakatakas ang dalawang bata at sila na lamang ang buhay sa kanilang angkan. Ito ay ang magkakapatid na sina Narsica at Florencio. Ngunit sa kasamaang palad ay sila'y pinaghiwalay. Pinatay ang batang babae habang ang nakakatandang kapatid nitong lalake ay tuluyan nang umalis ng bayan nang walang nakakaalam kung nasaan ito nagtatago." Napalunok na lang si Caitlyn nang siya'y tiningnan ng matanda sa mga mata nito.

"Caitlyn, kailangan mong mahanap ang kapatid ni Isay. Dahil siya lamang ang nakakaalam kung sino ang nagpapatay sa kanilang angkan."

"Ngunit paano mo naman nasabi na buhay pa rin ang kapatid niya? Baka tulad ni Isay ay pinatay rin siya nang walang nakakaalam?" kunot noo namang tinanong ni Caitlyn habang siya'y hindi alam ang gagawin. Pinagpapawis na rin siya sa kaniyang natutuklasan.

"Dahil hindi pa napapasakamay ng mga kalaban ang itinatagong talaan na naglalaman ng ilegal na gawain. Ang akala nila'y kay Isay ang talaan ngunit nagkakamali sila." tugon naman ng matanda na patuloy pa ring naguguluhan si Caitlyn sa kaniya.

"Isang talaan?"

"Oo, hija. Diyan malalaman kung sino ang nasa likod ng karumaldal na pangyayari at ang mga sangkot nito. Hangga't hindi pa nahahanap ang talaan na iyon ay hindi pa rin sila makakahinga nang maayos. Sa pagkakaalam ko'y hinahanap pa rin nila hanggang ngayon si Florencio." Hindi naman makakurap si Caitlyn sa kaniyang mga naririnig. Napalunok na lang siya at agad tiningnan ang Fool card na tumitingkad dahil sa nagliliwanag na mga apoy sa paligid.

"Caitlyn, ikaw ay ipinagkasundo na gampanan ang katauhan ni Narcisa Castellana upang salbahin ang kanilang angkan. Para magawa mo ang misyon na ito ay kailangan mong mahanap si Florencio Castellana. Dahil siya lamang ang alas upang malaman kung sino ang nasa likod ng karumaldumal na nangyari sa kanilang angkan."

"Ngunit paano ko naman mahanap ang kapatid niya, manang Remedios?" halos pumiyok na si Caitlyn dahil sa matinding kaba. Mukhang ito lang ang tanging paraan upang makakabalik siya sa kaniyang panahon.

"Huwag kang mag-alala dahil magsasalubong din ang inyong landas na hindi niyo alam. Hindi ko lang alam kung kailan at saan." Iyan lang ang sinabi sa kaniya ng matanda bago mapatingin sa ikalawang baraha na nasa gitna.

"Ikalawang baraha, tarjeta de emperador (emperor card)."

"Isang pigura ng lalake. Malakas, matalino, at may pinanghahawakan na kapangyarihan. Siya'y iginagalang nang karamihan at tinitingala. Ngunit kailangan mong mag-ingat. Dahil sa likod ng kaniyang kapangyarihan ay isa itong malupit at walang inaawaan. Hindi siya makapagkakatiwalaan. Kailangan mong matukoy kung sino ang lalakeng ito dahil sa kaniya ang nawawalang anillo rosa na siyang susi ng talaan!" sabi sa kaniya ng matanda.

"Anillo rosa? Susi? Ibig sabihin hindi lang si Florencio ang aking hahanapin?" bumilog naman ang mga mata ni Caitlyn sa kaniyang naririnig. Mukhang malaking misyon nga ito ang kaniyang kahaharapin. Bumuntong hininga na lang siya at tsaka napasampal sa noo.

"Oo, hija. Alam kong malaking misyon ito ngunit kailangan mo 'tong tanggapin. Makinig ka, ang anillo rosa ay isang lumang singsing na siyang kakaibang susi na magpapabukas ng seradura ng talaan. Kapag nahanap mo ito ay agad mo itong itago at gamitin upang buksan ang talaan na siyang magpapalaya ng katotohanan. Alam kong hindi ito madali ngunit kailangan mong magtiwala, Caitlyn." mahinahon ngunit puno ng sinseridad ang nasa boses ngayon ng matanda. Mukhang iiyak nang wala sa oras si Caitlyn. Ang gusto niya lang ay makakauwi sa kaniyang panahon ngunit mukhang malabo itong mangyayari.

Agad namang nilihis ng matanda ang kaniyang paningin sa huling baraha. Napangiti siya at agad kinuha ang baraha at tsaka ipinakita sa dalaga.

"Ang huling baraha, tarjetas de amantes (lovers cards)."

"May makikilala kang tao na siyang magiging kasangga mo sa panahon na ito. May sisibol na bagong koneksyon na siyang titibay ng inyong relasyon. Dahil magkakasangga kayo ay kailangan ninyong magtulungan upang maging matagumpay ang inyong hangarin." paliwanag ni Nay Remedios sa kaniya.

"At sino namang tao ang iyong tinutukoy?" usisang tanong ni Caitlyn ngunit ngumiti lamang ang matanda sa kaniya.

Walang tugon na narinig pa si Caitlyn mula sa kaniya at napapansing inaayos na ng matanda ang kaniyang mga gamit sa lamesita. Tinipon niya ang mga baraha nito at agad itinago sa katad. Sinundan lang ng tingin ni Caitlyn ang matanda hanggang sa tumayo na rin siya at agad pinuntahan ang matanda malapit sa kahera.

"Manang, sino po ba------"

"Nakilala mo na siya, hija." singit sa kaniya ng matanda dahilan upang kumunot ang noo nito.

Sa hindi inaasahan ay biglang bumukas ang pintuan dahilan upang mamatay ang lahat ng mga nakasinding kandila sa paligid. Agad namang lumiwanag ang buong paligid dahil mukhang nag-iba na ang panahon na makikita sa labas. Hindi na makulimlim ang kalangitan dahil natatakpan na ito ng matinding sikat ng haring araw. Nagulat na lang si Caitlyn nang makita ang lalake na nasa bukana ng tindahan. May bitbit itong bayong na mukhang marami ang laman habang nakakatitig ito sa kanila.

"Ibarra?"

"Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala." sabi ni Ibarra at agad isinara ang pintuan.

"Hindi ba't sinabi ko na po sa inyo na bawal dito gumamit ng barahang 'yan? Baka makita pa ito ng mga guradia sibil at isumbong pa kayo sa mga prayle. Tiyak na ipapahuli ka nila dahil alam mo namang labag sa simbahan ang ganitong uri ng pagpapahula." suway naman ni Ibarra habang papunta sa gawi ni Nay Remedios. Nakita niya kasi ang matanda habang may bitbit na katad at alam niyang mga baraha ang nasa loob nito. Ngiti lang ang naging tugon ng matanda sa kaniya at tsaka pinisil pa ang kaniyang pisngi.

"Huwag kang mag-alala, hijo. Heto na ang huli. At tsaka ba't ka naparito?" tanong ni Nay Remedios dahilan upang mapatingin sa kaniya si Caitlyn.

"Hinahanap ko kasi ang babaeng 'to. Mabuti na lang may nakakita sa kaniya na pumunta rito. Kung saan-saan kasi pumupunta eh. Parang bata, tssk!" May halong irita sa boses ni Ibarra dahilan upang kumunot naman ang noo ni Caitlyn.

"Pasensiya na po, ha? Sa susunod ay magpapaalam na ako sa inyo." sarkastikong sinabi ni Caitlyn at tsaka napa-roll eyes sa binata. Napa-iling na lang si Ibarra sa kaniya at agad ibinalik ang tingin sa matanda.

"Huwag po kayong magpapagabi, Nay Remedios ha? Sama-sama tayong maghapunan mamaya kasama ang ibang miyembro ng Gorrión." ngiti ni Ibarra at tsaka hinawakan ang braso ng dalaga tsaka itinulak sa kaniyang unahan. Siningkitan lang siya ni Caitlyn sa kaniyang ginawa ngunit pinitik niya pa ang noo nito.

"Aray, ano ba? Talagang sumusobra ka na'ng mokong ka!" sigaw ni Caitlyn ngunit ngumisi lang si Ibarra sa kaniya.

"Sige po, mauuna na kami. Kailangan pa naming mamili ng karne." lingon ng binata sa matanda at agad nang tumalikod. Tuluyan na ring lumabas sina Caitlyn at Ibarra ng tindahan at sinalubong ang ingay ng mga madla na nasa kanilang paligid.

Hindi pa rin makapaniwala si Caitlyn sa kaniyang narinig mula kay Nay Remedios tungkol sa magiging misyon niya rito sa lumang panahon. Gumugulo pa rin ang kaniyang isipan kung paano niya ito magagawa. Paano niya hahanapin ang kapatid ni Isay? Paano niya mahahanap ang anillo rosa? Paano niya rin makikilala ang tinutukoy na lalake na nasa baraha?

Paano niya gagawin ang lahat ng mga ito upang makakabalik na siya sa kaniyang panahon? At isa pa, ano kaya ang Gorrión na narinig niya kanina kay Ibarra?

*******************************************************************************************

Happy April Fool's day, Felines!!!

Wooh! After 2 months of hiatus, nakabalik na rin ako dito hahaha.

Ba't ngayon lang ako bumalik sa WP, here's the reason why:
1. Due to my hectic schedules causing fatigue(siyempre talagang mawawalan ka nang ganang sumulat dahil nga sa pagod)

2. I am planning to publish Anillo de Amor so talagang ini-edit ko pa at tsaka nire-revise. Thrice ko pong nirerevise ang story para maging polido ang daloy nito. Actually medyo may binago po ako 'run (konti lang naman hindi naman nasira ang plot) at may iba rin 'dun na scenes na kinuha ko (na hindi naman necessary sa growth ng aking story). But don't cha worry kasi dito sa WP ay hindi ko babaguhin ang aking original manuscript. All I need is to fix those errors (whether mapa-grammar, spelling and usage of panghalip kasi medyo may kalituhan din ako 'run haha). Hindi naman ako expert, gois. hehe

And one more thing,

Hindi po ako isang Tarot reader. Haha! Talagang binasa ko pa po ang iba't ibang meanings ng mga tarot cards sa google para gamitin sa story na ito. Medyo na -execute ko naman siya haha. Mukhang pwede na rin akong maging tarot reader. Joke lang siyempre.

Gusto ko lang magpasalamat sa mga mambabasa sa patuloy ninyong pagsubaybay kahit na medyo delay ang updates. Sisikapin ko pong makapag-update na hindi na ulit mag-hiatus ng tig-dalawang buwan. Hahaha

Maraming Salamat, Felines! See you next chapter!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro