Kabanata 3
[Kabanata 3]
Taong 1896
Hindi alam ni Caitlyn kung bakit ganito ang kaniyang nakikita ngayon. Kanina'y nasa loob lamang siya ng kaniyang silid ngunit ngayo'y parang nasa iba na siyang lugar. Dulot lang ba ito ng kaniyang kalasingan? O 'di kaya'y nasa kaniyang panaginip na siya ngayon? Kahit na medyo gumigewang na ngayon si Caitlyn dulot ng kaniyang kalasingan ay nagawa niya pa ring lumakad nang maayos sa gitna ng daan.
"HE..HELLO! HI!! KON'NICHIWA! ANNYEONG!!" ngiti nito sabay kaway sa mga madla na malapit sa kaniya. Ngunit mabilis namang lumalayo ang mga tao sa kaniya at naiisip na parang isang baliw. Napabusangot na lamang si Caitlyn at padabog na tinalikuran ang mga tao dahil walang pumapansin sa kaniya.
"ANG GANDA KO KAYA SO WHY DON'T YOU PAY ATTENTION TO ME?!" sigaw nito ngunit patuloy lang siyang iniiwasan ng mga tao at ngayon ay pinagusap-usapan na siya ng mga ito.
"Freaks." bulong niya at tsaka sila tinaasan ng kilay.
"IBARRA DELGADO!!!" rinig ni Caitlyn sa kalayuan dahilan upang mapalingon ito sa gulat. May nakikita itong mga tao na nakasuot ng pang-guardia sibil habang hinahabol nila ang isang binata papunta sa kaniyang direksiyon. Nakasakay sila sa kani-kanilang mga kabayo habang pagalit na hinahabol ang lalakeng 'yun na nakasakay din sa kaniyang puting kabayo.
Nakanganga ngayon si Caitlyn sa kaniyang nasaksihan at mukhang napako sa kaniyang kinatatayuan ngayon. Agad namang nagtama ang kanilang mga mata ni Ibarra dahilan upang uminit ang mga pisngi nito na hindi niya alam kung bakit.
"TABI!!!" sigaw ni Ibarra sa kaniya ngunit mukhang hindi iyon narinig ni Caitlyn. Mabilis namang nagsitabi ang mga tao sa daan dahil sa takot na masagaan sila ng mga kabayo na patuloy pa ring yumayanig sa daan.
Dahil napako pa rin si Caitlyn sa kaniyang kinatatayuan ay biglang naalarma itong si Ibarra na baka'y masagasaan niya si Caitlyn ng kaniyang kabayo. Huli na nang bumalik ang katinuan ni Caitlyn at agad naman itong nagulat nang malapit na itong mabangga ng kabayo ni Ibarra.
"AHHHHHHHH!!!" sigaw niya sa matinding kaba at agad itong napapikit habang nakayuko ito sa kaniyang tuhod.
Mabilis naman na hinila ni Ibarra ang renda dahilan upang tumigil ang pagpapatakbo ng kaniyang kabayo ngunit agad naman siyang nawalan ng balanse upang siya'y tuluyang mahulog sa kabayo nito. Gumugulong ngayon si Ibarra sa lupang daanan habang iniinda ang sakit dulot ng pagkakahulog nito. Agad namang tumakbo ang kabayo nito at mukhang wala na itong balak pa na balikan siya.
Nang maramdaman ni Caitlyn na wala namang may nangyari sa kaniya ay agad itong tumayo at tsaka pinagpagan ang kaniyang suot na plain purple dress dahil sa alikabok. Agad itong namahinga nang malalim at tsaka kinapkap ang dibdib nito na ngayon ay bumalik na sa normal na pintig dahil sa sobrang kaba kanina. Nakaramdam pa pala siya ng ganitong emosyon kahit lasing na ito.
"Hoy, babae!!!" rinig niya sa kaniyang gilid at nakikita ang binata na dinuduro-duro siya habang paika-ika itong lumalapit sa kaniya.
"Bingi ka ba kanina ha? Di ba sabi ko tabi? Ba't hindi ka tumabi, ha?!" pagalit na sinabi ni Ibarra sa kaniya ngunit napameywang lang ito at tsaka tinaasan siya ng kilay.
"Who are you?" pagmamaldita niya ngunit mas lalong naiirita si Ibarra sa kaniya.
"Hoy! Huwag mo akong ma-HUYU HUYU dahil kinakausap pa kita!" mukhang nag-iinit na sa galit ang dalawa, mga mata'y nagpapalitan ng inis at pagkayamot.
"Ako nga dapat ang magalit sa'yo dahil muntik mo na akong masagasaan kanina!" depensa naman ni Caitlyn at mukhang kumukuyom na ang mga kamao nito sa binata. Kahit na gumegewang na ito ay kaya niya pa ring makipagsuntukan.
"Hindi ko na kasalanan kung bakit tumutunganga ka kanina sa daan!" sagot naman ni Ibarra at mas lalo itong lumalapit sa dalaga upang masindak ito. Ngunit hindi naman nagpasindak si Caitlyn sa kaniya. Black belter 'ata ang nabangga ngayon ni Ibarra!
"Dali! Hulihin niyo ang tarantadong iyan!" rinig nilang sigaw mula sa isang guardia sibil dahilan upang pareho silang mapalingon. Mukhang naalarma naman itong si Ibarra at agad na itong tumalikod sa kanila. Aakmang tatakbo ito ngunit nagulat na lamang siya kung ano ang ginawa sa kaniya ni Caitlyn sa hindi inaasahan.
Natagpuan na lamang ni Ibarra ang kaniyang sarili sa lupa, naniningkit na rin sa sakit sa buo nitong katawan pagkatapos ang nangyari sa kaniya ngayon.
"Talagang binibwisit mo akong babae ka! Ba't mo hinarang 'yung paa mo sa aking dinadaanan?A..aaray!!" kirot nito habang dahan-dahang tumayo mula sa kaniyang pagkakabagsak sa lupa. Alam ni Caitlyn na si Ibarra ang motibo ng mga guardia sibil kaya napapaisip ito na baka isang kriminal si Ibarra. Bakit kaya nila hinahabol ang lalakeng'to?
"Buti nga sa'yo! Hmmp!" sabi pa ni Caitlyn habang gumigewang ito sa harapan ng binata. Binelatan niya pa ito at tsaka tinutukso dahilan upang mas lalong mainis sa kaniya si Ibarra.
Nang makalapit na ang mga guardia sibil sa kanila ay agad silang sinalubong ng isang matamis na ngiti ni Caitlyn bagay na kanilang ipinagtataka.
"Ma...magandang gabi po, kabayan! Ang ganda ng costume natin ha. Dito ba kayo magpapatrol ngayon?" ngiti nito dahilan upang magtaka naman sa kaniya ang pinuno ng mga guardia sibil.
"Gabi?"
"Bakit hindi ba gabi ngayon? Eh kanina lang ako galing sa party.." ngiti pa rin ni Caitlyn at tsaka tumingala sa kalangitan. Ngunit agad namang nawala ang mga ngiti nito nang mapagtantong may araw pa lang sumisikat sa kalagitnaan ng mga ulap. Kay bilis ng oras. Umaga na pala? Sabi nito sa sarili.
"Tama ka nga, kabayan! Tingnan mo may araw na pala!!" tawa naman ni Caitlyn at agad naman siyang napasinok dahilan upang paghinalaan na siya ng mga ito.
"Mukhang nakainom 'ata, senyor." bulong ng isang guardia sibil sa kaniyang kasamahan at sila'y napailing nang makita kung anong klaseng kasuotan ang suot ngayon ng dalaga. Nakasuot kasi si Caitlyn ng skater dress na kulay lila kaya kitang-kita 'yung mga legs nito na hindi dapat makita ng mga kalalakihan sa ganitong panahon.
"Isang kahihiyan! Mukhang siya 'yung hinahanap natin sa kabilang bayan. Es una puta! (It's a whore!)" bigla namang umigting ang mga panga ni Caitlyn nang marinig niya ang mga salitang 'yun.
"Teka, tama ba ang pagkakarinig ko? Tinawag mo akong PUTA!!? Don't you even know what that word means?! Nakakainsulto ka ha! Bakit? Sa tingin niyo ang gagwapo niyong tingnan?! Pwehh! Mukha kayong mga TAE!!!!" sigaw nito at mapapansin na tinatakpan ngayon ng mga guardia sibil ang kanilang mga ilong dahil sa ibinugang hininga ng dalaga na talagang amoy alak.
"Conseguirla! (Get her!)" utos ng pinuno ng mga guardia sibil kaya hindi na rin nagdadalawang isip ang mga kasamahan nito na dakpin na rin si Caitlyn.
"Wait, what is the meaning of this? Let go of me!!" sigaw nito at tsaka pumipiglas pa dahil hinuhuli na siya ng mga ito.
Habang pilit na hinuhuli ang dalaga ay matiwasay namang sumuko si Ibarra dahil alam naman niyang wala na siyang laban pa sa mga ito. Masakit pa rin ang katawan nito dulot ng kaniyang pagkakabagsak sa lupa. Kay malas naman ng araw na ito sa kaniya!
"Kilala mo ba ang binibining 'yan?" tanong sa kaniya ng guardia sibil habang tinatali ang mga kamay nito sa likuran. Agad naman niyang tiningnan si Caitlyn na ngayon ay patuloy pa ring pumipiglas at nagsasalita na hindi nila maintindihan. Napailing na lamang si Ibarra sa kaniya at tsaka napangiwi.
"Wala akong kilala na baliw na katulad niya...."
*******
"Pakawalan niyo na po ako pakiusap.." kalmadong sinabi 'yun ni Caitlyn habang nagmamakaawa ito sa harapan ng alperes. Nakaluhod sila ngayon ni Ibarra sa loob ng kaniyang opisina.
Malawak ngunit madilim ang silid at tanging mga sulo lamang ang nagpapaliwanag nito. Ang sulo ay hawak-hawak ngayon ng mga guardia sibil habang binabantayan sina Caitlyn at Ibarra. Kalmado lang si Ibarra ngunit nakikiramdam ito sa kung ano ang nangyayari sa kaniyang paligid. Nagmamasid ito na parang isang agila katulad ng kaniyang ginagawa bilang isang espiya.
"Kung hindi ka isang babaeng bayaran, ba't ganyan ang iyong kasuotan? Sa tingin mo'y maloloko mo kami?" sabi sa kaniya ng alperes sabay buga ng usok mula sa kaniyang bibig. Nananabako ito habang nakaupo nang komportable sa kaniyang silya.
"Hindi nga ako isang babaeng bayaran, sir. Grabe naman kayong mag-judge. Naka skater dress lang ako noh, napagkakamalan na agad. Like, duh?" tugon naman ni Caitlyn sabay cross arms pa. Mga ilang sandali pa'y agad nang tumayo ang alperes. Nakangisi ito habang papunta sa direksiyon nina Caitlyn at Ibarra. Naparoll-eyes na lang sa kaniya si Caitlyn ngunit nakaramdam na ito ng kakaiba nang lapitin ito ng alperes. Tinitingnan kasi siya ng alperes mula sa kaniyang mukha papunta sa makinis nitong binti. Ano kaya ang binabalak sa kaniya ng alperes?
"May mga binabanggit kang salita na hindi ko maintindihan, binibini. Pwede ko namang ibaba ang iyong kaso basta't papayag kang-----" hindi na tinapos ng alperes ang kaniyang sasabihin dahil mabilis siyang sinipa ni Caitlyn sa kaniyang ibabang bahagi dahilan upang matumba ito sa sahig. Napangiwi ito sa sakit at agad kinapkap ang ibabang bahagi nito dahil sa matinding pagkabigla.
Nagulat naman ang lahat sa ginawa ni Caitlyn lalong-lalo na si Ibarra dahil nakanganga ito sa kaniyang nasaksihan.
"Ang bastos mong matanda ka! Aside sa pagiging kulubot mo, ang pangit-pangit mo pa! Sa tingin mo ba papatulan kita, ha!? Kahit nakagapos ang mga kamay ko ngayon ay kayang-kaya kitang patumbahin gamit ng aking mga binti! O, ano? Lalaban ka? Tayo!!!" sigaw ni Caitlyn sa alperes.
Nanlilisik na ngayon ang mga mata ng alperes sa kaniya habang tinutulungan siya ng kaniyang mga kasamahan na tumayo. Hindi ito nakatayo nang maayos dahil sa sakit na kaniyang iniinda ngayon. Agad namang pinigilan ng mga guardia sibil si Caitlyn dahil aakmang sisipain ulit ang kanilang alperes.
"O, bakit? Natatakot ka ba sa akin matanda? Ha?!" panggigigil ni Caitlyn habang nagpupumiglas ito sa mga guardia sibil.
Patago namang nakangisi ngayon si Ibarra dahil hindi niya inaasahan na talagang gagawin ulit iyon ni Caitlyn. Siya lang 'atang babae na kayang makipagbakbakan sa isa sa mga opisyales ng pamahalaan. Sino ka bang babae ka? Tanong nito sa sarili.
"Ikulong niyo na ang hampas lupang 'yan!" pagalit na sinabi ng alperes kaya agad na ring ginuyod ng mga guardia sibil si Caitlyn papalayo sa kaniya. Patuloy pa ring nagpupumiglas si Caitlyn kahit alam nito na mas malakas pa sa kaniya ang mga taong 'to.
"Bwisit kang matanda ka! Ba't ayaw mo akong kalabanin? Ang duwag, duwag mo! Teka, saan niyo ba ako dadalhin?! Gusto ko nang makauwi! Gusto ko nang makita si mama!! Wala akong kasalanan!!" sigaw ni Caitlyn sa kawalan ngunit wala na itong magawa dahil tuluyan na itong sumunod sa mga guardia sibil na mas doble pa ang mga katawan nito kaysa kaniya.
"Sa wakas nahuli ka rin namin, Ibarra Delgado..." panimula naman ng alperes kay Ibarra at sa pagkakataong 'to ay inalalayan na siya ng guardia sibil dahil mukhang hindi na ito makatayo nang maayos. Kumunot naman ang mga noo ni Ibarra habang nakatingin ngayon sa harapan ng alperes.
"O, ano ngayon? Binabati kita, ganun?" pangungutya naman ni Ibarra sa kaniya ngunit agad naman siyang pinalo gamit ng baston dahilan upang mapaungol ito sa sakit sa kaniyang tagiliran.
"Magkakilala ba kayo ng babaeng 'yun?"
"Hindi. Hindi ko kilala ang baliw na iyon." depensa naman ni Ibarra dahilan upang magulat ang alperes sa kaniya.
"Baliw? Isang baliw ang babaeng bayaran na iyon?" tanong niya ngunit ngumisi lang sa kaniya si Ibarra.
"Sa tingin mo ba talaga ay isa siyang babaeng bayaran mula sa kabilang bayan?" tanong niya pabalik. Napaisip naman ang alperes sa mga oras na iyon at tsaka napailing sa kaniyang naiisip.
"Di na bale. Wala naman akong pakialam sa babae na iyon dahil bukas na bukas ay mamamatay naman siya kasama mo, kriminal..." at agad namang humahalakhak ang alperes bagay na kinasusuklaman ngayon ni Ibarra.
"Bueno. Maaari niyo nang dalhin ang lalakeng 'yan." dagdag niya kaya dali-dali namang dinala si Ibarra ng mga guradia sibil palabas papunta sa kulungan nito.Taimtim lang nakasunod si Ibarra sa kanila at ipinagpatuloy ang pagmamanman nito sa loob ng kulungan. Wala silang kaalam-alam na may mga plano itong binabalak laban sa kanila at laban sa pamahalaan.
"Hoy!" tawag ni Caitlyn kay Ibarra na pareho ngayong nakakulong sa kani-kanilang kulungan. Magkatapat lang naman ang kanilang kulungan kaya kitang-kita ni Caitlyn kung paano nagmumukmok ngayon si Ibarra na nasa sulok.
"Bingi ka ba? Kanina pa kitang tinatawag!" tawag pa rin ni Caitlyn sa kaniya ngunit hindi man lang kumibo itong si Ibarra. Napasimangot na lang ang dalaga at agad napacross arms. Nakatalikod na ito kay Ibarra at tsaka umupo sa magaspang at malamig na sahig. Mga ilang sandali pa'y nakaramdam na nang antok si Caitlyn kaya dahan-dahan na niyang isinandal ang ulo nito sa dingding.
"Hays pakiramdam ko parang totoo ang mga napapaniginipan ko ngayon." bulong nito sa sarili at sa hindi inaasahan ay may nararamdaman ito na parang may kumagat sa kaniyang braso. Agad niyang tiningnan kung ano 'yun at tsaka mabilis na pinalo ang lamok na umaaligid sa kaniyang braso.
"Ah!" bulalas niya nang maramdaman ang lakas ng kaniyang pagpalo sa braso nito. "Ang sakit ha. Teka ba't may nararamdaman akong sakit? Eh, nananaginip lang naman ako ha. Try ko nga ulit----"
"Sinasaktan mo lamang ang iyong sarili, binibini." rinig ni Caitlyn mula kay Ibarra kaya agad siyang napatingin sa kinaroroonan ng binata.
"Sa wakas nagsalita ka na rin. Ibarra 'yung name mo, right?" sabi ni Caitlyn dahilan upang kumunot 'yung noo niya.
"Tanong ko lang, talaga bang ganyan 'yung mga suot ninyo sa aking panaginip? Look at yourself nakasuot ka ng asul na kamiso at tsaka naka-pajama. Hahaha!" tawa ni Caitlyn ngunit hindi na siya pinansin ni Ibarra. "..and kanina 'yung mga tao sa market ay nakasuot na rin ng pang- 19th century na clothing. Ano bang nangyayari ba't------" agad naman siyang tumigil nang magsalita si Ibarra.
"Panaginip? Ano bang pinagsasabi mo? At tsaka may mga salita kang binibitawan na hindi ko maintindihan. Baliw ka nga." sabi ni Ibarra at tsaka na ito nakahiga sa sahig upang matulog. Hindi na rin siya pinansin ni Caitlyn at sa halip ay bumalik na rin siya sa kaniyang pagkakapuwesto kanina upang makatulog na rin.
"Kapag gumising ako bukas ay tiyak na babalik na rin ako sa aking pinakamalambot na kama sa balat ng lupa." bulong ni Caitlyn at tsaka isinandal ang ulo nito sa dingding.
*******
"Teka, saan niyo ba kami dadalhin?!" sigaw ni Caitlyn sa mga guardia sibil habang hinahatak nila ngayon ang dalaga papalabas ng kulungan. Umigting naman ang mga panga ni Ibarra nang malaman na bibitayin na sila sa plaza sa mismong harapan ng mga madla.
"Talaga bang bibitayin niyo na kami?" tanong ni Ibarra ngunit ang mga mata nito'y walang nagpapahiwatig ng kahit anong pagkatakot at pangamba.
"Huwag kang mag-alala kasama mo naman ang magandang binibini na bibitayin!" halakhak naman ng mga guardia sibil ngunit agad naman silang isinagi nang malakas ni Caitlyn sa kani-kanilang tagiliran dahilan upang umaray ang mga ito.
"Anong sinasabi niyong bibitayin? Bibitayin niyo kami?! Wala akong kasalanan! Siya na lang 'yung bibitayin niyo huwag ako!!" sigaw ni Caitlyn at tsaka tumingin kay Ibarra na ngayon ay nagulat din dahil sa kaniyang sinabi.
"Hays, ano ba 'to? Kakagising ko lang ba't nandito pa rin ako? Gusto ko nang umuwi! May mga assignments at projects pa ako no?!" reklamo ni Caitlyn ngunit sinamaan lang siya nang tingin ng mga guardia sibil na kaniyang sinaktan kanina.
"Naku kung hindi ka lang babae ay talagang sasaktan ka namin. Ngunit hindi na namin kailangan dahil bibitayin ka naman mamaya." ngisi nila at tsaka itinulak na si Caitlyn papunta sa harapan ng plaza. Hindi lang silang dalawa ang paparatangan ng parusa kundi marami sila. May mas nauna pa sa kanilang dalawa at halos ay nasa mababang uring mga tao ang makakatanggap ng parusa.
"Is this even real? Dito ba talaga ako mamamatay? No, hindi. Isa lang 'to panaginip. Panaginip lang ang lahat na ito, Caitlyn. Kapag talagang nabitay ako diyan ay aasahan kong babalik na ako sa aking kama, sa aking silid, sa aking mansion..." sabi ni Caitlyn habang pinapakalma ang sarili nito.
Habang nakasunod sila papunta sa plaza ay maraming mga tao ang nagkukumpulan upang tunghayan ang pagbitay ng mga kriminal sa lipunan. Ang lipunan na puno ng dumi at kawalan ng katarungan. Habang nakatingin si Caitlyn sa mga madla ay bigla na lang siyang sinigawan ng ginang na kaniya namang ikinagulat bigla.
"Isa kang salot, Victoria! Paano mo nagawang pagnakawan ang aking asawa? Mukha kang pera, mamamatay ka sa impiyerno!!!" sigaw nito dahilan upang uminit naman ang ulo ni Caitlyn sa kaniya.
"Hoy! Victoria mo 'yung pagmumukha mo! Ba't ko naman gagawin 'yon sa asawa mo? Kilala ko ba siya ha? Huwag kang mambibintang kung ayaw mong lumipad sa ere!!" sigaw niya pabalik sa ginang na ngayo'y namumula na dahil sa matinding galit.
"Hoy, tumigil ka!" suway sa kaniya ng guardia sibil ngunit naparoll –eyes na lamang si Caitlyn sa kanila.
"Pfft, Victoria. Sino ba 'yang si Victoria? At bakit pinagbibintangan ako ng bruhang 'yun?" bulong ni Caitlyn ngunit narinig naman iyon ng kaniyang katabi na si Ibarra.
"Si Victoria Consolacion ay isang tanyag na babaeng bayaran mula sa kabilang bayan. Marami na siyang nabibiktimang mga opisyal at lahat ng kanilang mga gamit at ari-arian ay kaniyang kinukuha kapag nahuhulog na ang mga bihag nito sa kaniyang bitag. Marami na ang naghahanap sa kaniya ngunit------" agad naman siyang napatingin kay Caitlyn dahilan upang magtaka ang dalaga sa kaniya.
"Ngunit ano??" sa halip na makuha ang kasagutan ay nagkibit balikat na lamang si Ibarra sa kaniya at tsaka ipinagpatuloy ang paglalakad nito.
"Hoy, talaga bang naniniwala ka na isa akong babaeng bayaran? Judger ka ha." sabi na lang ni Caitlyn kaya agad namang napatingin ulit sa kaniya si Ibarra.
"Dyadyer??"
"Hays. Look. Hindi ako si Victoria okay? Hindi ako si Victoria Consolacion na sinasabi mo. At mas lalong hindi ako babaeng bayaran." depensa ni Caitlyn dahilan upang ngumisi sa kaniya si Ibarra.
"Kung hindi ikaw si Victoria, sino ka?" bubuka na sana 'yung bibig ni Caitlyn upang sagutin siya ngunit mas mabuti pa rin na walang nakakaalam ng kaniyang pangalan."Pasensiya na, ngunit hindi ko puwedeng magpakilala kahit na nasa panaginip ako."
"Talaga bang naniniwala ka na isa itong panaginip?" hindi naman makapaniwala si Ibarra sa mga pinagsasabi ni Caitlyn. Tunay ngang baliw ang babaeng 'to. Sabi nito sa sarili. Nagpatuloy lang sila sa paglalakad hanggang sa marating na nila ang plaza na magwawakas ng kanilang buhay.
"Yes, makakauwi na rin ako sa wakas." galak ni Caitlyn sa kaniyang sarili.
Nasa plaza na sila nakatayo at hinarap ang mapanghusgang mga tingin ng mga tao na ngayon ay inaabangan ang kanilang pagbitay. May sumisigaw, may nambabato pa ng kung ano-ano, at pinagsasalitaan pa ng hindi maganda. Hindi naman apektado si Caitlyn nang dahil 'dun dahil unang-una hindi naman siya nakagawa ng mabigat na kasalanan.
Marami nang naunang nabitay kaya hindi maipapaliwanag ni Caitlyn kung bakit excited na itong mabitay sa pagaakala nitong makakabalik na ito sa kaniyang panahon. Nang siya na sana ang susunod ay agad itong pinatigil ng alperes dahilan upang magulat ito.
"Huwag kang masyadong nasasabik, binibini. Bago ko muna bibitayin ay uunahin lang natin ang ginoong 'to dahil ako mismo ang magtatanghal sa kaniya sa gitna ng mga tao." ngisi niya at agad sinensiyahan ang mga kasamahan nito na dalhin si Ibarra sa gitna ng entablado.
"Hoy, ang unfair! Ako 'yung nauna sa kaniya eh!" sigaw ni Caitlyn habang padabog-dabog sa kaniyang kinatatayuan. Napasimangot na lang ito at tsaka tiningnan si Ibarra sa entablado na mukhang kalmado lang at walang bahid ng takot ang kaniyang mukha. Bakit kaya hindi siya natatakot o nababahala? Tanong niya sa kaniyang sarili.
Agad namang ipinuwesto ng mga guardia sibil si Ibarra sa gitna ng entablado kung saan kaharap ngayon ang madla na naghihitay sa pagbitay ng bagong kriminal. Ngunit bigla namang tumahimik ang madla at tsaka nagulat kung sino ang nakita nila sa entablado ngayon.
Nananatiling nakangisi ngayon ang alperes at tsaka ipinakita ang dala nitong pergamino na ibabahagi niya sa lahat. Napatikhim muna siya bago binasa ang nilalaman ng kaniyang dala.
"IBARRA DELGADO!" panimula niya at agad sinulyapan si Ibarra na nasa kaniyang likuran lamang.
"Napag-alaman namin na ikaw ay may sadyang bumuo ng mga krimen laban sa korona ng Espanya. Ang mga nasabing krimen ay marami at malas sa likas na katangian. Ito'y pagnanakaw, pandarambong, pagpuslit, panununog, panunulisan, kasiraan, panloloob, at pangkalahatang kawalan ng batas. At para sa mga krimen na ito ikaw ay nahatulan, sa araw na ito, isasaabit ang leeg hanggang sa mamatay. Nawa'y maawa ang Diyos sa iyong kaluluwa." pagkatapos sabihin ng alperes ang lahat ay agad niyang ipinag-uutos na lagyan ng lubid ang leeg ni Ibarra upang ihanda sa pagbitay.
"Diyos ko!" rinig ni Caitlyn sa kalayuan at agad nahagip ang mga grupo ng mga matatanda na malapit sa kaniya.
"Walang kasalanan ang binatang 'yan bakit siya'y ipinabibitay ng mga opisyal? Mali ang mga naging paratang sa kaniya." rinig niya ulit sa mga matatanda. Napaisip naman si Caitlyn sa kaniyang mga naririnig at mukhang nababahala na rin sa kalagayan ni Ibarra. Walang kasalan si Ibarra ngunit bakit siya'y ipinararatang ng maling gawain? Bakit wala man lang siyang ginagawa upang ipaglaban ang kaniyang panig? Talaga bang inosente si Ibarra? Ito'y mga tanong na gumugulo ngayon sa isipan ni Caitlyn.
Ngunit bago pa mabitay si Ibarra sa entablado ay otomatiko namang sumigaw si Caitlyn dahilan upang matigil ang lahat sa kanilang ginagawa.
"IBARRA!!!!"
Kasabay ng kaniyang pagsigaw ay ang malakas na pagsabog galing sa likuran ng madla na talagang nagpagulat sa lahat. Maraming tao ang natakot at nagsitakbuhan sa iba't ibang direksiyon upang salbahin ang kani-kanilang mga sarili. Marami ring mga palaso ang sumasalubong sa mga guradia sibil at ni isang palaso ay walang nasayang dahil halos tinamaan ang lahat.
"Ibarra!!" sigaw ng isang lalake na nakatalukbong at agad ibinigay ang dala nitong pana't palaso sa kaibigan. Agad namang kinuha iyon ni Ibarra at mabilis na tinamaan ang alperes na may balak pang barilin si Caitlyn. Bukas na bukas ang mga mata ni Caitlyn ngunit hindi niya pa rin magawang kumilos dahil sa pagkagulat na nangyayari ngayon sa paligid.
"Hoy, binibini.." rinig ni Caitlyn mula kay Ibarra kaya dahan-dahan siyang tumingin sa kaniya.
"Kailangan na nating umalis dito. Sumama ka sa akin." sabi pa ni Ibarra ngunit bago pa siya pinuntahan ng binata ay agad namang nawalan ng malay itong si Caitlyn at tuluyang bumagsak sa lupa.
**********************************************************************************************
Good eve my, loves..hehe
Happy New Year goisss. It's already 2021! My goodness
Thank you po sa nag-aabang ng story na 'to sana'y magustuhan niyo po dahil sa totoo lng nagustuhan ko ang paggawa ko nito sa chapter na ito..haha
Just don't forget to vote and have a comment here goisss..
See you in Chapter 4!!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro