
Kabanata 1
[Kabanata 1]
Year 2019
"Congrats sa pinakamaganda kong anak!!" masayang bati ng isang babae habang yakap-yakap nito ang anak nitong babae. Ngumiti rin ang anak nito na mukhang proud na proud at tsaka ipinakita ang ginto nitong medalya sa kaniyang mama.
"Well, thank you so much ma! This victory is only for you." ngiti nito at tsaka sila nagselfie sa tapat ng kanilang black Montero car.
"O, saan mo gustong magcelebrate? Would you like to eat sa palagi nating pinupuntahan na restaurant?" tanong ng kaniyang mama ngunit umiling lang ito.
"No, ma. I prefer na nasa bahay lang tayo. And wait, before muna tayo aalis ay kailangan ko pa munang magchange ng outfit." sabi nito habang ipinakita sa kaniyang mama na nakasuot pa rin ito ng white dobok. Ngumiti na lang ang mama nito at tsaka pinagmasdan ang anak na tumatakbo papunta ng dressing room sa loob ng kanilang university gymnasium.
Nakabihis na rin siya pagkatapos ng sampung minuto at habang tumatakbo ito papalabas ng gym ay agad tumunog ang kaniyang phone. Kinuha niya ito sa kaniyang handbag at mabilis na sinagot ang tawag na nakangiti.
"Caitlyn, congrats! Ikaw na talaga ang pinakamagaling na black belter!" sabi ng kaniyang kausap. Agad naman siyang napa-flip ng kaniyang buhok at napataas ng kilay.
"I know it right! Alam ko namang mananalo ako kaya hindi mo na kailangang e mention 'yan!" sabay tawa habang sinasalubong ang hangin sa kaniyang harapan.
"O, what's the plan? Bukas na bukas pala ay birthday mo na girl. So ano ang venue natin?" hirit naman ng kaniyang kausap. Napaisip naman siya sa mga sinabi nito ngunit agad naman siyang ngumiti.
"Well, maybe sa bahay lang muna ako magce-celebrate ng aking 20th birthday. Pupunta kasi bukas 'yung mga cousins ko at tsaka 'yung closed relatives namin. Sorry, girl. But don't worry sa Monday lang kita e lilibre. Okay ba sa'yo?" alam niyang magiging disappointed 'yung kaibigan nito ngunit wala naman siyang choice kundi e grant 'yung gusto ng kaniyang mama para sa kaniyang birthday.
"Okay. Sayang gusto ko pa naman e invite 'yung crush mo ngunit mukhang family reunion ang magaganap bukas. O, sige. Enjoy na lang bukas and don't forget na ilibre mo ako sa Monday ha?" tawa nito. Nakitawa na rin siya sa sinabi ng kaibigan at agad nang pinatay ang kaniyang phone.
Siya si Caitlyn Noelle Locsin. 19 years old at magiging ganap na 20 years old bukas. Isa siyang architecture student ng isang sikat na university sa Manila at isang black belter ng Taekwondo team. Nag e-excel siya both in academics and in extra-curricular activities kaya mukhang ga-graduate siya with latin honor next year. Isang sassy but cool ang babaeng ito kaya siguro hindi pa siya nagkaka love life kasi ni isa ay wala siyang sinasagot na manliligaw. Wala namang pakialam si Caitlyn 'dun at ang importante lang sa kaniya ay ang maging black belter ng kaniyang team.
"Ma, let's go!" tawag ni Caitlyn sa kaniyang mama at ang dalawa'y pumasok na sa kanilang kotse para umuwi.
Mga ilang oras din ang kanilang biyahe at sa wakas ay dumating na rin sila sa Taguig. Sa Taguig lumaki si Caitlyn kasama ang kaniyang mama na isang businesswoman. Palaging nag-iisa si Caitlyn sa kanilang tahanan bagamat palaging busy ang mama nito sa kanilang business at minsan nagta-travel din ito papuntang abroad. Ngunit sa kabila nito ay mahal na mahal niya ito. Matagal nang hiwalay ang mga magulang ni Caitlyn kaya habang naiisip ang papa nito ay agad itong napayukom sa galit dahil sa pag-iwan sa kanila nang walang rason.
"Ma! Ito na po ang inorder nating food!" pagmamadali ni Caitlyn habang papunta ito sa kanilang dining area bitbit ang malaking supot ng mga pagkain. Napangiti na lang ang mama nito habang may hawak itong glass pitcher na naglalaman ng fruit punch.
"Pasensiya ka na anak kung hindi kita ipinagluto ng paborito mong adobo. But don't worry magiging espesyal naman ang magiging birthday mo bukas dahil may isang espesyal na tao ang bibisita sa iyo." sabi naman ng kaniyang mama dahilan upang mapahinto ito sa kaniyang ginagawa.
"Pupunta dito si kuya Timothy?!" mukhang nag-glow ang mga mata ni Caitlyn habang may ningunguya na takoyaki sa kaniyang kinauupuan. Sa lahat na mga pinsan ni Caitlyn, si Timothy Casquejo lang ang pinaka close nito. Isa na siyang ganap na painter at isa ring businessman. Magpinsan kasi ang mga mama nila kaya technically, mag second cousins sila.
"Hindi. Mas espesyal pa sa kaniya." ngiti naman ng kaniyang mama at tsaka sinabayan na ang anak nito sa hapag. Ang mag-ina ay masayang-masaya habang sinasalo ang kanilang masasarap na pagkain. Kahit na hindi man kompleto ang pamilya ni Caitlyn ay masaya pa rin ito sa piling ng kaniyang ina. Kaya ginagawa niya ang lahat upang pasayahin lamang ang kaniyang mama na siyang nagpalaki at nag-aruga sa kaniya.
*******
Maganda ang araw kinabukasan at talaga ngang pinaghandaan ni Caitlyn ang araw na ito. Maaga siyang gumising upang makaligo at agad na ring nakapagbihis ng kaniyang paboritong red shirt dress na pinaresan ng black and red na high top shoes. Naglagay din siya ng kaunting make-up at liptint upang maging maayos din ang kaniyang hitsura.
"Happy birthday to me!" bati nito sa kaniyang sarili at agad nag-ikot sa harapan ng kaniyang salamin. Ngunit agad naman siyang tumigil nang may kumatok sa kaniyang pintuan. Ngumiti siya nang dahil 'dun at dali-daling binuksan ang pintuan.
"Maligayang bati, hija!" salubong sa kaniya ng kanilang mayor doma habang may bitbit itong tray ng kaniyang agahan. Isang Longsilog at mainit na gatas. Bigla naman nawala ang mga ngiti ni Caitlyn na sa pag-aakala niya'y mama niya ito.
"Bago ka muna umalis ay kailangan mo munang kumain ng agahan." sabi nito at agad namang kinuha ni Caitlyn ang tray galing sa kaniya. Napaisip naman siya sa mga sandaling 'yun at naalala na araw ng Linggo pala ngayon. Kailangan niya talagang magsimba upang magpasalamat sa bagong biyaya na ibinigay sa kaniya ng panginoon.
"Sige po. Ngunit nasaan si mama?" tanong niya.
"May pinuntahan lang ang mama mo kaya sinabi niya sa akin kanina na ikaw lang muna ang magsisimba mamaya." nang dahil sa sinabi niya ay agad namang nalungkot ang mukha ni Caitlyn.
Pagkatapos kumain ni Caitlyn ay agad itong bumaba mula sa kaniyang kuwarto at sinalubong ang mga kasambahay nito na nagdedecorate ng kanilang bahay. Bawat hakbang ni Caitlyn ay may bumabati sa kaniyang mga kasambahay ngunit ni isang ngiti ay hindi niya maibigay dahil mukhang napaaga 'ata siyang na-bad trip.
Pumunta siya sa simbahan ng Taguig kung saan lagi silang pumupunta ng kaniyang mama. Hindi niya maiwasang mainis dahil hindi man lang siya sinabihan ng kaniyang mama na may pupuntahan ito at talagang ini-expect niya na siya ang unang bumati sa kaniyang espesyal na araw. Napabuntong hininga na lang si Caitlyn at hindi dapat pinoproblema ang ganoong bagay dahil malay niya baka isa palang sorpresa ang darating sa kaniya mamaya na inihanda ng kaniyang mama.
Mga isang oras at kalahati ang misa sa Taguig at mapapansin na talagang napakaraming tao ang nagsisimba. Halos lahat ay magkakapamilya kaya hindi maiwasang malungkot muli ni Caitlyn dahil hindi niya nararanasan ang buo at masayang pamilya. Naglalakad siya sa gitna ng mga tao habang nakatingala sa ma-araw na umaga. Habang naglalakad siya nang ganyan ay hindi niya inaasahan na may binangga ito at agad siyang nawalan nang balanse dahilan upang mapatumba ito sa daan.
Napapikit na lang si Caitlyn ngunit hindi niya inaasahan na may taong sumalo sa kaniya mula sa kaniyang pagkakabagsak. Mabilis siyang hinawakan sa kaniyang balikat at braso upang hindi siya matumba nang tuluyan. Dahan-dahan niyang inimulat ang kaniyang mga mata ay agad itong namula at mabilis na itinakwil ang lalakeng tumulong sa kaniya. Tumayo siya na parang walang nangyari habang ang lalake naman ay gulat na gulat at nakita ang sarili na nakaupo ngayon sa daan.
"Alam mo, ang gulo mo. Ikaw na nga ang tinulungan tapos ganito pa ang trato mo sa akin!" inis na sinabi ng lalakeng 'yun at agad na ring tumayo upang harapin si Caitlyn.
Siya si Hiro Angelico Castillo. Kaklase ni Caitlyn and at the same time kababata niya. Sabay din silang lumaki sa Taguig at matalik na magkakaibigan ang kanilang mama. Sa hindi alam ng karamihan ay matagal nang may paghanga itong si Caitlyn kay Hiro ngunit hindi niya masabi ang totoo nitong nararamdaman para sa kaniya. Patagong nakangiti ngayon si Caitlyn habang nakikita ang inis sa mukha ni Hiro.
"Ewan ko ba kung bakit ka nandiyan."
"Eh, itinulak mo ako kanina!"
"Hindi ko na kasalanan 'yun!" depensa naman ni Caitlyn habang nakataas na ngayon ang kaniyang kilay.
"Hayss! Bahala ka nga diyan!" patabog na sinabi ni Hiro at agad na sanang aalis ngunit mga ilang hakbang niya pa lang ay agad siyang hinawakan ni Caitlyn sa kaniyang braso.
"Wait, sorry kung ginawa ko 'yun." mukhang na guilty naman itong si Caitlyn at agad na tiningnan si Hiro. Sa hindi inaasahan ay bigla namang bumilis ang kaniyang puso nang binigyan siya ni Hiro ng isang regalo.
"A..ano ito?"
"Sa tingin mo, ano kaya iyan?" pagpipilosopo naman ni Hiro dahilan upang batukan siya ni Caitlyn.
"Uhm, happy birthday at tsaka congrats din pala sa iyong championship tournament kahapon." hindi naman makatingin sa kaniya si Hiro at agad namang kinuha ni Caitlyn ang regalo nito mula sa kaniya.
"O, sige kailangan ko nang umalis dahil may pupuntahan pa ako.." sabi ni Hiro at agad sanang umalis ngunit tumigil ito nang hawakan muli ni Caitlyn ang braso nito.
"Teka, sandali. Hindi ka ba pupunta sa bahay mamaya? May kaunting celebration lang ako 'dun.." sabi ni Caitlyn ngunit umiling lang sa kaniya si Hiro.
"Pasensiya na. May date pa ako mamaya with Barscilisa. Sorry." nang dahil sa sinabi ni Hiro ay agad tumigil ang mundo ni Caitlyn. Nakalimutan niya pa lang may girlfriend na si Hiro.
Walang ganang naglalakad ngayon si Caitlyn habang sinasalubong ang mga iba't ibang tao sa daan. Malapit kasi ang bahay nila sa simbahan kaya nilalakad niya lang. Agad niyang tiningnan ang regalo na ibinigay sa kaniya ni Hiro ngunit hindi siya ngumingiti sapagkat naaalala niya naman na may bagong girlfriend na ngayon ang kaniyang childhood crush. Dali-dali siyang lumakad papalapit sa isang garbage bin upang itapon ang regalo na ibinigay sa kaniya ni Hiro ngunit nahagip ng kaniyang paningin ang isang kotse na talagang pamilyar sa kaniya.
Isang white-colored car ang dumaan sa kaniyang gilid kaya agad itong tumigil nang makita ang plate number nito. Hindi na niya itinuloy ang balak na itapon ang regalo sa kaniya ni Hiro, sa halip ay dali-dali niyang pinuntahan ang kotse kung saan nakaparada ito ngayon sa harapan ng isang park.
Agad niyang nilagay ang regalo sa kaniyang mini black backpack at nagu-unat ng kaniyang mga kamao't daliri upang salubungin ang kakilala niya. Nang makalapit siya sa kotse ay agad siyang naghanda upang gulatin ang taong pinakapaborito niya aside sa kaniyang mama. Agad siyang nagpuwesto sa gilid ng kotse at inabangan ang paglabas ng taong 'yun.
Nang mapansin niyang magbubukas na ang pintuan ng kotse ay mabilis niyang kinuyom ang mga palad nito at tsaka nilagay malapit sa kaniyang balakang. Ready to strike na si Caitlyn anytime at nang makalabas na rin sa wakas ang taong hinihintay niya ay mabilis niyang hinampas sa ere ang mga kamao nito dahilan upang magulat nang lubusan ang kakilala nito.
"Caitlyn?!"
Halos sumabog na sa kakatawa itong si Caitlyn dahil sa ginawa nitong panggugulat. Mukhang nakitawa naman ang taong ito at agad ibinigay ang kaniyang regalo na ikinagulat naman ni Caitlyn.
"Happy birthday, Caitlyn. I hope you're okay kasi parang hindi ka okay today. May kinain ka ba?" ngiti naman ng kaniyang pinsan.
"Wala akong kinain noh, at tsaka masaya lang ako dahil finally nagkita tayo muli, kuya Timothy!" galak ni Caitlyn at tsaka niyakap nang mahigpit ang kaniyang pinsan.
"I am very happy to see you again, Caitlyn. Balita ko nanalo ka daw kahapon sa inyong taekwondo championship. Congratulations, then!" sabi naman sa kaniya ni Timothy at agad tinapik ang balikat ng pinsan.
"Thank you, kuya Timothy! Ano bang laman ng regalo mo? Puwede ko bang buksan?" pagkukulit ni Caitlyn sa kaniyang pinsan ngunit tanging iling lang ang natatanggap nito.
"Much better kung mamaya mo na lang bubuksan 'yan. O, ano? Can you escort me to go into your house?" pa charming na sinabi ni Timothy dahilan upang mabilis na hawakan ni Caitlyn ang kaniyang braso.
"Sure, anything sa favourite kong cousin!" ngiti naman ni Caitlyn.
Agad naman silang naglakad papunta sa kaniyang bahay at masayang dinadama ang hangin sa kanilang paligid. Talagang kitang-kita sa mata ni Caitlyn kung gaano ito kasaya nang malamang pupunta ang pinsan nitong si Timothy Casquejo sa kaniyang kaarawan. Halos lahat sa kanilang paligid ay nagsisimula nang mag-ingay dahil sa mga taong namamasyal sa parke at sa mga taong nagtitinda ng mga street foods sa daan na palaging binabalik-balikan ng mga kabataan.
****************************************************************************************
Hi, guys. Well, Timothy Casquejo is BACKK!! hahaha
Anyway, I know na kaunti 'yung word count sa chapter na ito but don't worry babawi ako sa Chapter 2. hahaha
So ayun gois. Thank you so much sa paghintay at see you again sa Chapter 2. Bye!! Muah- xmeowthx
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro