Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Clever Fluffy

Paalala:

Maging bukas ang isipan at unawain ang kahinaan ng may akda pagdating sa mga grammatical errors at wrong word compositions.

Feel free to comment your ideas
and insights within the comment box below. Thank you😊😊😊
🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼

Note: this chapter is un-edited, beware of the typographical errors and wrong spelled words.

Levi's POV

"Jusmiyo marimar, Hoy Hiro, Fluffy, magsi-tigil na kayo, Ano ba! Please tama na!, please!"
Tarantang parang naiiyak kong turan sa dalawa na patuloy paring nagbubuno.

Tila natauhan kasi ako nang biglang makita kong halos puno na ng dugo at bugbog sarado na si Fluffy. Kasi kung hindi, surebol akong mapapatay talaga ni Hiro si Fluffy.

And seeing Fluffy's bloody face and Hiro pinning him down, punching him with much eagerness to kill, seems to scare all the hell out of me.

Ayaw kong nakikitang nagsasakitan ang dalawang importante at pinaka-mamahal kong tao sa harap ko. I love them both, I really do. Kaya naman hindi ko sila hahayaang magkasakitan nang ganito, to the point na magpapatayan silang dalawa because of me.

"Please Hiro, calm down. Baka mapatay mo si Fluffy. Please I'm begging you, stop.Please Hiro, Please."
Nagmamaka-awang turan ko kay Hiro na habang mahigpit na niyakap ang likod nito. pilit ko ring nilalabanan ang nagbabadyang pag tulo nang aking mga luha.

Pero mga ilang segundo pa ay agad nitong marahas na tinanggal ang pagkakayap ko sa kanya at dali-daling tumayo sa pagkakadagan nito kay Fluffy. mariin din Niya akong pinaka- tinitigan, titig na punong-puno nang sakit at pagkadismaya, bagay na hindi ko lubos maisip na makikita ko sa kanya.

He even then sighed a bit and surpress a bitter smile while showing nothing but cold hurti'n stare. Before muttering a word that directly hit me with much guilt.

" Tsk! Sabi ko na nga ba eh, mas pipiliin mo pang ipagtanggol yang hayop na yan kaysa sa akin na asawa mo. Ni hindi mo man lang inintinding bigyan nang pansin ang nararamdaman kong selos at pagod dahil sa problema sa trabaho. While you smiling, talking with sweetness and letting that f*cking bastard treat you as if you two are perfect couple, And take note harap-harapan pa talaga."

" I know that I'm not a perfect husband to you Levi, palagi kitang sinasaktan physically and emotionally, I even treat you like a trash, pero sana naman respetuhin mo naman ang pagiging mag-asawa natin. Ikaw ba nakita mo ba akong nagdadala nang ibang babae dito, diba wala. Ni hindi ko nga nagawang makipag-relasyon o sex man lang sa iba knowing that I still respect your feelings and our marriage. Iniwan ko ang pinaka-mamahal kong girlfriend na si Grace nang dahil sa pagkaka-tali ko sayo and everything. Pero ikaw hindi mo man lang kayang gawin ang simpleng bagay na hinihingi ko. And right now I'm so damn disappointed with you Levi, very disappointed."
Mahabang turan pa nitong punong-puno nang pait, bago mabilis na binawi ang tingin sa akin at walang pasubaling ako'y tinalikura't mabilis na umalis.

I was left dumbfounded and guilty habang tila tuod na naka-tayong pinagmamasdan ang unti-unting paghakbang ni Hiro papalayo. Wala na sigurong mas tatanga pa sa akin, wala na yata talaga.

Art's POV (Fluffy's POV)

Tahimik na naka-ngising palihim akong nagbubunyi habang matamang pinagmamasdan kung papano mag walkout ang walang kwentang asawa ni Peanut. Masyado Kasi siyang mayabang kaya naman bagay lamang sa kaniyang maramdaman ang pagiging talunan pagdating sa atensiyon ni Peanut.

I know that he's just pretending to be a good loving husband dahil may balak itong paikutin sa mga palad nito ang taong pinaka-mamahal ko. Kabisadong-kabisado ko na ang takbo ng utak at hilatsa nang Hiro Montemayor na ito, kaya alam kong gagamitin niya ang nararamdaman ni Peanut na pag-mamahal sa kanya.

And right now I'm definitely sure na he's gaining my beloved Peanut's sympathy para maka hingi nang financial shares dito. So that he can lift up and regain his company's near to bunkrupt situation.

Knowing that he's totally desperate as hell right now, to do such a plan na mapalapit at makuha ang loob ni baby Peanut ko. When in the first place, he is against the idealism of being tied in a knot with him nor being his wife for pete's sake.

I knew that he's a f*cking great manipulator when it comes to business, dahil marami na siyang napa-ikot at napa-bagsak na mga business competitors within the corporate world. Pero ibahin niya ako, because I'm not a Guerrero without nothing.

Sapagkat kung ano ang gusto nang isang Guerrero ay madali nitong makukuha, just in one snap. At ngayon isa lamang ang gusto ko and it is to protect my precious gem, My one and only love, Levi aka PEANUT.

"matter what happens, kahit man makipag-patayan ako sa gagong Hiro Montemayor na yun ay gagawin ko, even if it cost my life. ganyan kita ka-mahal baby Peanut ko."
Naka-ngiti ko pang bulong sa sarili sabay baling nang tingin kay Peanut na ngayon ay naka-tulalang paring parang tuod na naka-masid sa papalayong bulto nang asawa nitong Hudas.

But upon looking into his face, nakaramdam ako nang konting kirot sa dibdib, dahil mababakas sa mukha nito ang sobrang pagmamahal at pag-aalala habang matamang naka-titig sa nauna.

How I wish na sana ako na lang ang hayop na Hirong iyon, nang sa gayon ay makita't maramdaman ko rin ang pagmamahal ni Peanut. Kung hindi lang siguro umalis si Peanut sa Probinsiya at kung hindi lang ako naging busy sa kompanya ni Lolo, Eh di sana kami ngayon ni Peanut ang kasal at magkasama. And not this f*cking jerk Montemayor.

Kaya naman para makuha ang atensiyon ni Peanut ay nagkunwari akong nasasaktan dahil sa mga natamo kong sugat at pasa sa hayop na walang bayag na Hirong yun. Even though wala Naman talaga akong sakit na nararamdaman, sisiw lang kasi ang suntok nang hayop na yun.

Kasi, to be honest ay plano ko talaga ang nagkunwaring talo sa pag pag-bubuno naming dalawa. Even though I'm strong enough para makipag-basagan nang bungo sa hayop na yun and to eventually kill it in just one snap.

Pero dahil nga sa plano kong kunin ang simpatya ni Peanut at ipakita sa Hirong iyon na kahit bali-baliktarin man ang mundo, ako at ako parin ang unang lalapitan at papanigan ni Baby Peanut ko, more than him.

And I was right, my plan did worked successfully. Ako parin ang unang pinag-tuonan nang pansin ni Peanut, ako at ako parin.

Sabi nga nila, tuso man ang matsing nauutakan parin. And sad to say, nautakan ko ang unggoy na Montemayor na yun. Meaning ako ang nanalo sa pautakang ito.

"Sorry Hiro, but I won this time, and I assure you na sa susunod nating pagkikita ay asahan mong tatalunin ulit kita, tandaan mo yan."
Huling turan ko pang muli sa sarili, sabay todo acting na namimilipit sa sakit sapo-sapo ang aking tiyan, at mas lalong nilakasan pa ang pag-daing. habang unti-unting nakikitang papalapit si baby Peanut ko, na ngayon ay nag-aalala ang mukhang naka-tingin sa akin.

There you go guys sana nagustuhan niyo Ang update kong ito kahit medyo sabaw.
😁😁😁

Di bale, babawi na lang ako sa next Update.😊

Yours truly:
Author, Lunam_mediocris7

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro