Chapter 7
Elliana's Point Of View
Nauna ako kay Papa ngayon sa kompanya. Tingin ko ay mal-late ng pasok si Papa. As usual, nagpahatid ako sa driver namin. I don't know how to drive. Dad wouldn't let me drive too, though.
"Good morning, Ma'am Elliana."
Iilang employee ang bumati sa 'kin pagpasok. I don't usually greet them back but today, I did.
"Good morning."
Wala pa akong office dito sa kompanya. Iisa lang kami ng office ni Papa.
"Good morning, Ma'am Elli," bati ni Catherine.
"Morning."
Halata ang gulat sa mukha ni Catherine na agad ring napalitan ng ngiti.
"Nakalagay na po sa desk niyo lahat ng files na ibinilin niyo sa 'kin."
"Okay, thank you."
Dalawang desk ang nasa loob ng office ni Papa. Iyong sa 'kin at sa kaniya. Kapag nandito si Papa sa office, sa desk ko ako umuupo. Kapag wala ay sa desk niya. Umupo ako sa desk ko at sinimulan ang pagbabasa. Sa totoo lang ay nad-drained ang utak ko sa dami ng mga dapat kong basahin.
"Rest your eyes, Elliana."
Nagtass ako ng tingin at natagpuan si Papa na kakapasok lang.
"Pa, you're here."
"Rest. Ilang oras ka na nakababad diyan."
"Yes, Pa."
I finished the documents I'm reading 'til the last page and rested my head on my swivel chair. My eyes hurt. Kinda burns. Nagpaikot-ikot ako sa swivel chair at napatigil lang ng tumunog ang cellphone. My eyes widened when Yvonne's name popped up. Nag-angat ako ng tingin kay Papa na may pinipirmahang dokumento.
"Excuse me."
I picked my phone from my table and went outside. Muntik ko pang mabangga si Catherine na papasok ng office ni Papa. She said sorry and I only nodded as a response. It was partly my fault but my mind is focusing on Yvonne's call. The moment I reached the comfort room, I swiped the answer button.
"Love! You nearly gave me a heart attack. What's with the sudden call?" bungad ko.
"What did I do? What happened?"
"Kasama ko si Papa kanina," I bit my lip.
"Hm? So? Magiging Papa ko rin naman si Tito soon," mapang-asar na sabi nito.
"Love naman eh! Alam mo namang—"
"Elli, I know and I'm just teasing you," she cut me off.
"Love... I'm sorry."
Ilang beses na namin napag-usapan 'to. Hindi pa ako ready na ipaalam kay Mama at Papa ang kung anong mayro'n sa 'min ni Yvonne. Bukod sa hindi pa ako handa ay natatakot din ako sa magiging reaksyon nila. Papa might went ballistic. Humahanap lang ako ng tamang tyempo. Pero hindi ko alam kung kailan.
"You don't have to, Love. Maghihintay ako."
"I love you."
"I adore you too, Elliana. By the way, I'm outside the building. May dala akong pagkain."
"What food? Mamaya pa ang lunch."
Sumandal ako sa sink.
"Snacks and lunch," she answered.
"Ayaw mong makasama ako mag-lunch?" I pouted.
"Elliana, you don't know how much I want to be with you every time. Kung pwede lang ay itatali na kita."
Nag-init ang buong mukha ko at napairap. Puno na naman ng paru-paru ang tiyan ko. Umaangat sa puso ko. Humarap ako sa salamin at napahawak sa leeg ng mapansing namumula rin. Idagdag pa ang tainga na sobrang pula.
"Sige, itali mo na ako," pigil ang ngiti na sabi ko.
Walang imik si Yvonne sa kabilang linya.
"Love? Still there?" pukaw ko.
"Damn, nearly had a heart attack," she chuckled.
"Seryoso ako, Yvonne. Papayag akong matali sa 'yo. Sandali, bababa ako."
Ibinaba ko ang tawag at nag-ayos saglit. Good thing I brought my purse with me. Pagkatapos mag-ayos ay dumiretso ako sa elevator. Dumistansya agad 'yong mga tao pagpasok ko. They gave me space.
I texted Yvonne that I'm already outside the building. Habang naglalakad sa labas ay may humigit sa 'kin na ikina-bigla ko. I gasped and took a hold at something for support.
"I miss you."
Si Yvonne ay nakayakap sa 'kin ng sobrang higpit. Napangiti ako at yumakap pabalik sa kaniya.
"Nagulat ako sa 'yo," natatawang ani ko.
"Sorry. Here's your snacks and lunch."
Tinanggap ko 'yong paper bag at tinignan ang laman. I immediately smiled when the food's smell lingered on my nose.
"Thank you," niyakap ko ito ng mahigpit.
Yvonne leaned in and planted a kiss on my forehead. Yvonne then gave me a peck on my lips. She caressed my hair while staring at e intently.
"I will do anything for you, Elliana. Anything. Just love me and I'll give you the world."
"Love you."
"Ikaw lang tinitibok nito."
At ikaw lang din ang tinitibok nitong puso ko. Yvonne isn't my first. Hindi siya ang unang naging karelasyon ko. I dated a lot of guys when I was in high school. But I've never kissed anyone. Just plain hug and unplanned loaf. Yvonne is my first in everything that I'm feeling right now. I've never felt so broken and hopeless before.
I dearly love her. Sa kaniya lang ako. All the unexplainable things I felt, the real feelings, the smiles, the love, it's all for her. I'm dedicated to her.
"You should go back. Baka hinahanap ka na ni Papa mo," she patted my head.
"Love! Huwag mong guluhin, inayos ko nga 'to para maging maganda sa paningin mo eh," nakasimangot kong sabi.
"Elliana, kahit hindi ka mag-ayos, maganda ka pa rin sa paningin ko."
"Pero gusto ko mag-ayos para sa 'yo," ani ko sa tutol na boses.
Yvonne shrugged. She held my hand and kissed the back of it.
"And I don't intend to stop you. Sobrang ganda ng girlfriend ko."
"Talaga?" paninigurado ko sa maliit na boses.
"Oo, sobra."
There's that tingling sensation again that only Yvonne has the capability of letting me feel.
"I better go. So, see you later?"
"Hm. Susunduin kita," tango niya.
"See you."
"I admire you, Elliana."
Yvonne kissed my cheek before she left. Wala sa sariling napahawak ako sa pisngi ko. Small gestures that aren't small for me. Napaka-simple lang ng mga bagay na ginagawa ni Yvonne pero malaking bagay 'yon para sa 'kin. Yvonne wasn't trying to be a man for me. Yvonne is Yvonne. And I love her because of that.
Pumasok ako sa kompanya dala ang paper bag. Hindi pa ako nakakarating sa elevator ay may huminto sa harap ko. Ngayon ko lang nakita ang lalaking 'to. Nakasuot rin ng formal suit.
"Jowa mo 'yon?" tanong nito.
"Uhh... yes."
"Sayang ka. Ang ganda mo tapos pumapatol ka lang sa kapwa mo babae," maangas na sabi nito.
"Excuse me?" I asked.
"Mabibigyan ka ba ng anak no'n? Hindi. Mabibigyan ka ba ng kumpletong pamilya no'n? Hindi. Mapapaligaya ka ba no'n? Hindi," litanya niya.
"Kilala mo ba kung sinong kausap mo ngayon, Mister?" nagtaas ako ng isang kilay.
"I'm pretty sure isa ka rin sa mga nagt-trabaho dito sa kompanya. Bakit ka pumatol do'n? I bet I'm way better that she is. Dito ka nalang sa 'kin oh."
Ew, what the hell?
"What is it to you?" I patiently asked.
"Kaya natatapakan ang ego naming mga lalaki dahil sa mga tomboy na 'yan."
My God, the audacity. At talagang nandamay pa ng iba. Plural.
"First, ego mo siguro ang natapakan, dinamay mo pa lahat. Second, you should know the difference between 'tomboy' and 'lesbian'. Third, you're fired."
I walked to the elevator and pressed the top floor button. Pagbukas ng elevator ay dumiretso ako sa office ni Papa.
"I fired someone today," I said as I sat.
"Why?" he adamantly asked.
"A jackass like him is not needed in this company, Pa. He insulted me. Ang lakas ng loob, halatang hindi kilala kung sino ang kausap."
"Nagmana ka talaga sa 'kin, Elliana."
"Indeed, Pa."
"Did you see his name?" Papa asked.
"Nah, I didn't bother. Why?"
"Well, I can't just let any scumbag insult my daughter and get away with it."
*****
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro