Chapter 9: The History
***
INAYOS ko ang suot kong relos habang nakatitig sa salamin. It's been weeks since I left Alice's side. I left her with the promise that I will be back to her side permanently. And I vow to fulfill that promise.
Ang hindi niya alam, nasa Pilipinas pa rin ako. Nasa norte ako kung saan nagsimula ang lahat sa akin.
Lumabas ako ng hotel room at dumeretso na sa elevator. Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa at binasa ang mensahe sa 'kin ng mga kasamahan ni papa sa mansyon. Lahat sila ay pinipilit na akong bumalik sa France pero nagmamatigas pa rin ako.
Hindi pa oras.
Paglabas ko ng hotel ay tinungo ko agad ang kabilang gusali. Tinanguan ako ng guwardiya at nagderederetso lamang ako sa loob. Pribadong gusali ito at kahit sa malayo ay may nagmamanman—nagbabantay.
Tumuloy ako sa isang silid na puro artworks ang naka-display. At sa pagtuloy ko sa sunod na silid ay mas naririnig ang isang boses na matagal nang nakatago sa mundo.
"Bilisan mo sabi!" Dinig kong hiyaw ng isang babae mula sa loob. Mukhang nagsimula na naman ang pagwawala niya.
Nang makapasok ako sa huling silid ay agad akong sinalubong ng paso-pasong bulaklak bago ang kama ng niya. Pagharap ko sa kama na nasa gitna ng silid, nakaupo siya at inaasikaso ng nars.
"Eiffel, hindi ba sabi ko'y umilag ka?!" hiyaw niya. "Umilag ka sabi!"
"Ma'am, kain muna po tayo," malambing na sambit ng nars habang pinakakain siya ng kanina ngunit umiiwas ang alaga niya.
"Eiffel, bumalik ka rito!" hiyaw niyang muli.
Nanatiling nakapako ang mata ko kay mama. Napakatagal na panahon na rin mula noong nahanap ko siya sa kasalukuyang kondisyon. Taon na rin mula noong tinago ko siya rito upang maalagaan at maitago kay papa.
Nasa Pransya ako noong makita siya ng mga kinuha kong imbestigador sa isang mental hospital. Matagal na siya roon at tinago ni papa ang totoo sa akin.
I grew up believing that she left me to my father's care because she had another life she wanted over me. Nabulag ako sa paniniwala na mas masaya si mama na mapunta ako kay papa at naging ganoon ang pagpapalaki niya sa akin dahil hindi niya ako gusto—na isang malaking katotohanan pala talaga.
My parents didn't start rough. In fact, I was told that they were the sweetest. Ayon sa nahanap na impormasyon tungkol sa kanila, nasa isang misyon si papa noong makilala niya si mama. Tagapagmana na siya ng The Lions noon at nasa Piliponas para sa isang 'paglilinis'.
Doon niya nakilala si mama na anak ng mayamang haciendero na kailangan niyang pataubin. He fell for my mother at first sight. The twenty-three-year-old lion fell for the nineteen-year-old lamb.
Pero isang malaking balakid ang bawal nilang pag-iibigan dahil kinakailangang ligpitin ni papa ang lahat ng kasapi sa mga Marzon.
But he chose to swoon her... he chose to win her over.
Pinilit niyang pabagalin ang oras sa pagliligpit sa Marzon bago niya aminin ang totoo kay mama. Ang alam ni mama ay isang businessman lang si papa galing sa France—totoo pero hindi buong katotohanan.
At gaya ng parating sinasabi, hindi maitatago ang buong katotohanan. At nang lumabas na ito, huli na ang lahat. Sa harap mismo ni mama, tinapos ni papa ang buhay ng lolo ko.
Hindi kinaya ni mama ang galit at sakit na lumukob sa kanya. Her father was her only family.
And then there was me.
And to remind my father how my mother despised him, she brought me into the world. She didn't terminate her pregnancy to torment papa. But things didn't play like how she wanted. Pinilit ni papa na makuha ako bilang tagapagmana ng Hatcham at hindi niya pagdududahan si mama tungkol sa aking katauhan kung magiging "malakas" ako.
Nabulag si mama sa paksang iyon at sinanay ako mula pagkabata na maging perpekto kahit malayo iyon sa katotohanan. Ilang beses akong naparusahan dahil sa ilang pagkukulang ko.
Nakuha ang atensyon ko nang tumunog ang aking phone. Kinuha ko iyon sa bulsa ng aking pantalon at sinilip ang tumatawag—kanang kamay muli ni papa.
Naiinis na ako. Alam kong may sakit si papa pero malinaw na ang sabi ko sa kanila na babalik ako kapag naayos ko ang ilang dapat kong gawin dito sa Pilipinas.
"Je te l'ai dit—"
"Il est mort," agad na pagpuputol nito sa linya. Natigilan ako at parang huminto ang oras. Nangunot ang noo ko habang nakatitig kay mama na inaasikaso pa rin ng nars.
Tumayo ako nang maayos at tumalikod kina mama. "Repeat what you just said," seryosong utos ko.
Napalunok ang tauhan ni papa sa paglalim ng aking boses. "S-sir... the master has passed away."
Napaawang ang aking bibig at halos mabitawan ko ang aking phone nang ulitin niya iyon.
Wala na si papa?
"What happened?"
"He had a heart attack," kabado niyang usal. "Please, sir, we need you back here." Sa halip na sumagot ay pinatay ko na lamang ang tawag.
Gusto kong humiyaw ngunit pinili kong kalmado. Tiningnan ko ang aking kamao at naalala ang huling pag-uusap namin ni papa noong binalik ko ang marka ng leon sa kanya. Pawang galit at hinanakit ang laman ng aking dibdib at isipan.
Lumingon ako kay mama na pinupunasan ng nars. Makalat ang tray, senyales na hirap talaga siyang pakainin.
"Leave us," utos ko sa nars at nagmamadali niyang niligpit ang kinainan ni mama. Nagdadalawang-isip kaming nilisan ng nars at sinara ang pinto.
Kinuha ko ang aking phone sa bulsa at tinawagan ang isang tauhan ko. Inutusan ko siyang magdala ng mga panlinis ng sugat at gamot. This won't be pleasant at all.
Binuksan ko ang nakakandadong kabinet at kinuha ang latigong matagal kong pinatago rito. Nilapag ko ito sa harap ni mama. Naglilikot ang kanyang mga mata sa paligid. Napansin niya ang latigo sa kanyang harap at umatras ako nang dahan-dahan.
Tumalikod ako huminga nang malalim. Hinubad ko ang suot kong coat at nilapag sa upuan malapit sa mesa. Tinitigan ko ang pintong nilabasan ng nars kanina at saka lumuhod.
Pinatong ko ang aking kamay sa aking hita at huminga muli nang malalim. Narinig ko ang pagtayo ni mama mula sa kanyang kama.
"Ma..." panimula ko kahit alam kong hindi niya ako maiintindihan. "Wala na si papa." Namamaos ang aking tono.
No matter how much I despise them, they were still my parents.
Parang may kung anong bumara sa aking lalamunan. Napalunok ako at hinintay ang pagdampi ng latigo sa aking likod. Pumikit ako... at hindi ko na kinailangang maghintay nang matagal dahil ilang segundo pa lang ang nakalilipas, dumampi sa aking balat ang latigo.
I flinched at the contact but remained calm. My fists clenched as I felt the next hit from behind.
"I—"
Napamulat ako sa sinabi ni mama pero nanatili sa aking puwesto.
"Ibalik mo si Eiffel sa 'kin!" sigaw ni mama nang gamitin niyang muli ang latigo. Ang nakakunot kong noo ay lalong nagusot.
Bakit? Anong nangyayari kay mama?
"Ibalik mo si Eiffel sa 'kin, hayop ka!" sigaw ni mama.
Iniisip ba niyang si papa ang nasa harap niya? Iniisip ba niyang musmos pa rin ako?
"Ako 'to, Ma," kalmado kong saad. "Ako si Eiffel."
"Hindi! Kinuha mo si Eiffel sa 'kin! Anak ko 'yon!" dagdag niya at patuloy pa rin ang kumpas ng latigo sa aking likod.
My chest felt weird. The emotion I had towards my parents was resurfacing—pain. Did my mother really treated me like her son? After all those times that she trained and punished me like a soldier she could easily discard, she will tell me that I am her son?
Bakit parang ayaw kong maniwala? Bakit parang doble dagok ang nararamdaman ko ngayon?
Gusto kong harapin si mama at kausapin nang masinsinan ngunit huli na ang lahat. Ilang tests na ang ginawa sa kanya magmula noong makita siya ng aking mga tauhan at lahat ng doktor at pareho ang sagot. Ang nag-iisa lang na nagagawa niya ay ang idampi sa aking likod ang latigo. Her reflexes move on their own even if she can't recall anything.
Hinayan ko si mama na idampi sa akin ang latigo. Masakit, mahapdi, pero kaya ko. Kung ito lang ang paraan para maihayag ni mama ang kanyang nararamdaman sa lahat ng bagay at tao—kay papa at sa akin—ay tatanggapin ko nang buong-buo.
Naaamoy ko na ang dugo sa silid.
Dumudugo man ang aking likod, hindi ko ininda sakit. The scars of my past will resurface and more marks will be embedded.
And all I could think of was my desire to survive... and see Alice to be with her until the end of time.
On the day that my father passed away, my mother followed my father. Hindi na rin kinaya ng katawan niya—dahilan kung bakit nagdadalawang-isip ang nars niya na iwan siya kasama ako. She was dying and I was the trigger to her death.
It was a complete coincidence they left the face of the earth on the same day. And with my bleeding back, my clipped wings were finally free.
And cold as it may seem, I didn't shed a tear as I stood in front of her grave. And if I didn't cry in front of her, I doubt that I would tear up to my father.
I wonder if that makes me less of a son? Or less of a human? I really do.
***
"YOU KNOW that you can cry, right?" tanong ni Ysiquel habang nakatingin sa puntod ni mama. Nakapamulsa siya at hindi inaalis ang suot na shades. It's been a few days since my parents passed away.
"Gusto ko man, wala na rin akong mailuluha pa," sagot ko habang nakapako rin sa puntod ni mama ang aking mga mata.
Lumuhod ako at nakaramdam ng sakit mula sa mga sugat sa aking likod. Balot na balot ang aking katawan ng mga benda at gamot. Isang maling kilos at maaaring magbukas muli ang aking mga sugat.
Nilapag ko ang isang piraso ng puting rosas sa kanyang puntod, partikular sa ilalim ng pangalan ni mama—Mirasol Marzon.
"Kumusta na siya?" pagtukoy ko sa kakambal niya.
"She's pregnant," tipid na sagot ni Ysiquel at natuwa ako sa aking narinig ngunit hindi ko pinahalata.
"I see."
Kunot-noong tumingin si Ysiquel sa akin. Alam kong hindi iyon ang reaksyong inaasahan niya. "Bakit mukhang hindi ka masaya sa balita ko? Nabuntis mo ang kakambal ko."
"I know I was going to get her pregnant. It's due time," pagmamalaki ko.
I'm ecstatic to know that my love is now carrying our baby. Alam kong isang sinulid na lang ang pumipigil sa akin para bumalik na sa tabi ni Alice.
"Dapat sinabi mo na sa kanya ang totoo. Siya sana ang karamay mo ngayon," aniya.
"Ayaw mo kong damayan, Fuentes? Grabe ang sakit." Umakto pa akong nasasaktan nang ipatong ko ang aking kamay sa dibdib.
"Asshole," he snickered. I didn't inform Ysiquel yet he was able to pull ny whereabouts and he's here as a comrade and as friend. "Anong plano mo ngayong buntis na siya? Hindi rin itutuloy ang operasyon para tanggalin ang chip sa batok niya dahil baka kung mapaano siya."
"Babalik ako ng France at tatapusin ko ang mga kailangan kong gawin."
"I see," tatango-tango niyang sagot.
"Ikaw na muna ang bahala sa mag-ina ko."
"Gago. Hindi mo kailangang sabihin. Kaming bahala sa kapatid ko. Gawin mo ang kailangan mong gawin pero siguraduhin mong babalik ka dahil pag umiyak ang kapatid ko, sinasabi ko sa 'yo, Hatcham, ipatutumba talaga kita," usal niya.
"Alam ko."
I smirked back at him and turned to my mother's grave. Bago ako umalis, gusto kong maayos pa ring magpaalam kay mama.
'Ma, magkakapamilya na ako at sisiguraduhin kong maipaparamdam ko sa mag-ina ko ang pagmamahal na kailanma'y hindi ko naramdaman mula sa inyo ni papa. Salamat dahil tinuruan niyo akong maging malakas at matatag. Kahit hindi n'yo nagawang sabihin na mahal n'yo ako, salamat dahil hinayaan n'yo pa rin akong mabuhay.'
Gusto kong bumalik na kay Alice pero hindi pa 'to ang tamang oras. Kailangan ko nang bumalik sa France at tapusin ang dapat tapusin.
At isa pa, kung makikita ni Alice ang mga sugat ko sa likod, alam kong lubos siyang mag-aalala sa akin. Mababahala lang siya sa aking siteasyonnat hindi pa rinnako handang ikuwento ang lahat sa kanya. Mas mainam na magpokus siya sa kanyang operasyon at pagpapagaling. Alam kong hindi rin siya pababayaan ng kanyang pamilya.
Dahil pagbalik ko, kukunin ko na siya sa puder nila. Pakakasalan ko si Alice gaya nang pangako ko at magsasama na kami hanggang sa aming pagtanda
***
Please support the story by commenting and voting! Your feedback is greatly appreciated!
PrincessThirteen00 © 16 07 2021
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro