Chapter 8: The Departure
***
I WATCHED her every movement as she opened her hazel-coloured eyes. Parang isang prinsesa siya nang imulat niya ang kanyang mga mata mula sa isang linggo na walang malay. Even the shape of her lips was calling for me.
"Hey," tawag ko at nanghihina siyang lumingon sa direksyon ko.
Agad nagtagpo ang aming mga mata at kapwa kami napangiti. Lumapit ako sa kanya at nanghihina niyang tinaas ang kamay para abutin ang mukha ko. Kusa kong nilapit ang mukha ko sa kanya at ginaya ang malambot niyang mga kamay sa aking pisngi. Her hands were very warm and soothing.
"Welcome back, sweetheart," bulong ko at saka nilakipan ng halik ang noo ni Alice.
Tinawagan ko si Ysiquel upang ipaalam na gising na si Alice at narinig ko mula sa kabilang linya ang kasabikan ng pamilya ni Alice. They were thrilled to know that she has woken up. Gaya ko, isang linggo na rin nilang hinihintay ang pagmulat niya.
Nagmamadaling binaba ni Ysiquel ang tawag at hindi na ko hinitay pang magsalita. I shrugged my shoulders and kept my phone in my pocket.
"Anong sabi nila?" nanghihinang tanong ni Alice sa akin. Naupo akong muli sa tabi niya at inayos ang kumot.
"They'll be coming soon, sweetheart. Magpahinga ka muna ulit."
Umiling si Alice at inabot ang kamay ni Eiffel. "Ayoko."
"Bakit naman? You need to rest."
"Baka kasi pag natulog ako tapos nagising mamaya ay wala ka rito."
"I'll be here, sweetheart. Magpahinga ka muna. You need to regain your strength," saad ko sabay halik sa kanyang noo. "Gigisingin kita kapag narito na sila."
"Promise?"
Nanikip ang dibdib ko sa tanong niya. I still haven't got the balls to tell her that I had to leave soon.
"Oo, promise."
Pinaningkititan niya ako ng tingin bago ngumiti. Mahigpit pa rin ang pagkahahawak niya sa kamay ko nang isara niya ang kanyang magagandang mga mata.
Slowly, her breathing calmed down and I was sure that she was already asleep. Tinanggal ko ang pagkakalingkis ng aking mga kamay at tinago iyon sa ilalim ng kumot. Inayos ko ang aking pagkakaupo at marahang inalis ang ilang hibla ng buhok sa kanyang maamong mukha.
'Alice, my beloved sweetheart, now that you're free from the clutches of the Brixton's, I will do the same with my clipped wings. Babalikan ko si papa at tatapusin ang lahat. At kapag nakausap ko na rin siya, babalik ako agad sa tabi mo at pakakasalan ka. Pangako,' I thought as I continued combing her hair lightly,
***
"Ayos lang ba talaga ang pakiramdam mo, anak?" tanong ni Mrs. Fuentes habang nakatayo ako sa may distansya. They were coddled up around her.
"Yes, mom. Okay na po ako," magalang niyang sagot.
"Ang binti mo ba? Sobrang sakit pa?" Pagtukoy niya sa nabiril na binti ni Alice.
Umiling siya at mabilis siyang lumingon sa akin at saka mulign tinitiganan ang ina. "Hindi naman po gano'n kasakit. The medications are working perfectly," aniya.
"Tell me if you feel anything wrong or weird, okay?" Tumango so Alice bilang sagot. Kita ko sa kanyang mga mata ang sobrang saya. Being with her real family really brought her genuine happiness—it was something even I could not give her.
"Anak, Kylien." Napalingon kaming lahat kay Mr. Fuentes nang magsalita ito. I guess the leader of the gang and the head of the Fuentes household was going to drop the question.
"Yes, dad?"
"You're aware of the chip on your head, correct?" tanong niya.
Hindi nakatakas sa aking paningin ang pagkuyom ng mga kamay ni Alice. Mukhang alam ni Alice ang tungkol doon. Pero kahit maging ako ay hindi iyon napansin. Nakita ko na siyang itinali ang buhok nang mataas ngunit hindi halata na nagkaroon ng operasyon upang magkubli ng isang chip sa kanyang batok.
"Yes po," tipid niyang sagot.
"Maaari mo bang sabihin sa amin ang laman? Bakit sa nasa ulo mo?"
Umiling si Alice. "Gusto ko man kayong sagutin ay hindi ko rin alam. I just woke up a year ago and a chip was implanted in me. Hindi ko rin alam ang laman nito pero bago mamatay ni uncle, he wanted it back. He wanted it so bad that it wasn't going to matter if I died," kuwento ni Alice.
Pare-parehong napakuyom ang mga kamay namin sa silid. Maybe I was wrong with killing him swiftly. Maybe I should have tortured him and got him to pay for everything that he has done to Alice from the day he stole her to her rightful place.
"We're getting the best doctors out there to see if we can remove the chip safely. Pero, anak, the decision lies with you kung gagawin mo o hindi," sambit ni Mrs. Fuentes.
"Mom..."
"Tama ang mommy mo." Umupos si Kyle sa kabilang bahagi ng higaan ni Alice. "We'll check for every solution there could be in the world. Ang mahalaga sa amin ay ligtas ka."
Napangiti si Alice bago tumango sa kanilang dalawa. Nabigla ako nang sumilip siya sa direksyon kong muli at ngumiti. Awtomatiko akong napangiti sa kanya. Gusto kong puro ngiti na lamang ang makita sa mukha niya dahil ngayon, wala na siyang dahilan upang magtago sa likod ng isang maskara.
After a while, her family left to speak to the doctors. Mas pinili kong manatili sa tabi ni Alice lalo na dahil sila ang tutulong kay Alice mismo. Gusto ko man ay hindi pa kami ganap na kasal at nasa ilalim pa rin ako ng mga Hatcham kahit na sinabi ko na kay papa noon na huling misyon ko na ang paglilinis sa mga Brixton.
Kung totoo na mawawala na si papa, wala na akong ibang maisip na magmamana ng kanyang puwesto bilang pinuno ng The Lions. We may have our differences and I may hate him to the pits, I was still his flesh and blood.
Lumingon ako kay Alice at napansin na malalim ang kanyang iniisip.
"What are you thinking about?" tanong ko at niyakap siya mula sa likod. I held her so close that she rested on my back.
"Wala naman."
"You sure?" Tumango lang si Alice bilang sagot. "Pati ang sugat mo?"
"Ano ka ba? Ayos lang talaga ako. Ginagaya mo na yata si mom," pagbibiro ni Alice na siyang nagpangisi sa 'kin. Mukhang tama siya pero hindi niya kami masisisi. Pare-pareho kaming nag-aalala sa kanya.
"Pero sure na okay ka lang talaga?"
Ipinatong ni Alice ang sariling mga braso sa ibabaw ng braso ko at inihilig pa lalo ang katawan niya. Sinundan ko ang bawat galaw niya hanggang sa pumikit siya at nagsalitang muli, "Ayos lang ako."
Napangiti ako habang nakamasid sa pagkatatayo naming dalawa mula sa salamin. Komportable talaga si Alice sa aming puwesto at masaya ako r'on. I could really see my future with her but before I think of that, I need to come clean with her.
"Hey..."
"Hmm?"
"I need to tell you something," bulong ko at saka siniksik ang aking mukha sa kanyang leeg. Lalong humigpit ang yakap ko sa kanya.
"Ano 'yon?"
"I'm going on a mission."
"Anong problema?" tanong niya pero hindi ako gumalaw. Parang ayokong sagutin ang tanong niya. "Hey, talk to me," malambing niyang bulong.
Huminga ako nang malalim bago nag-angat ng tingin at pinahinga ang aking baba sa kanyang balikat. Pareho kaming nakatitig sa aming mga repleksyon at parehong nag-aalala.
Nag-angat ng tingin si Eiffel at ipinatong ang baba sa balikat ng dalaga. Kapwa tinitingnan ang kanilang mga repleksyon sa salamin. Kapwa mababanaag ang pagkabalisa sa mata ng isa't isa.
"I... I don't know when I'll come back," pag-amin ko na siyang nagpakunot ng kanyang noo.
"Bakit? Anong misyon ba 'yan? Sinong target? Baka matulungan kita?"
Umiling ako. "Misyon 'to na tinakbuhan ko mula pa noong bata ako. I'm afraid I need to face this problem myself. Ayokong madamay ka pa. At isa pa, gusto kong magpagaling ka at mas makilala ang pamilya mo. That's been your dream, right?"
Tinanggal ni Alice ang pagkakayakap ko sa kanya at hinarap ako. "Wala ka bang tiwala sa akin?"
"That's not it, sweetheart. I trust you in a heartbeat."
"Pero hindi mo magagawang sabihin sa akin ang bagay na 'to?"
Bagsak ang balikat akong napailing at lalong humigpit ang hawak sa kanya.
"Naiintindihan ko."
Nag-angat ako ng tingin at agad nagtagpo ang aming mga mata. There was a small smile on her lovely face.
"Alice..."
"I get it. I've been in that position na, 'di ba? Kaya naiintindihan ko. But please take care of yourself and don't forget that I'm here kaya kung kailangan mo ng tulong, sabihan mo lang ako."
I felt giddy inside with her words. Para sa akin, si Alice na talaga ang para sa 'kin at walang makapagbabago niyon. Alice will be my bride and the woman I will be with until I grow old.
Pinatalikod ko siyang at niyakap muli mula sa likuran. Nakatingin pa rin kami sa mukha ng isa't isa mula sa salamin.
"Thank you, sweetheart." I kissed her shoulder and she smiled sweetly at me.
"Kailan ang alis mo?"
"Sa isang araw..."
Napaawang ang bibig niya bago nagsalita, "That fast..."
"I want to finish it immediately para makabalik agad sa tabi mo," kuwento ko.
"Corny mo," she giggled heartily.
We stayed on that position in complete silence. Niyakap ko siya mula sa likod at hinaplos ni Alice ang mga braso kong nakapulupot sa kanyang baywang.
Pumikit si Alice muli at ninamnam ang katahimikan. Napangiti ako habang pinagmamasdan angking kasintahan. Sinimulan ko siyang gawaran ng mumunting mga halik muli sa kanyang batok patungko sa balikat.
"Ei—" Natigilan si Alice nang maramdaman ang paglalakbay ng mga kamay ko sa kanyang dibdib at pababa sa tiyan.
"Did you call for me?" pabulong kong tanong sa gitna ng paghalik sa kanya. I wanted to please her and give her everything I can offer her because I... I belong to her.
Hinihingal siyang tumingin sa salamin at napapikit muli habang ninanamnam ang nakababaliw na sensasyong ginagawa ko sa kanyang katawan. Bumagal nanrinnang kanyang paghinga na animo'y kinakapos na.
Tonight, we will mark each other and I hope that mark would stay until I return... and until forever.
***
Please support the story by commenting and voting! Your feedback is greatly appreciated!
If you're interested on joining our Facebook group chat, please DM me or comment here.
PrincessThirteen00 © 10 07 2021
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro