Chapter 4: The Gamble
***
"JE suis à l'hôtel," sagot ko kay papa nang tanungin niya kung nasaan ako. "J'y vais bientôt."
Napabuntong-hinga ako nang ibagsak niya ang tawag at binaba ko ang aking smartphone.
Niluwagan ko ang suot kong Armani suit. I had to attend an event in one of the hotels that Hatcham's owns. Kung hindi ako nasa likod ng eksena at nagbibigay ng hatol sa mga dating pinuno ng mga gang, nagtatrabaho naman ako bilang may-ari ng ilang hotel dito sa Pransya.
It's hard keeping appearances, that's a fact.
Sa halip na sa bahay ko ako tumuloy, dito na lang sa isang suite sa hotel. Bukas na lang ako uuwi. Pahinga muna ako sa misyon.
Habang naglalakad patungo sa aking suite, nabigla ako nang makita ang isang pamilyar na mukha. Balisa ang kanyang ekspresyon. Marahil ay naiwan niya ang keycard ng suite niya?
"Just Alice, welcome back!" magiliw kong bati na kinagulat niya.
Akmang bubuksan niya ang pinto para takasan ako ngunit mas mabilis ko siyang nalapitan.
"Move," utos niya.
"Ang sungit mo na naman," sambit ko. Hahawakan ko sana ang kamay niya ngunit sinagi niya ito gamit ang kamay na nakahawak sa kanyang braso. Nahuli ng mga mata ko ang mapulang bahid sa kanyang braso.
"Don't touch me!" sigaw niya at nagmamadaling hinapit ang dumudugo niyang braso na siyang nagpakunot ng aking noo.
"Are you bleeding? Anong nangyari r'yan?"
Nang-iwas si Alice ng tingin kahit na namumutla ang mukha. "It's nothing. Leave me alone."
Pumasok siya sa suite at nagtagumpay akong hawakan siya sa braso. She squirmed in so much pain as I pulled her sleeves. Napasigaw siyang muli dahil sa sakit. Tumambad sa akin ang malaking sugat niya.
"What the hell happened here? You fucking need to go to the hospital," usal ko.
"Ayos lang ako! Bitawan mo 'ko!" ngiwi niya. Lalong nangunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan bakit ang tigas ng ulo niya. Was she in an accident? No. This kind of wound... it's a stab wound.
"You are not okay, woman. Dadalhin kita sa ospital."
"No!" namamawis niyang giit at napatigil ako sa aking kinatatayuan. "This is nothing."
"Alice!" I've seen blood and grew up seeing blood firsthand. Hindi 'to simpleng sugat lamang. It looks deep.
"Bitawan mo ako! Wala lang 'to. Ano na?!"
"Anong wala? This is not okay! You fucking need to go to the hospital! And I mean NOW!" giit ko at hindi ko namalayang napahigpit pa ang hawak ko sa kanyang braso. Laong napangiwi sa sakit si Alice.
"Would you ust let me go! Lalo akong nasasaktan!" Agad ko siyang binitawan at galit kong binuksan ang pintuan ng suite upang makapasok. Dere-deretso si Alice na kinuha ang maliit niyangsuitcase at tumuloy sa banyo. Nakasunod lamang ako sa kanya.
Nilapag niya ang suitcase sa sahig at kumuha ng benda at tuwalya mula sa loob. Kalmado lang din siya nang mga sandaling iyon. Pakiramdam ko ay hindi na bago sa kanya ang ganitong eksena. Binuksan niya ang faucet sa bathtub at hinubad ang suot na cardigan. Hindi ko alam kung nakalimutan na niyang nakasunod ako sa kanya dahil naiwan na lamang siyang suot ang kanyang sports bra.
Tumikhim ako upang makuha ang atensyon niya pero hindi pa rin niya ako pinansin.
"Anong bang nangyari sa 'yo, Alice?" nag-aalalang tanong ko.
"Wala," tipid niyang sagot at dinampi ang kamay sa tubig, pinakiraramdaman ang temperatura. Huminga siya nang malalim at saka dahan-dahang nilapit ang sugat upang mahugasan iyon. Mabilis naging kulay pula ang tubig sa bathtub. It was an unsighly view that I'm used to.
"Do you really want me to belive na wala lang 'yan? Can't you see how bloody your arm is, Alice?"
"Kita ko, okay? I can feel it," aniya at saka lumingon sa aking direksyon. Her forehead was creased in annoyance. "Can you just leave ? Or tatawag akong security?"
"Go ahead. No like the security team will kick the owner of the hotel." Batid ko ang gulat sa kanyang mga mata bago niya muling hinarap ang kanyang sugat. Hindi ko na narinig pa ang binulong niya ngunit nag-aalala ako sa sugat niya. Nang mahugasan ay pinatuyo niya ang kanyang braso gamit ang tuwalya ngunit nagsisimula na namang magdugo iyon.
Dali-dali kong kinuha ang benda bago pa niya maagaw sa akin. She resisted so much but gave up in the end. Patuloy lamang ang pagbabalot ko ng kanyang braso ngunit nakipagtitigasan pa rin ako ng tingin sa kanya.
Alice is undoubtedly a beautiful woman. But she might be a dangerous one.
My eyes darted around her face as I stared at her closely. I remembered the night we met in my club. Mukhang mapaglaro ang tadhana na magkukrus ang aming mga landas.
"You know what, just Alice," panimula ko, "I want to do something right this instant."
"At ano naman 'yun?" matigas pa rin niyang saad.
"I want to kiss you right now," pag-amin ko nang matapos ang pagbebenda sa kanya.
"Wh—"
Bago pa siya makasagot, nahatak ko ang kanyang batok at napagdikit ang aming mga labi. Sinubukan niyang makawala ngunit agad ko ring naramdaman ang pagsusukli niya sa aking halik sa kaparehong intensidad.
Her lips were soft and addicting. I couldn't help but imagine kissing her everyday. I slowly brought her arms around my neck. She squirmed in pain from her wounded arm but it disappeared when she found the right position.
I scooped her from the floor without breaking our kiss. Karga ko sia palabas ng banyo at hanggang maihiga ko siya sa kama. I continued feasting on her soft and luscious lips and touching her waist.
Naantala ang aming paghahalikan nang marinig ang malakas na katok mula sa labas ng suite. Pinagdikit ko ang aming mga noo na bago nagmulat ng mga mata. My lips remained tingling and wanting for more.
"Are you expecting anyone?" tanong ko kay Alice na sobrang hinihingal. Nakakunot na ang kanyang noo sa pagtataka.
Umiling si Alice. "They're after me."
"Ano?"
"Could you stand up, please?"
Doon ko lang napagtanto ang aming mga posisyon. I was on top of her with her legs on my sides already, almost wrapping my torso. Kung hindi na sia naka-suit, I would be inside her already... pleasuring her and reaching heaven.
Bumangon ako at napakamot ng ulo. It was awkward. Really awkward.
Muli ay may kumatok nang malakas mula sa labas. It felt strange. Kung staff ng hotel ko 'to, they wouldn't simply knock on the top suites unless they were called. Something was off.
"Think, Alice. Think," sambit ni Alice at saka nagpalingalinga.
"I'm calling security," saad ko.
"No!"
"Bakit hindi?"
"I don't want to die yet so let me think..."
"Ano?"
Die? Why does she think she will die? May humahabol nga kaya sa kanya?
Biglang lumapit si Alice sa 'kin at binuksan ang mga butones ng damit ko na siyang kinabigla ko. Ginulo rin niya ang buhok ko na walang paalam.
"Anong ginagawa mo?"
"Cooperate on me just this once, please?" she pleaded. Mas naramdaman kong nasa panganib siya at hindi na ako nagdalawang-isip nq tulungan siya.
"Anong gusto mong gawin ko?"
"The people knocking might be dressed up as your staff right now. They're just after me. Just face them and say they are disturbing your time with your girl or something. Tapos saka ako lalabas to face them."
"Ano? You want to be in more danger?"
Ngumisi si Alice sa 'kin. "Trust me on this. Now, go," aniya at tinulak ako palabas ng kuwarto.
Nalilito ako pero sinunod ko na lamang siya. Pagbukas ko ng pinto, dalawang maskuladong lalaki ang nakatayo sa labas. Gaya ng sabi ni Alice, naka-uniporme ang mga ito ngunit kakaiba ang pagdadala nila sa kanilang sarili lalo na dahil may tattoo ang isa sa kanila sa leeg. I knew at first glance that they're not actual staff of my hotel.
"Good day, sir, is Miss Alice Brixton inside?" tanong ng lalaki at nakumpirma ko agad na peke sila. Hindi ganoon ang pagpakikilala ng mga empleyado ko sa mga bisita.
"Who?" kunot-noong tanong ko.
Tumingin ang isa sa lalaki sa kasama. "Miss Alice Brixton. She requested for us."
I crossed my arms. "There's no one here with that name."
"That can't be right," saad ng lalaki.
Sasagot pa sana ako nang marinig ko ang boses ni Alice mula sa silid. "Sweetheart, what's taking you long?" May halong pang-aakit at paglalambing ang boses niya.
"One sec, love. I'll be there," sagot ko.
"Where are you, sweety?"
Lumingon ako at halos malaglag ang panga na makitang naka-suot lamang ng pulang nightgown at robe si Alice. She was a perfect sight.
Her long creamy legs were on sight and I knew I was getting myself in trouble. I hate to admit it but I was getting a hard-on that instant. Pero ang nakakagulat nito, may suot itong salamin at faded blonde na wig na bagay na bagay sa kanyang kompleksyon.
Parang modelo kung maglakad si Alice sa aming direksyon. The wig was swaying with her every move and her legs were definitely a complete show-off. I wanted to shut the door and peel their eyes off.
"Oh my, we have guests?" mapang-akit niyang tanong.
Lumapit siya sa akin at agad pinatong ang kamay sa dibdib ko. Nakapapaso ang kanyang kamay at mas nagigising ang buong katawan ko. It was too direct and intimate. Now, I understand why she opened the buttons of my top.
"Please call Miss Brixton. We know she's in here," utos ng bruskong lalaki. Lalo akong nagalit. Maybe I should just call security but I don't want to ruin Alice's plan.
"Sorry, who? Brixton?" Tumingin si Alice sa akin. "Sweetheart, who are they talking about? Is there something you should be telling me?" Nag-taas ito ng kilay.
Gusto kong ngumisi dahil nakamamangha kung gaano kanatural siya sa pagpapanggap. Kahit sa suot nitong wig, hmukhang kanya talaga.
I snaked my arms on her waist. "I don't know who they're looking for. Must be a wrong room."
Nagkatinginan na naman ang dalawang lalaki. Kinuha ng isa ang kanyang cellphone at may sinilip doon.
"This is definitely the room." Dinig nila ang bulungan ng mga lalaki sa kumpirmasyon. They were really stalking Alice.
"Please, gentlemen. My wife and I are spending some quality time and you're pestering us right now," may bahid ng pagkairita kong sambit. "Do you want me to call your manager with this insolence?"
"Oh, baby. Calm down." Ipinaling ni Alice ang mukha ko at dinampian ng halik ang labi. I felt her breasts pressed closer on my broad chest and I held her waist more. It was complete torture.
"We have the whole week to enjoy," dagdag pa ni Alice sabay kindat sa akin. Her voice was very seductive and if we were a real couple, I would definitely shut the door and take her on the spot.
"Oh, yeah?"
I closed the gap we had and our nose rested together. Halos magdikit ang aming mga labi... and I like this. She was really alluring.
Napatikhim ang isang lalaki at bumalik ang ulirat ko na may kasama pa kami. Kapwa napatitingin ang dalawang lalaki sa katawan ni Alice na malapit nang mahubadan sa dibdib at sobrang ikli naman sa kanyang hita.
"Eyes up," tipid kong turan at niyakap lalong niyakap ang aking asawa. Hindi ko gusto ang malagkit na tingin nila kay Alice. Yes, she was alluring, but that was for me, not them.
"Apologies. We may have the wrong suite then. Enjoy your time, Sir and Ma'am," nag-bow na ang dalawang lalaki at naglakad na palayo mula sa suite. Hindi na sila lumingon pa. Ang isa sa kanila ay kaagad may tinawagan base sa paglalagay ng cellphone sa kanyang tainga.
I closed the and immediatelt called my security team. "Have a look at the CCTV and check the identities of the men wearing our staff's uniform. They just left the Diamond Suite."
My eyes followed Alice as she removed her wig and dropped it to the floor. Bumagsak agad ang natural niyang buhok. She was pacing around the room worriedly.
"Tito, please pick up. I need to go back in there or at least move away. Please send coordiates," paki-usap niya bago binaba ang telepono. Hindi ko napigilang pagmasdan ang kanyang ganda, mula sa kanyang mukha at pababa sa kanyang katawan.
Nang lumingon siya sa akin ay nangunot ang kanyang noo.
"Anong tinitingnan mo?" taas-kilay niyang tanong at itinali nang maayos ang suot na roba.
"Sweetheart, I'm just admiring your beauty," mapang-asar kong sagot at umupo sa kama.
"Shut up." Nagrolyo ang kanyang mga mata. "And don't call me that. The act is over," masungit niyang turan.
"So, mind explaining to me what just happened?"
"No need to know anything. Salamat sa pagtulong mo sa 'kin. I'll leave later on." Kumuha si Alice ng mga damit na isusuot mula sa kanyang maleta.
"Ha? You're leaving?" tanong ko nang mahawakan ang braso niya. Tinitigan ako ni Alice nang masama. Mabuti at hindi ang nasugatan niyang braso ang nahawakan ko dahil kung nagkataon ay mapapangiwi na naman siya sa sakit. I would feel terrible.
"I'm pretty sure that that's what I just said," asik nito sabay tanggal ng kamay ko.
"Bakit?"
"Bakit? As you can see, I have people chasing me up. I need to leave as soon as possible," matigas niyang saad.
"How soon?"
"Soon as in now," sagot niya habang itinatago sa maleta ang ibang gamit.
"Why not tell the police?" I think that's a safe option for her. They would give her security.
"Hindi ba pumasok sa kokorte mo na ayaw ko nga? The police cannot get involved with my affairs."
Mas naging malinaw sa akin na maaaring pareho kami ng mundong ginagalawan ni Alice. May sikreto rin siyang tinatago.
"Then stay with me," alok ko.
"What?" gulat niyang tanong.
Napakamot ako ng batok bago nagpatuloy, "Stay with me in my residence. It's not that far from here and it's definitely safe in there."
"At bakit ko naman gagawin 'yon?"
"Don't you need a place to hide? Besides, I'll let you continue acting as my sweetheart if you wany to," nakangiti kong sagot. "And don't worry, I won't meddle into the private matters you don't want to tell me."
"Bakit mo naman gagawin 'to?" Nagkrus ang mga braso ni Alice. "For all you know, I could be a bad person and I can pull you into a dangerous situation."
"Don't worry about me. I can handle myself, sweetheart." Since I am a bad person myself.
I could see the uncertainty in her eyes. Hindi niya ako kilala, at ganoon din ako. I didn't know why I even made a dangerous offer, but I did. It was a gamble that I am affiliating myself with an interesting woman.
Alice turned to me with unsure eyes before replying, "okay, I agree."
***
Please support the story by commenting and voting! Your feedback is greatly appreciated!
PrincessThirteen00 © 07 06 2021
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro