Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3: The Crossroads

***

TINITIGAN niya ako mula sa sahig at sobra-sobrang sakit at takot ang pumupuno sa kanyang mga mata. Bukod doon ay may natatagong galit sa akin at sa buong kampo kong walang babalang lumusob sa kanilang lungga.

"Please, sir, don't do this. I have a family," pagmamakaawa ng matandang lalaki. His bloodshot eyes were begging to survive. It was a wish I cannot heed.

"I cannot die. Not like this," dagdag niya.

Bumaba ang tingin ko sa mga kamay niyang dumapo sa sapatos ko. Punong-puno ang kulubot nitong mga kamay ng mga mamahaling sing-sing at suot ang mamahaling Armani suit na ngayo'y nabahiran na ng dugo at dumi.

"Don't worry, they'll be with you soon," tipid kong sambit bago kinalabit ang gatilyo.

I didn't want to shed blood, but to survive, I must. Alam kong mali pero kailangan ko. Lalo na ngayong malapit ko nang makuha ang kalayaang matagal ko nang minimithi.

"Excellent travail, patron," bati ni Cyrus, isa sa miyembro ng The Lions, sabay tapik sa aking balikat.

"Je vous laisse le ménage," utos ko sabay kuha ng tuwalya mula sa aking bulsa at pinunasan ang bahid ng dugo sa aking kamay. Alam kong nakuha ko ito kanina noong nakipagsusuntukan ako sa labas ng hideout.

"Bien, sûr," magalang niyang sagot.

Si Cyrus ang responsable sa paglilinis ng mga lokasyon matapos namin itong pasukin at tapusin ang bawat misyon. Tiwala ako sa kanyang matatapos niya ang trabaho na walang problema at talagang pulido.

Sa halip na hintayin silang matapos, lumabas na ako at dumeretso sa sasakyan ko sa hindi kalayuan. I needed some time off before the next mission. Kahit ilang oras lang, kailangan ko ng pahinga mula sa madilim at magulong mundong ginagalawan ko.

Mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko at nagtungo sa isang club sa siyudad. It was a good twenty-minute drive. Pagsapit ko sa club ay agad kong pinarada ang sasakyan at nagpalit ng suot na jacket at sapatos dahil may munting bahid ng dugo at alikabok.

Pagbaling ko sa club, kapansin-pansin ang mahabang pila ng mga tao. The city life was still bustling.

Sa halip na pumila sa dulo, dumeretso ako sa entrada ng club. Naroroon ang tatlong bouncers na ubod nang laki ang mga katawan. Nang makita nila ako ay agad nilang hinawi ang daan at pinatuloy sa loob na hindi kinapaan kung may dala ba akong kahit ano.

May mga narinig akong reklamo ngunit hindi ko iyon pinansin. This has always been the case since I'm the owner of the place.

Malakas ang dagundong ng musika pagpasok pa lang. Umaalingasaw ang mga kasiyahan, maging ang magkakahalong amoy ng usok at alak. It was definitely a party.

Lumapit ako sa bartender at tumango rito. "The usual," sambit ko.

"Yes, boss." Tumango siya at agad kinuha ang Scotch whisky at isang shotglass. It was neither a celebration or a farewell party. Sawa na ako sa ginagawa ko pero kailangan kong tapusin lahat.

Habang nagmamasid ako sa paligid ay nahuli ng paningin ko ang isang sopistikadang babaeng na naupo sa kabilang dulo ng counter. Lagi naman akong nakakikita ng magagandang babae pero ibang-iba ang ganda niya kung ikukumpara. At isa pa, parang pamilyar siya.

Kapansin-pansin din ang mga tingin sa kanya ng ibang tao na mukhang hindi niya pa napapansin.

Mula sa kinauupuan ko at base sa pagkilos niya, nasisigurado kong may binabantayan siya mula sa labas ng club. I turned my gaze outside and it was a prestigious restaurant across the road. Gusto ba niyang kumain doon o... may minamanmanan ba siya?

Sinakbit ng magandang babae ang ilang hibla ng kanyang buhok sa kanyang tainga bago muling tumingin sa labas. Napangiti ako habang nakatitig sa kanya.

"Hey," 

---

Pinanood ko ang bawat sandali. Magmula noong inabot ng bartender ang cocktail sa babae, hanggang sa pagtanggi niya, nakapako lang ang mga mata ko sa kanya. She looks like an angel who descended to earth.

Nang lumingon siya sa direksyon ko ay tinaas ko ang shotglass pero sa halip na ngumiti ay bumaling siyang muli sa bartender at humarap muli sa labas. Tiningnan ako ng bartender at tinaasan ng mga balikat.

Tss... Walang kuwenta pala 'tong inutusan ko.

Tumayo ako at nilagok ang alak sa shotglass saka tinungo ang daan patungo sa tabi ng babae. This woman has piqued my interest so bad that I want to get to know her more.

"Vous ne l'aimez pas?" bungad kong tanong at mukhang hindi na siya nagulat sa aking paglapit. Baka naman sanay na rin siyang nilalapitan ng kung sino-sino.

Kita ko ang pagrolyo ng mga mata niya na mukhang sinadya niya bago ako sinagot, "I don't drink."

Napangisi ako. Nakaiintindi siya ng French words. "Alors tu comprends le français?"

"Yes, I understand French. So, leave me alone! Laisse-moi tranquille," inis niyang sagot

"You're feisty," a playful grin plastered on my face. Gusto ko siyang kausapin pa.

"I'm sure I made myself clear already, mister." Mas lalo kong narinig ang pagkainis sa boses niya. Parang isang malaking pang-abala ako sa kanyang pagtanaw sa labas.

'Gwapo sana pero masyadong papansin,' bulong ng babae.

Napangiti ako. Malinaw sa tainga ko ang bawat salitang iyon kahit na malakas pa rin ang tugtugin. Nakapagsasalita siya ng Filipino, this is getting better than I expected.

"Salamat."

Gumuhit agad ang gulat sa kanyang maamo at magandang mukha sa pagsagot ko. Alam kong hindi halata sa hitsura ko na may dugong Pilipino ako dahil mas malaki ang nakuha kong hitsura kay papa.

"Naiintindihan mo ang sinabi ko?" halos mamutla siya nang magtanong.

Ngumiti at tumango ako sa kanya. Wala naman akong dapat itago. "Ako nga pala si Eiffel," pagpapakilala ko.

"Seryoso?" Tumaas ang kilay niya sa akin.

"Huh?"

"Is that seriously your name?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Hindi ko siya masisisi dahil kakaiba naman talaga ang pangalan ko lalo na para sa isang lalaki.

"Yes." Inilahad ko ang aking kamay sa kanya. "Eiffel Rhugs Hatcham is the name. And you are?"

"Alice," she whispered as she shook my hand. Totoo niya kayang pangalan ang Alice? Maybe it was. Maybe it wasn't. I need her surname to look her up.

"Alice...?"

"Just Alice."

"It's nice to meet you, just Alice." Sinamaan ako ng tingin ni Alice ngunit hindi naglaho ang ngisi sa labi ko. Nakatutuwa siya. "What brings you here?"

Sa halip na sumagot ay lumingon siyang muli sa restaurant. I followed her eyes and they were definitely following someone. Pamilyar na pamilyar na ako sa ganitong kalakaran. Walang babalang ngumiti siya nang maliit habang nakapako pa rin ang mata sa labas.

"Earth to Alice?" I snapped my fingers close to her face to get her attention back.

"What the hell?!"

"Kanina pa akong nagsasalita pero hindi mo ako pinapansin?"

"I believe I made myself clear earlier, Mr. Hatcham. Leave me alone?" pagsusungit niyang muli na siyang kinasaya ko. Mabuti pala talaga at nagpunta ako ngayon dito.

"I can't do that, miss Alice," I replied, still smirking.

"At bakit naman?" Hindi niya naiwasang pagtaasan ako ng kilay. Mas nagkaroon ako ng pagkakataon na titigan ang kanyang mukha.

"Hindi mo ba napapansin ang mga tingin ng mga lalaki rito sa 'yo? They look like hungry wolves ready to pounce on you. Baka nga sa isip nila ay nahubadan ka na," usal ko.

"I can handle myself."

"Talaga?" Biglaan akong tumayo at nilagay ang mga kamay ko sa tabi niya. I was slowly closing the gap between us as she remained seated in the stool.

Nanatili akong nakatitig sa kayumanggi niyang mga mata. Ubod nang ganda at kung maaari kong pasukin para mas makilala siya, gagawin ko.

"So, for the record, you're also one of those hungry wolves trying to pounce and fuck me? Tama ba?" mapaglaro niyang tanong at hindi ko napigilang matawa.

"I could be or I could be not. I'm quite territorial though."

Walang babala niyang nilandas ang hintuturo sa may dibdib ko at sinundan lang mga mata ko ang bawat galaw niya. "And who said I belong to your territory?"

"The moment those feet of yours enter my bar, you became mine." Mas  lumapit ako sa kanya habang nakakulong pa rin sa kanyang kinauupuan. Hindi naman din siya gumalaw kaya't hindi ko sigurado kung nakipagsusukatan pa ba siya ng pasensya o nanigas lang sa kanyang puwesto.


Halis ilang sandali bago niya ako marahang itulak palayo bago mag-iba nang puwesto. Despite wearing a comfortable top, the heat from her palms was dangerous. "Is that what you tell your prospective flings and one night stands? Sorry, it won't work on me."

"Ah, talaga?" Nangunot ang noo ni Alice. "Your hands are telling me otherwise."

Napatingin si Alice sa kanyang mga kamay at saka napansing hawak-hawak na niya ang aking damit. Agad siyang bumitaw at nang-iwas ng tingin.

"Eyes on me, gorgeous."

"Shut up."

Napatawa ako bago ininom ang bote na nilagay ng bartender para sa kanya.

"You know, you remind me of someone," pag-amin ko.

"Talaga? Sino naman?"

"That's what I wonder myself. Have we met before?"

Umiling si Alice. "No. I'm not interested in meeting you anyway."

Inabot ni Alice ang tubig na kanina pang nasa harapan niya at iniikot ang straw. Namamasa na ang baso dahil sa malamig na tubig.

"Talaga? Parang hindi naman. Mabait at guwapo naman ako. Saan ka pa?"

"You know what, just move," utos ni Alice sa akin pero hindi ako pumayag.

"You have to pay the toll before I let you go for tonight."

"Toll?"

"Kiss me, Alice."

"At bakit ko naman gagawin 'yun? Close ba tayo? Boyfriend ba kita? Hindi naman ah!" agad-agad niyang sagot. Mas lalo akong natutuwang makipagbiruan sa kanya. Mukhang napakaseryoso niyang tao.

"Kung gusto mong makaalis sa puwestong ito, gawin mo na lang."

"Ayoko nga! Baka kung sino-sino na ang nakahalikan mo. That's disgusting!" maktol niya.

"No. I'm safe. I haven't kissed anyone yet for quite some time. Been busy at work," pag-amin ko. Wala naman akong nakarelasyon nang matagal.

Napanganga si Alice at mukhang napaisip. Sasabihin ko na sanang biro lamang iyon ngunit bigla siyang sumagot, "Fine!"

Mabilis niyang dinampi ang malambot na labi sa aking pisngi at gusto kong matawa nang malakas pero ayaw ko naman siyang ipahiya na sa pisngi niya lang ako hinalikan.

Pinatong ko ang noo ko sa balikat niya upang pigilan ang sarili ko ngunit hindi ko pa rin napigilqng matawa.

"You are a funny one." Tumayo ako nang maayos at napatikhim. "You gave me a fucking beso."

"What? Ang sabi mo lang naman ay kiss. Huwag mong sabihing hindi dahil sisipain kita!" maktol niyang muli at pulang-pula na ang kanyang magandang mukha.

"Yes, pero hindi naman halik na ganyan. Dapat ganito."

Bago pa siya makapagsalita, nahawakan ko na ang kanyang baba at nailapit ang mukha sa akin upang muling magtagpo ang aming mga labi.

Napapikit ako habang ninanamnan ang kanyang malambot na labi. It was as sweet as freshly-picked strawberries, and as soft as cotton candy.

I held her waist carefully as our kisses went deeper. At nang halos maubusan na kami nang hangin ay saka lamang ako humiwalay sa kanya.

"Are you okay?"

Nag-angat ng masamang tingin si Alice sa akin na parang ipatutumba na ako dahil sa nagawa kong kasalanan. "Mukha ba akong okay? You stole my first kiss!"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Tama ba ang narinig ko?

"Ano? First kiss mo lang 'yan?"

Napatakip ng bibig si Alice. "Ah-eh, hindi ah!" nagmamadali niyang pagtanggi.

"Too late, sinabi mo na. Walang bawian," sambit ko sabay kindat.

"Tse! Ewan ko sa 'yo!" Itinulak niya ako at agad na kinuha ang purse sa counter. Dali-dali siyang naglakad palayo at parang tanga naman ako habang nakangiti sa direksyon niya.

"Magkikita pa ba tayo?" pasigaw kong tanong. Bumaling si Alice sa akin at nasasabik ako sa sagot niya. Sa totoo lang, gusto kong magkita kaming muli.

Pero sa lahat nang naisip kong isasagot niya na pagsang-ayon o pagtanggi, hindi ko inasahan ang ginawa niya. She raised her middle finger at me before storming out.

I was dumbfounded but a smile crept on my face as she disappears with the crowd. I just met an interesting woman and I do hope to meet her once again.

I was about to return to my original spot when my phone rang. Kinuha ko iyon mula sa aking bulsa at si Cyril ang tumatawag.

"Nous avons fini," aniya.

"Je te verrai au quartier général," sagot  ko bago binaba ang tawag. It was time for the next battle to commence.

***

Please support the story by commenting and voting! Your feedback is greatly appreciated!

PrincessThirteen00 © 31 05 2021

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro