Chapter 2: The Stage
***
AKALA ko noong una, kapag nasa puder na ako ni papa ay magiging maayos na ang lahat. Akala ko kapag nasanay na ako sa buhay rito sa France ay magiging okay ang lahat. Akala ko wala na akong iisipin pa.
Akala ko lang pala.
Kumpara kay mama, mas mahigpit si papa sa training. Walang araw na hindi ako nagkapasa o nagkasugat sa katawan. At walang puwang upang sumuko ako lalo na kapag kaharap ko ang kanyang mga tauhan.
Kapag sumuko ako, siguradong talo na talaga ako. At kapag nangyari iyon, mas lalo lamang akong nasasaktan at nahihirapan. Losing was not an available option for me.
I only knew of two things—fight and survive.
"Bouge toi! Faster!" sigaw ng tauhan ni papa habang kinakarga ko ang mga weights mula sa entrada at paikot ng hall. Araw-araw ay kailangang maka-thirty laps ako.
They have been increasing the weights for me to lift and circle around the hall. Pabigat nang pabigat ang pinakakarga sa akin at pakiramdam ko'y mababali na ang aking mga braso. Hindi ko maaaring ibaba dahil madadagdagan pa ang kailangan kong pag-ikot gaya noong unang linggong ginawa ko ito. My arms felt so sore before my next training.
The training was growing longer and longer as I felt the days turning shorter and shorter. Parang may hinahabol silang oras dahil sa intensidad ng mga pinagagawa sa akin.
"Morceau de merde inutile!"
I heard him mutter making my grip tighten more on the metal weights. I currently had ten kilos on each hand.
Marahil hindi pa ako bihasa sa pagsasalita ng French pero maraming bagay na akong naiintindihan dahil iyon ang paulit-ulit nilang sinasabi sa akin. It was also a must for me to learn their language since I'm in their territory. Kung mananatili ako sa France, kailangan kong matutuhan ang mga bagay na ito.
"Très inutile."
As such, I know they have always been calling me a useless piece of crap or something worse or disgusting. Hindi ko na iyon iniintindi pa. It's nothing new and it's not like I care about their comments. What I need is acknowledgment from my biological father.
I choose who will validate and acknowledge my existence, not them.
Once he recognizes me as a Hatcham, I can use all resources and search for my biological mother's whereabouts to find out the answers once and for all. And as far as I know, she's in the United States.
Kailangan kong malaman kung bakit niya ako pinilit na mapunta kay papa sa simula pa lang. Bakit parang planado niya lahat mula sa pagkupkop ni pala sa akin hanggang sa masasakit na training na kailangan kong gawin araw-araw.
Hence, I need my father's seal of approval and trust. I need him to release my clipped wings so I can fly away and see the world.
***
"I can't believe she would beg for such a weakling to be a Hatcham heir. What absurdity!" sambit ni papa na may malalim na tono ng pagkadismaya. His French accent was so deep but I was able to catch every word clearly.
"I'm sorry, dad. Please give me another chance," pakiusap ko habang nakaluhod sa kanyang harapan. "Allow me to prove myself!"
Masakit man ang pasa ko sa katawan, pinilit kong ipakita kay mama na matatag ako at dapat bigyan niya ng pagkakataon.
Alam kong hindi ako dapat humingi ng tawad gaya nang sabi ni mama pero wala akong ibang masasabi. I need to get on my father's good side to be accepted as a Hatcham. Masakit mang aminin pero ayaw kong bumalik sa puder ni mama. Nasisigurado kong hindi lamang pasa o sakit mula sa latigo o masasakit na mga salita ang matatangap ko. Kailangan ko lang siyang makausap.
"I do not have such a weakling for a son!" untag niya.
"I... I'm sorry, dad," hirap kong saad. "Give me another chance, I beg of you."
His words stabbed me but I shoved it aside. Sanay na akong makarinig ng masasakit na mga salita. At dahil hindi naman ako lumaki sa puder ni papa, hindi kasing sakit ang mga salita niya sa binibitiwan ni mama noon.
Her words hurt more because I really wanted—I prayed and begged—for her to accept me. Wala na sa akin kung hindi ako matanggap ni papa bilang isang Hatcham pero kahit pala si mama ay hindi talaga ako matatanggap.
Neither of my parents accepted me as their son. They only see me as a tool for their convenience that they can choose to discard at anytime.
Neither wanted me nor even wanted to acknowledge my existence. I have even thought that I was better as a deadman when I was younger. Wala namang magkakaroon ng pakialam kung may mangyari sa akin.
Kaya mas madalas na napatatanong ako bakit hinayaan pa nila akong mabuhay kung hindi naman pala nila akong gusto? Bakit pinahihirapan pa nila akong dalawa? Kung may away sila, puwede naman silang magharap dalawa at hayaan na lang ako sa buhay ko.
My father stormed out of the room, leaving me on my knees. I bit my lips to suppress my emotions but stopped to clear my face of any sign of incoming tears. I took my towel and wiped the small marks of blood on my face.
Nabigla ako nang magbukas ang pinto at makita si papa na matalim pa rin ang tingin sa akin.
"Eiffel."
Nanlamig ako sa aking kinatatayuan. The way my father called my name seemed like a threat.
"Yes, papa?"
"You desire for a chance, correct?"
"Yes, papa," walang hesitasyon kong sagot.
"Then, if you want to continue living lavishly and inherit the name of the Hatchams, you need to do as I say and survive every mission you will receive," panimula ni papa.
"M-mission?" takang tanong ko. Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy ni papa na misyon. Hanggang mga pagsasanay pa lamang ang aking nagagawa.
"From today onwards, you will be taking part in the mission of the Lions."
Napalunok ako sa sinabi ni papa. Ito na ba ang simula? Ito na ba ang pagkakataong matagal ko nang hinihintay? Ito ba ang bagay nangusto ni mama na gawin ko? Na maging kasapi ng Lions?
The members of the Lions are pretty strong. Sila mismo ang nagsasanay sa akin araw-araw ngunit hindi ko sila naging kaibigan dahil mas matatanda sila sa akin. At isa pa, binabase nila ang kanilang respeto sa abilidad at lakas ng kaharap na. And I want to earn that respect, too.
"Here, take this."
Inabot niya ang isang asul na kahon at nagdadalawang-isip kong tinanggap. Tiningnan ko si papa at nakita ko sa mga mata niya na gusto niyang buksan ko ang kahon.
Sumunod ako at binuksan ang kahon na naglalaman ng isang medalyon. Isang gintong leon ang naka-ukit na may pulang diyamanteng mga mata. Matalas ang pangil nito na kulay ginto rin.
"What is this, papa?"
"It's the emblem of the Hatcham's. You are the only heir of The Lions and that's the proof you need."
Heir.
Ako ang ganap na tagapagmana dahil wala naman ibang magmamana. My father didn't have a family. 'Yon ang sabi nina tatay. Mula nang magtrabaho sila kay papa ay wala silang nakitang kahit anong tungkol sa pamilya ni papa. There were no signs at all.
He is not married to anyone nor does he have any living blood-relative... except for me. Ako lamang ang kadugo niya. And it makes me wonder how my mother and father met.
Alam ni mama na isang Hatcham si papa pero wala akong ibang impormasyon na makita tungkol sa kanilang dalawa. Ni hindi ko alam kung paano nagkrus ang landas nila at bakit kailangan akong ibigay ni mama kay papa.
Was it to ensure that the Hatcham lineage will not end? I wonder. But that's my greatest bet.
I looked at the emblem once again. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman habang pinagmamasdan ang emblem na 'yon.
Should I be happy that my father finally recognizes me as the heir? Should I be grateful to my mother for honing me since childhood? Should I despise them for treating me this way?
Nabigla ako nang tapikin ni papa ang braso ko. Binigyan niya ako ng isang mahigpit na pisil sa balikat at nakaramdam ko ng sakit.
"Do not fail me, Eiffel..." Lalong humigpit ang pagpisil ni papa sa balikat ko na siyang nagbigay ng kakaibang takot sa loob ko "...or else I will kill you with my own hands."
Tinapik niyang muli ang balikat ko bago binitiwan at umalis ng silid. Sinilip ko ang balikat ko at gusot na gusot nga ang manggas ko.
He didn't give me words of encouragement but a threat. I couldn't fail. There is no room for failure at all. Dahil sa isang sandali ng kabiguan, natitiyal na ang kapalaran ko.
I thought I needed my clipped wings to be unleashed and freed to fly over the horizon. But I was wrong. I never had wings, to begin with. I was a weak cub existing and getting trained inside the lion's den. And to escape the den, I needed to be on the top. I needed to be the king of that jungle I live in.
At the age of eighteen, I faced my demons head on.
***
Please support the story by commenting and voting! Your feedback is greatly appreciated!
PrincessThirteen00 © 26 04 2021
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro