Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10: The Game

***

"IS THIS the last of it?" tanong ko kay Phillip, ang anak ng tauhan ni papa. Maayos siyang nakatindig sa aking harapan habang hinihintay akong matapos sa pagbubuklat ng mga papeles na sisirain.

Si Phillip ang kinuha kong advisor habang sinasanay ko ang aking sarili sa paghawak sa kabuoan ng Lions. Noong buhay pa si papa, bilang lang ang galaw ko sa loob ng organisasyon perk ngayon, ako na ang may hawak sa lahat-lahat.

Parang sa chess, ako ang pawn. I was at my father's disposal. Yet I proved him wrong. The pawn he thought he could sacrifice at any time was the stongest in his board. He replaced the king.

At dahil nag-iisa akong anak ni papa, sa akin niya iiwan ang kanyang mga ari-arian. Sa loob ng halos anim na buwan, puro pagsasalin ng kanyang ari-arian at pangalan ang aking ginagawa.

He left a will but it was taking longer since he wasn't married to my mother. Wala siya sa birth certificate ko at walang marriage certificate na maipakita. Kinailangan ko pang magpakita ng ebidensya na anak nga ako ni papa. Kaya kahit labag sa aking loob, ginawa ko pa rin.

At kapag natapos na ang lahat, ido-donate ko ang karamihan dito. Hindi ko rin naman kailangan dahil may sarili akong negosyo at pera. It's just that... I didn't want the government or anyone else to take over everything without breaking a sweat.

Iyon na ang ginawa nila sa mga pagmamay-ari ng mga Marzon dati at hindi ako papayag na mauulit pa iyong muli. Matagal din bago ko nabawi ang lahat na dapat kay mama.

But I managed to retrieve it all. At kahit may ilang properties akong kinailangang bilhin pang muli, walang kaso na iyon. Sakim mang pakinggan, gusto kong mabawi lahat na dapat sa mga magulang ko... at sa sarili ko.

I don't need to go through all the trouble yet I did. Perhaps it was retribution on my end to appease my mind of what I've done. Maybe I was this selfish like my parents.

Maybe.

"Yes, sir. Everything else has been destroyed like you have ordered. The only copy in the world is in your hands," magalang niyang sagot bago kinolekta ang mga papel at nilagay sabrown envelope. "Do you need anything else, boss?"

Sumandal ako sa aking upuang gawa sa leather at malalim na nag-isip.

"Let's see," usal ko at muling pinagmasdan ang silid. "What's next?"

Kinuha ni Phillip ang kanyang phone mula sa likod ng kanyang pantalon at sinilip ang mga sinulat niya roon. I made the correct choice in selecting him despite the other names of the Lions popping here and there. He was really organized.

Pakiramdam ko'y wala na naman akong kailangang gawin. Mukhang makauuwi na ako matapos ang halos isang taon kay—

"We need to establish your name as the new Lion, sir," usal niya.

Nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Sinusuri kung nagbibiro ba siya ngunit hindi nagbago ang kanyang ekpresyon.

"Is that even necessary?"

"Yes, sir. Since The Lions has been hibernating, there has been multiple claims suggesting that the gang has been abolished... by their own hands," pagbabalita ni Phillip. "Those absurb idiots."

"So we should reiterate to them who's the boss?" taas-kilay kong tanong.

"Yes, sir."

Napabuntong-hinga ako. Ayokong ipagpatuloy ang iniwan ni papa sa organisasyon. Ngunit gusto kong panatilihin ang sistema na pinasa ng pamilya ko.

Kahit walang nakakikilala sa totoong mukha at pangalan ko, hindi problema iyon sa 'kin. I prefer to keep it a secret to keep Alice and our unborn child safe.

Hindi ko maaatim na manganganib ang pamilya ko nang dahil sa akin. At kahit na nasa pangangalaga siya ng mga Fuentes, hindi maaalis ang realidad na may sarili akong mga kalaban.

"Alright. Deliver the message: The Lions have woken up from their slumber. A new dawn has arrived for the new lion at the tower. Be wary."

Napansin ko ang pagsibol ng isang ngisi sa mukha ni Phillip.

"Consider it done, sir." Nakuha niya agad ang gusto kong ipahiwatig. Masaya ako na pinatutunayan ni Phillip na hindi nga ako nagkamali na siya ang kuhanin.

Kahit na nagprisinta pa ang tatay niya na ipagpatuloy ang kanyang trabaho sa ilalim mg pamumuno ko, paulit-ulit ko siyang tatanggihan. The era with my father was over... and that included him. The new dawn has arrived.

"Anything else?"

Akmang iiling si Phillip nang biglang tumunog ang kanyang phone at sinilip iyon.

"Well, sir, Mr. Fuentes sent a message just now."

Lalong nangunot ang noo ko. Bakit kay Phillip magpapadala ng mensahe si Ysiquel? Alam naman niya ang numero ko para mag-abala pa siyang i-message ang tauhan ko.

Kinuha ko ang aking phone at nagulat na patay ito. Sinubukan kong buksan ngunit patay pa rin. Inabot ko ang charger at sinaksak ang phone ko. The phone lit up, showing a battery image in red.

I see. He wouldn't be able to contact me anyway. I was just staring at Alice's photos and replaying videos of her with her round belly. Kusang pinadadala ni Ysiquel ang mga llitrato at videos sa akin kahit na hindi ko hilingin kapag pinanood ko raw, nasisigurado niyang buhay pa ako.

Nakatatawa man pero totoo iyon.

Miss ko na si Alice at nasasabik na akong bumalik sa tabi niya. Sana lang ay matapos ko na ang lahat bago ako umuwi sa Pilipinas.

Marahil maaari akong bumalik na sa tabi niya pero kung gagawin ko 'yon, hati ang responsibilidad ko... at ayaw kong iparamdam iyon kay Alice at sa baby namin.

Kailangang pagbalik ko sa tabi niya ay maayos na ang lahat. Kailangang maluwag na sa dibdib kong ikuwento sa kanya ang buhay na kinalakihan ko sa puder ng mga magulang ko.

"What does it say?"

Batid ko ang pagdadalawang isip niya. Tumikhim si Phillip bago nagsalita, "Tell that douché boss of yours that I've been calling him." Matapos sabihin iyon ay tumayo na siyang muli nang maayos.

Napahilot ako ng sentido bago siya muling harapin. Mukhang may pangamba pa rin si Phillip sa akin. Sa pagkakaalam ko ay ilang taon siyang mas bata sa akin pero mula pagkabata ay kinakaharap na niya ang mga ganitong bagay dahil sa tatay niya.

Phillip's old man wasn't the boss but it was nonetheless dangerous.

"You're dismissed," saad ko.

Mukhang nakahinga siya nang maluwag at natuwa na wala akong ibang sinabi. Tumango siya at nilisan ang silid.

Binuksan ko ang laptop ko at sinilip kung online si Ysiquel. Nang makumpirma na online siya ay tinawagan ko na.

Matapos ang dalawang ring ay nagbukas naman ang video chat. Base sa background ay nasa opisina siya.

"Yo, Hatcham," bati ni Ysiquel.

"What do you want?"

"Dinala ang kakambal ko sa ospital kanina," kalmadong aniya at nanlaki ang aking mga mata.

"Ano?!" Napabalikwas ako sa aking pagkakaupo. "Anong nangyari?"

"Ayos lang sila ng anak mo. Masyadong marami lang na nakain na fruit salad at sumakit ang tiyan. Dinala nina mom sa ospital."

Parang nabunutan ako ng tinik sa sinabi niya. Muli akong napasandal at kumalma ang dibdib ko.

"What the actual fuck?" bulong ko na naghahabol sa paghinga.

"At least I know you haven't forgotten about my sister. That's reassuring," aniya sabay ngisi. Kung hindi lang siya kapatid ni Alice, baka sinali ko na si Ysiquel sa ipatutumba ko. Sira ulo 'to.

"Man, don't do that again. I'm going to have a fucking heart attack!" usal ko na siyang kinatawa niya.

"Nasaan na siya ngayon?"

Nangunot ang noo niya. "At bakit ko naman sasabihin sa 'yo?"


"Ha? Hindi ba't in-update mo naman talaga ako?" takang tanong ko.

"Ano sa tingin mo? Basta ko sasabihin kung nasaan ang kapatid ko?" taas-kilay na tanong ni Ysiquel at sumandal sa kanyang upuan at pinagkrus ang mga braso.

"Asshole. Madali ko lang din naman malalaman kung nasaan siya."

"Tingnan natin kung matuwa siya kapag sinabi kong pinasusundan mo siya sa halip na umuwi?" mapang-asar niyang ani. "I'm sure she won't be pleased."

"What the heck, Fuentes?!" Muli akong napabalikwas mula sa aking pagkakaupo. "Kala ko magkakampi tayo?"

"Sino naman may sabi niyan?"

"Gago 'to!" naaasar kong usal. "So anong kailangan kong gawin?"

"Well..." Umupo si Ysiquel nang maayos at nagsimulang magtipq sa kanyang kompyuter. Lumabas ang isang screen sa harap ko na may "Join Match" button.

"Ano 'to?"

"Chess. Kung gusto mong malaman kung nasaan ang mag-ina mo o kung makakukuha ka man ng update sa kanila, play for it."

"Nasisigurado kong hindi matutuwa si Alice na malamang ginawa mong laro ang impormasyon niya."

"Sa 'yo lang naman. At isa pa, hindi naman ako ang umalis nang matagal," nakangisi niyang ani.

Tama siya. Kung ikukumpara ang ginawa kong paglisan sa paglalaro ng chess, wala 'to. Maaari ko namang ipagpatuloy ang komunikasyon sa kanya... but that would make me miss her more and I won't be able to clean up my family's mess faster.

Napakamot ako ng ulo at hinawakan ang mouse. In-accept ko ang imbitasyon niya. It won't be easy because this future brother-in-law of mine is a genius. Pero para kay Alice at sa baby namin, gagawin ko ang lahat.

Little did I know that the match would take a long time. Really long.

***

Please support the story by commenting and voting! Your feedback is greatly appreciated!

PrincessThirteen00 © 23 07 2021

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro