Chapter 1: The End
***
"ILANG beses ko bang dapat ulitin sa 'yo na gamitin mo ang braso mo?!" galit na sigaw ni mama sa akin sabay hila sa aking braso. Mariin niyang pinosisyon kung paano ko dapat ipuwesto ang aking braso. Ramdam ko ang hapdi sa kanyang paghawak. Paniguradong mag-iiwan na naman ito ng marka.
Ang sakit.
"Ang tanda mo na pero hindi mo pa rin tinatatak d'yan sa kokorte mo kung paano mag-block! Bilisan mo! Umayos ka!" sigaw na utos ni mama.
"Sorry, ma," nakatungo kong usal at pumuwestong muli gaya nang sabi niya.
"Sorry? Sorry?!" animo'y kulog ang kanyang boses sa pagdagundong sa paligid. "Ilang ulit ko pa bang sasabihin na huwag mo basta-bastang bibitiwan ang salitang 'yan!" Halos lumabas na lahat ng ugat sa kanyang leeg dahil sa sobrang yamot at galit sa 'kin.
I saw her cracked her knuckles. I could hear the anger in her voice. I could feel the disappointment in her grip.
"Ma..."
"Apologizing is a sign of weakness! And no one should is allowed to see your weakness... kahit sarili mo pa! And as the heir of the Hatchams, hinding-hindi mo dapat sinasabi ang bagay na 'yan! You're such a disgrace! Hindi ka na natuto!"
Lalong napakuyom ang aking mga kamay at nanatiling nakayuko. Ramdam ko ang pag-init at pamamasa ng aking mga mata. Ilang paglunok ang aking ginawa upang hindi tumulo ang nagbabadyang mga luha.
"Pero, mama, hindi naman tayo pinapansin ni papa," pabulong kong sambit. "Hindi naman talaga ako isang Hatcham..."
Nabigla ako nang maramdaman ang mahigpit na paghawak niya sa aking mga pisngi. Mariin din ang kanyang sabunot gamit ang kabilang kamay.
I was made to look up and my eyes met hers which were filled with disgust and rage—a very common sight for me.
"Alam mo kung bakit hindi tayo kinakausap ng papa mo? Dahil sobrang hina mo! Wala kang kuwenta!" galit niyang sambit at lalong humigpit ang hawak sa aking pisngi.
Binitiwan ako ni mama at kinuha ang bote ng alak niya sa mesa. Marahan kong hinahaplos ang galos sa aking braso dahil sa pagkakamali ko kanina. Hindi kasi ako nakailag kaagad sa kanyang sipa.
"Bwusit na buhay 'to!" sigaw niya sabay tapon ng bote sa parang na siyang kinagulat ko. Nabasag ang bote at kumalat ang daan-daang mga piraso nito sa 'di kalayuan.
Maraming bote na siyang nabasag doon at hindi pa rin siya humihinto. Bawat araw na magkakamali ako sa pag-eensayo, ibabato niya ang bote.
Natatakot ako na kapag nagkamali pa ako ay sa akin na niya ihahagis ang bote. Kaya't kahit ang hirap ng mga pinagagawa ni mama, ginawa ko ang lahat nang makakaya ko.
Sinilip kong muli ang direksyon ni mama at may kinuha siya sa kahon na gawa sa kahoy. Kinuha niya ang isang mahabang latigo at masamang tumingin sa aking direksyon.
Nanlaki ang aking mga mata at napakagat ako sa sariling mga labi. Ito na naman. Wala nang iba pa.
"Talikod!" sigaw niya.
"Ma..."
"Sabing tumalikod ka!" Nanginig ang aking katawan dahil sa lakas ng kanyang pagsigaw. Hindi ko na kailangang pang tingnan ang kanyang mukha para masabing nanlilisik ang mga 'yon.
Kahit hindi pa magaling ang aking likod, doble dagok na muli ang mararamdaman ko.
Napayakap ako sa aking sarili. Bakit kasi napakahina ko?
Ang sakit.
Tama na.
Gusto kong sumigaw. Gusto kong humingi ng tulong pero paano? Anong magagawa ko?
Gusto ko lang naman na maging proud si mama sa akin at hindi na namin kailanganin pa si papa pero bakit galit na galit lang si mama sa akin?
"Walang kuwenta! Sana hindi ka na lang nabuhay!" singhal niya at pumosisyon na gamit ang latigo.
If words could physically hurt, I might have died a long time ago.
***
Napamulat ako na naghahabol ng paghinga. Paulit-ulit kong napapanaginipan ang nakaraan.
Inabot ko ang aking cellphone at sinilip ang oras. Alas cuatro na nang umaga. Bumangon na ako at nag-inat. Napasapo ako sa braso ko dahil nakaramdam ako roon ng sakit. Binuksan ko ang ilaw at tumambad sa akin ang kulay ubeng pasa. Hindi na nakapagtataka.
Galing 'to sa pag-eensayo kahapon kasama ang ilang tauhan ni papa. Maghapon kaming nag-te-training at limitado lang ang oras ng pahinga.
Pero nadulas ako mula sa sarili kong pawis kaya't sa halip na maayos kong masasangga ang isang malakas na sipa, nakatanggap ako ng sipa at sunod-sunod na suntok.
Naligo muna ako bago sinuot ang pang-alis kong damit at saka lumabas ng aking kuwarto.
Narinig ko ang pagkalansing ng ilang kubyertos sa pinggan. Pagpasok ko sa kusina at naroon na nga si Nanay Maria at Tatay Reynante.
"'Nay, 'tay," pagtawag ko.
"O, gising ka na pala. Halina't sumabay ka na sa amin sa pagkain," anyaya ni tatay na mukhang kakaubos lang ng pagkain sa bibig.
Naupo ako sa harapan nila at binigyan ako ni nanay ng pinggan. "Ayos lang ba sa 'yo ang sinangag at spam? 'Yon lang ang mayroon tayo ngayon, e."
"Ayos lang po," magalang kong turan.
"Sige, kumain na tayo," nakangiting ani nanay.
Sa dami nang nangyari sa akin dito sa Paris, sina tatay at nanay ang naging sandalan ko. Sila ang tagapangalaga ni papa dito sa mansyon. Kung hindi dahil sa kanila, hindi rin siguro ako makapagsasalita ng Tagalog magmula noong kuhanin ako ni papa ilang taon na ang nakalilipas.
Nang matapos kaming kumain ay tinulungan ko silang magligpit pero hindi ako pinayagan ni nanay.
"Ipahinga mo 'yang mga braso mo. May pasa ka r'yan, hindi ba?"
Napatingin ako sa kanya at nagtama anag aming mga mata. Naiilang akong tumingin sa ibang direskyon at napahawak ako sa lokasyon ng pasa.
"Ayos lang po ako."
"Hay naku! Kami pa talaga ang tinaguan mo, e, kita namin kahapon ang nangyari. Ito ang cream, o," ani tatay sabay abot ng cream para sa pasa.
Bilang mga tagapangalaga, may access sila sa buong mansyon. Marahil ay mas malawak pa ang access nila sa kumpara sa akin. Hindi na ako magugulat kung 'yon nga ang totoo.
"Salamat, 'tay."
"Wala 'yon. Itong batang 'to talaga."
Malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil sa delikadong mundong ito, sinasamahan nila ako at tinuturing na pamilya. Kahit na may pagkakataon silang bumuo ng sarili nilang pamilya, hindi nila iyon pinagpatuloy. Bagkus, hindi rin ako naging iba sa kanila.
"'Nay, alam n'yo po ba kung nasaan si papa?"
"Nasa training grounds ngayon. Hindi ka pa rin ba kinakausap?" tanong ni nanay.
"Hindi pa po. Kailan kaya ako kakausapin ni papa?"
"Hindi ko sigurado pero naniniwala akong mangyayari rin 'yan."
"Sana nga po, 'nay. Ang tagal ko na rito pero hindi ko pa rin siya nakakausap."
Hinawakan ni tatay ang braso ko at tinapik-tapik. "Tiwala lang, anak. Alam kong maiintindihan ka rin ng papa mo."
Tumango na lang ako sa sinabi niya. Ganito naman lagi. Wala pa ring pagbabago. Hindi na ko nagulat pa.
"Sa library muna po ako." Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila at dumeretso na sa private library.
Doon ko ginugol ang oras ko sa pag-aaral para ipakita kay papa na desidido ako sa buhay na pinasok ko. Mama trained me to be this way against papa. I needed to prove my worth to my parents. I need to prove that I am worthy of the Hatcham name.
Tahimik ang library at libo-libo ang lamang mga libro. I took several philosophies and French translation books from the shelves. Ang dami kong dapat pag-aralan sa lalong madaling panahon. Kailangang makuha ko ang tiwala ni papa at makatuloy sa States.
Doon na nakatira si mama at kailangan ko siyang makausap nang harapan. Kailangan ko.
Matapos akong kuhanin ni papa mula sa kanyang puder noong labing-anim na taong gulang pa lang ako. 'Yon ang unang beses kong nakita at nakausap nang personal si papa ngunit pagpapakilala lamang ang nagawa namin.
Paglapag ko pa lang dito sa France, dinala na niya ako sa liblib niyang mansyon. Mula noon, hindi na ako nakalabas pa. I was secluded from the world.
Or rather, the world was kicked out and hidden away from me.
Umasa akong magkikita kami ni papa kahit lingguhan man lang. Matapos ang ilang taong pag-eensayo ko sa ilalim ng mahigpit na pagtuturo ni mama, akala ko ay maipagmamalaki ko na kay papa at agad madadala ang pangalan ng isang Hatcham.
Akala ko lang pala.
All of it was just my unreachable dream. None of it were ever going to happen.
Mahigit isang taon na rin kaming hindi nagkikita ni papa. Sunod-sunod lamang ang pagpapadala niya ng mga tutors. Walang humpay rin ang pag-eensayo ko sa ilalim ng mahihigpit niyang tauhan.
Walang araw na hindi ako nagkapasa at nasugatan. Walang araw na hindi ako nasaktan.
Nakarinig ako ng pagkatok at pagbubukas ng pintuan. Hindi ko na kailangang lingunin paskung sino ang pumasok. The footstep says it all.
I closed my eyes and listened to the stealthy movements approaching my direction. Nang mawala ang sobrang gaang paghakbang, nagmulat ako ng mga mata.
Isang lalaking naka-itim na maskara at kausotan ang nasa aking harapan. Isa siya sa mga tutors ko.
"Is it time already?" Isang simpleng pagtango ang binigay niya. At gaya nang nakasanayan, wala akong boses na narinig.
Tumayo ako at sumunod sa kanya. Sinuri ko kung anong armas ang dala niya ngunit wala siyang dala. Nakabalot lamang ang kanyang mga kamay.
Shit!
It will be another all out brawl with their other men until me or their group of five gives up. And as always, I am not permitted to give up.
My life is tied on the line and nothing wonderful has ever happened to me... to my life.
I thought that coming to France would make everything better but I was wrong. Very wrong.
Coming to France signified the end of my desired beginning.
May magiging pagbabago pa kaya?
***
Please support the story by commenting and voting! Your feedback is greatly appreciated!
PrincessThirteen00 © 05 04 2021
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro