Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

7

7

"What the heck?! Hindi ko akalaing magagawa niya sayo yan!" Pag aalburoto ni kai.

Napatingin naman ako kay sehun, halata sa kanya na galit na galit na siya kaya tumayo ako at pinakalma siya.

Ayokong lumala pa ang gulo, ayokong mag away sila ng dahil sa akin..

"That jerk.. that fvcking hyung of mine" he clenched his jaw..

"S-se, please calm down. Ayos na ako.."sabi ko sa kanya, tinignan niya ako. Kita ko sa mata niya yung apoy, kung gaano siya kagalit.

"No baek, hindi na tama ang ginagawa niya sayo. I don't care kung magkapatid pa kami.. tabi baek, pupuntahan ko siya" paalis na siya para puntahan si chanyeol pero niyakap ko siya para pigilan siya.

Ito na ang sinasabi ko, naguguilty na ako. Sabagay ako ang may kasalanan ng lahat , kung hindi ko lang ipinagpilitan ang sarili ko kay chanyeol noon, hindi sana mangyayari to ngayon.

"P-please sehun. Please, wag mo ng awayin si chanyeol. Wala siyang alam sa nangyari..kasalanan ko 'to . Wag mo siyang sisihin."

"Hindi baek, wala kang kasalanan! Kahit hindi niya alam ang nangyari, hindi naman tama yung saktan ka niya ng ganito! Bitaw na baek,kakausapin ko si hyung!" Imbis na bumitaw ako ay niyakap ko pa siya ng mas mahigpit..

"Sehun please.. Tama na,please wag na kayong mag-away. Please..." tumingala ako para tumingin sa kanya, lumambot ang itsura niya nang makita niya akong umiiyak at niyakap niya ako pabalik.

"Shhhh. Tama na baek.. okay, kakalimutan ko ang nangyari ngayon. Pero once pang ginawa sa iyo ulit ni hyung to kakalimutan kong may kapatid ako. Shh.." sabi niya at hinahaplos ang ulo ko.

Niyakap lang niya ako hanggang sa kumalma ako..

***

Kyungsoo's POV

Grabe na ang mga nangyayari ngayon, at ang kapal pa ng mukha ng park fvckyeol para gawin yun kay baek. Naawa na ako sa kanya, hindi niya deserve ang tratuhin ng ganito.

"Oh, hyung labs.. mukhang malalim ang iniisip mo ah.. si baek?" Malungkot akong tumingin sa kanya at hinalikan niya ako sa noo..

" don't worry hyung. Magiging maayos din siya.. alam mo naman si baek,matapang yan. Di yan susuko" matipid akong ngumiti sa kanya.

"Oo siguro nga.." napangiti siya at hinila ako ..

"Okay,the best way to cheer do kyungsoo up ay ang ice cream.. tara sa ice cream parlor! " parang batang sambit niya..

"Ice cream parlor? Doon ba nagpapagupit yung mga ice cream?" Tanong ko. Natigilan siya sa paglalakad at naweweirduhang tumingin sa akin..

"Last mo na yan hyung.. corny mo.." then we laughed..

"Nagsalita ang di corny.."

"Mana lang ako sayo!."Sabi niya sabay gulo ng buhok ko, aish..

"KAAIIII!" sigaw ng isang babae, napalingon kami kung saan nanggaling yung boses..

At ayun may lintang papalapit sa amin..

"K-krystal? Bakit?" Tanong ni jongin sa kanya, at itong linta na to. Aba't grabe kung makadikit!

"Are you going home na? Sabay na tayo!" Sabi ng linta.

"A-ahh ano kasi.. may pupuntahan pa kami ni hyung.."sabi niya at binigyan niya ako ng tulungan-mo-ako-look. Sumingit ako sa kanilang dalawa para mapaghiwalay sila.

"Oo, may pupuntahan kami so back off. Or mas okay kung umuwi ka na lang mag isa" bored na sabi ko sa kanya at ang gag* nilagpasan ako.

Bastusing bata hoy!

"So saan kayo pupunta? Pwedeng sumama? Please?" Nagpuppy eyes ang linta . Mukha siyang pug..

Napatingin naman sa akin si jongin na para bang nagtatanong.. binigyan ko naman siya ng isang glare..

"Ano kasi krystal . Pupunta sana kami sa ice cream parlor para--"

"Yey! Ice cream! Tara na! Libre mo ah!" Sabi ng linta at hinila na palayo si jongin.

Anak ng! Mukhang magiging masama ang araw ko ngayon..

Sh*t!

****

Sehun's POV

Nang maihatid ko si baek sa bahay nila ay umuwi na ako. Nag skip na ako ng dance practice ko, nawalan ako ng gana.

Pagdating ko sa bahay ay wala pa si mommy kaya dumaretso muna ako ng kwarto bago ako pumunta ng kusina..

Doon ko nakita si hyung.. kumakain siya..

"Oh,sehun. Nandito ka na pala.. kumain ka na." Sabi niya ng nakangiti.

Nilagpasan ko siya at dumaretso sa ref. Kumuha ako ng tubig at uminom.

"Wala akong gana.." palabas na ako ng kusina ng magsalita siya..

"What's wrong with you? May sakit ka ba?" Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya..

"Wala, hindi ko lang matagalan na kasama ka sa pagkain.. mas lalo akong nawawalan ng gana.." then i looked at him, napakunot ang noo niya sa sinabi ko..

"Ano bang pinagsasabi mo sehun?!" He asked. I gave him my famous smirk .

"Wala ulit, sinasabi ko lang kung anong nasa isip ko" alam kong napipikon na siya sa akin,never pa siyang nagalit sa akin. We used to be close since kids, at lagi siya ang nagpapakumbaba sa tuwing nag aaway kami sa mga maliliit na bagay.

At once na maging akin na si baek, hinding hindi ko na siya ibabalik kay hyung. Call me selfish, wala akong paki. Basta ang alam ko lang gawin ngayon ay ang protektahan at mahalin si baek.

"Yung byun b*tch naman ba yun?! So ano? Nagsumbong na siya sa iyo?" Sabi niya at lumapit sa akin

"Don't call him b*tch! Hindi siya b*tch katulad ng inaakala mo! " he smirked and snorted

"So anong gusto mong itawag ko sa kanya? Whore? Slut? "

"YOU, JERK!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinablot ko ang collar niya..

Susuntukin ko na sana siya nang maalala ko ang pangako ko kay baek.. nangako ako kay baek.. tama na sehun,calm down.

"Oh? Natigilan ka yata?! GO! SUNTUKIN MO AKO! YAN ANG GUSTO MO DI BA?! COME ON! PUNCH THIS JERK!" pasigaw niyang sabi, tinitigan ko parin siya ng napaka-sama at binitawan siya.

"Kung alam ko lang na mangyayari 'to. Sana hindi ko nalang hinayaang mahulog sayo si baek.. i wished hindi nalang kita naging hyung, you're the worst. Pasalamat ka dahil nangako ako kay baek na wag kang saktan.." sabi ko at tumalikod na.

"Remember this hyung, once na ibigay mo na sa akin si baek. Hinding hindi ko na siya ibabalik sa iyo .."

"I don't need him, iyo na siya"sabi niya pero hindi siya nakatingin ng straight sa akin..

"You'll regret this.." sabi ko at naglakad na palayo.

-----

Dedicate nga pala itong chapter kay @babybunnyboo08

And Happy birthday sa aking Master at UB na si Do Kyungsoo at advance happy birthday sa Nini niyang si Kim Jongin!❤❤ dedicate ko rin sa inyo ito! We love you!⊙♡⊙ tuloy pa rin ang support namin sa inyo! ♥

-thine

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro