Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

4

4

Nasa kusina ako ng pamilyang park, ilang beses na akong pabalik-balik dahil laging nagpapakuha ng arrozcaldo si sese sa akin. Sobrang sarap ba talaga ng luto ko?

Lumabas ako ng kusina nang maabutan ko si yeol na papasok rin ng kusina. Natigilan ako nang magsalita siya.

"Pagkatapos ng nangyari, nagagawa mo pang pumunta dito? Ganyan ba talaga kakapal ang mukha mo?" nasaktan ako sa mga sinabi niya pero imbis na manghina at maiyak ako sa sinabi niya ay nilakasan ko ang loob ko. Kailangan nang magbago ni baekhyun, alam kong mahirap pero kailangan.

"Mr. Park Chanyeol,hindi uso ang bitter sa akin, hindi ako apektado sa mga nangyari and si sehun ang ipinunta ko dito at hindi ikaw, kahit na may past tayo hindi ibig sabihin nun ay bawal na akong bumisita kay sehun at tita. He's my bestfriend afterall. Kung ayaw mong nakikita ako dito, fine.. Pero hinding hindi ako aalis dito nang hindi sinasabi ni tita o ni sehun." And after that i left him there dumbfounded.

Pumasok na ako sa kwarto ni sehun at nakita ko siyang seryosong nakatingin sa picture na hawak niya. Nang mapansin niya ako ay itinabi niya yung picture sa side table niya.

"Baek.." ngiti niya nang makalapit ako, tumingin ako sa picture sa side table. Yun pala yung picture nilang magkapatid na kasama ako.

Si sehun at chanyeol sa magkabilang side at nasa gitna ako. Mukhang naiirita talaga si chanyeol sa picture at si sehun naman abot tenga ang ngiti na naka-akbay sa akin.

"Hmm?" Tanong ko sa kanya.

"Balita ko naka-usap mo na si hyung, anong nangyari?" Natigilan ako sa sinabi niya at umupo na sa tabi niya.Napayuko ako at nilaro ang mga daliri ko.

"i gave up on him, pinakawalan ko na siya.. " nakayuko parin ako, ayokong makita niya akong umiiyak..

Tinap niya ang ulo ko at niyakap.

"Shhh, okay lang yan.. tama lang ang ginawa mo kaya wag ka nang umiyak.." pagcocomfort niya sa akin..

"Ang sakit sehun, bakit ganun? Ang sakit sakit!" Kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa dibdib niya, ramdam ko pa ang tibok ng puso niya. Tinignan ko siya, seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

"Baek, i love you.." nanlalaki ang mga mata ko sa mga sinabi niya.. h-he loves me?

"Y-you w-what?"

"I love you, matagal na. Matagal ko nang gustong sabihin sa iyo kaso alam kong si hyung ang gusto mo kaya itinago ko nalang sa iyo. Ayoko din masira ang friendship natin,natatakot akong iwasan mo ako. Kung dati si hyung ang lagi mong nakikita, please baek ngayon, ako naman sana ang makita mo. Ayokong nasasaktan ka, hindi ko matiis ang mga ginagawa ni hyung sa iyo. Gagawin ko lahat ng bagay na hindi kayang gawin ni hyung sa iyo. Liligawan kita or kung hindi ka papayag, please let me love you. pasasayahin kita. Hindi kita sasaktan, i will treasure you. Just please give me a chance.." wala akong masabi sa sinabi niya, hindi ko akalaing ito ang nararamdaman ni sehun.

Pero ano nga ba ang dapat isagot ko sa kanya? Ayokong masaktan si sehun, pero sincere naman siya. Dapat nga bang bigyan ko siya ng chance?

"Uhhm, sehun.. Thank you dahil naging honest ka sa nararamdaman mo ngayon. Thank you din sa lahat ng nagawa mo sa akin, sa mga panahon na may problema ako lagi kang nandyan. Kapag kailangan ko ng tulong lagi kang dumarating.. Thank you dahil mahal mo ako.. pero pwedeng bigyan mo muna ako ng oras para pag isipan 'yan?" Ngumiti lang siya at hinalikan ako sa noo pagkatapos ay sa tip ng ilong ko.

"Okay, i will wait for your answer.. I love you byun baekhyun.." napangiti ang ako sa sinabi niya at niyakap siya ng mahigpit..

Ano dapat na sagot? Irereject ko ba siya o bibigyan ng chance?

~~~

Kinabukasan ay ang mukha ni sehun ang una kong nakita nang magising ako, sabi niya ay nahatid na niya si luhan sa school. Mukhang nalate ako ng gising ngayon, hindi ko naasikaso ang kapatid ko.

Sabi niya pa sabay na kaming pupunta ng school , maglalakad lang daw kami para exercise na rin daw.

Nang makarating kami sa school ay umakbay pa sa akin si sehun . Binatukan ko siya.

"Awww! What was that for?" Reklamo niya, tinignan ko siya ng masama.

"Tanggalin mo nga yan! Baka ano pang sabihin nila.." galit na bulong ko sa kanya.

"Hayaan mo sila, bagay naman tayo kaya ayos lang.."

"Anong connect?"

"Wala, pero tayo meron" then he wiggled his eyebrows, hinampas ko lang siya at yumuko.. Feeling ko talaga umakyat lahat ng dugo sa mukha ko..

"Ay! Anong meron? May hindi ba kayo sinasabi sa akin?" Biglang sulpot ni kyungsoo kasama si jongin, magkaholding hands pa ang choco na gatas tandem.

"Ohorat! Brad, kayo na ba?" Tanong ni jongin sa amin.

"Dapat nga kami ang mag tanong sa inyo nyan.. " then tumingin kami sa kamay nila, agad namang bumitaw ang dalawa at namula.

"H-hindi ah. A-ano kasi nagmamadali kami kanina kaya hinila ko siya, ang bagal kasing maglakad." Sabi ni soo at nilaro ang dulo ng polo niya.

"Ano kasi, hindi naman kami pero.." sabi ni jongin na nahihiya pa.

"Pero ano?" Tanong namin sa kanya.

"Ano kasi, nililigawan ko pa lang siya" pag aamin niya na ikinagulat naming dalawa.

Halatang nagulat din si soo kaya nahampas niya ng pagkalakas lakas si jongin sa katawan nito. Kahit kailan talaga ang hilig nitong hampasin si jongin..

"Aray soo! Ang sadista mo talaga! Pero ayos lang chansing ka naman sa abs ko. A-aray! Soo joke lang naman yun eh! Tama na! Ouch!" Hinampas hampas ulit siya ni soo sa sinabi niya, adik kasi eh.

"Kailan pa 'yan?" Tanong ko ..

"Actually last week pa, nahihiy lang ako sabihin sa inyo" sagot ulit ni jongin, mukhang nakagat na ni soo yung dila niya..

"Eh , kayo? Nagliligawan ba kayo?" Tanong pabalik sa amin ni jongin. Parang nabuhusan ako ng napakalamig na tubig. Wala pa pala akong sagot kay sehun..

"Ano kasi.." naghihintay sila ng sagot, hindi ko talaga masagot, paano ba 'to?

Lumipas ang 1 minuto wala parin akong masagot nang..

"Oo nililigawan ko siya." Biglang sabi ni sehun na ikinagulat naming tatlo,lalo na ako.. akala ko ba maghihintay siya ng sagot..

Lumapit siya sa tenga ko at bumulong..

"Sorry baek, nandito si hyung,nasa likod natin." nanigas naman ako sa sinabi niya at tumango, narinig niya yung sinabi ni sehun..

"Wow! Hindi ko akalaing aabot kayo dyan! Bagay kayo baek! Sebaek! Yes! My ship!" Kinikilig na sabi ni kyungsoo.

"Congrats pre, naabot mo na rin ang pangarap mo!" Sabi naman ni jongin at nag bro fist sila.

Lahat ng iyon hindi ko pinansin at dahan dahang lumingon sa likod ko..

Oo,nandoon nga si chanyeol kasama si dara..

At ang worst..

Masama ang tingin niya sa akin..

~~~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro