Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

38

38

Ibinaba ni chanyeol ang maleta niya mula sa compartment ng kotse. Nag aalalang lumapit sa kanya si sehun at ang naiiyak na si irene.

"Sigurado ka na bang aalis ka?" tanong ni sehun sa kanya.

Tumango siya at binigyan ang dalawa ng siguradong tingin. Tumingin siya sa relo niya, oras na niyang pumasok sa loob dahil marami pa siyang aayusin para sa flight niya.

Niyakap niya ng sehun at niyakap naman siya pabalik nito, sa tagal ng pinagsamahan nila ay ngayon lang sila mahihiwalay sa isa't isa. Nakakalungkot lang dahil aalis na ang hyung niya.

Chanyeol glanced at irene, naluluha na talaga ito. Lumapit siya sa bestfriend at niyakap ito ng mahigpit.

"Ang iyakin mo talaga irene no?"natawa lang si irene at niyakap pabalik si chanyeol. 

"Sige, papasok na ako sa loob. Mag-iingat kayo ah."sabi niya at kinuha na ang maleta. Ngumiti at tumango tango ang dalawa, Kumaway pa siya sa mga ito bago tuluyang umalis.

---

Lahat sila ay nasa isang sikat na restaurant, Ibinalita kasi ni irene na engaged na si joong ki at hye kyo kaya ininvite sila nito para sa engagement party nila. 

Kasama din nila si taeyeon, okay na din sila nito. After ng pag uusap nito kay irene ay nakalma ito at sumuko. Tutal wala naman daw itong magagawa kaya bumitaw na ito. Kaya ngayon ay friends na ulit sila.

Isang buwan na rin ang nakalipas, isang buwan nang hindi nakikita ni baekhyun si chanyeol at nagtataka siya dahil hindi na ito nagparamdam sa kanila. May nangyari kaya dito? Nasaan kaya ito?

Kung dati ay hindi na niya pinansin ito ngayon ay ititigil na niya ang pananahimik niya.

"Guys, uh, matanong ko lang... Nasaan si chanyeol? Isang buwan na siyang hindi sumasama sa atin, may problema ba?" tanong niya sa lahat, lahat ay natigilan sa pagkain at ni isa sa kanila ay walang lumingon. Doon na siya nagtaka, at tumingin naman kay sehun.

"Se, nasaan ang hyung mo?" tumingin ito sa kanya pagkatapos ay bumalik din sa pagkain.

"Why aren't you answering my question?" sabi niya sa lahat. nakita pa niya na siniko ni jongin si sehun. 

"Hindi mo ba sasabihin sa kanya?" tanong nito kay sehun. Sehun sighed at humarap sa kanya..

"Sorry, kung natagalan bago namin sabihin 'to. Nasa china si hyung" sabi ni sehun at pinunasan ang bibig gamit ang puting panyo. 

"Ahh, kailan ang balik ni---"

"Matagal siya bago makabalik, siguro after 3 years or hindi na" malamig na sabi ng boyfriend niya sa kanya. Natahimik siya, bakit matatagalan si chanyeol? bakit hindi na siya makakabalik? Tatanungin na sana niya kung bakit, nang sagutin na agad ni sehun ang tanong na iyon.

"Dad,wants him to run our bussiness there, kaya doon na din daw siya titira at mag-aaral" Bigla siyang nainis,. Biruin mo one month, One fvcking month niyang hindi alam at wala ni isa sa kanila ang nagsabing umalis ito. Naiinis din siya kay chanyeol dahil umalis ito nang hindi nag sasabi o nagpapaalam man lang.

"Bakit hindi niyo sinabi sa akin?!" Lahat sila hindi sumagot pwera kay irene.

"He told us not to tell you, ayaw niyang isipin mo na aalis siya dahil sa nireject mo siya, ayaw niyang maguilty ka." sabi nito. Napahawak siya sa ulo niya, at bakit niya iisipin iyon? hindi siya ganoon kababaw para isipin iyon, that dumb park chanyeol!

"That idiot... Excuse me pupunta ako sa restroom" aniya. Tumayo at iniwan silang lahat ..

Nang makarating sa CR ay doon siya nagsimulang umiyak..

---

"Hey, baek? are you listening?" tanong ni sehun sa kanina pang pagluluto na si baekhyun, inimbita kasi sila ni mrs. park sa bahay nila, at nag insist si baek na siya na ang mag luluto para sa tanghalian. Naging ganito ang boyfriend niya after ng engagement party ni joong ki at hye kyo. Madalas itong lutang, ayaw niyang nakikita ng ganito si baekhyun, kahit sabihin niyang masaya siya, hindi iyon ang nakikita niya sa mukha nito.

"Baek?" aniya at tinapik ito. medyo napatalon pa ito sa gulat at tumingin sa kanya.

"Ha?"

"You're spacing out again.." Malungkot na sabi ni sehun. Pilit na ngumiti si baek at ipinagpatuloy ang pagluluto.

"Hindi no.. May naisip lang ako..." sabi nito at inilagay karne sa soup.

"Sino? Si hyung?" natigilan ito sa paghahalo nang marinig ito. Pagkatapos ay humarap sa nakababata at yumuko.

"I'm sorry" mahinang sabi niya, ngumiti ng peke si sehun. Umupo siya sa kitchen counter at sinimulan pag laruin ang mansanas na nasa basket.

"Mahal mo pa rin siya, hindi ba?" tanong niya dito. Hindi alam ni baek ang isasagot dito, alam niya sa sarili niya na mahal pa niya si chanyeol pero ayaw na ayaw niyang  saktan si sehun dahil all this time si sehun ang nasa tabi niya, mahalaga sa kanya si sehun.

"Alam mo hyung, kung yung nararamdaman ko ang inaalala mo. Okay lang sa akin, gusto kong maging honest ka sa akin ngayon. Mas lalo lang akong masasaktan kung niloloko mo lang ako at ang sarili mo."sabi niya at kumagat sa mansanas na hawak niya. Tama si sehun, Mas masakit kung sabihin mo sa isang tao na mahal mo siya kahit di ka sigurado doon. Matagal nang nasasaktan si sehun, Di man halata iyon ang totoo. Nasa kanya nga si baekhyun pero ang puso nito hawak ng iba.

"Sorry sehun.." Alam na ni sehun ang ibig sabihin ng iyon kaya ngumiti siya.. yung genuine.. inilapag niya ang mansanas sa tabi at bumaba sa counter para yakapin si baekhyun.

"Ano ba, ayos lang. Masaya ako dahil naging honest ka. Oo masasaktan ako pero sandali lang ito." sabi niya, tumingala si baek para tignan si sehun, nakita nito ang ngiti sa mukha niya kaya doon siya nagsimulang umiyak.

"magiging okay ako, promise. Wag ka nang umiyak hyung" aniya at hinaplos ang buhok ni baek.

"Sehun, salamat... salamat sa l-lahat. Sorry, sorry" bulong ni baek, hindi niya alam kung anong sasabihin niya basta malaki ang pasasalamat niya kay sehun, na hindi siya iniwan simula noong una. Laking pasasalamat niya dahil nagkaroon siya ng mabait at mapagmahal na boyfriend na katulad ni sehun. Hindi niya deserve ito, may mga tao pang mas magpapahalaga ng pagmamahal ni sehun balang araw, at malay niyo kayo na iyon , hehe!

"Don't be sorry. shhh, tahan na" sabi niya, hindi niya napansin na may tumutulong luha sa mata niya. Nasasaktan siya ngayon. Kahit sabihin niyang okay lang siya, Masakit pa rin para sa kanya.

---

5 years passed

"Hyung, Magsestay ba ako sa unit ni sehunnie?" tanong ng ngayon ay 13 years old na si luhan. Tumango si baek at kinuha na ang gamit niya. 

"Wag mong bigyan ng sakit ng ulo ang hyung mo okay?" bilin niya dito, umupo naman ito sa kama ni baek at nagcrossed arms. Nagmamatured na ang kapatid niya at problema iyon, masyadong matigas kasi ang ulo.

"Ayoko doon, lagi na lang nandoon si irene noona." Luhan sulked. He sighed.

"Anong magagawa natin? Girlfriend niya si irene." Ngumiti ng demonyo ang kapatid niya, ang creepy lang.

"Edi, aagawin ko siya, hindi pa naman sila kasal eh" Napailing na lang si baek at mahinang binatukan ang kapatid. Lumabas na siya sa kwarto at nag pout na sumunod ito sa kanya.

"Seryoso ako hyung. Si sehun ang magiging asawa ko balang araw, yun ang sabi ng manghuhula na  nakausap ko noong isang linggo sa simbahan" natawa si baekhyun at ginulo na lang ang buhok ni luhan, masyado daw nagpapaniwala ito sa hula.

"Mauna na ako, Susunduin ka ng sehun hyung mo. Alagaan mo ang sarili mo okay?" aniya at kumaway dito.

"Okay, ingat hyung.. pasalubong ah" Ngumiti lang siya bago tuluyang makasakay sa taxi.

Napatingin siya sa kwintas na suot niya, at lumaki ang ngiti sa labi niya...

Sa wakas.. Pagkatapos ng maraming taon, magkikita na ulit sila...

----

(a/n:One more chapter then epilogue.. :D)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro