37
37
"Sehun, can i talk to you for a sec?" tanong ni chanyeol sa kapatid niya nang makaalis si baek at irene, agad naman tumango si sehun . Gusto na rin tanungin ni sehun kung may problema si chanyeol dahil napakastrange ng ikinikilos nito lately.
nang makalayo na silang lahat sa mga kasama nila ay agad na nag salita si chanyeol.
"Si dad... Pinapapunta niya ako sa china.. Bukas na ang flight ko" sabi niya, nagdugtong naman ang mga kilay ni sehun sa narinig.
"Bakit daw? Is that old man lonely?" inis na tanong ni sehun, naiinis pa rin siya sa dad niya. Katulad ng sinabi ni chanyeol, laging walang time ang dad nila sa kanila dahil laging nasa trabaho ito.
"No, He needs me there. Ako ang maghahawak ng bussiness."
"Hanggang kailan ka doon? hanggang matapos ang summer?" tanong ni sehun, Sandaling natahimik si chanyeol at di rin nagtagal ay nag salita.
"Doon na ako titira, for good." Natigilan si sehun sa narinig . Dahan dahan siyang lumingon sa hyung niya.
"You're not serious, right?"
"Im dead serious, park sehun. Dad wants me to live there permanently, at doon na tapusin ang studies ko" mahinang napamura si sehun , wala naman siyang magawa kung iyon ang gusto ng dad niya at nakay chanyeol naman iyon kung gusto niyang tumuloy o hindi.
"that's bullsht hyung! Papayag ka na lang ng ganoon? Pwede ka naman humindi kay dad ah! At saka hindi pa tapos ang match natin!" Napangiti si chanyeol sa sinabi ni sehun at ginulo ang buhok nito.
"Naka-usap ko na si baek. Alam ko nang talo na ako kaya hahayaan ko na siya sa iyo, take care of him for me okay?" sabi niya. Mas lumukot ang mukha ni sehun, naiinis siya dahil ang bilis sumuko ng hyung niya. Masyado siyang talunan.
"And by the way, please wag mong sabihin kay baek na aalis ako. Ayokong isipin niyang umalis ako dahil binasted niya ako." tumango ng mabagal si sehun, hindi lang siya naiinis ngayon sa dad niya dahil pati sa hyung niya naiinis na siya.
"I hate you hyung"
"I know brother , i know"
---
Lahat sila pabalik na kasama si joong ki sa tinutuluyan nila dahil hapon na at mas maganda daw kasi ang view ng sunset doon. Habang naglalakad ay natigilan sila nang makarinig ng isang sigaw.
"SONG JOONG KI, YOU BSTARD!" lahat sila napalingon sa pinanggagalingan ng boses na iyon at nakita ang isang magandang babae, agad naman bumalik ang paningin nila kay joong ki na gulat na gulat makita ang babae.
Tumakbo ito papalapit sa kanila.
"Oh, Kyo anong ginaga---"
PAK!
Guess what? Nasampal lang naman si joong ki oppa. Nanlaki ang mga mata nila sa ginawa ni hye kyo, lalo na si joong ki na nahawak ang parte kung saan siya sinampal.
"WAG MO AKONG MA-KYO KYO DIYAN! GUSTONG GUSTO KITANG SAPAKIN NGAYON ALAM MO BA YUN?" Natahimik si joong ki sa sinabi ng babae, hinahanap pa rin niya ang sagot kung bakit galit na galit ito sa kanya.
"T-teka bakit ba---"
"I HATE YOU! I HATE YOU SO MUCH! MAKINIG KA MUNA SA AKIN , YOU ASSHLE! PAGKATAPOS MONG SABIHIN NA MAHAL MO AKO, AALIS KA NA LANG NG BASTA BASTA NANG HINDI MO SINASABI? HINDI MO MAN LANG HININTAY ANG SAGOT KO, IDIOT! SA TINGIN MO BA GANOON AKO KABABA PARA HINDI KA SAGUTIN! TNGINA GUSTO KITANG SAKALIN KANINA PA!" mas dumoble ang laki ng mga mata nila sa sinabi ni hye kyo. Magsasalita na sana si joong ki nang sugurin siya ni hye kyo ng halik.
Napangiti si irene at kyungsoo sa nakita at sinabi sa mga kasama na hayaan na lang silang dalawa at magpatuloy sa paglalakad. Pati si chanyeol napangiti sa scene na iyon, naiinggit siya. Yung komplikadong relationship nila naging maayos na, samantalang sa kanila walang wala na.
Napatingin siya kay baekhyun na nasa harapan niya at todo ang kapit sa kanya ni taeyeon, hanggang kailan daw ang taeyeon na yan, hindi ba siya nagsasawang dumikit kay baekhyun?
Nang makabalik sa tinutuluyan nila ay sinenyasan na siya ni irene na kausapin si taeyeon kaya hinila niya ang babae sa gilid ng cottage para kausapin ito. Medyo nagulat pa ito sa ginawa niya.
"Taeyeon, may kailangan akong sabihin sa iyo" Sabi ni baek , napangiti si taeyeon sa narinig, akala siguro yayayain na siya ni baek na magdate sila.
"Please stop this" aniya at dahil doon, nawala ang ngiti sa labi ni taeyeon.
"Stop what baekkie?"
"This.. Please taeyeon, may boyfriend na ako." pagmamakaawa niya, pero nagmatigas ito.
"I don't care, aagawin kita sa boyfriend mo"
"No taeyeon , listen, Marami pang ibang lalaki diyan. Hindi habang buhay kang masustuck sa akin. " sabi niya at hinawakan ang magkabilang braso ng babae.
"I still don't care. I love you, i---"
"let's stay as friends, taeyeon, Wala akong nararamdaman sa iyo, im sorry" pagpuputol niya sa sinabi nito. Kita niya ang pangingilid ng mga luha ni taeyeon, hindi na rin ito nag salita at tumakbo na palayo.
Hindi niya gustong saktan si taeyeon dahil kahit papaano ay kaibigan niya ito pero kailangan niya itong gawin para hindi na gumulo ang sitwasyon nila ni sehun.
"Wag kang maguguilty, magiging okay din siya." hindi na siya lumingon dahil alam na niya kung sino ang nagsalita, naramdaman niya ang paghawak nito sa balikat niya.
"Sana nga, di ko ginustong saktan siya"
"alam ko 'yon baek. Alam kong hindi mo kayang manakit ng iba..." ngumiti siya at humarap dito..
"salamat chanyeol.." umiling ito sa kanya na parang sinasabing 'wala iyon'
"Si Irene na ang bahala sa kanya, she'll get over you.. so kalma lang ha.." sabi ni yeol at tinap ang ulo niya, napangiti siya. Gustong gusto niya ang feeling sa tuwing tinatap siya ni chanyeol sa ulo, parang bumabalik yung araw na una silang nagkakilala.
"Tara, pasok na tayo. Baka hinahanap na ako ni sehun" aniya, lalagpasan na sana niya si yeol nang pigilan siya nito at hinalikan ang noo niya. Unti unti siyang namula sa ginawa nito at napayuko.
"sorry, last na 'to promise... Uhm, kamay mo.." sabi ni chanyeol, sinunod niya ito at inangat ang palad niya.
Ipinatong naman ni chanyeol ang isang necklace na may shell pendant.
"keep it... Ako ang gumawa nyan..." sabi ni yeol at hinila na siya papasok. Napatitig siya sa kamay nila na magkahawak pagkatapos sa necklace.
kahit na daw hindi sila, he felt chanyeol's love.
----
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro