35
35
Lahat sila ay nasa cottage na nirent nila. Umalis nanaman si irene at sinabi sa kanila na sasalubungin ang pinsan niya. Tumango na lang ang lahat. Nag swimming na si Kyungsoo at jongin, isinama na din nila si luhan sa kanila. Habang sila baekhyun, Chanyeol, sehun at ang singit na si taeyeon ay inaayos na ang kakainin nila.
Actually ang naka-assign talaga sa pag-aayos ng kakainin nila ay si Baek at Yeol pero nag volunteer bigla si Sehun at taeyeon. Akala ni Yeol, masosolo na niya si baek pero hindi pala, nakakainis lang daw.
"Ah, tulungan na kita diyan" sabi ni yeol at kinuha ang posporo, papel at pamaypay kay baek, Nakita niya kasi na mukhang nahihirapan 'to sa pagsindi ng grill kaya tinulungan na niya. Napatingin naman ang dalawa pa na nag aayos ng mga plato sa magkatabing si yeol at baek. look who's jealous?
"yeol, paki-abot naman yung karne." utos ni baek kay yeol nang masindi na ang grill. Kinuha niya sa cottage ang karne at hindi pinansin ang dalawang tao na masama ang tingin sa kanya. Bumalik siya nang may malaking ngiti sa mukha at iniaabot kay baek ang karne.
"Salamat!" sabi ni baek at nginitian din si yeol. Kinilig naman ang koya niyo, nagbublush!
Lumapit naman si sehun sa dalawa, di matiis na makita na magkasama ang dalawa. After all naman daw, boyfriend pa rin naman niya si baek. Hinalikan naman niya si baek sa pisngi na ikinagulat nito. No! scratch that! Na ikinagulat ng tatlo.
"Ako na dyan, baek. Puntahan mo na si luhan doon" sabi ni sehun sa namumulang si baek. Tatanggi na sana si baek na siya na ang gagawa pero pinigilan siya ni sehun na magsalita.
"dali na, kami na ang bahala dito. You need to have fun sometimes, now go." Dahan dahang tumango si baek at tumakbo na papunta sa kaisoo at kay luhan na nagtatampisaw sa dagat.
tumakbo naman si taeyeon para sundan si baek pero hinila naman siya ni sehun pabalik.
"What the? what was---!"
"dito ka lang, hindi ka pa tapos mag-ayos doon. "cold na sabi ni sehun, Padabog naman na bumalik si taeyeon sa cottage at ipinagpatuloy ang ginagawa nito.
Tahimik lang ang magkapatid sa pag luluto ng karne nang..
"ang daya mo hyung kanina. Hindi ba usapan natin, after mawala si taeyeon doon ka kikilos" Walang buhay na sabi ni sehun, nagets naman ni yeol na nagseselos si sehun kaya sinabi niya ang dahilan niya.
"Tinulungan ko lang naman siya kanina eh, mukha kasing nahihirapan siya sa pagsindi sa grill kaya tumulong na ako. Hindi ko naman siya pinopormahan." sabi niya, pero di na sumagot si sehun at patuloy lang sa pag-iihaw.
Nang matapos sila ay umahon na ang apat sa tubig at tumakbo na pabalik sa cottage. Bibigyan na sana ni sehun si baek ng twalya nang tumakbo naman palagpas sa kanya si taeyeon at inabot kay baek ang dalawang twalya. ibinigay naman ni Baek ang isang twalya kay luhan. Nainis si sehun , pansin niya, kanina pa siya nauunahan.
ibinigay na lang niya kay jongin ang twalya, pero imbis na gamitin ito ay ibinigay nito ang twalya sa boyfriend niya. Sakto naman nito ang pagdating ni irene kasama ang isang matangkad at gwapong lalaki. Lahat sila ay nakuha ang atensyon nito, napangiti ng malaki si irene at ipinakilala ang kasama.
"guys! This is my cousin, Joong ki oppa.. oppa, friends ko silang lahat except doon sa bruhang blond ang hair" Naghi silang lahat, Nag Hi naman pabalik si joong ki oppa <3. Lahat sila natahimik nang lumapit ito kay kyungsoo. Kyungsoo blinked twice.
"Irene, who's this cutie right here?" tanong nito kay irene. Naningkit naman ang mga mata ni jongin sa narinig, For fvck sake! boyfriend niya yung finiflirt!
"His name is Kyungsoo, oppa. Wag ka nang magtangka, may boyfriend yan" paalala ni irene sa kanya. Nagpout naman si joong ki sa pinsan.
"Welcome nga pala sa resort ng mga Bae, sana mag-enjoy kayo" lahat sila ngumiti at tumango pwera kay jongin na nagmake-face lang.
---
"im sure pinopormahan ng lalaking yun si kyungsoo ko" pagmamaktol ni jongin sa magkapatid na park. Tahimik lang na nakikinig ang dalawa sa kanya kaya nainis siya.
"Ano ba?! wala man lang kayong sasabihin?!" Sabi jongin. Hindi naman sumagot ang dalawa kaya nagulo niya ang buhok niya sa inis. Doon naman tumawa ang dalawa. Sarap lang daw suntukin ng magkapatid na 'to.
"Bakit, ano bang gusto mong sabihin namin?"tanong ni yeol.
"Icomfort o suportahan niyo naman ako, sabihin niyo mas gwapo ako sa kanya at mas maappeal." nagpout siya. Tumingin sa kanya yung dalawa na parang nandidiri.
"At gusto mo pang magsinungaling kami?" sabi naman ni sehun. Di naman nakakatulong yung dalawa kaya tumayo siya at iniwan ang mga ito. Napailing ang magkapatid at tumawa. Wala eh, tunay na kaibigan...
---
Nang makita ni kyungsoo si joong ki na naka-upo sa dalampasigan ay nilapitan niya ito at tumabi. nagulat naman ito sa pagtabi niya.
"kyungsoo?" tumingin siya dito.
"bakit ka nandito? Ang Emo mo yata ngayon, may problema ba?" tanong niya, Hindi sumagot si joongki at nagsulat sa buhangin.
"Hindi ba magagalit ang boyfriend mo kapag nakita niya tayo?" umiling si kyungsoo, tahimik lang sila Pero di rin nagtagal ay nag-open ito sa kanya.
"There's this girl na mahal na mahal ko. Pero hindi ko masabing mahal ko siya.." sabi nito, nalungkot naman siya sa narinig.
"bakit?" tanong naman niya, napansin naman niya ang sinulat ni joong ki sa buhangin..
Hye Kyo..
siguro daw ay iyon ang babaeng sinasabi ni joong ki. Dahan dahan niyang tinapik ang likod nito na parang sinasabi na ilabas lang.
"Hindi kami pwede, may boyfriend siya." nang sabihin ito ni joong ki ay naalala niya si chanyeol. Parehas na parehas ang dalawa. Hindi nila makuha ang mahal nila dahil may nagmamay-ari na sa kanila.
Ilang minuto din silang nagkwentuhan, nag-enjoy silang dalawa. Tumayo na si kyungsoo at nagpaalam na dito, kailangan na niyang hanapin si jongin baka kasi magtampo sa kanya. Parehas pa silang kumaway sa isa't isa bago tuluyang magkalayo.
---
"Maawa kayo sa akin kanina pa ako kinukulit ni jongin!" sigaw ni irene, tinatawanan lang sila ng mga kasama nila. Naghahanda na sila para matulog, pero hanggang ngayon naghahanap pa rin si jongin ng magkocomfort sa kanya. Ang kulit eh.
"Bakit ba kasi di niyo masabing mas gwapo ako? nadedepress na ako dito." He whined. Lumabas naman si kyungsoo mula sa banyo at lumapit sa boyfriend. hinalikan niya ito sa pisngi para matahimik na.
"don't worry mas gwapo ka kay joong ki hyung, maghilamos ka na." aniya, namula naman si jongin at sumunod kay kyungsoo. Napailing na lang sila at pumasok sa mga kwarto nila.
---
kanina pa hindi makatulog si baekhyun, mukhang namamahay siya kaya dahan dahang bumaba siya sa kama para hindi magising si luhan. Pumunta siya sa sala ng cottage at nagulat na lamang nang makita si chanyeol sa malaking terrace ng cottage kung saan makikita ang magandang view ng dagat.
pumunta siya sa kusina at nagtimpla ng dalawang kape. pagkatapos ay pumunta din sa terrace kung nasaan si chanyeol. Tumabi siya dito, nagulat naman ito sa pagsulpot niya. Medyo natawa pa siya sa reaksyon nito at iniabot ang kape, tinanggap naman nito iyon at nagthank you.
"Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong niya at uminom sa kape.
"dapat nga tanungin ko din sa iyo yan."sagot nito.
"di ako makatulog,namamahay ako" sabi niya., tumingin naman si yeol sa kanya.
"namamahay din ako" Sabi naman nito na ikinatawa nila pero di nagtagal ay natahimik sila.
"Baek, please give me another chance.." sabi nito
lumingon siya dito at tinitigan ito.
He saw something on chanyeol's eyes.. Love?
Yes, it's Love..
----
(A/n: Lame lame lame. TBC po)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro