Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

31

( AchuchuCadiz para sa iyo 'to! Salamat sa pagbabasa ng books ko haha! Sana di ka magsawa sa gawa ko.. Love lots!❤❤)

31

Nakasandal si sehun sa pader sa labas ng dressing room ni chanyeol. Ilang sandali pa lamang ay bumukas ito, at doon niya nakita ang hyung niya. Sa pagkakasandal ay tumayo siya ng daretso at seryosong tumingin sa kapatid. Parang alam na ni chanyeol ang mangyayari kaya pinapasok niya ito sa loob ng kwarto.

"Hyung..." sabi nito nang makapasok sila. Hindi siya sumagot, at nakatalikod pa rin sa nakababata. Kinakabahan siya.. alam niyang magkakagulo nanaman sila ni sehun pero hindi na niya kaya...

Kailangan din niya si baekhyun, kailangang kailangan na niyang bawiin yung taong in the first place ay sa kanya naman talaga.

"Sabihin mo sa akin... Gusto mo na ba si baekhyun?" Cold na tanong nito. Dahan dahang humarap si yeol kay sehun sabay sabing...

"Hindi.." gagaan na sana ang pakiramdam ni sehun nang biglang..

"Kasi Mahal ko na siya.." seryoso at daretsong tingin niya sa kapatid. Nanlaki ang mga mata ni sehun ero di rin nagtagal ay nagsimulang lumukot ang mukha niya. Napayukom siya ng kamao, gustong gusto niyang suntukin si chanyeol ngayon.

He felt betrayed.. hindi tinupad ng hyung niya ang pangako nito, at ang nakakainis pa ay kung kailan may nagmamay-ari na kay baekhyun doon siya papasok sa eksena.

Kung baga sa basketball, nafoul si chanyeol dahil hindi siya sumunod sa rules. Nafoul siya dahil mali ang timing ng pagkaka-agaw niya. Lahat mali , lahat late.

"Bakit ngayon pa hyung?! Bakit?! Kailan pa?!" medyo pasigaw niyang sabi. Ayaw niyang makaattract ng atensyon sa labas.

"Hindi ko din alam kung kailan ko narealize pero isang araw nalaman ko na lang sa sarili ko na mahal ko na si baekhyun."sabi niya. yumuko siya at ngayon handa na siyang lumaban. Ayaw niyang saktan si sehun pero ngayon kailangan niyang pagbigyan ang sarili niya kahit ngayon lang.

Nakatulong din ang advice ni irene sa kanya, kahit papaano lumakas ang loob niya kasi alam niyang mahal pa rin siya ni baek. May laban pa siya kay sehun.

"Sorry sehun pero... babawiin ko na si baek.."sabi niya. Hindi na siya nagtaka kung bakit hindi nagulat si sehun.

"Sorry din dahil hindi ko hahayaang mabawi mo siya sa akin." nagsukatan lang sila ng tingin pero walang nagpatalo. Walang gustong magpatalo.

"You betrayed me hyung.. Hindi ko aakalaing magagawa mo sa akin 'to.."halata sa boses ni sehun na nasaktan siya dahil hindi tinupad ni yeol ang pangako niya. Pero anong magagawa niya? Expected naman niyang posibleng mangyari iyon.

"Hindi kita gustong saktan sehun.." sabi niya, sehun gritted his teeth.

"Nagawa mo na hyung.... Nasaktan mo na ako.." aniya at lumakad na papunta sa pinto. Bago lumabas ay nagsalita siya..

"Tandaan mo hyung, Hindi mo basta basta makukuha si baekhyun sa akin.."

---

"Oh, saan ka galing?" Tanong ni baek kay sehun nang makarating ito sa kissing booth nila.

"Somewhere.." tipid na sagot nito. Napansin niyang badtrip si sehun. Ang akala niya nagtatampo ito sa kanya kaya napangiti siya.

Kinuha niya ang lipstick sa tabi niya at naglagay pagkatapos ay lumapit siya sa pisngi ni sehun at hinalikan ito.

Unti unti naman nanlaki ang mga mata ni sehun at dahan dahang lumingon sa boyfriend. Ngiting ngiti si baek sa kanya, natutuwa kasi sa reaksyon ni sehun.

"Pampabawi lang sa iyo. Alam ko nagtatampo ka kasi hindi tayo masyadong nagkakasama noong nagsimula na yung practice ng play." Nagbago naman ulit ang timpla ni sehun, bigla siyang nagood mood. Syempre nakapoints eh. *taas-baba eyebrows*

Kumuha ng salamin si sehun para tignan ang pisngi niya. Lalong lumaki ang ngisi niya nang makita ang kiss mark sa pisngi niya. Lalong natawa si baek sa itsura ni sehun.

"Pwede bang hindi ko na hugasan yung mukha ko?" Biro niya. Hindi sumagot si baek, tumawa lang ito ng tumawa. Buti na lang daw at nandyan si baek kung hindi ay baka maghapon na siyang nakasimangot.

Kinuha naman niya ang lipstick sa kamay ni baek at naglagay din sa labi niya. Alam na ni baek ang mangyayari kaya mas nilapit niya ang pisngi niya kay sehun. (Ganyan ang malandi haha! Pis baekla!)

Mas naaliw si sehun sa ginawa niya, kaya imbis na sa pisngi niya ay sa labi niya lumanding ang labi nito.

Okay lang naman daw na gawin niya iyon  ni sehun dahil boyfriend naman daw niya si baek. May karapatan daw siya.

Ilang minuto din na nakatulala si baek. Yun daw kasi yung first kiss nila ni sehun.

Namula siya sa naisip, hindi man daw ganoong karomantic pero nakakakilig pa rin. Kinurot ni sehun ang pisngi niya bago tumulong sa iba sa paghahawak ng booth.

Nakatitig siya kay sehun, naiimagine nga niya may buntot at tenga ito ng pusa kapag ngumingisi.

Napailing na lang siya at bumalik sa pagbabantay.

---

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ni kyungsoo kay jongin . Ngumiti ito at patuloy sa paghila sa kanya.

"Bibili tayo ng paborito mo" sagot ni jongin. Tumigil sila sa nagtitinda ng cotton candy,nagniningning naman ang mga mata ni kyungsoo nang makita ito.

Bumili si jongin ng isa para sa kanila at tuwang tuwa na kumagat dito si soo. Kumurot si soo sa cotton candy at isinubo ito kay jongin. Namumulang hinalikan si kyungsoo ni jongin. Ang cute niya daw kasi eh.

Nang paubos na ang cotton candy nila ay may babaeng sumigaw, natigilan siya sa pagtawag ng babae. Alam niya... alam niya kung sino iyon.

"DODONG!!!"

Lumingon siya dito at nabitawan ang stick niya na may cotton candy. Nagtaka naman si Jongin sa reaksyon ni kyungsoo. Oo nga, Tama nga ang hula niya..

'patay kang baekhyun ka'

---

"Omo! Why so init in here?!" Reklamo ng isang babae.. tinanggal niya ang sunglasses niya at pumasok siya sa loob ng school. Inayos niya ang sun hat niya at tumingin sa paligid. Doon niya nakita ang isang pamilyar na mukha na may kasamang gwapong lalaki.

Lumapit siya dito at tama nga siya.. Si Do kyungsoo ito..

"DODONG!!!!" sigaw niya, napalingon si Kyungsoo sa pagsigaw at lalong dumoble ang laki ng mata nito nang makita kung sino ang sumigaw, nahulog pa nito ang kinakain na cotton candy.

"T-taeyeon?!"

---

(Ang tanong! Anong role ni taeyeon sa buhay nila?)〜(^∇^〜)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro