Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

3

3

Nang makauwi ay nasermunan kami ni sehun kay kyungsoo, halos umusok na yung ilong niya nang makita kaming basang basa sa ulan.

Buti nalang at nandyan si jongin para pakalmahin siya. Kesyo dapat hindi nalang niya pinapunta si sehun doon, kesyo dapat siya nalang ang pumunta doon para pauwiin ako, kesyo ang tigas daw ng ulo namin.

Imbis na mag-sorry kami sa mga ginawa namin ay tumawa lang kami ng tumawa ni sehun na ikinaputok ng butsi ni soo. Binato niya sa amin yung hawak niyang cellphone pero umiwas kami kaya ayun kawawa yung cellphone.

Nasira...

Natawa rin si jongin kaya bigla siyang hinampas ng pagkalakas-lakas ni soo sa braso, naiyak naman sa sakit si nini.

Pero sa huli ay nag-sorry na rin kami sa kanya. Tinanong ko si luhan at sabi naman ni jongin ay nauna nang natulog nang malaman niyang mag-kasama na kami ni sehun. Pinatulog ko na rin siya dito sa bahay dahil late na rin naman.

Kinabukasan ay agad 'kong tinext si yeol para magkita kami, umoo siya at halatang napipilitan lang.

Nagkita kami sa 'The Sanctuary' kung saan dapat na nagdate kami.

Naghintay nanaman ulit ako sa kanya ng mahigit isang oras. Lagi naman ganito eh, bakit hindi pa ako nasanay?

Nang makarating siya ay agad akong napatayo sa bench na inuupuan ko.

"Ano nanaman ba baek?" Bored na tanong niya sa akin, para bang gusto na niyang matapos na ang lahat nang makaalis na siya.

"Bakit hindi ka pumunta kahapon?" Mahinahong tanong sa kanya.

Promise, pag naging honest siya sa akin ngayon. Hindi ko parin siya iiwan kahit na mukha na akong bobo sa harapan niya.

"Hindi dapat sagutin ang tanong ng isa pang tanong"

"Just answer me!!"

"Ok! I forgot! Nakalimutan kong may lakad tayo! Napagod ako galing tagaytay kaya nakatulog agad ako pag-uwi, happy?! Contented?!" Pagsisinungaling niya..

Ha-ha, oo nga naman sinong may sala ang aamin sa kasalanan niya..

Nararamdaman ko nalang na nag iinit na ang paligid ng mga mata ko.

"Liar" lalo siyang nagalit sa sinabi ko, totoo naman ang sinabi ko pero siya pang may ganang magalit.

"WHAT THE FVCK?! ANO NANAMAN KADRAMAHAN 'TO BAEK?! I HAD ENOUGH WITH ALL OF YOUR SH*TS!"

"LIAR! I SAW YOU YESTERDAY! You're with DARA! Yeol, you promised to me! Nag promise ka na pupunta ka! I've been waiting for ages! Tapos malalaman kong nag-date kayo?!" Hinahampas ko na siya sa dibdib niya, pero agad naman niyang hinawakan ang mga braso ko at inalog ako.

"Ano naman sa iyo kung nag-date kami ni dara?! Wala kang karapatan na pagbawalan ako sa mga gusto kong gawin! wala na akong pakialam sa mga gagawin mo, wala na akong pakialam kung iblackmail mo ako, poprotektahan ko si dara sa mga pananakot mo! Tandaan mo, kahit na sa iyo ako, hinding hindi mo makukuha ang puso ko! You're a freaking obsessed b*tch, and b*tches doesn't deserve to live in this---"

*PAAAKKKK!*

AND THAT'S IT!

I JUST SLAPPED HIM!

D*MN LIFE!

"Wala kang karapatan na sabihing hindi ako deserve na mabuhay sa mundo!! May puso rin ako!! Hindi ako robot dahil marunong din akong masaktan!! You don't even know me kaya bakit mo nasasabi yan?! Hindi mo alam kung anong hirap ang dinadanas ko ngayon! Pero kahit anong hirap ang dinanas ko ay kinaya ko kasi nandyan ka sa tabi ko! Mas nagpupursigi ako para lang... *sobs* para lang.." pagkatapoa nun ay isa isang tumulo ang mga luha ko, feeling ko sasabog ang puso ko ngayon hirap na hirap na ako.

Tahimik lang siya, hindi ko siya tinignan .. ayokong makita ang reaksyon niya.

So, eto na.. hindi siya magiging masaya sa akin, kaya ito lang ang tamang gawin ko.

Napatingala ako sa kanya, wala siyang reaksyon,nakatingin lang din siya sa akin. Dahan dahang lumapit ako sa mukha niya, hindi rin siya umangal..

Hinalikan ko siya..

This lips...

Soo sweet..

But sadly this is the last.

Agad akong humiwalay sa halik at ngumiti ng matamis..

"Go to dara, yeol. You're free now." Then i ran away
***

Tatlong araw na ang nakalipas noong pinakawalan ko na si chanyeol, tatlong araw na rin na hindi ko nakikita si sehun.

Medyo nakakarecover na rin ako sa mga nangyari, kailangan na talagang mag-move on ako, para sa akin at para sa kapatid ko, hindi ako mag papaapekto..

"Grabe baek! Proud talaga ako sa iyo! Tama lang 'yang ginawa mo" paulit ulit na tapik sa akin ni kyungsoo.

Nagroll eyes lang ako at binaling ang sarili ko kay jongin na kumakain ng kimchi spaghetti na luto ni kyung.

"Jongin, alam mo ba kung bakit wala pa si sehun?" Natigilan siya sa pagkain at nagtatakang tumingin sa akin.

"Hindi mo ba alam?" Tanong naman ni soo.

"Hindi alam ang ano?"

"May sakit si hunnie, nilalagnat." Sagot naman ni jongin.

Sinasabi ko na nga ba.. Kasalanan ko 'to eh, kung hindi lang kami nag paulan , hindi mangyayari 'to. Kailangan kong bumawi sa kanya.

Pagkatapos ng klase ay nagpatulong ako kay soo na mag-luto ng special arrozcaldo niya.

Agad naman akong pumunta sa bahay ni sehun para ibigay 'tong gawa namin.

Nang makarating ako doon ay nagdoorbell ako, pinagbuksan naman ako ni Mrs. Park ng pinto.

"Oh! Baek! Napadalaw ka? Pumunta ka ba para kay chan? Kamusta? Halika pasok!" Nakangiting bati niya sa akin.

Kilalang kilala ako ni Mrs. Park, alam niyang masugid na manliligaw ako ni chanyeol kaya welcome ako lagi sa kanila.

Ang hindi nila alam, tinigilan ko na siya. Sinukuan ko siya.

"Ahhh, actually.." maya maya pa'y lumalabas si chanyeol sa kusina at gulat na nakatingin sa akin..

"Oh, eto na pala siya. Chan, hanap ka ni baek" sabi ni mrs. Park. Kumunot naman ang noo niya.

"Ah, Mrs. Park. Actually po si sehunnie po talaga ang ipinunta ko dito, balita ko po kasi may sakit siya kaya napadalaw ako. Ako po kasi ang may kasalanan kung bakit nagkasakit siya kaya ipinagluto ko po siya ng arrozcaldo, sorry po" sabi ko sabay bow.

"Ay, sorry. Akala ko si chan chan ang ipinunta mo dito, wag kang mag-sorry sadyang sakitin lang talaga si sehun. O sya, nasa taas siya, sige akyat kana. Akin na yang arrozcaldo. Ihahanda lang ni yaya at iaakyat nalang niya mamaya sa taas, okay?" Ngumiti ako at nagthank you sa kanya, ang bait talaga ni mrs. Park.

"And by the way, di ba sabi ko Auntie nalang tawag mo sa akin? Masyadong pormal ang mrs. Park, para namang hindi ka welcome dito" Nginitian niya ako nang sabihin niya iyon. Tumango ako at tumingin kay yeol, nakapoker face lang siya as usual, pero hinayaan ko na lang.

Remember baek, move on..

***
Umakyat na ako papunta sa kwarto ni sehun, kumatok muna ako bago pumasok sa loob. Nakita ko siyang nakatalukbong sa kumot. Naramdaman niya sigurong may pumasok kaya nagsalita siya.

"Ma, Sabi ko naman sa iyo, ayokong kumai---" napatingin siya sa gawi ko at halatang gulat nang makita ako, naiins akong tumingin sa kanya. Alam niya kasing magagalit ako pag nalaman kong pinapabayaan niya ang sarili niya.

"Park sehun!"

"B-baek h-hyung" nanghihinang sabi niya. Lumapit ako sa kanya at piningot ang tenga niya.

"A-aray hyung! M-masakit!"

"Ang tigas talaga ng ulo mo no?!" Sabi ko at binitawan na ang tenga niya. Hinimas niya ito. Opps , napasobra yata ako.

"Eh, wala akong gana" sabi niya at umubo.

"Pero ang astig mo rin no? Pati yung may sakit nagagawa mong saktan" dagdag pa niya at tumawa.

Tinignan ko siya nang masama at natahimik lang siya nang makita na Badmood ako.

"Pero syempre joke lang yung sinabi ko.. He-He-He.."

Umupo ako sa side ng kama niya at hinawakan ang noo niya, mainit init pa siya.

Bigla naman pumasok si yaya jean sa kwarto niya dala yung tray na may bowl ng arrozcaldo at ang mga gamot ni sehun.

Nagpathank you ako sa kanya nang mailapag na niya ang tray sa side table.

Kinuha ko yung arrozcaldo at kutsara at nagscoop.

"Oh, kumain kana nang makainom kana ng gamot" inilapit ko sa kanya yung kutsara, pero ayaw niyang kainin yung iniscoop ko.

"Ayoko, busog pa ako"

"Ayaw mo?" Tumango siya at inilayo na sa kanya yung kutsara.

"Ay, o sige.. kung ayaw mo ipapakain ko nalang kay Maki, (siberian husky na alaga ng park family) sayang niluto ko pa naman 'to" aakma na akong tatayo pero pinigilan niya ako, sabi na nga eh.

"Talaga?" Tumango ako.

Agad naman niyang inagaw sa akin yung bowl at mabilis na kumain.

Natawa nalang ako kasi agad naubos yung nasa bowl.

"Hyung, gusto ko pa" aniya at itinapat sa akin yung bowl.

"Akala ko ba ayaw mo?"

"Eh, ang sarap eh.. Luto mo kasi. Dali na! I want more!" Kinuha ko sa kanya yung bowl at tumawa.

"Oo na... uhm, sehun?"

"Bakit hyung?" Napayuko lang ako kasi naguguilty ako, ako kasi talaga ang dahilan kung bakit siya nagkasakit.

"Sorry"

"Bakit?"

"Kasi ako ang dahilan kung bakit ka nagpaulan, kung hindi lang tayo nagpabasa sa ulan, hindi ka magkakasakit" nakita ko siyang napangiti.

"Okay lang hyung, wala naman akong pinagsisihan sa nangyari. At saka nag-enjoy naman tayo, hindi ba? Nakita lang kitang sumaya, ayos na ako." Napayakap ako sa kanya sa sinabi niya.

Lord, bakit ba ang bait bait ni sehun?

"Promise babawi ako"

"Gusto mong bumawi?" Kumalas ako sa pagkakayakap namin at tumango.

"So eto ang deal, alagaan mo ako hanggang sa gumaling ako. Ayos na sa akin yun" nakangiting sabi niya.

"Okay master sehun!" Sumaludo ako sa kanya at ginulo naman niya ang ulo ko..

"Thanks Baek.."
***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro