29
29
Lahat sila ay nagreready na para sa play. Gagawin nilang play yung movie and novel na 'a walk to remember' ni Nicholas sparks. Lumabas na din ang results ng mga roles at mangiyak ngiyak naman si irene sa resultang nakuha niya..
"Oppa, bakit ako yung kontrabida?! Bakit ako si belinda? Anong kasalanan ko sa kanila?!" Nag shrug si kyungsoo tapos lumapit kay baekhyun na kausap ang director ng play na si yesung, ayaw na niyang makinig kay irene, kanina pa kasi yan nagrereklamo.
"Baek, okay na yung script mo?" Tanong ni soo kay baek nang matapos na itong makipag usap. Hindi na nakasama si baekhyun kasi siya ang scriptwriter ngayon. Tumango tango si baek at kinuha na ang mga printed na scripts sa isang table.
"Soo, patulong naman ibigay 'to sa iba pang mga cast."
"baka kay chanyeol kamo" nagmamakaawang tumingin si baek kay soo. No choice naman si soo kaya siya na lang ang nag bigay.
Binigyan niya ng script ang iba pati na rin si irene at ang huli si yeol. Tinanggap naman agad ni yeol ang script . Nakaupo siya sa stairs ng stage, tumabi sa kanya si kyungsoo.
"Easy park. Baka matunaw na si baek sa titig mo." Tingin din ni soo kay baek na kausap naman ang leading lady na si seoyeon. Sinumulan naman basahin ni yeol ang script, parang nawawalan siya ng gana lalo na nang makita niya ang kissing scenes. Hindi naman daw talagang totoong halik yun, kunwaring naghahalikan naman ang kailangan nilang ipakita. Kaso ayaw talaga ni yeol eh. Bawal naman siyang mag-quit.
"Sorry, di ko mapigilan. By the way, anong role mo this year" cold na tanong ni yeol. Umayos ng upo si soo.
"Ako yung tatay ni seoyeon, si Reverend Sullivan.. Ganoon ba ako mukhang relihiyoso?" Tignan mo, nagreklamo din sa role niya. Kunwari pa eh. Natawa ng mahina si yeol.
"Bakit? Ang ganda ng role mo eh. Tara palit tayo" aniya , tinignan siya ng masama ni soo.
"Gusto mong mag-away kami ni jongin? At saka anong maganda? Mas maganda nga yung iyo dahil ikaw ang lead" Nag peace sign lang si yeol at nagmemorize na ng lines, pero syempre di niya din maiwasan na hindi tumingin kay baek na busy na busy sa pakikipag usap sa mga cast. Feeling nga niya siya na lang ang hindi kinakausap nito.
Ilang minuto ang nakalipas at tinawag na silang lahat ni yesung. First scene na sila at kasama doon si yeol, ginawa na din nila yung mga props kasama si baek para magmukhang totoo ang first scene mula sa pagtulak ni Landon Carter kay Clay Gephardt papunta sa pool or pond yata, hanggang sa mahuli si Landon ng mga pulis.
Mayroon din silang isang linggo para magrehearse , hindi naman sila magkukulang sa oras dahil hanggang 8 sila nag papractice. Wala daw uuwi hanggang hindi napeperfect ang mga scenes. Strict kasi si yesung oppa..
4 days passed, nang nagkagulo sila nang dahil kay seoyeon, nagquit kasi ito sa role niya dahil nasa hospital ang mom nito. Sumakit ang ulo ni yesung oppa , namomroblema sila sa lead. Wrong timing daw ang nangyari at may dalawang araw na lang daw sila para magpractice.
"Guys! Gather around! We need to solve this problem once and for all!" Sumunod naman ang mga ito sa kanya. Tumabi naman si baekhyun kay yesung at inabot nito sa kanya yung script.
"Okay! Alam kong alam niyo na yung bad news! Problema ito at baka macancle ang play natin this year! Tradition na 'to ng school natin. Malakas ang expectation nila sa atin at Ayaw naman siguro nating madisappoint ang mga tao hindi ba? So sinong may suggestions?" Sabi ni yesung, nagbulungan ang mga tao. Natahimik naman sila nang magtaas ng kamay si Im Jaebum.
"Yes , JB! Anong maisusuggest mo?" Lumapit si JB . Lahat ng tao nakatingin sa kanya ngayon.
"Maghanap na lang tayo substitute, alam kong late na pero dapat yung mapipili nating lead. Alam na alam ang scenes, yung taong ilang beses nang napanood ang movie. Kasi kung makakahanap tayo ng ganon for sure pati yung mga catchphrase kabisado na niya" napakamot sa batok si yesung.
"Saan naman tayo makakahanap ng ganoong tao? " Nagtaas naman ng kamay si soo, lahat naman napatingin sa kanya.
"Yes, kyungsoo. What do you have in mind?"
"Hyung, may kilala akong kabisado yung lines, nabasa na yung libro at ilang bese nang napanood ang movie" napatingin si soo sa tabi niya. Alam na alam niyang , ilang beses nang napanood iyon ng katabi niya at ito ang paborito nitong movie, kaya nga siya yung naging scriptwriter. Hinintay ni yesung ang sagot ni soo, kinuha ni soo ang kamay ng katabi niya at itinaas ito.
" Si baekhyun po!" Nagulat si baek sa narinig at wala sa sariling itinuro ang sarili.. Tinitigan siya ni yesung oppa. Kumawala naman si baek sa pagkakahawak ni soo sa kanya at umiiling iling with matching hand gestures pa.
"H-hindi! Hindi ako pwede! Lalaki ako hindi ba? Babae si jamie sullivan! Ayoko!" Tumayo si yesung sa pagkakaupo at umikot kay baek. Sinuri niya ito. Okay!
"Sa totoo lang okay ka baek" sabi ni yesung, baek's jaw dropped. Ayaw niya, kung magiging leading lady(ehem) siya , edi ibig sabihin...
Napatingin siya kay chanyeol, ang laki ng ngiti nito sa kanila. Mukhang nanalo sa lotto eh. Umiwas na ng tingin si baek, pinagpapawisan siya ng malamig.
'Thank you kyungsoo!' Isip ni yeol, halos mapatalon ang puso niya sa tuwa. Naeexcite siya dahil nga si baekhyun yun. Siya yung kapartner niya..
"N-no! Please, yesung hyung. Ayoko" bulong niya kay yesung. Ngumiti ito sa kanya, akala niya pagbibigyan siya nito pero hindi pala. Hinawakan nito ang dalawang balikat niya.
"Kaya mo yan baek! Magagawa ka naman naming maging babae eh. Kabisaduhin mo na yung ibang lines mo ah! May tiwala ako sa iyo! Fighting!! OKAY PEOPLE! PLACES! SCENE 7 NA TAYO! HURRY UP! WALA NA TAYONG TIME! YUNG KASAMA SA SCENE NA TO, MAGREADY NA! DALI!" Sigaw na ni yesung, mangiyak ngiyak na napaupo si baek sa stool. Ganoon na lang daw kabilis natapos yung paghahanap, di man lang daw nirespeto ang pagiging lalaki niya..
Tinignan niya ng masama si kyungsoo, ngumising aso ito sa kanya at nagshrug sabay alis sa tabi niya. Promise mababatukan talaga niya si kyungsoo. Paano 'to baka daw magalit si sehun, lalo na kung may kissing sce---
Teka, kissing scene ba daw naisip niya?! diba ipalalapit lang ang mukha nila para magmukhang naghahalikan?! ibig sabihin Hindi kissing scene tawag doon! Aish! Bakit ba siya natataranta?! Kasi yung leading man si chanyeol?!
Ginulo niya ang buhok niya sa sobrang inis at nagpractice na sa lines. No choice naman siya eh,kailangan niyang magtiis para sa lahat ng manonood ng play. Binasa niya ang paborito niyang line sa script at pumikit.
" Love is like the wind, you cannot see it but you can feel it"
----
(A/n: okay ang lame, can someone kill me please.. 〒▽〒 haha! Wala eh , paborito ko ito bukod sa warm bodies at yung dapat na gagawin nilang play yung paper towns ni john green . Para kay nga pala channie_mikai, salamat sa ulit dedication! ❤❤ )
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro