Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

27

27

May part kay chanyeol na nag dadalawang isip. Iniisip niya si sehun.. Siya na rin ang nagsabi kay sehun na hindi niya mahal si baek at siya na rin ang nagtulak kay baek palayo sa kanya.

Kahit na sinabihan na siya ni irene na wag sumuko ay may mga bagay na kailangan niyang panindigan. Nalilito pa nga siya. At sa totoo lang parang imposible daw maibalik pa niya si baek sa kanya..

Kung sana lang mas nalaman niya agad, kung sana di na lang siya nagpakatanga. Kung tutuusin dapat nga daw maging masaya na lang siya para sa dalawa, pero hindi...

Nasasaktan siya... Araw araw natitiis niyang makita ang dalawa na magkasama, Araw araw nagpapanggap siyang masaya pero hindi talaga, at araw araw nagagawa niyang itorture ang sarili niya, hindi physically kundi emotionally.

Ilang araw na din sumasakit ang ulo ni irene kay chanyeol dahil wala pa rin itong ginagawa. Naisip ni irene na siguro natatakot siya, siguro ayaw niya gumulo ang lahat. Pero kung ikikimkim lang niya iyan, walang mangyayari. Kahit pa itago niyang may nararamdaman siya, mabubuking at mabubuking din siya. Walang sikreto ang hindi nabubunyag ika nga nila.

Binatukan ni irene si chanyeol na nakatitig kay baekhyun na pinupunasan ang pawis ni sehun. Nasa dance club kasi sila, nasama lang yang dalawa dahil , wala lang.. trip ni chanyeol saktan yung sarili niya eh. Wag kayo... haha.

"Grabe kang makatitig sa dalawa ah.. Bakit ba kasi hindi ka na kumilos?" Hindi sumagot si chanyeol at tumitig pa rin sa dalawa. Wala siya sa mood ngayon..

Irene silently sighed at umiling.. dapat pala daw hindi na siya nagsayang ng laway , mabigyan lang ng advice si chanyeol.. Masyadong malambot ang puso para sa kapatid niya..

Lahat napatingin sa pintuan ng club.. Napamura ng mahina si chanyeol sa babaeng pumasok. Nagtataka namang napalingon si irene sa kanya pagkatapos sa babae, nalilito siya.. anong mayroon?

Lumapit ang babae sa kanya at ngumisi sa kanya..

"Long time no see yeol.. Missed me?"

Dara...

Chanyeol glared at her. Lahat ng tao nakatingin sa kanila kasama na doon si baekhyun.. Tumayo si chanyeol, gusto na niyang umalis dahil naiinis siya kay dara.. Ang bobo daw niya, bakit hindi niya naalala na kasama si dara sa dance club?

Paalis na sana siya nang hawakan ni dara ang braso niya pigilan siya, napatingin siya dito.. No expression si dara. Aalisin na ni chanyeol ang kamay nito sa braso niya pero mas hinigpitan nito ang hawak sa kanya.

"Im sorry..." natigilan siya.. at dahan dahang lumingon ulit kay dara. Nag sosorry siya? Para saan?

"Chanyeol... im sorry.. please... come back to me... I love you" doon tumulo ang luha ni dara. Hindi maintindihan ang itsura ni chanyeol, feeling niya nabibingi na siya..  hinanap ng mga mata niya si baekhyun, Nakita niya ito..

Nakayuko... Gusto niyang tignan siya ni baekhyun. Alam niya nasasaktan ito.. Gusto niyang lumapit kay baek at sabihin na 'hindi ko na babalikan si dara dahil mahal na kita...'

Tinanggal lang niya ang kamay ni dara sa braso niya at tuluyan nang lumabas. Sumunod naman ang nalilitong si irene, Mababaliw na nga daw yata siya dahil wala siyang kaalam alam sa nangyayari.

Lalong naiyak si dara nang makaalis si chanyeol, niyakap siya ni krystal para icomfort pero hindi pa rin ito  kumakalma..

Tumingin si sehun at kyungsoo kay baek. Baekhyun gave them a weak smile at Hinila siya ni kyungsoo  palabas ng club.

---

Hinila siya ni kyungsoo hanggang sa rooftop.. umupo si kyungsoo sa sahig at tinap ang katabing space para paupuin siya. Nang makaupo siya ay sumandal si soo sa railings.. Kailangan na daw matapos ang dramang ito dahil nakakasawa na.

"Sigurado ka ba sa desisyon mo?" Tanong bigla ni soo kay baek.. sumandal din si baek sa railings at pumikit.

"Ewan, hindi ko alam soo. Nalilito na ako... Hindi ko maintindihan si chanyeol, nalilito ako..." natawa si kyungsoo at kinuha ang batong nakita niya at ibinato ito.. Pati din siya nalilito na sa dalawang 'to.

Nawala na din ang galit ni soo kay yeol dahil narealize din niya ang sinabi nito sa kanya. Nagawa niyang patawarin ang ama pagkatapos ng mahabang panahon at malaki ang utang na loob niya kay chanyeol kaso nahihiya lang talaga siyang magpasalamat.  Naniniwala siyang tuluyan na nagbago si chanyeol at sa tingin niya...

"Mahal ka ni chanyeol..." sabi ni soo. Time na tumawa ni baekhyun... Si chanyeol? Inlove daw? Kanino? Sa kanya? A.S.A

"Bakit mo nasabi yan? Siya na ang mismong nagpalayo sa akin. Kyungsoo alam natin sa simula pa lang ayaw na sa akin ni chanyeol kaya imposible yun.." bakit ba laging iniisip ni baek na imposibleng magkagusto sa kanya si chanyeol? Ahh, oo hinayaan ni chanyeol eh. Laging pinapamukha sa kanya ni chanyeol noon na hindi siya magugustuhan nito. Sanayan lang...

"Baekhyun, Nahalata ko na. Lagi siyang nakatingin sa inyo ni sehun. Hindi mo ba napapansin? Kita sa kanya na nasasaktan siya." Hindi sumagot si baekhyun at tumitig sa kawalan. Nakatingin lang si kyungsoo sa kanya, naghihintay ng sagot.

"Oo, sabihin na nating mahal na niya ako pero kyungsoo, wala nang rason para bumalik ako sa kanya.. May boyfriend na ako... Ayokong saktan si sehun. Ayokong lalong gumulo ang sitawsyon namin.." he said and rest his head on kyungsoo's shoulders.

"Lalo lang gugulo ang lahat kung pilit mong pinapaniwala si sehun sa gusto niyang paniwalaan.. Think again baek... Hindi habangbuhay magsisinungaling ka kay sehun."

"Kaya habang maaga pa dapat kailangan sigurado ka na baek. Baka pagsisihan mo ang desisyon mo pagnagkataon" dagdag pa niya. Nag aalala si kyungsoo sa nangyayari, ayaw niyang balang araw may masasaktan sa mga kaibigan niya. Gusto niya maging masaya sila lalo na si baekhyun. Lalo lang nila pinapalala ang sitwasyon kung hindi sila nagkakaintindihan.

Tumingin siya kay baek, nakatulog na pala ito. Napakamot siya sa batok niya, narinig kaya ni baekhyun yung sinabi niya?

Bumuntong hininga siya at ipinatong ang ulo niya sa ulo ni baek.. Mas nagiging tense na ang mga nangyayari at dahil doon ay nagsimula nanaman sumakit ang ulo ni kyungsoo.

'Grabe mas naiistress pa ako kaysa sa inyo'

-----

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro