Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

26

26

Nagindian sit si irene at tumitig kay chanyeol, nabobother siya dahil bigla itong natahimik sa huling sinabi niya. Tinapik niya ito sa braso.

"Bakit bigla kang natahimik? May problema ka ba?" Tanong niya , ilang minuto rin bago magreact si yeol. Umayos ito ng upo at naging serious ang itsura nito. Biglang naweirduhan si irene, parang kanina lang daw ang lakas nitong mang asar.

"Paano kung mahal ka nga niya pero sumuko na siya? Paano kung may boyfriend na siya? May dahilan pa ba para lumaban? Maibabalik ba yung dati?" Tanong ni yeol. Napailing si irene at tumawa.

"Balita ko isa ka mga matatalinong estudyante sa school pero may pagkakitid din pala minsan yang ulo mo ano?" Chanyeol's eyebrows met. Nainsulto siya , pero hinyaan na niya. Ayaw niyang sirain lalo ang mood.

"Alam mo naman yung kasabihang.. 'kung gusto may paraan, kung ayaw maraming dahilan' hindi ba? Syempre nasa iyo iyon kung lalaban ka pa o hindi na. Maraming paraan pero di mo mapansin dahil mas inununa mong problemahin bago isipin ang pwedeng solusyon sa isang problema."

"May pag asa pa hangga't meron pa siyang feelings, kasi alam mo mababawi mo pa siya. Kung gusto mo siyang maibalik kailangan ng effort, pero kung tutunganga ka lang diyan at titingin, walang mangyayari sa iyo.. Kailangan mong ipakita sa kanya na willing at sincere ka para maibalik mo siya. In the end, Malay mo lahat ng hirap mong yun maging worth it." Walang maisagot si yeol. Tulala lang siya sa kawalan, iniisip lahat ng sinabi ni irene, napabuntong hininga siya at humiga sa sahig. Ngumisi si irene at humarap kay yeol, lalong napakunot ang noo ni yeol sa mukha ng babae.

"Si Baekhyun yung tinutukoy mo no?" Unti unting nanlaki ang mga mata ni yeol at napatayo..

"H-ha?"

"Wag ka nang magsinungaling,  well obvious naman kasi lalo na noong first time tayong nagmet... i know i have no rights para magtanong. Pero ano bang nangyari?" Nag aalalang tanong ni irene. Chanyeol gritted his teeth, remembering those days. Yung panahon na ang gago niya para hindi makinig sa mga taong dapat pakinggan.

Kahit labag sa loob niya , nagkwento pa rin siya. Ito lang kasi ang way para mabawasan guilt at inis niya sa sarili. Nakinig naman si irene ng mabuti , walang kibo, walang kurap. Inaabsorb niya bawat scene at nainis din siya. Sino ba daw ang matinong tao na magagalit sa isang tao nang walang dahilan, malamang sa malamang magagalit si sehun. Nang matapos magkwento si yeol ay binatukan siya ng pagkalakas lakas ni irene.

"What the fvck?! What was that for?!" Inis na tanong niya habang hinihimas yung part na nabatukan. Nakatingin ng masama sa kanya si irene.

"Para kay baek yan. Iginanti ko lang siya"

"Pero sabi ko sa iyo nagsisisi na ako eh! Aishh! Hindi ko naman alam na mag eend ako sa ganito! Hindi ko alam na kakainin ko lahat ng sinabi ko! Mas lalong hindi ko alam kung mahal ko na ba talaga siya o nagguguilty lang talaga ako!" Chanyeol ruffled his hair sa sobrang inis. Umiling lang ulit si irene, mukhang hopeless at confused ang mortal niyang kaaway, konti na lang yata ay bigyan niya ito ng kutsilyo, para kasing gusto nang magpakamatay.

"Alam mo, di naman lahat madadaan sa sorry eh, pagkatapos ng ginawa mo sa kanya? sinong hindi susuko sa iyo. Gago mo kasi eh. Nasa harapan mo na, pinakawalan mo pa. Swerte ni sehun kay baek. Bagay nga sa iyo." The she stuck her tounge out.

"Nagpakwento ka ba sa akin para inisin o para tulungan ako?"

"Sino ba kasing may sabing tutulungan kita? Nagpakwento lang naman ako, wala akong sinabing tutulungan kita." At doon natahimik si chanyeol. Tama nga naman wala namang sinabi si irene na tutulong siya, ano ba ang inaasahan niya.

"Alam mo kung bakit hindi kita tinutulungan?" Napalingon agad si chanyeol kay irene. Ngumiti ito sa kanya itinuro ang ulo niya pagkatapos ay ang chest niya.

"Sarili mo ang makakatulong sa iyo. Gusto ko ikaw mismo ang makasolve niyan, wag kang aasa sa iba. Ikaw lang ang babago sa lahat ng meron ka. Gamitin mo ng maayos yang dalawang tinuro ko. You need to combine both, hindi yung nag aaway yung dalawa. Hindi yung pag gusto ng isa , susundin mo. Nagpakwento ako sa iyo para mag advice at hindi para konsintihin ka."

" Infairness, ako ang broken hearted at kailangan ng comfort at advice, pero baliktad yata ang nangyari?" Dagdag pa nito. He snorted, ayos lang daw ah.

"Edi inamin mong broken hearted ka? Bakit hindi ka umiyak ngayon? Makakatulong yan para magbawas ng sakit.." advice niya pabalik. Irene rolled her eyes. Ang galing din mag advice pero hindi kaya gawin yung advice niya.

"Hindi ako broken hearted, siguro medyo lang. Sandali lang naman  kaming nagkasama ni sehun kung ikukumpara sa inyo, kaya bakit ko naman kailangang umiyak? hindi kami galing ng PBB..  Alam mo? Ikaw ang broken hearted eh, mas kailangan mo yun.. iyak na, tayo lang naman ang nandito."

"Ayoko nga, nakakahiya"

"Ayaw mo pero tumutulo na yang luha mo, ayos ka ah." Hinawakan ni chanyeol ang pisngi niya at basa nga ito. Umiling siya , habang pinipilit na punasan ang mga mata niya, naiinis siya... kahit anong gawin niyang punas sa luha, ayaw pa rin tumigil sa pagtulo.

"Hindi to luha. Nagpapawis lang yung mata ko.."

"Galing mo talagang magsinungaling, hindi ko tuloy malaman kung anong nagustuhan sa iyo ni baek.." medyo natawa siya pero di nagtagal ay hinayaan na lang niyang umiyak siya ng umiyak. Ganito pala ang pakiramdam ng 'broken hearted' kung yun nga ang tawag sa nararamdaman niya, ngayon alam na niya ang naramdaman ni baek.

"Tulad nga ng sabi ko sa iyo ikaw lang makakapagbago sa buhay mo. Oo ito na, nakapag simula ka na ulit. Ano na ulit ang gagawin mo? Yun na ang pag isipan mo, wag kang padalos-dalos" hinimas naman ni irene ang likod ni chanyeol. Siguro daw may magandang maidudulot naman yung heart to heart talk nila. Ngayon nga lang sila nagkaroon ng matinong conversation, mukhang may mabubuong friendship!

Tumigil na sa pag iyak si chanyeol at niyakap si irene, pinat naman nito ang likod niya.

"T-thank you irene... thank you sa lahat. Kahit na lagi kitang inaasar, kinomfort mo pa rin ako kahit ikaw ang may kailangan.. sorry." Basag na boses na sabi ni yeol. Natawa si irene sa narinig niya, ang bilis lang kasing bumaliktad ang sitwasyon. Mas mukha kasing kailangan ni yeol ng advice kaysa sa kanya.

"Wala yun ano ba! kahit ganito ako, mabait naman ako. Don't worry mahal ka nun, tiwala lang!" Aniya at humiwalay sa yakap. Ngumiti si chanyeol at iniabot ang kamay niya. Nagtataka namang tinitigan ito ni irene.

"So Peace na tayo?" irene blinked thrice..

"Sure ka? Peace na? Hindi na tayo ceasefire?" Tumango tango si chanyeol at ginalaw galaw ang kamay niya. Agad namang napangiti si irene at kinuha ang kamay ni yeol para makipagshake hands.

"Peace!"

"Basta next time ha. Wag ka nang pumalpak. Ship ko na kayo ni baek.. Agad mo siyang agawin ah.. para sa akin na ulit si sehun hihi! walang kapatid, kapatid sa love at war ,yeolda!. kailangan brutal! Talian mo si sehun after mo hubaran! Akong bahalang tumorture sa kanya!" Sabi ni irene at tumawa ng malandi. Iniisip ni chanyeol kung bipolar ba siya o sadya lang niya.

Pinitik lang niya ang noo ng kanyang new 'friend'  at tumawa.

----

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro