25
25
Bumaba sa rooftop si chanyeol after magspend ng isang oras.. Nerefresh din ang utak niya at napag isipan na niya lahat ng nangyari.
Nang makapasok na siya sa room ay nakita niya si baekhyun na nag aayos ng gamit nito. Sila pa lang sa room, Lumapit siya at umupo sa harapan nito. Tumingin ito sa kanya kaya ngumiti siya sabay sabing..
"Good morning..."
Baekhyun gave him a weak smile, kita rin sa mata nito yung puyat. Hindi na pinansin ni yeol iyon at ipintong ang baba niya sa desk nito.
"Kamusta kayo ni sehun? H-how did it go?" Natigilan si baek sa sinabi niya, pagkatapos ay yumuko din ito sa desk.
"A-ayos lang.. I... He's my boyfriend now.." chanyeol stared at the brunette's hair. He wanted to caress it, it looks so soft pero pinigilan niya.
"Great, you should take care of him more from now on and im sure he will do the same thing.." aniya still staring at baekhyun, naramdaman niyang may kumurot sa puso niya pero inignore lang niya iyon. He should ignore his feelings..
Natahimik silang dalawa, Ang awkward at ayaw ni baekhyun ang pakiramdam na iyon.. iniangat niya ang mukha niya at nagulat siya dahil ang lapit ng mukha ni chanyeol sa kanya, naramdaman naman ni chanyeol na naiilang si baek kaya siya na ang unang lumayo..
"A-ahh, oo nga pala. Yung ano.. yung linta kumakapit pa rin ba sa kapatid ko?" Tanong ni yeol, yumuko naman ulit si baek para hindi makita yung pamumula ng mukha niya. Hindi talaga siya sanay na makipag usap ng normal kay chanyeol.
"S-si irene? Oo lumalapit parin siya kay sehun."
"Gusto mo dispatyahin ko na?" Medyo natawa siya sa sinabi ni yeol, ayaw na ayaw talaga nito kay irene. Napangiti naman si yeol nang marinig ang tawa ni baek. Sarap daw sa pandinig.
"Hindi , wag na. Si sehun na daw ang bahala... " tipid na sagot niya.
Ipinatong naman ni yeol ang kamay niya sa ulo ni baek, hindi na niya mapigilang hindi hawakin ang buhok nito. He tapped, ruffled and carressed it ,katulad na lang noong ginawa niya noong una silang magkakilala. Ang lakas ng tibok ng mga puso nila pero hindi na daw pwede. Magkaibigan na sila ngayon, no more, no less.
----
"Tara sehunnie! Libre mo na ako please?!" Then irene pouted, hindi na kaya ni sehun. Lunch break na at kailangan na niyang pumunta sa room ng boyfriend niya para makakain na sila..
Napangisi siya...
'Boyfriend...'
sarap lang daw sa pakiramdam na may label na siya. May owner na siya at si baekhyun iyon.
Napansin naman ni irene na nagdedaydream si sehun kaya hinalikan niya ito sa pisngi. Sehun glared at her.. Ayaw na talaga niya kailangan na talagang masolusyunan ito. Kung hindi, hindi niya makakasama si baek.
"Irene, stop this, please." Irene's smile fade away. Sumimangot lang siya.
"Bakit?"she asked, humarap siya dito.
"May.... may boyfriend na ako..." natigilan si irene at tumitig sa kanya.. ilang sandali pa lang ay ngumiti ito.
"Wow, sino yung lucky guy?" Tanong niya, nagulat si sehun dahil hindi ito nagalit.
"Si Baekhyun..." napangiti lalo si irene... pero kahit na ganoon , may part pa rin sa puso niya na nasasaktan.
"Buti naman, akala ko kung sino sino lang. Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?! Eto naman kung agad kang nagsalita edi binitawan agad kita.. sorry kung naging clingy ako ha? Sorry din pala sa kiss.. Ganyan kasi ako sa mga crush ko! Hihi! " Pinilit niyang maging cheerful ang boses niya and success! Pero crush nga ba? Totoo bang ganyan din siya sa mga crush niya Hindi, nagsinungaling si irene. Kay sehun lang siya naging ganyan.
"Hindi ka galit?" Hindi makapaniwalang tanong ni sehun. Tumango si irene..
"Bakit ako magagalit? At saka hindi naman ako yung tipong sisiksik sa isang tao kung ayaw naman talaga sa akin. So, sabihin lang sa akin na tumigil ako, titigil na ako habang maaga pa." Yan ang totoong irene, clingy man siya pero isang sabi mo lang sa kanya gagawin niya. Ayaw din niyang sumagabal sa mga taong may relasyon na, nagmumukha kasi siyang kabit at ayaw niya iyon.
Napayuko si sehun,bigla siyang naguilty.. tinap naman ni irene ang pisngi niya, parang sinasabi na rin niya na wag itong maguilty.. napaangat ng tingin si sehun.
"Sorry..." yan lang ang nasabi niya, umiling si irene...
"Wag kang mag sorry, wala kang kasalanan. At saka pwede pa rin naman tayong maging magkaibigan, ano ba!" Sabi ni irene at pinalo ng mahina ang braso ni sehun..
"So ano na? Di ka na pupunta ka baekhyun? Baka hinahanap ka na nun?" Dagdag niya. Napangiti si sehun.
"Pupunta na ako.. irene , thank you"
"Wala yun, naiintindihan ko naman" pagkatapos nito ay tumakbo na palayo si sehun para puntahan si baekhyun, napaupo si irene..
'At least hindi ako sobrang naattached sa kanya , hindi ba?' Isip niya .
---
"Okay lang sa kanya?" Nanlalaki ang mga mata na tanong ni baek,tumango si sehun at inakbayan siya. Nasa likod naman nila si chanyeol na naka-hands on pocket.
"Ang bait pala ni irene.." sabi naman ni sehun at tumingin kay chanyeol. Nagdugtong ang mga kilay ni chanyeol..
"Bakit?! Porke't pinakawalan ka kaagad , mabait na agad? Malay mo may pinaplano na ngayon yun." Sinamaan ni baek at sehun ng tingin si chanyeol. He ignored the two at inunahan sa paglalakad ang dalawa.
Mukha lang walang pake si chanyeol pero nag alala siya bigla kay irene kahit na nag aaway sila lagi..
Para kasing parehas sila ng sitwasyon ni baek pero ang kaibahan lang ay hindi naging harsh si sehun sa pagtataboy kay irene.
Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa couple. Magkahawak ng kamay ang mga ito, napaiwas siya ng tingin. Masakit sa damdamin mga chingus..
"Guys, una na kayo sa cafeteria. May nakalimutan lang ako sa room." Sabi niya at tumakbo para hanapin si irene.
Inikot na niya ang buong school at nakita niya ito sa loob ng gym,pawis na pawis sa pagsasayaw. Napaupo ito sa sahig at uminom ng tubig.
Hindi niya napansin ang paglapit at pagtabi sa kanya ni chanyeol.
"Okay ka na?" Tanong niya, nanlaki naman ang mga mata ni irene. Hindi niya ineexpect na si park chanyeol (ang nemesis niya) nandito sa tabi niya at tinatanong kung okay lang siya.
"Bakit ka nandito? Sinusundan mo ba ako? Sinasabi ko na nga ba , crush mo ako eh?!" Sabay turo kay chanyeol, he shoved irene's hands away at pinitik ito sa noo.
"Asa... Hindi ikaw ang crush ko no.. wag kang assuming" tumingin lang ng masama si irene sa kanya at pinitik naman nito ang tenga niya.
"Talaga? Eh sino naman crush mo. Malas naman niya, nagkagusto sa kanya yung alien.." chanyeol rolled his eyes. Ignoring irene's iritating laugh.
"Di, joke lang. Ayos lang ako, bakit ka ba nag aalala..." ngumiti di irene at yumuko..
"Kailan pa naging okay ang isang broken hearted? Alam ko gustong gusto mo si sehun, bakit di ka lumaban?" Pinaglaruan ni irene ang dulo ng t shirt niya at napatingin sa itaas.
"Kasi bakit pa kailangang lumaban kung ikaw lang ang lalaban? Matatalo ka rin naman . Eh kung pareha naman kayo ng nararamdaman may pag asa ka pang manalo.." napatitig si chanyeol kay irene. May part sa kanya na inaabsorb ang sinabi nito, at doon siya tinamaan .. pero mahal pa rin ba siya nito?
---
(A/n: part 2 pa.. sorry guys esp. SkylaireBANANA and ate hrzchlcrz kung lame, bangag kasi ako..)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro