21
21
Natulala ang lahat sa nangyari, pati na si kyungsoo at jongin na kararating lang. Buti nakita nila yun at napigilan si kyungsoo dahil konti nalang at mapapatay na niya si jongin.
Nag aaway kasi yung dalawa, paano ba naman lahat yata ng lumalandi kay jongin sa basketball court ineentertain niya.
Isang minuto ang nakalipas nang magreact si kyungsoo, bitter eh.
"AISH! BAKIT BA LAGI AKONG NAKAKAKITA NG MAKATI, BWISIT!" sigaw nito at lumabas ng cafeteria. Nag bow si jongin para humingi ng pasensya at tumakbo palabas para habulin si soo.
Si baek naman kumalma na habang si sehun ay nasa state of shock pa rin, ngumisi si irene at kumapit ulit sa braso ni sehun.
Bigla naman sumulpot si chanyeol sa kung saan at tumabi kay baek. Kumalma na rin si sehun at seryosong tumitig sa hyung niya, bigla siyang tinamaan ng selos.
'Ano ba sehun, tumabi lang siya. Hindi na niya babawiin si baek sa iyo, he promised' sabi ng isang bahagi ng isip niya. Pero may part pa rin na iniisip niya na nagkakagusto na ang hyung niya kay baek. Hindi naman imposible na magkatuluyan ang dalawa , tutal alam naman niya na si chanyeol pa rin ang mahal ni baek at hindi siya.
Para siyang sinaksak at sinampal sa naisip niya.
'Truth hurts sabi nga nila' umiling siya at tumahimik.
"Yo! Bakit may kiti kiti dito?" Turo ni chanyeol kay irene. Tumingin sa kanya ng masama si irene.
"Hindi ba, inispray na nila ng insecticide yung school? Bakit may natira?" Hirit pa niya at ngumisi.
"I really hate you park chanyeol.."
"Oh, thank you! The feeling is mutual. I hate you too." Nagngitian yung dalawa, parehas na inaasar ang isa't isa.
Hindi na pinansin ni irene si chanyeol at hinila na si sehun palabas ng cafeteria. Naaawa siya kay sehun gusto niya itong tulungan.
naawkward siya bigla dahil sila na lang pala ni chanyeol ang natira sa table, aalis na sana siya pero agad siyang hinawakan ni yeol sa braso para pigilan siya.
His heart started to beat so fast . Feeling niya lalabas ang puso niya sa rib cage niya sa sobrang kaba. Naiinis siya, bakit bigla bigla na lang bumabalik ang dati, nakalimutan na niyang mahl niya si yeol hindi ba?, di ba pwedeng mawala na lang lahat ng nararamdaman niya.
"Baek, wait.."Hindi siya lumingon, ayaw niyang makita ni chanyeol na namumula siya, nakakahiya daw.
"A-ano?" Ilang segundo siyang tumahimik bago mag salita.
"Gusto mo ba ng ice cream? Treat ko." Lumingon siya para ireject si chanyeol pero unti unti siyang natunaw nang makita yung sincerity at hope sa mata niya. Bakit ba siya naguguilty kung in the first place wala naman siyang kasalanan?
Napabuntong hininga siya, hindi naman siguro masama kung maging mabait siya sa kanya ng isang araw, hindi ba?
Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ni chanyeol, hinila niya ito palabas ng cafeteria.
"Tara, ice cream tayo." Napangiti si chanyeol sa narinig at hinigpitan ang hawak sa kamay ni baekhyun.
---
"Oh, strawberry.. paborito mo to hindi ba?" Natawa si baek at tinanggap ang ice cream na iniabot sa kanya ni yeol.
"thank you, Alam mo pala yung favorite flavor ko?" Sabi ni baek at yumuko.
"Napapansin ko kasi puro strawberry flavor ang binibili mo noon, kaya sa tingin ko paborito mo yan." Napangiti siya ng mapait, naaalala niya ang mga nangyari noon, pero hindi niya inakala na mapapansin iyon ni chanyeol, kung hindi kasi ito nakatingin sa phone tuwing magkasama sila , nakatingin naman ito kay dara sa di kalayuan.
"Baek?"
"A-ahh? Wag mo akong pansinin, wala to" ngumiti naman ng malungkot si chanyeol,naguguilty pa rin siya sa nangyari. Alam niya na naaalala ni baek lahat ng ginawa niya, he cursed himself because of that.
Minsan napapaisip siya , anong pakiramdam kung binigyan niya ng chance si baek noon? Anong pakiramdam na mahalin ang isang byun baekhyun? masarap ba? Masaya? Hindi niya alam, kasalanan niya kasi.
"Baek?" Tawag niya dito na kumakain ng ice cream. Hinawakan niya ang kamay nito na ikinagulat ni baek.
"H-ha?" Their eyes met , nagtitigan sila. Mas humigpit ang hawak niya sa kamay nito. Ang sarap pala daw sa pakiradam ang kamay ni baek.
"Pwedeng humingi ng favor?, please. Ngayon lang." Natigilan si baek sa sinabi ni yeol.
"A-ano y-yun?"
"P-pwedeng mag panggap tayo... Pwedeng magpanggap tayo na mahal mo pa rin ako. I just want to know kung sino yung taong pinakawalan ko.. hindi na ako hihingi ng kahit na ano sa iyo, gusto ko lang malaman yung pakiramdam kung hindi kita ipinagtabuyan noon." Natulala si baek sa sinabi ni chanyeol, nakatitig pa rin ito sa kanya at hinihintay ang sagot niya. Hindi siya makapag salita feeling niya naputol ang dila niya sa narinig. Ano nga ba ang dapat na sabihin niya?
" pagkatapos ng araw na to. You can ignore me o kaya magalit ka ulit sa akin. Please..."nakatitig pa rin siya sa kanya, hindi siya makapaniwalang , nagmamakaawa siya ngayon. Si park chanyeol, nag mamakaawa..
Nagdadalawang isip siya kung papayag siya o hindi. Pero wala naman mawawala hindi ba?
Ngumiti siya at tumango. Ngumiti din si chanyeol at hinalikan ang noo niya. Napapikit siya, ang sarap sa pakiramdam nito.
Ngayon araw lang daw , ngayon araw malalaman niya kung paano mag mahal ang isang park chanyeol na pinagkaitan sa kanya noon. Kakalimutan niya ang nangyari noon, at hahayaan ang sarili niya na maging masaya.
"I..." chanyeol muttered.
"Love you.." alam niyang kunwari lang pero bakit ganoon? Parang totoo?
Napailing siya sa naisip at ngumiti ng malapad sa matangkad..
"I love you too chanyeol" aniya at niyakap ng mahigpit si chanyeol, unti unting tumulo ng luha niya.. kung totoo lang ito at kung nangyari ito noon pa, siguro siya na ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo pero dapat itatak niya sa isip niya na..
'We're pretending..' mas lalo niyang ibinaon ang ulo niya sa chest ni yeol. Ang sakit isipin, ang sakit isipin na..
'We're just prentending that we're inlove, and it sucks.. love sucks...' isip niya at dinama ang yakap ng taong mahal niya. Pagbibigyan niya ang sarili niya, kahit ngayong araw lang.
---
(A/n:Thank you asdbaekdsa sa bagong cover ko ! Ganda nito, seryoso pero hindi talaga HD hahaha! Love lots, haha! Para sa iyo ito brad.. ㅋㅋㅋㅋㅋ
Happy 4 years with EXO guys!! ❤ let's stay with them poreber!!! Hahaha! Anniversary treat ko, isang maagang update haha! Enjoy!)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro