2
2
BAEKHYUN'S POV
"Yeollie!" Sigaw ko nang makita ko siya sa garden, hindi niya ako pinansin, nakalagay pala sa tenga niya yung earphones, kaya nilapitan ko na lang siya.
"Uy, giant ko" kalbit ko sa kanya, napalingon naman siya at napangiti naman ako. Ang gwapo talaga kahit kailan..
"What?" Irita niyang tanong then he gave me a cold stare, tinanggal niya ang earphones niya at hinintay akong magsalita.
"Date tayo bukas, tutal saturday naman tommorow. Let's spend the day, just the two of us" kumunot naman lalo ang noo niya sa sinabi ko.
"No, marami akong gagawin bukas" This time noo ko naman ang kumunot, alam ko nang mangyayari 'to kaya naka-ready na ang alas ko.Kinuha ko ang USB sa bulsa ko at ipinakita sa kanya.
Napa-smirk ako nang bigyan niya ako ng what-the-heck-ano-nanaman-yan-look.
"Alam kong irereject mo ako kaya nag-ready na ako, kita mo itong USB na ito? Nandito lahat ng nude pictures ni dara.. Ayaw mo naman sigurong kumalat 'to hindi ba?" Alam na niya ang isasagot niya, namumula na nga siya ngayon, namumula na sa galit.
"What the fvck baek! Ganyan ka na ba kadesperado?! You're crazy!" Bulyaw niya sa akin.
"Yup! Crazy for you! Ayiee! Nagbublush siya!" Lalong lumukot ang mukha niya, i know sobrang hate na niya ako sa mga ginagawa ko. Nang-aasar lang naman ako, cute niya kasi pag-naiinis.
"Oh, shut the fvck up" sabi nalang niya at bumalik sa pagbabasa ng libro, alam ko rin na nagtitimpi siyang saktan ako, ayaw lang niya sigurong ituloy dahil mukha akong babae. Sa pagkakaalam ko mataas ang respeto niya sa mga babae. So, advantage ko na pala 'to.
Umupo ako sa tabi niya at sumandal sa balikat niya, hinayaan na lang niya ako, siguro pagod na rin makipag-bangayan.
Naramdaman ko nalang yung ulo niya sa ulo ko, siguro nakatulog na 'to.. Napangiti nalang ako at kinuha ang phone sa bulsa, inopen ko yung camera at kumuha ng picture namin, ang cute niya pag tulog, kahit saang anggulo naman cute siya eh.
Itinago ko na ang phone ko at natulog, siguro kahit ngayon lang iisipin ko masaya siya sa akin, kahit ngayon lang.
***
This is the day! Ang first date namin ni giant! Nakaready na ang lahat, tinulungan ako ni jongin at kyungsoo para iset ang dinner date namin sa isang sikat na open garden, balita kasi namin maganda ang view dito tuwing gabi.
Sabi ni channie, dinner nalang siya makakapunta dahil may pupuntahan sila ng pamilya niya sa tagaytay, tinatanong ko si sehun tungkol doon at ang sabi niya ay totoo iyon kaya hindi na ako umangal.
Tinext ko sa kanya kung nasaan ako at kung anong oras kami mag-kikita.
To: Yeollie❤
Nasa 'The Sanctuary' ako, alam mo yun di 'ba? 6:00 pm i'll wait for you.
Umupo ako sa upuan at pinakalma ang sarili ko malapit nang mag 6 o'clock, excited ako kasi ngayon lang mangyayari 'to. Ang tagal ko nang pinangarap na maka-date siya, at gagawin kong memorable ito.
Hintay lang ako ng hintay hanggang sa umabot ng 30 mins. Siguro natraffic lang, traffic kasi yung way dito eh.
40 mins. na, siguro bumili ng roses o regalo, hintay lang dapat..
1 hour,
2 hours,
3 hours,
4 hours,
4 na oras na ang nakalipas pero wala paring chanyeol na dumarating. Nagulat na lang ako nang biglang tumunog ang phone, siguro si channie na 'to.
Agad kong sinagot ang tawag at hindi na tiningnan kung sino ang nakaregister sa phone.
"Yeollie! Bakit ba ang taga--"
[Baek, si kyungsoo 'to.. Umuwi kana, kami na ni jongin ang bahala diyan]
"Ha?! Bakit soo?! Baka maghintay si chanyeol! Hindi pa ako pwedeng umuwi!"
[Wala nang chanyeol na pupunta diyan, please baek umuwi ka na, uulan na, baka magkasakit ka pa]
Natigilan ako sa sinabi ni kyungsoo, napatingala din ako sa langit. Oo, uulan na nga. Pero hindi pa rin ako aalis dito hihintayin ko si yeol.
"Pupunta si yeol, soo. Nangako siya. I know darating siya, baka lang nagkaproblema kaya late siya.."
Narinig ko pa siyang bumuntong hinihinga, ngayon pa lang naiimagine ko na yung nag-aalala niyang mukha.
[Wait, baek. May isesend ako sa iyo, see for yourself at please umuwi kana nag-aalala na ako sa iyo]
Pinatay na niya ang call at ilang minuto pa lang ay may dumating na message sa akin.
Inopen ko ito at doon na nagsisimulang tumulo ang mga luha ko.
Kaya pala hindi siya pumunta kasi kasama niya si dara, nagdate sila sa isang sikat na restaurant.
Nang mabura ko na ang picture na sinend sa akin ni soo ay nagsimula nang bumagsak ang ulan.Hindi ako umalis sa pwesto ko at hinayaan ko lang na mabasa ako ng ulan, maghihintay pa rin ako baka sakaling dumating pa rin si yeol.
Naramdaman kong hindi na ako nauulanan, napansin ko rin na may lumapit sa akin.
Hindi kaya si...
"Yeol--!!"
Imbis si chanyeol ang nakita ko si sehun ang bumungad sa akin, may hawak siyang payong. Kaya pala hindi ako nababasa ng ulan. Kita sa mukha niya na nag-aalala siya.
"Tinawag ako ni kyungsoo, sabi niya nandito ka kaya pinuntahan na kita para sunduin." Bumagsak ang balikat ko at patuloy sa pag-iyak.
"P-pinaghandaan ko l-lahat ng 'to.Ginawa lahat ng 'to para lang maging memorable ang lahat, this is not what i expected.. T-tapos m-makikita ko nalang na magkasam sila? Nasayang lang ang l-lahat sehun" humahagulgol na ako sa oras na iyon, niyakap ako ni sehun at tinap ang ulo ko.
Ilang minuto lang kaming magkayakap, hindi na siya nagsalita at hinayaang ilabas ko lahat ng galit ko, sinusuntok suntok ko siya. Sabi niya isipin ko na siya si chanyeol at hayaan ko lang na ilabas lahat ng sakit.
Nang kumalma na ako ay humiwalay siya sa yakap at pinunasan niya ang mga luha ko. Kinuha ang cellphone sa bulsa niya at nagdial.
"Hello, kyungsoo hyung.. Oo , kasama ko na siya" tumingin ulit siya sa phone at iniloudspeaker ang call tinignan ko siya nang kunot ang noo, nginitian lang niya ako.
[Teka? Nasaan kayo? Nag-hihintay kami ni jongin dito. Hinahanap na rin siya ni luhan] nagpapanic na sabi ni soo.
"Magdidiner kami ni hyung dito, kyungsoo- hyung. Mamaya na kami uuwi" sabi ni sehun na ikingulat ko.
"Sehu--" magsasalita na ako nang pinutol ako no soo.
[Park sehun! Anong kalokohan nanaman yan? Tignan mo umuulan pa rin at saka basang basa na diyan! Umuwi na kayo kundi--]
Agad niyang pinatay ang call at nakangising tumingin sa akin, Ang bastos talaga kahit kailan.
"Hoy sehun! Nababaliw ka na ba?! Anong dinner ka diyan?!"
"Magdidinner tayo dito para hindi masayang yung hinanda mo." Sabi lang niya, binitawan niya yung payong at hinila ako papalapit sa table.
"O-oyyy! Sehun! Umuulan! Teka, Magkakasakit ka!" Hindi niya ako pinakinggan at pinaupo ako sa upuan. Oo nga, nagdate kami sa ilalim ng ulan.
"Wag ka nang umangal, hindi mo naman ako napipigilan kahit sermunan mo ako. Ginagawa ko 'to para sa iyo, para mapasaya kita" hindi ko alam pero napangiti ako sa sinabi niya.
Kahit na puro kalokohan lang si sehun ay siya ang pinaka-sweet sa mga nakilala ko. He never fails to make me smile.
Kung may nakakakita siguro sa amin ngayon, iisipin nilang baliw kami. Kinain nga namin yung pagkain na niluto ni soo kanina. Kahit basang basa yung pagkain ay tiniis naming ubusin.
Nang matapos kumain ay tumayo siya aa harapan ko at inilahad niya ang kamay niya, ten seconds yata akong nakatingin sa kamay niya. Natauhan lang ako nang natawa siya.
"B-bakit? Wala akong pera.." mas lalo siyang natawa sa sinabi ko at umiling iling.
"Baek, will you dance with me?" 1 min. Naman nang madigest ko yung sinabi niya. Lalong lumapad ang ngiti niya nang hinawakan ko ang kamay niya para sumayaw..
Sumayaw kami ng slow dance kahit walang music.
"Isipin mo nalang na may music tayo , para mas romantic" sabi niya sabay wink..
"Romantic na ba 'to?" Sabi ko at tumawa.
"Oo, Unique ng date natin oh. Nagdedate habang umuulan, ayaw mo? Don't worry napilitan lang ako na idate ka.." aniya at tumawa ng malakas.
"Ah! So ganon?! Halika nga dito!!" Agad siya tumakbo, at hinabol ko siya. Ang laking tao talaga nito, mahabol masyadong mahaba ang legs, huhu! Bakit pinagkaitan ako sa height? T^T
Tawa lang kami ng tawa paikot ikot at nag-hahabulan. Bumalik kami ulit sa slow dance..
Ipinatong ko ang mga braso ko sa leeg niya and i even rested my head into his chest, hearing his heart racing.
"Ang bilis ng tibok ng puso mo, kinakabahan ka ba?"
"Uy, di ah!! Pagod lang 'to. Kulit mo kasi eh.." he said then chuckled, natawa rin ako.
"Hyung.."
"Hmm?"
"Mas magandang sumuko ka na, pagpumilit ka pang kumapit sa kanya baka lalong masaktan ka. Three years ka nang naghahabol pero ni minsan pinahalagahan ka niya. Hyung nasasaktan ako pag nakikita kitang nasasaktan" tumingala ako para tignan siya, seryoso lang siyang nakatingin sa akin.
Pero parang may Iba pa akong nakikita.
Love?
No, hindi baek, imposible.
"I know Se, nakapagdesisyon na ako."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro