Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

19

19

Third person's POV

Tahimik lang na naglalakad si luhan at chanyeol. Kanina pa sila naglalakad, lahat na yata pinuntahan nila, shops, arcade at toy store.

Alam ni luhan na nag dadahilan lang ang mga hyung niya kanina para makapag solo si baek at sehun at hindi niya iyon gusto.

"Luhannie? Are you okay?  Kanina ka pa tahimik" Medyo nagulat si luhan nang kausapin siya ni chanyeol na hawak hawak ang kamay niya. Napayuko siya at namula.

Crush niya daw kasi si chanyeollie hyung, pero kahit na crush niya si chanyeol hyung , mas gusto daw niya si sehunnie.

"Are you shy?" Tumango siya at tumingin kay chanyeol, chanyeol chuckled then pinched luhan's cheeks, ang cute lang kasi.

"Tara ice cream tayo!" Yaya ni chanyeol, nagliwanag bigla ang mukha ni luhan sa narinig.

Nang makabili sila ay agad silang pumunta sa mini garden ng mall at doon tumambay.

Hindi maiwasan na hindi tignan ni luhan si chanyeol. Alam niya, alam din niya na si chanyeol ang gusto ng hyung niya at hindi si sehun. At hindi na siya nagtaka kung bakit nagkagusto ang hyung niya kay chanyeol, ang gwapo kasi ni yoda.

Napansin naman siya ni chanyeol kaya ngumiti ito..  lalo naman namula ang bata sa ginawa ng higante.

"Chanyeollie hyung?"

"Hmmm?" Nakatingin lang si chanyeol sa kanya at naghihintay ng sagot. He licked his ice cream bago magsalita.

"Gusto mo ba si baekkie hyung?" Natigilan si chanyeol sa sinabi ng bata. Oo kailangang gawin ito ni luhan para kay baek at sa pagmamahal niya kay sehun.

"H-hindi..Bakit mo natanong yan?"napayuko  si luhan at nilaro ang dulo ng tshirt niya

"Pwedeng gustuhin mo nalang si baekkie hyung? Pwedeng kayo nalang?" Nanlalaki ang mga mata ni chanyeol sa sinabi ni luhan. Nagtataka siya, bakit gusto  niyang maging sila ni baekhyun.

magsasalita na sana siya para sagutin ang tanong ni luhan nang mag ring ang phone niya, medyo nataranta pa siya sa pagsagot nito.

[Hello hyung!] Nagtaka na si chanyeol dahil sa tingin niya galing sa pagtakbo si sehun.

"Oh, bakit? Bakit ka hinihingal? May problema ba?"

[S-si baekhyun , hyung! Si baek! Tulungan mo ako dali!] Napatingin siya kay luhan na nakatingin sa kanya.

"Teka! Sabihin mo kung anong nangyari! Anong nangyari kay baekhyun?!"

[Nawawala si baekhyun!] Nagsimula nang makaramdam ng panic si yeol. Tumingin ulit siya kay luhan na nag aalala na.

"Maghintay ka diyan! Papunta na kami!" Sabi niya at pinatay na ang kabilang linya. Tumayo siya at hinawakan ang kamay ni luhan.

" anong nangyari kay hyung, chanyeollie hyung?" Tanong ng bata, lumuhod siya para makatapat si luhan at ginulo ang buhok nito.

"We need to find your hyung. Nawawala siya." Nang sinabi iyon ni chanyeol ay nangingilid na ang mg luha ni luhan. Mas lalong nataranta si yeol at pinakalma ito.

"L-luhan, don't cry. Makikita din natin ang hyung mo! Matapang siya, kaya na niya ang sarili niya kaya cheer up!" Tumango si luhan at nagsimula na silang pumunta kay sehun.

----

"Nasaan na kaya yun? Medyo mahina pa naman sa directions.."

"Bakit ba kasi siya nawala?"

"Naanod kasi ng mga fans kanina nang dumating yung Eso? Ekso ba yun?"

Kanina pa naglalakad si sehun, chanyeol at luhan. Di parin nila macontact si baekhyun at kanina pa sila nag aalala.

"Eh, kung maghiwalay tayong hanapin siya? Malaki itong mall, hindi tayo agad matatapos kung sabay sabay tayong maghahanap" tumango si sehun sa suggestion ng hyung niya.

Nagsimula na sila sa paghahanap, sumama si luhan kay sehun sa paghahanap, syempre moment din nila daw yun.

Ilang oras na naghahanap yung tatlo at mag-gagabi na, habang naglalakad ay may nakitang pamilyar na bulto si chanyeol sa isang shop.

Nanlaki ang mga mata niya sa nakita.

Si baekhyun, hilahila ng isang babae.

Tinitigan niya ang babae, masyado daw maganda yung babae para maging kidnapper. Pumunta sa counter ang babae.

Tumakbo siya papasok ng shop at   agad na hinawakan sa braso si baekhyun. Nagulat pa ito sa ginawa niya.

"Ch-chanyeol?" Ilang sandali pa lamang ay nasa harapan na nila ang babae.

"Hey, bitawan mo nga siya! Sino ka ba?" Utos ng babae sa kanya, kumunot ang noo niya. Ayaw niya sa lahat inuutusan siya lalo na kung hindi niya kakilala o kaclose man lang.

"Ako ang boyfriend niya bakit?! Ikaw sino ka ba?!" Dumoble ang laki ng mata ni baekhyun sa sinabi ni chanyeol at si chanyeol di man lang narealize kung anong sinabi niya .nataranta   naman yung babae.

"A-ay! Boyfriend mo pala ito? Sorry baek ! Sorry kung ang rude ko! My gosh! Ang gwapo pala ng boyfriend mo!" Inialis ni baek ang kamay ni chanyeol sa braso niya at hinarap ito.

"T-teka?! Anong boyfriend?!" Bulong niya, nahihiya na siya dahil pinagtitinginan na sila ng mga tao.. Nang marealize ni chanyeol ang sinabi niya ay agad niyang dinepensahan ang sarili niya.

"A-ah! B-boyfriend ..  K-kaibigang lalaki, ganoon! Don't  misunderstood what i just said! O-okay?!" The girl just rolled her eyes, hindi pa rin naniniwala. Sa tingin niya nagsisinungaling si yeol kaya di na siya nagtanong ulit.

"By the way im irene and you're?"iniabot ni irene ang kamay niya kay chanyeol. Tinitigan lang iyon ni chanyeol, naiinis  pa daw kasi siya.

"I'm your nightmare" he glared at her, siniko naman siya ni baekhyun. Napatingin din siya ng masama kay baek.

"Irene, pagpasensyahan mo na si chanyeol, may topak eh. Nabili mo na ba lahat ng kailangan mo?" Tumango si irene at iniaangat ang paperbag na hawak niya.

"Teka! Bakit ba kayo magkasama? Bakit hindi mo kami kinontact? Nag aalala kami!" Sabi ni chanyeol.. cold lang siyang tinignan ni baek.

"Tawagan mo na si  sehun at luhan, magpapaliwanag ako pag nandyan na sila" sabi nito at lumabas ng shop, sumunod si irene sa kanya habang siya naiwan na nakatayo sa shop.

---

(A/n: pagpasensyahan niyo yung update, guys. Medyo blanko talaga ako haha.

So sa portrait, congrats asdbaekdsa paki PM  nalang po yung address niyo at kung sino yung dalawang exo members na gusto mong ipadrawing nakalimutan niyo po kasing ilagay.

Sa mga sumali po, sorry at salamat po ulit. Next time po uulitin ko ito. [Note: tatlo po kaming namili ng nanalo hehehe, hirap kasi mamili] thank you again. :))

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro